Showing posts with label psyca. Show all posts
Showing posts with label psyca. Show all posts

Like, UP PsycA. Masaya!

22 June 2010

UP Psychological Association is Recruiting nanaman!

This like so my opportunity na to be part of their super cool and astig org!
They're so masaya, and parang makulit and all that and I'm gonna sms super cutie Andrew so I'll sign up to their parang application process that I heard was like wala lang, super dali. Unlike those evil evil hitler-esque app process from other orgs, like jeez.

So sign up na rin you guys! It's funner if we're many-er!

Andrew (cutie!): 09062419814
Boppers (super nice!):09176116399

Insert Korning Title or Para sa mga Kaibigan Kong Piniling Umibig

22 May 2010

('Ano nanamang kalokohan to Ernie?' Sasabihin n'yo)


Una sa lahat, nais kong mag-alay ng papuri, pagbubunyi, paghanga, pagkawindang, chocolate chip cookies, at buhay na manok para sa inyo (o sa atin, waterbear). Palakpakan para sa mga sira-ulong pinili pa ring umibig kahit ano pang pagkadurog ng puso, pagkapaminta ng pagkatao, ay pagka abo ng kaluluwa na nakikita natin sa TV at sinehan (o illegally downloaded sa computer), na talaga namang negatively reinforcing. Mabuhay ang mga sira-ulong walang pakielam sa lahat ng kabulastugang yuon at tumutunganga lang para sa happy ending. Matapang ka, sabihin mo mang hindi mo pinili maramdaman ang nararamdaman mo ay, oh well, nandyan pa rin yan. Aminin mo man o hindi ginusto mo yan, umibig ka at hindi mo ginawa ang mga pwede namang gawing pag-iwas o paglublob ng puso sa liquid nitrogen.

Hirit ng nagmamarunong na takot naman sa mga terminolohiya o ng nahihiyang gumamit ng salitang 'pag-ibig' kasi wow pare ang lalim o di kaya'y ew tsong baduy; Hindi ako umiibig/hindi pa ito pag-ibig/hindi ako naniniwala sa pag-ibig, I'm just fond of her ('at ganun din s'ya sa akin' optional). The hell, ano ba ang problema ng iba sa atin sa terms? Salita lang ito kaibigan, ang ibig sabihin sa ingles ay 'like'. Ibig, ibig, ibig, 'pag-ibig', 'umiibig', 'mag ibig ka ng tubig pampaligo ng ate mo'. Salita lang ito kaibigan, walang dahilan matakot sa salita, tao ang nagluluwa ng salita (pamisa'y kinakain pa nga, ew). Salita mo yan, labo naman matakot.

So anyway, ayun nga, congrats, magaling, mahusay. Medyo mabigat lang yung feeling n'yan sa simula pero biglang gagaan na lumilipad ka na tapos bibigat ulit kaya mahuhulog ka. Kasamaang palad lang talaga at walang sasalo sa'yo. Ganito ang tingin ko sa pag-ibig; Parang pagkahulog sa bangin, sobrang lalim na bangin na parang yung bangin na kinahulugan ni Alice sa Alice in Wonderland nung sinundan n'ya yung nagsasalitang kuneho. Sa simula ng pagkahulog mo'y natatakot ka, habang tumatagal nalilimutan mo na ang tungkol sa pagkahulog at nagiging masaya ka, ineenjoy mo ang experience, sinimulan mo itong tawaging pag lipad at hindi pagkahulog. Tapos maiinip ka, wala ka nang magawa, hindi mo na ma-enjoy, wala nang bago. Hindi na dramatic, romantic, o metaphoric yung nangyayari kundi pathetic na lang. Nahuhulog ka na lang talaga, at babalik yung takot, dahil naalala mong walang nahuhulog, na hindi bumabagsak. Malulungkot kang hindi mo mapigilan ang pagdating ng sakit, naiinis ka, pero mas namamayani yung lungkot.

Ang pag-ibig, yung tunay, ay yuong nabubuhay pa pagkatapos ng pagkahulog sa lupa, bumangon sa pagkakasalampak sa sahig, tinanggap na putsa ang sakit ng buong katawan ko buti na lang imortal ako. At habang masakit pa, habang nagsisimula pa lang maghilom, ay sinimulan nang akyatin yung bangin na kinahulugan, dahan-dahan. Ang tunay na pag-ibig yung aakyat at tatalon at aakyat at tatalon ng paulit-ulit. Hanggang sa maging magkasing saya ang pagkahulog at ang pagakyat, kahit na ang ibig sabihin nuon ay hindi na ito aabot sa dating all-time high ng kasiyahan. Hanggang sa malimutan mo na ang tungkol sa pagbagsak, pagtama sa lupa, at maging tungkol na lang ito sa pagkahulog, sa pagpapaubaya sa mundo na hilahin ka, tapos ipahiya ito sa pamamagitan ng pagbangon at pag angat. Di bale na yung sakit, di bale na yung mga sugat.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi yung sa exciting na parte, ang tunay na pag-ibig yung nabubuhay sa monotonous. Yung hindi na importante sa'yo kung di ka na dinadalhan ng bulaklak o minamasahe. Hindi na importante kung nababawasan ang oras n'ya para sa iyo. Hindi na importante sa'yo na magpakita pa ng affection, at hindi ka na rin naghihintay noon, sapat na sa'yo ang bagay na kayo ang magkasama. Na pinili n'yo ang isa't isa bilang patunay na nagmamahalan nga kayo. Yuong parte na s'ya ng paulit-ulit at boring mong buhay, hindi lang parang birthday party na one-time big time. Ang tunay na pag-ibig wala nang pakielam sa pag-ibig, ang tunay na pag-ibig nasasanay, at wala nang alam na ibang pamamaraan ng pamumuhay kundi ang magmahal. Wow ang korni na.

(Sabi nila experience is the greatest teacher, sabi ko naman, it's not the only teacher. Mula sa kasanayan ko sa kakapanhik sa iba't ibang bangin, hanggang sa mas naeenjoy ko na yung pag tama sa lupa kesa sa pagkahulog. Kaya ko lang naman sinulat to dahil kinikilig ako sa pag-ibig ng mga iba d'yan, pero iniisip ko ding mas maganda kung kahit wala na yung kilig, nandoon pa rin yung pag-ibig)

(Hindi ko alam kung may sense yun)

May alam ka ba?

18 March 2010

Reminiscing ACLEs

27 January 2010

Of my UP life, 8 ACLEs have come and 7 of them have passed, the latest one is this year and I'm happy to somehow be a part of UP PsycA's ACLEs this year even if I'm not on campus (though being part merely means I came up with the title and made some posters) I like ACLEs in general and this is just to remember those that passed.


During my First year I never attended ACLEs, to me they we're just an excuse to go home early. I was never required to attend any nor did I go to any extent of actually wanting to attend any, ACLE topics from organizations bore me, they we're repetitive and unimaginative. Photography crash courses and stuff about comic books are the only things that caught my eye on the bulletin boards, so no, I did not like ACLEs back then.

During my second year I was already part of UP PsycA when the ACLEs started, UP PsycA's ACLE during the first sem was a team up with UP Kustura, an org of people from Marikina. We didn't attend that, we went up to Vinson's to attend an ACLE with Papa Dom about Reggae music and the Rastafarian ideology. In hindsight, I did ask a lot of stupid questions that day, but I did get a picture with Papa Dom and got his autograph.

The Second sem Ate Meme was bugging us about what to present, I had recently watched the film Umaaraw, Umuulan starring Ryan Agoncillo and suggested we show that to people. It was typically uneventful, we had a few people in and it was merely an excuse for me and Jammin to get to smoke in the fourth floor classroom we reserved for the event. Ate Meme gave a little talk about Schizophrenia as well, which she did real well as it apparently was her report for her Psych 155 class.

When we took over PsycA during our third year we wanted our ACLE to be a something people would actually WANT to go to, not have to. I can't remember who actually came up with the idea (I'd like to say it was me, but I'm not sure) that we make a film about Zorro, the costumed mascot of the Academic Oval. It was originally a film, that boiled down to a documentary (or a lousy excuse for one) about Dennis Magtajas, the guy behind the mask. So that's what we called it, "Sa Likod ng Maskara: Ang Stigma ni Zorro". I starred in that docu and did voice acting for that as well, I interviewed Zorro and his father and we built a pretty good picture of who the guy is. This is when we started the lucky streak of speakers, Prof. Rosel from the Psych Department who teaches Abnormal Psychology was a great speaker and did more than we expected from her, which is saying something. We expected a lot from her, she delivered and we we're in awe. The room was filled to doors, and it was a booming success. We knew by then that when we're gonna do events, we can't just pull something off, we have to raise the bar.

The next one we did was something about food, apparently Ging wanted something that had something to do with food. The original professor we wanted to invite was to be invited if only to discuss the "tingi mentality" of Filipinos when it comes to food, he declined the invitation and suggested we ask Prof. Cosare instead. If anybody was an expert at Food Psychology it was him, he knew it, he may be the only one who knew it in the country or even the region. He was more prepared than we we're! We pestered a few people to attend it and we got to fill the room with people, who happily taste tested everything the professor brought (he had wine, and we we're warm all day because of it) and the free isaw we gave away at the end. Again, we raised the bar, apparently Prof. Cosare became popular because of this and was invited to two other ACLEs, one for last sem and another one for this semester.

The Last one was something that you would've expected from a Psychological organization. It was about reading minds "We Can Read Your Mind" as we called it, and we invited a former private investigator (a professor of Rose and a classmate of Mhe-Ann) from BA. Sorry to say I forgot his name, he is a young professor who knew what he was talking about. We also invited Prof. Ed Decenteceo from the Psych Department as a reactor to the event, he was wonderful and provided an opening for this year's ACLE about paranormal psychology. Sir Ed talked about how behavior and body language affects us, how he applies it in acting, in his counseling, in teaching, and a crash course on "Heart Chakras" and the spiritual things like that. I put great publicity as number one reason we filled the Big AS room (96 people! we had to borrow chairs from adjoining rooms and STILL have people standing) Tinek did a wonderful job with the pubmats and I think the success of our previous ACLEs proved fruitful as I saw familiar faces from our previous ACLE joining us that day. As usual, hosting duties fell on me despite me being out of school that semester, during the technical difficulties part in the start I would like to believe the little research I did on Evolutionary Psychology and how our evolution has affected our body language did well in burning up time for the audience. We also showed an episode from the TV series "Lie to Me" about micro expressions. All in all it was the best we ever pulled off and we have been raising the bar of ACLEs ever since we took over. ACLEs now are getting more and more interesting and I hope I'm not being rude by assuming it was because UP PsycA has sworn never to do anything mediocre when it comes to ACLE. We wanted to do something nobody else has ever done, and people who we don't even know go to our ACLEs to actually learn, and that is the idea behind ACLEs anyway. We don't bring in big and popular names or pop topics, we choose topics we like and we know people should learn about.

I hope I'm not jinxing UP PsycA's good ACLE record with this but the latest one, about Parapsychology is proving to be something to be proud of as well, we cut it close this time but I guess we're pulling it off real good as usual. So reader, you heard it from me, UP PsycA raised the bar when it comes to ACLE, and we're not done yet.

Have You Ever Wondered What Could be Beyond Our Senses?

UP PsycA 
presents
Beyond Senses : Understanding Parapsychology

An Alternative Learning Classroom Experience (ACLE)

With a demonstration with Fr. Jaime Bulatao, Ph.D. (an Expert in Parapsychology)

Reactors:
Prof. Aurora Mendoza, Ph.D.
Prof. Edwin Decenteceo, Ph.D.

See you at PHAn Lobby
1-4 PM January 28, 2010

Drunken Miss

27 November 2009

Stuff I Did Wrong, reason as to why I was unable to do a proper commute and had a few buddies worried.
-I didn't count my beers. I could've gone eight to ten beers if only I was in condition and I followed my drinking rules, but it was a fun night, so I said screw the rules.
-Drank non-beer alcoholic, again screwing up my limit monitoring.
-Tried to battle my enemy, rhum, and it proved that even if it gave me the handicap of being mixed with cola I still lose. One day Rhum, we will fight, and I will have my revenge, you have hit me the wrong way so many times and all my attempts to finally have a session with your presence and get home alright. I did way better than I did before because I didn't vomit or forget what has happened. But I still needed a moment to collect myself, had to be helped a bit, drink something caffeinated, and tried to do a sobriety test on myself. By the way, while collecting myself I do hear and understand you guys, so thank you for worrying. The vomit on the table shocked me like shit, guess someone was worse than me.
-Didn't eat. Dinner was a few Nachos and a small bite from Joy's  Chicken Alfredo.
-Forgot I had women with me, I should have known better. Sorry for being sexist but I wasn't raised to not make sure everyone is safe being the biggest guy around.
-assumed I'd get a ride to Cubao, dammit, Jammin had to have a Jiro Problem, really bad luck for me. Anyway we'd need to do this again with Jammin, and in better states.
-smoked filterless, though this doesn't involve the alcohol, what the fuck was I thinking? That was stupid but, well, funny.
-had evil, evil, thoughts.

So conclusion? We have to do that again.

Para sa mga Kaibigan kong Graduating

06 November 2009

Mahusay, magaling, graduating na kayo, you made it this far, you deserve applause, give it yourselves. Mahirap ang pinagdaanan n'yo, nagawa n'yong lagpasan ang mga hirap na yun dahil talaga namang binuhusan nyo ng timba-timbang pagod, balde-baldeng puyat, sangkatutak na pagtitiis ang lahat. Magaling, mauuna na ako sa mga babati sa inyo sa Marso, congratulations.


Ang aga mo naman bumati Ernie, sasabihin n'yo, maaga ako bumati kasi alam ko namang matatapos nyo itong dadaan na semestre, at matatapos nyo ng may lupit na humahagupit. Makukuha nyo yung bwakanang inang passport nyo sa mata ng mga recruitment officer ng iba't ibang kumpanya, UP Diploma. Alam ko, kahit hindi nyo man makumpleto lahat ng subject nyo itong semestreng to, kahit na may maiwan ka pa para sa susunod na sem o sa summer, matatapos mo din yan at medyo mas maaga lang ng kaunti para sa iyo ang pabati ko. Pero ikaw naman, ano ba namang depirensya nun? Gumradweyt ka, medyo nagkaaberya lang, naubusan ka lang siguro ng gasolina sa daan, naflatan ng gulong, o baka nasira stereo mo pero darating ka rin dun. Makakarating ka rin dun.

Natutuwa ako para sa inyo dahil itong semestreng paghihirapan nyo, bawat minutong pinuyat mo sa sem na to, isipin mo, konti na lang. Bawat salitang tinatayp mo para sa mga paper mo, isipin mo, konti na lang. Bawat paglabas mo ng school para magfieldwork, pag hahalungkat sa library, paghahanap ng sasagot sa survey, pakikipag diskusyon sa prof, pagdadala ng mabibigat na text book, pagkokompyut ng problem na dapat nang idemanda sa sobrang hindi makatarungan, tandaan mo, konti na lang. Konting-konti na lang, kayang-kaya nyo na yan.

Hindi mo alam sinasabi mo Ernie, siguro nga, sinukuan ko yan e. Pero natutuwa ako para sa inyo. Patunay ko sa sarili ko na hindi peer pressure ang dahilan kaya ako nagloko, ang sisipag nyo e. Whoops, walang kokontra, masipag kayo. Wag mo sabihin sa aking nag-slack off ka last sem kasi may mga gabing kinumpleto mo tulog mo. Walangya ka, maawa ka sa sarili mo, kinailangan mo naman yun. Kung kinulang kayo sa sinakripisyo, hindi na yun kakulangan bilang mag-aaral, ang dami nyo na ngang kinakalimutang basic necessities, pumapasok na nga kayo ng eskwela ng hindi naliligo. Nalilimutan na nga ng katawan nyong magutom kasi masyado na itong abala mapagod. Appreciate nyo yung pinaghirapan nyo, andito na kayo, ayan na, dulo na to, game na.

Hahaha, siguro nga gusto ko lang mauna bumati ng congratulations, pero tingin ko naman hindi naman ito sobrang agang pabati. Tama lang naman, hindi ko naman kayo kinokongratulate dahil makakakuha na kayo ng degree at diploma e. Binabati ko kayo kasi napaghirapan nyo na yung degree na yan, naalayan nyo na ng dugo, pawis, luha, laway, sipon, tinga, tutule, nana, libag, kalyo, patay na kuko, eyebag, hairfall, wrinkles, at taghiyawat yang degree na yan. Okay na, solb na, konti na lang para marealize na din ng eskwelahan na okay ka na nga. Sige na, aral na kayo.

Di n'yo na kelangan ng goodluck, kaya nyo na naman yan e. Apir.

You have a Cruel way of saying Shut-Up

01 February 2009

(I am sorry, this might offend you, embarass you, or piss you off, as much as the others have, so don't read it if you just wish you haven't)

You could have told me to shut-up, I mean really tell me, actually tell me, say it in words, but you just had to do that, that, you know what that is. Now I can't shut-up, now I just have to keep writing until somebody cuts my fingers of.

Does it offend you that somebody likes you? Does it offend you that I am not courageous enough to tell you that I like you, I like you so much I might actually love you but refuse to say so just because I don't know what it means to love? Then you could've PMed me or something, IMed me or something, slapped me in the face or something like that! You just took the words out of the air, please just slap me instead.

I know I don't exactly have to right to say anything about not directly saying what's meant to say, I haven't told you anything, never mentioned nothing, and when I finally tried to say something a little bit closer to it than what I've done, now I don't know if I pissed you off or if you don't want others to know about it then I start thinking what's the point of me doing all this? I'm not confident enough to say it to you in person and I admit that and I'm too stupid not to put it in my blog because this damn thing is the only thing that I can pretend actually listens to me when I rant like this.

Now I can't even go on ranting like this, I like you too much to rant any more than I already have, I am sorry, but next time I see you, I will have to quit shutting up my blood, I can't live like this anymore.

Enough A Song

24 October 2008

I.

Its never been this hard for me to write a song

Whatever words I write they just sound so wrong

Its taking me too long

 

II.

I don't know what to do with this feeling

There just doesn't seem to be

enough letters to form enough words,

when is a song enough a song?

 

III.

I try to come up with some imagery

All I can think of is whne you and me

under the night sky

talking the time by

walking towards someplace we both don't want to go

but have to go

There's just so much I want you to know

 

IV.

You might start guessing that I like you now,

I've been meaning to tell you but I don't know when

and I don't know how

Please let this song be my bow.

 

(repeat II)

ZORRO: Last Part ng Kom2 paper ko Tungkol kay Dennis Magtajas

15 September 2008

Si Zorro, isang lalaking pinili mag maskara kaysa iharap ang sariling mukha sa lipunang kanyang ginagalawan. Piniling maging bayani at tagapagtanggol ng mga taong nakikita siya bilang api at kawawa. Hindi nagawa ng pananaliksik na tanggalin ang maskara niya, nagawa lamang nating talagang tignan si Zorro, si Dennis, at hindi lang basta daanan ng mga mata.

Hindi ba ang kanyang mismong kwento, kilos, anyo ay metapora na ng parehong kinang at dungis ng lipunan natin sa UP? Ang watawat na suot bagamat bawal na metapora ng nasyonalismong militante na mayroon ang aktibistang taga-UP, suot niya sa bawat minutong naaalala natin sa kanya. Ang dungis n’ya at dunong na tila nagiging simbulo ng mag-aaral na may dunong ngunit tinatago sa civilian clothing na parang wala lang at tsinelas na pinanglalakad sa kalakhan ng kampus, nangingitim na sa araw sa ngalan ng pag-aaral. Ang pagtakbo n’ya sa isang oval na tila sumasalamin sa pag-uulit-ulit ng buhay estyudante, na sa dulo ay pipilas ka din sa pag-ikot sa oval at dadaan na sa ibang daan.

Hindi naman yata talaga kelangan mahubad ang maskara ni Zorro, wala rin namang kakayahan o karapatan ang mananaliksik na sagutin ang tanong na “bakit s’ya ganoon?”. Pero tagumpay pa rin sa pinaka silbi ng papel na ito, ang mabigyang pangalan ang mukha na lagi nakatago, at ang tao sa likod ng maskara.

Nasaan ang Hangganan ng Kabayanihan sa Kabaliwan?

12 August 2008

Likod
Ang hindi nakikitang bahagi kapag nasa harap ang pananaw.

Maskara

Bagay na isinusuot at ipinapatong sa mukha, upang matakpan ang tunay na itsura o pagkatao.

Stigma
Mapanghusgang paniniwala na ikinakabit ng lipunan sa mga mga taong di nakasunod sa pinaniniwalaang "normal".

Zorro
Nakatago sa maskara, kinabitan ng stigma.
Hindi ang Zorro sa pelikula.
Iskolar ng Bayan, kilala mo ba siya?


'Wag papaloko sa nakikita ng mata at sa sinasabi ng iba.
Kilalanin mo siya.






 

UP Psychological Association
Alternative Learning Classroom Experience:
SA LIKOD NG MASKARA:
ANG STIGMA NI ZORRO

August 14 - 1 PM
Palma Hall 320



A presentation of a documentary film about "Zorro" (a known and distinct man in UP Diliman dubbed as such because of his routine of running in the Academic Oval dressed with cape and a mask that resembles to the hero Zorro) followed by an analysis and talk by Professor Antonietta Rosel from the Psychology Department.

Photo: http://lomomanila.ph/index.php?topic=3758.735

_______________________
Pahabol: Para sa mga di makaalala o di pa nakakakita kay Zorro, 'eto pa pic niya.

Photo: http://i85.photobucket.com/albums/k74/looneylori/000010.jpg

 

lahat to ay mula kay reivann (rayban? shades? bakit ngayon ko lang na realize?)

Dusk

01 July 2008

The blazing sun waves goodbye to me

As the waves engulf its life

And to oblivion this day will be

'Til the present is no more the night.

 

The sea, the foam, and the salty air

All tell me I must not cry

For the day that I tell myself; no more, no more

Should not be the day I die.

 

If the sea could sing the tears I shed

That silence I had at dusk

It would sing; I love you, I love you

And would not cease though it must.

 

You don't have to douse this heart of mine

You can be his, that's fine

I will be the seas' and the seas will mine

I'm really lonely, but I don't mind.

Psych UP: PHAN Forums

21 June 2008

http://psychup.proboards34.com/
Nahanap ko habang ginugoogle ang Psyca ang forum site na to, medyo konti ang population nya, wala pang super daming forums, pero tingin ko steady naman, Muahahaha! 158 pa lang ang members nya, ahehehehe

Listahan ng mga Katanungan para sa bawat Psych Major ng Peyups ver.1

25 April 2008

Rules, sagutin ang mga tanong, obyus?

1. Natawag ka na bang "Psycho Major"?

2. Tumanggi ka na bang maupo sa benches ng PHAN kasi akala mo org tambayan yun?

3. Hinanap mo na ba sa department si kuya Collins?

4. Narinig mo na ba kumanta si kuya Mon?

5. Nagturo na ba (as in lecture and discussion and everything) sa klase n'yo si Ate Daisy?

6. Napagalitan ka na ba ni kuya Roman dahil late ka humiram ng projector?

7. Alam mo ba kung ilan ang total number ng pusa sa PHAN?

8. Nakakita ka na ba ng PDA sa may hagdanan sa dulo ng PHAN?

9. Napahiya ka na ba dahil akala mo open to the first floor yung hagdanan sa dulo ng PHAN?

10. (Special Question) Nakatapon ka na ba ng pintura sa hagdanan sa dulo ng PHAN?

11. Nag tangka ka na ba mag-Tai Chi dahil na "inspire" ka ng isang Psych Prof?

12. May Kilala ka bang lalaking psych prof? (er... sexist, I know)

13. Ilang beses mo kinuha ang Math 11? 14? 17? o 100?

14. Nakawala na ba ang animal mo para sa Psych 140?

15. Nakapatay ka na ba ng animal na dapat ay tinetrain mo?

16. Naging confederate ka na ba para sa isang Psych expt?

17. Nakabuko ka na ba ng deception sa Psych expts?

18. Nagmakaawa ka na ba para sa participants?

19. Nadapa ka na ba sa PHAN steps? e sa PHAN stairs?

20. Inabutan ka na ba ng bagyo sa PHAN? yung tipong waterfalls na yung stairs?

Pub Com

27 March 2008

Ako ang pinaka bagong Publicity Com head ng UP PsycA, matapos ang umaatikabong nominasyon (walang kalaban), pagkadaan ng mainit na palitan ng SPOA (sa sandbox ng village nina Ging), ang madugong eleksyon (sa paper bag ni ate Glenna), at ang nakakakabang bilangan (natapos in less than five minutes), ayun na nga ang nangyari.

Lahat ng bumoto ay binoto ako, may isa lang nag-abstain, ako yung nag abstain. Ayoko naman iboto sarili ko, baka manalo ako e.

Nakakatakot pala.

Ang ganda ng mga portfolio ng mga nagdaang pubcom head, syempre MASISIPAG SILA!

Putsa...

 

Meron na akong dalawang nagawa, una, ang komiks na tungkol kay kuya Mon, eto yung ideya, parang sa mga unang panels ay nakabihis s'ya bilang mage may hawak syang staff, nag aangas, sa second to the last panel ay kinausap s'ya bigla ng isang estyudante "kuya mon!" sa last panel hindi na sya mage, naka carebest clothes lang sya at mop na ang hawak nya, tapos sabi nila:

Estyudante: Natapunan namin ng pintura yung hagdan, peram ng mop.

Kuya Mon: er... sige, teka...

basta, maganda, natatawa ako...

 

Tapos may poster akong isang malupet...

Mga Bitin na Gawa Series - Isang Simpleng Masang Aktibista

13 March 2008

"Nakatayo s'ya sa ibabaw ng jeep ni Manong Temong, ang mga mata n'ya pinaaabot n'ya sa dulo ng dagat-dagatang pula, umaalon ang mga kamong sumusuntok sa mainit na hangin ng katanghaliang Diliman, mga kamaong nag-iinit din, hindi sa araw, kundi sa pagnanais. Ang sarili niyang kamao ay humihigpit sa kanyng sandata, sandatang inilapit n'ya sa kanyang mga labi, at ang kulog at kidlat ng kanyang dila ay narinig ng dagat, naging bagyo ang mga alon ng kamao"

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger