Showing posts with label tae. Show all posts
Showing posts with label tae. Show all posts

Paligsahan ng Paghingi ng Awa

18 March 2010

Sunod-sunod na patalastas ng mga politikong gusto maging pangulo, gumagambala sa kaunting oras sa bawat araw na nilalaan ko sa panonood ng TV. Si Villar na pinagpipilitan sa ating mahirap lang talaga s'ya nung bata pa s'ya kahit na sa private school s'ya nag-aral at tatlong palapag ang bahay nila sa Tondo. Si Noynoy na pinangangalandakan ang mga 'nagawa' ng mga magulang n'ya samantalang 'di naman n'ya pinapansin ang issue ng Hacienda Luisita at Mendiola Massacre. Si Erap na pinangangalandakang ipinagkait sa kanya ng administrasyong Arroyo ang kalahati ng termino n'ya samantalang si Arroyo din ang dahilan kaya malaya s'ya ngayon. Bakit ba itong mga nasa tuktok ng mga survey na ito e walang ginawa kundi magpaawa?


Tignan mo itong si Villar, "bumalik na lang sana ako sa pagiging negosyante." Bakit Manny, umalis ka ba? E ikaw ang numero unong halimbawa ng burukrat na kapitalista. Pinapatakbo ang bansa na parang isang kumpanya. Hindi ka ordinaryong kurakot, ikaw yung tipong ginagamit ang kapangyarihan hindi para sa pagkamkam ng yaman kundi para sa mga konting maniobra na makakalamang ka. Tulad na lang ng sa C5 road extension, ilihis ba ng konti ang kalsada para makinabang naman si Mr. Villar.
Yun paraan mo din ng pangangampanya, ikaw mismo alam mong nasira ang sure-win mo na sanang kandidaturya nung pumasok sa eksena itong si Noynoy. Kaya ngayon desperado kang gumagastos ng milyun-milyon para itaas ang sarili sa mga ratings, para ibida ang kawalan mo ng pera. Ang galing, napakapoetic ng kampanya mo, punung-puno ng irony.
New School TRAPO itong si Manny, TRAPO pa rin pero makabago na style, hindi na masyado halata. Pero ganun pa rin, puro pakitang gilas, puro kasinungalingan, puro para sa sarili ang mga ginagawa.

May nakakalimutan ba tayo tungkol kay Erap? Convicted, CONVICTED, ng graft & corruption. Nagnakaw na, alam na, makukulong na nga dapat kung may lakas ng loob lang yung Huwes. Mabubulok na nga sana sa Tanay kung di lang pinagbigyan ni Gloria (tanga rin kasi itong mamatay tao nating Presidente). Eto pa, para lang patunayan na insulto sa mga aso na tawaging dog-eat-dog ang pulitika ng Pilipinas, TUMAKBO PANG PRESIDENTE! Inaway pa yung mismong taong nagpalaya sa kanya "Dog does not bite the hand that feeds it" apparently, ibang uri ng animal itong hinayupak na to.
Nakalimutan na ba natin ang dahilan kung bakit pinalayas natin ng Malacañang itong hayup na ito in the first place? Sabi ko nuong may bali-balita pa lang na tatakbo itong si Erap, kapag pinayagan s'ya ng Comelec, wala na talaga tayong respeto sa sarili nating Saligang Batas.
Ngayon naman, kapag nanalo itong si Erap, wala na tayong respeto sa Judicial system nating humusga sa kanya ng guilty, wala pa tayong awa sa sarili nating bansa, sa sarili nating mga pamilya, sa ulam na hinahain natin sa mesa.

Sino ang pinaka Trapo mangandidato sa lahat ng kandidato ngayon? Si Noynoy! Yehey!
Sino ang nangunguna sa mga survey? Si Noynoy! Yehey!
Kelangan na nating tumigil sa pagboto sa mga Icon. Nanalo si Erap dahil Icon s'ya ng kahirapan, nanalo si Cory dahil Icon s'ya ng namatay na Trapong si Ninoy Aquino (na hindi naman sana magiging bayani kung di lang namatay, bwiset na Trapo yan), Icon s'ya ng lahat ng naghihirap sa Martial Law, at sa Rehimeng Marcos. Bakit nangunguna si Noynoy? May experience ba s'ya? Wala. May napatunayan na ba s'ya? Wala. May kaya ba s'yang gawin? Ewan ko, malay natin? Magbabakasakali nanaman ba tayo sa isang ICON na kaya lang naman pinatakbo ng partido n'ya e dahil namatay ang nanay n'ya at masosolid nila ang Sympathy Vote n'ya (na sinusubukan agawin ni Villar gamit ang 'namatay ang utol ko' line). PUTANG INA! Lahat na lang ng patalastas ng kalbong ito e pinangangalandakan n'ya kung gaano kagaling ang mga namatay n'yang magulang at kung gaano n'ya gusto ituloy ang mga nasimulan ng mga ito. SAMANTALANG kapag binabato mo na s'ya ng issue tungkol sa administrasyon ng nanay n'ya o sa mga pinapatay sa lupain nila ang sagot na n'ya e "Huwag n'yo pong ibato kay Senator Aquino ang mga nagawa o hindi nagawa ng mga kamag-anak n'ya, ibang tao po si Senator Aquino, s'ya po ang husgahan natin." Putang inang Ipokritong double standard yan. E wala ka ngang maihusga kay Noynoy, Wala naman s'yang meron e! Puro lang dada tungkol sa pagpapatigil ng korapsyon samantalang kaapu-apuhan s'ya ng mga panginoong may lupa na pinagkakait sa mga magsasaka ang lupang nasa batas naman na dapat na ay sa kanila. Korapsyon? Ayun ang korapsyon, na ang batas ay hindi nag-aaply sa pamilya ni Aquino dahil mas makapangyarihan sila.
Oo, suklam na suklam ako kay Aquino, dahil pinuputa n'ya sa atin ang mga namatay n'yang magulang bilang dahilan kaya s'ya ang dapat iboto. Sabagay, wala naman s'yang maipagmalaki na major bill na naipasa tulad ng running mate n'ya. Wala s'yang experience ng mga kalaban n'ya. Wala s'yang kahit ano, ang meron lang si Noynoy ay ang pamilya n'ya, ang nabubulok n'yang apelyido.

Oo na, medyo OA na ang inis ko kay Noynoy, pero para n'yo nang awa, huwag n'yo iboboto itong tatlong to ha? Please?

The Continuity of Self-Hate in the War Against the Truth That is Time

08 February 2010

I have prided myself in being above mediocrity, on being more than the average man. I am ashamed to admit that all this time I have been wrong. But I will admit, I have been wrong, I am no more than a man. Whatever the definition of which it entails, that I am, a man and no more.

I would like to believe in a One True Way, a destiny, a predetermined future that speaks of me being born to be more than what I have always been. I would like to believe in fate. I would like to believe that there is something out there in the path time takes to the end of it all that says one day I will be great. But I know there is none, I know now that there is no one true way. That I am a man molded by the choices I make and the events this brings.

For as long as I could remember I have been obsessed with the past and the future. Wishing there was a way I could travel back with the wisdom I have now and change things, make things better than they are. Hoping that eventually something will happen that will lead me to a destiny I have so long wished for me to have.  I am constantly at war with the truth that is time, and that there is nothing I can do about anything in it other than what is in the present.

I have come to understand that my wishing and hoping have all been wrong. Understand, but not accept.

I know this, I accept that the fact that I cannot accept that fact is a weakness. I am afraid of the future, and as the mistakes I have made pile up I cannot stop myself from dwelling In the seas my incapability to take charge of my own life has created. I am drowning, and as I consume more and more of these errors I realize all of this is just too much for me, and I will die in my sins to myself and to the world around me. To the people I love, and how I have begun to hate people I love simply for being right about me, for stabbing me with knives and spears in my face. There is simply too much of it for me to start over.

--------

But then, I do not have to start over.

I have taken the step to realize I am drowning, I have awoken to see my world flooded by these blunders of my own making. I have accepted that there is no way for me to parch these waters, and what I have to do is to learn how to swim.

-------

I am humbled by my own words, I recall once saying to a friend; “We can never start over, we can only continue from where we are.” How arrogant of me to have said words I have been blind to follow. Time and time again reminds me of how my past has molded me to be what I am. Weak, irresponsible, arrogant, fool-hardy, timid, indolent, these are adjectives that have chosen me as host. I have lived a life to deserve the flaws of my nature, and not the splendor that I could be.

There, I said it, there is nothing I must be. There is nothing I should be. There is nothing I need to be. There are only the things I can be. Somewhere between my clouded reverie and lurid lucidity I know, There are things to be done, and everything now lies as to if I will.

I can never really know unless I try I guess.

The Drifting Away/Brotherhood/Half the Pun

26 August 2009

The drifting away of a friend is a sad thing.

I don't know what happened, it seemed we jsut led two live too different. Sad as the truth is it shall be this truth that is the truth for this point of view, this point of view is to the passt, and nothing can change the past, it is what it is. A very peculiar history we had, a past for the history books.
It is also true that we had become friends, he became a guy I shared cigarettes and stories with, we had our laughs and out truths and he was a friend in a category no friend of mine has ever fallen into, but he was real, he was there, like a brother I was supposed to have in the first place.
He had his girl, I had my confused little ramblings about every girl that exists, we shared those stories. Perhaps much more to my expense than his, but I didn't care, we are friends, friends don't care about that shit. I even appreciated that his girl considers me some sort of expert in her boyfriend's personality, truth is I know him just as much as a man can tell why another man is acting like he is, we both had a chromosome that women didn't, that's it. We knew only what we wanted the other to know, perhaps he knew more about than I did about him simply because of how much he is aware of what he reveals of himself, but I was fine with that, that was more than enough to be a friend.
(Who drifted? Was it I? Because a drifting did happen, perhaps I was drowned by the sudden surge of new people that I learned to share similar things we shared, perhaps overwhelmed by the fact that it wasn't just our little gang of fools, but a bigger gang of fools. Perhaps I have become part of the whirpool while he had clung to a piece of driftwood, maybe I just didn't notice, and he just didn't want to make me notice.)
Now I know, now I know what I don't know, who I don't know, I don't know him, my friend and brother, I never did. He had always led alife different from mine and now we had took paths too skewed from the others. maybe our friendship was just a crossroad, a joining path, only to split again. We may not always be friends, but since the day brotherhood has begun, he will always be the brother that I do not share blood with.

Kay Malungkutin

26 July 2009

Naiinis ako,

Naiinis ako hindi dahil sa may mali kang ginawa, o dahil sa may napuna akong maling naganap, o dahil sa gusto ko lang mainis; ayoko sana mainis, kaso naiinis na nga ako, ano na magagawa ko, pero hindi ako sa'yo naiinis, naiinis ako sa ugali nangyayari sa'yo, sa ginagawa mo sa sarili mo.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, pakiramdam ko ay may dapat akong gawin, dapat kitang tulungan, payuhan, awayin na din siguro. Gusto kitang tulungan, pero paano naman kung ikaw lang ang may alam ng pinoproblema mo?

Hindi ko nga siguro maiintindihan ang hinahanap mo sa pagsasama, hindi ko nga siguro naiintindihan kung ano ang problema, hindi ako ikaw at hindi ko nakikita ang mundo sa mga mata mo, o inaalisa ito gamit ang isip mo. Ang meron ako ay ang mata ko lang at ang isip ko lang, pero meron din akong tainga, meron din akong bibig, pedeng makinig, at madalas nga'y kahit di mo naman hingin, o di mo man gustuhin, nagpapayo, nagtatanong, nagbibigay ng dahilan, depinsiyon, at paminsan-minsang solusyon.

Nakukulangan ka ba sa akin, sa kaniya, sa atin, sa pagsasama? Nawawala ba? Hinahanap mo ba? Hindi mo makita? Ayaw ba bumalik? Hindi mo alam kung paano pababalikin? Para kang nagyoyo na bumuhol yung pisi, maibabato mo, pero hindi gugulong pabalik.

Sabi ko magsabi ka, kasi pareho tayong hindi marunong. Hindi ka marunong mamroblema at di naman ako marunong kumilala ng problema ng iba, ilan beses ko ba dapat sabihing hindi ka nag-iisa?

Kaibigan mo ako, hindi dahil sa dineklara nating magkaibigan tayo, kundi dahil gusto kitang tao, at mabait ka sa akin. Kaibigan mo ako kasi gusto ko kaibigan kita, at hindi kita pwede maging kaibigan ng hindi mo rin ako nagiging kaibigan sa proseso, kaya umayos ka, tumayo ka d'yan, tigilan natin tong kadramahang ito at pagusapan natin ng matino.

Tae, akala ko ako na yung malungkutin. Tara na.

Para sa Kaibigan Kong Tahimik

28 June 2009

Hindi ko alam, pero tingin ko ay paraan mo iyan, ang pag-iisip na may ibang tao sa loob ng isipan mo, ibang nag-iisip bukod sa sarili mo, para ilayo ang sarili mo, para ipagtanggol ang sarili mo, para umiwas masaktan. O sa kaso sigurong ito, masaktan pa ng higit sa sakit na dinaranass mo na. Hindi sa pinabababa ko ang halaga ng isa mong katauhan, alam mo namang ikaw din iyan, kilala mo si'ya, sabay kayong lumaki, at pag nasasaktan ka ay s'ya ang umiiyak, iba naman ang tatawa, ang sisigaw, ang magagalit para sa iyo, may mga iba. Pero ikaw lahat sila, hindi sila mga anino o pekeng tao na inimbento mo, dahil hindi naman yata posibleng maimbento ng isang tao ang sarili nya, at sa kaso mo paulit-ulit pa.


Patawad sa pagdag-dag ko sa dahilan ng kalungkutan mo, pero ang mga bagay kapag masyado nating iniisip ay nakakalungkot lang ang ending parati, kapag masyado mo iniisip ay laging may nawala, laging iba ang ngayon, dahil ganoon naman talaga dapat, iba ang ngayon, ako man ay nahihirapang tanggapin iyon. Hindi ko sinasabing hindi mo alam ang mga ito, pero baka lang naman sa dami ng salitang bibitawan ko ay may isa man lang na makapag sabi ng tama.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko sabihin sa iyo ang mga ito, siguro dahil nadadama ko pa rin ang lungkot, ang paghahanap, ang inis at irita mo sa mga nangyari, at sa hindi nangyari. Alam kong ayaw mo ng tali sa nakaraan, pero ang tali ay nariyan pa rin, hindi nawawala ang mga bagay dahil lang hindi na tayo naniniwala dito.

Nawalan ka ba ng paniniwala? Paniniwala sa mga pangalang tinatawag sa sama-samang bagay tulad ng kakwentuhan, kalokohan, tawanan, bigayan ng payo, pinagsamahan at iba pa. Paniniwala na pag-dumaan ka ay nandun din ako para sa'yo, tulad ng pagdaan mo para sa akin, o sa amin.

Alam mo ang pangunahing pinagkaiba natin? Ako ay mahilig sa mga pangalan, mga bansag, mga depinisyon, ikaw ay sa pagkakaroon ng madaming depinisyon ng iisang bagay. Ako sa mga salitang habambuhay, palagi, lahat, Ikaw sa kawalan ng bagay na hindi magbabago.

Ititigil ko na nga ang panghuhula sa kung ano ang pinaniniwalaan mo, basta naniniwala akong natatakot ka lang sa katapusan ng mga bagay na nagugustuhan mong nariyan. kahit sino naman e, iba lang ang pagdadala mo sa takot. Ngayon, ako man ay natatakot, natatakot akong tinatakot kita, natatakot ako na maging dahilan para matakot ka pa lalo sa mga bagay na kinakatakutan mo.

Eto nanaman ako't ginagawang importante ang sarili ko.

Huwag kang makinig sa sarili mo, hindi pa tapos ang mundo, at hindi ka pa baliw. Yaang kapit mo sa katotohanan ang dahilan kaya mo naiisip ang mga iyan, isang pag aanalisa ng mundo, ng mga kaganapan, ng mga tao sa paligid ang nagbibigay sa'yo ng ilusyong nababaliw ka na. Pero matatawa ka dahil alam mong hindi ka pa nababaliw, dahil totoo naman ang nakikita mo, yun nga lang, duon ka nakatutok sa malaking wrecking ball na papunta sa'yo at hindi sa maliit na butas sa ilalim na pede mong patihulugan para di ka tamaan.

Hindi ko alam kung may nasabi akong matino, pero may nasabi ako, yuon ang importante, kaya ikaw, magsasabi ka, dahil kung di mo makita ay ituturo ko sa'yo.

Tunay

29 April 2009

Naramdaman mo na ba yung parang gusto mo na ilabas sa buong mundo kung sino ang buong ikaw, lahat ng mali mo, lahat ng sugat mo, ultimo pimples sa pwit mo, kahit tae na pinapahid mo sa tuhod mo gusto mo na sabihin sa mundo. Wala na lang silang masabi na nagpapanggap ka, na may tinatago ka. Para maintindihan nila kung bakit ka ganyan, kung bakit ka kinikilig sa pelikula ni John Llyod at Bea, kung bakit ka natatakot umuwi sa sariling bahay, kung bakit ka pumupunta sa top floor ng carpark ng mga mall para lang umiyak.

Tapos maiisip mo na hindi mo pala kaya ilabas, hindi dahil may gusto ko pa itago kundi dahil talagang hindi naman posible ilabas, hindi pwede isalin sa salita ang lahat ng bakit, ano, paano at gaano ng buhay mo. Hindi mo din kaya ipaliwanag kung bakit ka nahihiya kumain kasama ang pamilya ng iba at nalulungkot kumain mag-isa. Kung bakit ayaw mo na pumasok sa iskwelahan at kung bakit nagmamadali ka tumanda. Wala kang maibigay na eksplenasyon sa mga maliliit at malalaki mong kaartehan, kalibugan, kagaguhan at kapraningan. Wala ka pa lang alam tungkol sa sarili mo, o kung meron man e wala kang kakayahan sabihin ito sa iba.

At nung malaman mo yun ay mababadtrip ka dahil babagsak na sa'yo na ikaw lang talaga ang pwede magdala ng sarili mo, hindi mo pwede ipaintindi sa iba dahil iniintindi din nila ang mga sarili nila. Maiintindihan mo, pero ikababanas mo pa rin na walang totoong makaka alam kung bakit ka ganyan, hindi ka matatanggap ng kahit sino dahil sa alam nila kung bakit, tinatanggap ka na lang nila kahit di nila alam. At maiiyak ka sa ideya na ang mga hindi makatanggap sa iyo ay hindi ka man lang maiintindihan. Hindi man lang nila masasabi sa sarili nila na "Kaya s'ya ganyan kasi ganito, pero ayoko pa rin sa kanya.". Bubuo na lang sila ng mga maling dahilan sa kung bakit ka ganyan, hindi mo man alam kung ano ang tamang dahilan maiinis ka dahil alam mong hindi iyon yun.

Tapos mapapaiyak ka ulit hanggang sa hindi mo na alam kung ano gagawin mo, gusto mo malaman nila kung sino ka, gusto mo malaman kung sino ka. Gusto mo ilagay yuon sa isang flash drive at ilagay na lang sa mga PC ng mga tao para ma-gets na nila kung sino ka, para gawing paliwanag yuon sa mga pagkakamali mo, para hindi ka na titingin sa kamatayan bilang isang perpektong paraan para matapos ang paghahanap sa pagintindi. Tapos marerealize mo na ang emo mo dahil tingin mo walang nakakaintindi sa'yo, pero babalik ka ulit sa ideya na wala naman talagang kaya umintindi kahit kanino, nagkataon lang na gusto mong maintindihan ka.

Hanggang sa ang mga tawanan ay hindi na sapat para mapasaya ka, hanggang sa ang iyakan ay hindi na sapat na labasan ng lungkot, hanggang sa kahit madurog mo na ang mga pader ay hindi pa sapat iyon na paglalabas ng muhi, ng suklam, ng galit sa sarili at sa mundo. Hanggang sa umulit ka na lang, paulit-ulit ka lang, sa pagiyak, pag muhi, pag tawa, pag iyak at pag muhi. Paulit-ulit na pangangailangan sa pagintindi na paulit-ulit mong nalilimutan na hindi naman darating.

 

Naramdaman mo na ba yun?

Coffee and Cigarettes

09 April 2009

Decent coffee, I have been telling my aunt that we have to use the coffee maker, I need decent coffee, we all deserve decent coffee.

I always brew a strong brew, they say i waste the beans, but I want coffee, not colored water.

Powdered coffee, its never right, its too weak and feels lacking, too soft, too smooth, I don't know how to describe coffee, I just tell as i taste.

Tell as I taste.

Three sugars please, and no cream, no milk.

I would've had my coffee at those coffee shops, but I don't like sitting surrounded by coffe-poseurs. Drinking their candy-coated, milk-diluted, fancy-named, so-called coffee. It isn't even coffee. And besides, I won't pay that much for that little coffee, coffee has its right to be brewed and drank at a price fit for real people.

On second thought, hold the sugar too.

__________________________________

I haven't chain-smoked for weeks, my body is craving its poison.

The phleghm isn't black yet, thank whoever.

I've been having coughs this past few weeks, it might be the lack of smoking, it must be a real cough bacteria, it might be the chain-smoking.

A pack rests behind the phonebooks in a corner table in the living room. I can't leave them around while my grandma is in the country, she's staying with us.

I really need a smoke, my sweat lacks the poisonous sweet smell, my breath seems different, my dog can't recognize me by scent.

On second thought make that two smokes.

Pick you poison, pick your poison, pick your poison, pick your poison.

O hell, make it a pack, burn it in an hour.

or less.

To All Everyone

24 March 2009

I will go,

But not for the few,

Who I have left,

While I was still here.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger