Showing posts with label plurk. Show all posts
Showing posts with label plurk. Show all posts

Insert Korning Title or Para sa mga Kaibigan Kong Piniling Umibig

22 May 2010

('Ano nanamang kalokohan to Ernie?' Sasabihin n'yo)


Una sa lahat, nais kong mag-alay ng papuri, pagbubunyi, paghanga, pagkawindang, chocolate chip cookies, at buhay na manok para sa inyo (o sa atin, waterbear). Palakpakan para sa mga sira-ulong pinili pa ring umibig kahit ano pang pagkadurog ng puso, pagkapaminta ng pagkatao, ay pagka abo ng kaluluwa na nakikita natin sa TV at sinehan (o illegally downloaded sa computer), na talaga namang negatively reinforcing. Mabuhay ang mga sira-ulong walang pakielam sa lahat ng kabulastugang yuon at tumutunganga lang para sa happy ending. Matapang ka, sabihin mo mang hindi mo pinili maramdaman ang nararamdaman mo ay, oh well, nandyan pa rin yan. Aminin mo man o hindi ginusto mo yan, umibig ka at hindi mo ginawa ang mga pwede namang gawing pag-iwas o paglublob ng puso sa liquid nitrogen.

Hirit ng nagmamarunong na takot naman sa mga terminolohiya o ng nahihiyang gumamit ng salitang 'pag-ibig' kasi wow pare ang lalim o di kaya'y ew tsong baduy; Hindi ako umiibig/hindi pa ito pag-ibig/hindi ako naniniwala sa pag-ibig, I'm just fond of her ('at ganun din s'ya sa akin' optional). The hell, ano ba ang problema ng iba sa atin sa terms? Salita lang ito kaibigan, ang ibig sabihin sa ingles ay 'like'. Ibig, ibig, ibig, 'pag-ibig', 'umiibig', 'mag ibig ka ng tubig pampaligo ng ate mo'. Salita lang ito kaibigan, walang dahilan matakot sa salita, tao ang nagluluwa ng salita (pamisa'y kinakain pa nga, ew). Salita mo yan, labo naman matakot.

So anyway, ayun nga, congrats, magaling, mahusay. Medyo mabigat lang yung feeling n'yan sa simula pero biglang gagaan na lumilipad ka na tapos bibigat ulit kaya mahuhulog ka. Kasamaang palad lang talaga at walang sasalo sa'yo. Ganito ang tingin ko sa pag-ibig; Parang pagkahulog sa bangin, sobrang lalim na bangin na parang yung bangin na kinahulugan ni Alice sa Alice in Wonderland nung sinundan n'ya yung nagsasalitang kuneho. Sa simula ng pagkahulog mo'y natatakot ka, habang tumatagal nalilimutan mo na ang tungkol sa pagkahulog at nagiging masaya ka, ineenjoy mo ang experience, sinimulan mo itong tawaging pag lipad at hindi pagkahulog. Tapos maiinip ka, wala ka nang magawa, hindi mo na ma-enjoy, wala nang bago. Hindi na dramatic, romantic, o metaphoric yung nangyayari kundi pathetic na lang. Nahuhulog ka na lang talaga, at babalik yung takot, dahil naalala mong walang nahuhulog, na hindi bumabagsak. Malulungkot kang hindi mo mapigilan ang pagdating ng sakit, naiinis ka, pero mas namamayani yung lungkot.

Ang pag-ibig, yung tunay, ay yuong nabubuhay pa pagkatapos ng pagkahulog sa lupa, bumangon sa pagkakasalampak sa sahig, tinanggap na putsa ang sakit ng buong katawan ko buti na lang imortal ako. At habang masakit pa, habang nagsisimula pa lang maghilom, ay sinimulan nang akyatin yung bangin na kinahulugan, dahan-dahan. Ang tunay na pag-ibig yung aakyat at tatalon at aakyat at tatalon ng paulit-ulit. Hanggang sa maging magkasing saya ang pagkahulog at ang pagakyat, kahit na ang ibig sabihin nuon ay hindi na ito aabot sa dating all-time high ng kasiyahan. Hanggang sa malimutan mo na ang tungkol sa pagbagsak, pagtama sa lupa, at maging tungkol na lang ito sa pagkahulog, sa pagpapaubaya sa mundo na hilahin ka, tapos ipahiya ito sa pamamagitan ng pagbangon at pag angat. Di bale na yung sakit, di bale na yung mga sugat.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi yung sa exciting na parte, ang tunay na pag-ibig yung nabubuhay sa monotonous. Yung hindi na importante sa'yo kung di ka na dinadalhan ng bulaklak o minamasahe. Hindi na importante kung nababawasan ang oras n'ya para sa iyo. Hindi na importante sa'yo na magpakita pa ng affection, at hindi ka na rin naghihintay noon, sapat na sa'yo ang bagay na kayo ang magkasama. Na pinili n'yo ang isa't isa bilang patunay na nagmamahalan nga kayo. Yuong parte na s'ya ng paulit-ulit at boring mong buhay, hindi lang parang birthday party na one-time big time. Ang tunay na pag-ibig wala nang pakielam sa pag-ibig, ang tunay na pag-ibig nasasanay, at wala nang alam na ibang pamamaraan ng pamumuhay kundi ang magmahal. Wow ang korni na.

(Sabi nila experience is the greatest teacher, sabi ko naman, it's not the only teacher. Mula sa kasanayan ko sa kakapanhik sa iba't ibang bangin, hanggang sa mas naeenjoy ko na yung pag tama sa lupa kesa sa pagkahulog. Kaya ko lang naman sinulat to dahil kinikilig ako sa pag-ibig ng mga iba d'yan, pero iniisip ko ding mas maganda kung kahit wala na yung kilig, nandoon pa rin yung pag-ibig)

(Hindi ko alam kung may sense yun)

A conversation (Flash Fiction)

14 December 2009

http://www.plurk.com/p/2z83jx
Isang Mabilis na ginawang fiction, presented sa format ng Plurk.

Free

15 March 2009

*sigh*

 

I don't know where my yellow notebook is, this is the second time I lost a yellow notebook. I will never buy a yellow notebook ever again, unless its really cool, or really cheap.

 

the best things in life are free, free, free, free, freeeeeeeee. I am falling out of the sky, I am a piece of cloud, torn of my mother cloud like cotton candy, I fall to the earth, I feel free. Its the best thing that has ever happened to me.

 

The beer doesn't taste right, it tastes like beer, but it tastes like wrong beer, you know what I mean? Drink beer alone, drink beer with my dog, drink beer before sleeping, I want to be drunk, I need to be, I am trapped and escaping.

 

This doesn't make much sense, does it?

 

I guess its not as easy as it looks, and it looks like hell on earth.

 

Funny, I never thought of it that way. Well, I never gave anything much thought for,  I don't know, two years? Its been a long long long long long long time, I miss thinking, maybe that's all that has been missing in my life all this time.

 

Fuck you, that was uncalled for, fuck you, fuck you, just because I'm better at it than you are you have to throw a low blow, fuck you.

 

Hey there friend, missed me have you?

 

The best things in life are free, i'm free, the best thing in life is me.

Hirap mo namang Tsempuhang mag-isa

18 January 2009

(title mula sa isang linya sa ODID)

Nariyan ka, nandito ako, wala sanang problema kung wala din sila, kaso nariyan sila.

Ang hirap mo namang tsempuhang mag-isa.

Darating ka't makikihati sa kanilang tawanan, ang magagawa ko lang ay pagmasdan ka at magkunwaring okey lang sa akin kahit na nandyan pa sila at di kita makausap mag-isa.

Sana naman mapansin mo na nabuburyong ako, nalulungkot ako, naiinis ako sa sarili ko na hindi ko masabi sa'yo kasi ayoko sabihin sa'yo habang di sinasadyang nasasabi din sa kanila. Hindi naman sa nahihiya ako sa nararamdaman ko, nahihiya ako sa mga iniisip kong baka nararamdaman mo, o mas tama bang sabihing hindi mo nararamdaman?

Nagawa ko na pala dati yun, yung tayong dalawa lang, yung kwentuhang walang point, medyo seryoso, medyo hinde, medyo ranting, medyo dramatic, sabi ko romantic, sabi mo "EeeeW", haha. Nakakatuwa naman, yun na yata ang paborito kong araw, este, gabi pala.

Hindi na yata mauulit ang ganoong gabi, sana kahit hindi gabi, pinakamatagal na kitang na solo ang tatlumpung segundo kapag may araw, tapos umalis ka din. Sayang, iba pa man din ang tama ng araw sa'yo noon, parang tumaas ang albedo mo, bigla ka naging reflective, glowing, basta, ang ganda mo talaga.

Putsa, hindi na ako maninigarilyo pag nandyan ka, matsempuhan lang kita mag-isa. Pero masisisi mo ba ako kung magsisindi ako? Kinakabahan ako ng grabe, pangtanggal ng tensyon kumbaga, nanginginig nga ang kamay ko sa lighter, at bigla bigla na lang nagkakaroon ng pawis na wala naman dun kanina.

Hirap mo naman tsempuhang mag-isa.

Kung Bakit Ayoko ng Plurk

17 October 2008

Ayoko ng Plurk,

Ayoko ng Plurk dahil ang genius ng ideyang ito, hayaan lang silang maglagay ng one liners at kalayaang magkumentuhan sa mga one liners na ito. Bigyan mo sila ng reinforcer at punishment (karma system) kapag nag plurk sila, taasan ang karma, bigyan ng bagong features, pag hindi, babaan ang karma, pagkaitan ng features.

Ayoko dahil hindi ako makapagpaliwanag ng ganito, may comment na kaagad bago ka makapagpaliwanag, mahirap, parang YM lang na grabe ang lag. Ayoko dahil nakaka-adik, masyado madaming pwedeng gawin, masyado nakakaengganyo na mag lagay ng madaming plurk dahil maiikli lang ang nilalagay mo

Ayoko ng Plurk kasi mawala ka lang ng isang araw ay isang milyon na ang hindi mo nabasang plurk mula sa mga katropa mo, kung ano-ano, lahat masarap komentan, para ka tuloy nakakain ng isang buong happy pizza mag-isa.

basta ayoko ng plurk, kaya hindi ako magpapataas ng karma, masaya na akong pwede ko na pangalanan ang page ko. 

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger