Showing posts with label kalokohanlang. Show all posts
Showing posts with label kalokohanlang. Show all posts

The Right Kind of Famous

02 January 2013

I want to be famous.

Who doesn't want to be famous? Perhaps people under the witness protection program. Me, I want to be famous like nobody else has ever become. I want to be famous for everything I have ever done and anything I will ever do. Even buying groceries. I want people to be like "Oh my god! Ernest Angeles buys San Miguel Beer, Chicken, and Fried Chicken breading! Then he rents Die Hard! I totally eat beer and eat fried chicken while watching Bruce Willis action movies too!"

I don't want to be just any famous guy. I have listed down four qualities I want my kind of fame to have.

First, I want it to be Big. I want everybody to know my name and my face. I would be walking into a train station and all CCTV cameras would suddenly point to me. My face would be in billboards across EDSA and the North Luzon Expressway. I would be endorsing everything. Even feminine wash. It would be like "Ernie Angeles likes your vagina to smell like MAYAMAN Feminine wash, now with formaldehyde!" and people would buy it, even men would but it. I want there to be action figures of me and toy geeks would be like "Yeah, the new Hasbro Ernie Angeles release is pretty cool, it even comes with a computer chair stand and different wig attachments but I still like the v1 release, the face was more realistic and they used better material." I want people to know me so much that figures of speech have been made about me like "He ernie-d the pavement." which would mean he drank lots of beer or something. I want my name and my face to be everywhere.

Next, I want it to be Lasting. I don't want to be just a fad. I want to be famous like Shakespeare! After the initial attention has died down people will start studying my life and work in schools. There would be chapters in history books entitled "From the Early Post-Modern period to the Rise of Ernie". Hundreds of years after my death, preschoolers will be making dioramas from scenes of my life. Kids will be like "Yeah, this is called the Redefinition of Awesomeness." and other kids would go "Dude, everybody does Redefinition of Awesomeness dioramas, mine is The Mastering of Megalodons." School buildings will be named after me, I would be in every currency of every country. People would name their children after me and people would be like "Dude, that's a cool name."

Thirdly, I want it to be Annoying. I want to be so famous that I would regret being famous. I want to come to a point in my life where I could say to people that "Yeah, fame isn't everything it's hyped up to be. It's fucking annoying." I want to have to buy a new car and house every week because people keep finding out where I live and shouting outside holding up signs saying how much they love me. I want to not be able to watch a TV show without a mention of my name or seeing my face in the commercials and I would just cut-off all connection to the outside world because there is too much of me. I want to have to have a personal chef and personal farm because all the food packaging in grocery stores has my name or face on it and it sickens me. I want to be so famous that I will want to time travel and beat myself up at this moment of my life that I made this blog post and shout "YOU HAVE NO IDEA! YOU CURSED ME! YOU CURSED US! YOU CURSED FUTURE YOU. YOU FOOL!"

Lastly, I want my fame to be Significant. I don't want to be famous for something stupid like a youtube video or saying "Lady Arwen, we cannot delay." I want to be famous for world changing shit. Like I wrote a book or something and people were like "OH MY GOD, THIS IS THE BEST THING WRITTEN EVER. THE WORLD HAS TO CHANGE TO MAKE IT WORTHY TO BE WHAT CONTAINS THIS BOOK," or something similar. I want people to cry so much in my wake that the sea level would rise. I to be so significant that my grave would always have visitors, every fucking day. The visitors would bring their children to my grave and say things like "Back in my day, we used to worry a lot. We used to have war and lots of unnecessary violence. evil, sadness and bad stuff. This man, this man made sure you won't have that." Yeah, I want the thought of me to bring tears to people's eyes, even those who never actually met me.

Yeah, Big, Lasting, Annoying, Significant, that's the kind of fame I want.
I want to be even more famous than god.
In short, I want to be BLAS Famous.
WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
BLASFAMOUS! Get it? HAHAHAHAHA! I'm a fucking genius.
Yeah the whole thing was  a lead up to that. It was wonderful. Feel free to ignore everything else except the joke. WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ah crap, I'm funny.

Woooh, HAHAHHAHAHAHAHAHA! Blasfamous, still can't stop laughing.

Ano Nanamang Ka-Emohan 'To?

15 July 2010

Nalulungkot ako, wow, astig, mind-boggling news.


Masaya naman ang buhay ko, nageenjoy ako sa mga klase ko kahit na di hamak na mas maraming babasahin kesa sa mga ibang taon ko sa UP (siguro dahil binabasa ko na talaga ang mga babasahin). Nagsusulat ako ng prosa sa wikang mas mabilis ako magsulat (ingles, masakit mang aminin napakabagal at masalimuot ko magsulat sa Filipino), magagaling ang mga propesor ko at madami akong natututunan na dati rati'y nadidinig ko na pero wala akong interes noon. Nakakapagsulat ulit ako, ng madami, at nakakapag palitan ako ng pananaw, hinuha at pagkakaintindi sa mga matatalinong kaklase at propesor. Masaya maging estyudante ulit.

Hindi ako binabagabag ng mga problema tungkol sa sweldo, sa trabaho, sa mga sablay na ginagawa sa opisina, sa pagbabudget ng sweldo, sa pagbabayad ng sarili kong kinakain at tinitirhan, regular ang koneksyon ko sa internet. Nagpapakasasa nanaman ako sa pera ng magulang ko. Kahit na nahihiya na ako sa ganitong kalagayan, aaminin kong mas konbinyente nga ito at dapat lang na maging masaya ako dahil dito.

Ang mga kaibigan ko ay nariyan lang, kahit na madami ay nasa Med School na, nag-tatrabaho na, o basta gradweyt na e hindi naman talaga sila nawawala. Si Jammin at Roxanne ay sumusulpot pa rin paminsan-minsan sa Peyups (at si 633 nga e natanggap pa sa PNG habang nakatambay doon, sa sobrang invested ko sa paghahanap n'ya ng trabaho e lehitimong pagkatuwa ang naramdaman ko din noon). Si Tinek naman e alam ko naman kung nasaan lang, minsan parang naiisipan kong sugurin sa tinitirhan n'ya, alam kong pwede ko gawin yun. Kapag tinext ko sila nagrereply naman, ganun din ang iba pang parte ng barkadang wala na sa Diliman.

Ang barkada naman sa Diliman ay medyo mas lumalalim ang masayang pagsasama, sina Froilan, Zion, Nigel, Mark, Melgar atbp, na parang hiwalay na grupong pareho lang ng tambayan ay mas lalo pang nakikilala bilang mga totoong tao (minsan parang hindi pa rin sila tao, pero medyo mas tao na sila), na hindi naman puro gaguhan lang. Syempre mas madaming gaguhan pero may maayos, malalim, at masasayang pag-uusap tungkol sa mga bagay na sa dulo't dulo ay naiisip kong sila lang ang pwede ko makausap tungkol.

Sa bahay naman ay wala lang, ganun pa rin. Wala namang malaking malabong gulo na magdudulot ng anumang grabeng lungkot. Maayos ang pakikisama sa isa't isa kahit nga sa kuya ko, kahit papano. Patuloy akong natutuwa sa mga kwento ng bunso namin tungkol sa pag-aaral n'ya at sa mga pagkakampihan namin sa mga laro sa facebook. Kahit na bigayan man lang ng servings sa Baking life o ng Luxuries sa Hotel City.

Pero dahil wala akong kwentang nilalang at emo (daw) ako, malungkot ako. Kung isa akong stereotypical na emo ay yayaman ang Gilette sa akin.

Minsan nakasakay ako sa bus at nag-iimagine pa rin ako, naghahanap ng mga bagay na hindi ko naman ine-effortan makuha, hindi dahil sa tinatamad ako (ang karaniwang dahilan) kundi dahil hindi ko alam kung paano, tsaka natatakot na din, nanaman, eto nanaman. Kahit ako nagsasawa na sa paulit-ulit na kakornihang hindi sinosolusyonan.

Sadya lang yatang pinapakorni ko ang masaya ko namang mundo, pero naiingit ako, nalulungkot ako, nanghihinayang ako at naghahanap ako. Wala e, ganun yata talaga kapritso ko. Hindi ko nga alam bakit ginagawa ko pang vague ang mga statement ko, kunwari ba naman hindi n'yo pa alam. Ang labo ko talaga, walangya.

Sa wakas, Ang Kalahati ng Dahilan kung bakit ako Kumuha ng Hapon10 nuong first year

23 April 2010

Sa mga hindi nakakaalam, dalawa ang dahilan ko kung bakit ako kumuha ng Hapon 10 nuong unang taon ko sa Kolehiyo.
Una ay ang malaman ang ibic sabihin nuong CC> (basta mukhang ganyang yung characters)
sa ending ng Mask Rider Black.
Ikalawa ay ang malaman ang ibig sabihin ng "buyase" sa opening theme ng Daimos.
Ang nasagot lang sa mga tanong ko e yung una. Kasamaang palad hindi alam ng prof ko yung "buyase"
Yuon naman pala ay "moyase" ang tamang lyrics, hayup naman kasi yung pronounciation nuon.
May internet nga pala. Nahanap ko na ang complete translation ng Opening theme ng Daimos!

TATE! TOUSHOU DAIMOSU
(Arise! The King of Combat Daimos!)

Burn Burn Burn red-hot
Fan the flames of your raging heart
Beat them Beat them
Till the limits of your strength
Show them your karate

Shining gold
A gleaming giant drenched in the sun
The eyes gaze at the future
Praying for peace at last

They're calling
They're calling
Daimos Daimos Battle king Daimos
Everyone is calling you

Get near Get near Get right near them
There isn't time to dally
Shake Shake Shake the earth
Show them your strength

A fiery-colored sun
A sun-tinged steel giant
The knife hand shines
Brave the coming storms

They're calling
They're calling
Daimos Daimos Battle king Daimos
Everyone on earth's calling you

Do not weep Do not weep
You're a man Do not weep
In battle there's no need for tears
Defend Defend Till the limits of life defend
Show them your courage

A ??-colored sunset
A sun-tinged giant at rest
Possessing fighting spirit in the heart
Aiming for peace at last

They're calling
They're calling
Daimos Daimos Battle king Daimos
All friends of earth's calling you

Yay internets!
http://virtual-rotation.com/chirlind/others/sentai/daimos.html#tate

Tanungin mo si Ernest

02 April 2010

http://www.formspring.me/estongdakila
Dahil gusto kong tinatanong ako, dahil gusto kong sumasagot. (Tsaka dahil pa-importanteng bwakanang hayop ako) May Formspring account na ako, Yehey! Palakpakan! Patayin si Santino!

Tournament of Getting Awa (Google Translate is Coño)

25 March 2010

(May Blog entry ako na "Paligsahan ng Paghingi ng Awa" pinrompt akong i-translate ito mula Filipino sa Ingles. Sinubukan ko lang, komedya ampota :)))

Consecutive announcement of the politician want to be president, interfering little time each day nilalaan to watching TV. Villar to pinagpipilitan our hard lang talaga nung bata pa s'ya s'ya even s'ya private school attended and the three storey house they Tondo. The Noynoy that pinangangalandakan the 'achievements' of the parents while n'ya' di naman n'ya ignores the issue of Hacienda Luisita and Mendiola Massacre. Si Erap to pinangangalandakang denied him the Arroyo administration half term n'ya while Arroyo is also why independent s'ya today. Why do these at the top of the survey e nothing but magpaawa?

You see it was Villar, "I just returned me to being entrepreneurs." Why Manny, leave you? E you are the number one example of the capitalist burukrat. Run the country like a company. Not ordinary kurakot, ikaw yung tipong power not used for pagkamkam wealth but for konting maniobra that makakalamang you. Like that of the C5 road extension, you wander the streets of little benefit for Mr. naman. Villar.
Yun also means your campaigning, you yourself know you damaged sure-win that would have attended kandidaturya nung scene it was Noynoy. So now desperate can spend millions to raise itself in the ratings, to narrate the loss of your money. Ang galing, napakapoetic campaign, full of irony.
New School TRAPO be Manny, but still TRAPO the modern style, not too obvious. Pero ganun pa rin, concentrated gloss elegance, concentrated lie, concentrated for itself the doing.

We may forget about kay Erap? Convicted, CONVICTED, the graft & corruption. Stole that, knowing that, that that should makukulong if nerve lang yung judge. Mabubulok nga sana in Tanay in only if granted by Gloria (Morocco rin kasi we can die man President). Eto pa, just to prove that the insult dog called dog-eat-dog politics of the Philippines, RUN UNDER PRESIDENT! Inaway pa yung specific person nagpalaya him "Dog does not bite the hand that feeds it" apparently, some kind of animal it hinayupak to.
Have we forgotten that is why we cast him out of Malacañang this hayup it in the first place? I said when a rumor just to run it si Erap, if allowed s'ya Comelec, not that we really respect our own Constitution.
Ngayon naman, when it won si Erap, we no longer respect the Judicial system we decide him guilty, yet we do not pity our own country, our own family, the dish hinahain our table.

Who most Trapo mangandidato all candidates now? Si Noynoy! Hooray!
Who leads the survey? Si Noynoy! Hooray!
Kelangan that we stopped voting in the Icon. Erap won because the poverty Icon s'ya, Cory won was because s'ya Icon of the deceased was Trapong Ninoy Aquino (who were not be heroes if I just died in, which bwiset Trapo yan), Icon s'ya all the suffering of Martial Law and the Marcos regime. Why was leading Noynoy? S'ya you may experience? Nothing. Have proven that you s'ya? Nothing. S'yang you may do so? Ewan ko, malay natin? Magbabakasakali we nanaman an ICON that so lang naman n'ya run the party for e n'ya mother died and they masosolid n'ya Sympathy Vote (trying to usurp Villar with 'I died utol' line) . PUTANG INA! All that ad is a bald e pinangangalandakan n'ya how well the n'yang parents died and how n'ya want continue the initiated them. While stoned when you s'ya the issue about the administration of the mother n'ya or killed on land they answer e n'ya "Do ye pong toss to Senator Aquino achievements or achievements of n'ya relatives, others po si Senator Aquino, the po s'ya we judge. " Putang mother hypocritical double standard yan. E wala ka ngang maihusga to Noynoy, I s'yang meron naman e! Puro dada just about the stoppage of corruption while kaapu s'ya descendant of a master land pinagkakait to farmers in the land law that na should be them. Corruption? Ayun the corruption, the law does not apply to the Aquino family because they are more powerful.
Yes, I hate to hate to Aquino, for pinuputa n'ya us n'yang the deceased parents as reasons s'ya should vote. Sabagay, wala naman proud s'yang major bills passed as running mate n'ya. S'yang experience without the opponent n'ya. None s'yang anything, the meron lang si Noynoy is n'ya family, the rotten n'yang surname.

Yes that, somewhat irritated that the OA ko kay Noynoy, but for the mercy cheating, not cheating it three voting to ha? Please?

The *insert special occasion* Ultimate Playlist Challenge

18 February 2010

Okay, na-insipire ako nung plurk ni Othan na nanghihingi ng suggestions para sa mga kanta na pang JS Prom. Naisip ko lang, ang cool pala gumawa ng playlist para sa specific events. Halimbawa e yung Prom, o kaya Playlist kapag nakikiriot ka sa Quiapo gamit ang isang dos por dos. Kaya naisipan kong gumawa ng Challenge para sa sarili ko at para senyo na rin, gamit lamang ang lahat ng kanta na nasa Library ng media player ko ay gagawa ako ng playlist para sa matripan kong event. (note: yung dami ng kanta ay depende pa rin sa trip ko)


So Sampol muna: Playlist mo Kapag nahuhulog ka sa sobrang lalim na bangin.
1. Let's not Wrestle Mt. Heart Attack - Liars (dahil parang nahuhulog ka talaga sa bangin opening pa lang ng kantang to)
2. Slip - Kjwan (ang parang pinipreview na sa'yo yung nagbabagong apoy sa impyerno, tapos parang mamatay ka na talaga sa lyrics)
3. Sa Ilalim -Kjwan (wala lang kasi pun yung title)
4. Falling For You - Jem (para kunwari naiinlove ka lang kahit totoo lang mamatay ka na)
5. Everybody Thinks You're Crazy - Itchyworms (para mainis ka sa mundong ibabaw at gustuhin mo nang mamatay na lang talaga)

Limang kanta lang kasi malamang naman umabot ka na sa ending nung bangin n'yan.

Yay! Ang saya! Next time ulit!

Indiana Jones and the Room of the PackRat GeekBum!

16 February 2010

Geez, I just realized how much stuff I have lying around. I actually fear snakes might be living under my bed. Boxes upon boxes of books and sheets of paper and old notebooks and documents and photocopied readings and doodles and manuals and magazines and comics and stuff. Not to mention my toys and art tools and CDs and DVDs and dirty cotton buds and bloody laundry. Now there are cables and cords for the scanner, chargers for my handhelds, old game catridges, packs of cards, beer bottles, posters, old bags, a remote controlled car, old lamps, boxes with unknown content, empty cigarette boxes, robot exoskeletons, dead prostitutes, and the Holy Grail.


I do try to get stuff organized. Every time I do, I get sneezing fits and itch all over because I am allergic to dust (considering the amount of dust in my room, I should be dead by now). That is part of the reason that most of the stuff are in boxes and in drawers now (my only cabinet is reserved for clothes and I do not have shelves). I try my best to throw stuff out whenever I clean up, but the problem is the "throw-out" box, always end up being declared "Hey-I-could-use-this-for-some-crafts" box or "this-stuff-will-be-interesting-to-read-one-day" box and the like.

I would like to finish this blog entry and stuff, but I'm kinda in the middle of trying to organize and failing miserably at it, so there you go.

Even Spiderman worries about his Web.

15 August 2009

I'm at another computer shop, I hate computer shops, I hate it when other people are there when I'm trying to write. My mind gets easily distracted by other people typing away on their keyborads, people talking to the clerks at the counter, people chatting on-line, people coming and going, the annoying sounds of door chimes, keys, coins, plastic bags, seats being pulled and pushed and dropped and shit. It's a stupid, stupid place to be.

I hate work days, since mobile broadband in the Philippines suck like ant-eaters I can't use my laptop for internet, there's absolutely no point, it's friggin expensive and the coverage doesn't even cover half of UP Diliman, not even a quarter, or an eighth.

Look at me, I spend a great chunk of my self set allowance on internet connection, I live for the net, considering my schedule which gives me only one day of the week where I can go over to my buddies in UP so I don't have to go to the internet shops just to talk to them and have something to for the four hours (more or less) of free time I have

I want a Monday-Tuesday day-off schedule, I hate mondays in the office and I hate having to go to computer shops instead of actually talking to my buddies and annoying them in person, and the internet just isn't the same as when I stay on-line for 12 hours or so a day when its my day-off, I wanna use my own PC, not a stupid, generic, ad laden PC from netopia or Orange.

So there, got to log out now, my bill is running high.

Eating Fire, Talking Ember

01 August 2009

Ang Pagod ay hindi pangyayari, ito ay isang bagay na pumapatong sa iyo na parang kumot, parang lambat na may mga mabibigat na bato para hindi mo matanggal, parang sapot na dinura sa'yo ng gadget sa pulso ni Spiderman, parang gorilyang sumampa sa likod mo, parang taling nagkapilipilipit, parang kailan lang, parang sandwich na nasa lunchbox mo, parang sirang plaka, parang kung anu-ano pa.

________________________________________________

Dubidubidoooo, dubidubidooooo,

__________________________________________

"Doesn't anybody from Britain work for T-mobile?!"

"Well, they would have British people, but they we're afraid they'd be racist."

Brown Monkey, Brown Monkey, never felt more of a brown monkey all my life, monkey monkey, dog eating monkey.

Gagawa ako ng t-shirt, susulat ko "DOG-EATER, bitch!" Mang-inis lang ba.

_____________________________________________________________

Aringkingkingking, Aringkingkingking,

__________________________________________________________

Sa wakas pahinga na, siyam na oras na lang pahinga na, pahinga na, daldalan mo na lang yung ulol, matatapos din yan, kidlatan mo kung makulit, Street Fighter mode na, HadukeeeEn! HadukeeEeEn! Mamatay ka! Mamatay ka!!!

Shinkuuuuu... HADOUKEEEEEEEN!!!
________________________________________________

Ah, the sweet, sweet relief of release.

Ctrl + Alt + Down Arrow

13 July 2009

(Inaapropriate ba yung blog title? Wala, ganyan ang mundo ko ngayon, and I like it. Alam n'yo namang pag ganito ka walang kwenta at di pinag-isipan ang blog ko, malamang wala lang ako ma-blog. )

Pana-Ginaw


Dinudungaw ka ng mga mata kong pang dilim,
Ang Buwan ay niyayakap ng usok
na tumatabing sa mga bituin
Mulat pa ang mga mata'y naghihimbing na
sa iyong mga kamay.

Pinatutulog mo ako,
Dahil di makapaniwala ang isip
na hindi ka isang panaginip.

Nilulunod ng iyong kislap
Ang pag-iisa
Giniginaw ako sa init ng iyong kamay
Inaagaw mo ang aking puso
Kahit hindi ka malay
Nagagawa mo.

PUGITA!

26 November 2008

Minsan may pugita,

Kulay abo at malaki,

Ang ulo n'ya parang sa tao,

Pero ang mata niya'y iisa,

At wala s'yang tenga.

 

Minsan may isang pugita,

Katulad din ng iba,

Walo ang galamay na malaki,

Nag-mumultitask parati,

Sabay-sabay ang ginagawa,

Lagi pang tuwang-tuwa.

 

Minsan may malaking Octopus,

Octopus na parang tao,

Kinain n'ya ako,

Palakpak ang tenga ko.

Soundtrack ng Paper ko

02 September 2008

Lahat naman tayo may kanya-kanyang soundtrack, kanya-kanyang playlist ng mga kantang may kanya-kanyang binabagayang timing sa buhay natin. Halimbawa kapag trip mo mag-emo magpapatugtog ka ng mga malulungkot na kanta (Silent Sanct, o kung korni ka My Chem, kung sobrang lakas ng tama ng kalungkutan sa'yo baka patulan mo pa si Sharon Cuneta), kapag sobrang happy joy joy ka naman magpapatugtog ka ng masasayang kanta (hahalungkatin mo ang e-heads mo o kaya sasayawan mo si Jason Mraz, kung OA naman ang kaligayahan mo baka magpatugtog ka pa ng VST) ganun, ako kasi meron din. Yung sa akin nga lang, siguro meron ding ganito senyo, may kanya-kanyang specific purpose, yung akin ngayon ay yung panggawa ng paper, sound-blocking, happy joy joy, playlist ko, eto yung default playlist ko sa Winamp, pang typing jobs talaga.

 

  1. Artic Monkeys - Fake Tales of San Francisco (wala lang kasi masayang opening song, sayawan kaagad)
  2. Artic Monkeys - I Bet You Look Good On The Dance Floor (para tuloy-tuloy ang pagsayaw sa harap ng PC at magsimula na lumayo sa akin ang mga tao sa immediate vicinity dahil iisipin na nila na nakakahawa ang toyo ko)
  3. Foo Fighters - Everlong (para masimulan na ang pagigitara sa ere sa harap ng PC, sobrang nawiwirduhan na ang mga kasambahay ko track 3 pa lang)
  4. Foo Fighters - Learn to Fly (medyo mas magaan sa Everlong para makapagsimula na ng seryosong pagsusulat at madugtungan na sa wakas yung name-date-student number-subject-title na naisulat ko na)
  5. Foo Fighters - Long Road to Ruin (para hindi masyado maburyong kaagad, tuloy ang pakikinig sa drummer na malaki ang galit sa drum set nya at sa gitaristang madaming pambili ng string)
  6. Foo Fighters - Monkey Wrench (double purpose, pang procrastinate ng konte dahil magsisimula nanaman ako magpanggap na rockstar sa kantang to, tsaka para siguraduhing hindi ako makakatulog kaagad)
  7. Foo Fighters - My Hero (sa puntong ito ay nag heheadbang na ako habang nagtatayp, mabuti na yun kesa simulan ko pang mag multiply sa gitna ng paper)
  8. Foo Fighters - The Best of You (para mag-air guitar na habang nagtatayp, paa na ang pinang tatayp, hindeeeeee, gusto ko lang ng ingay para sound blocking at hindi ko madinig ang ingay ng TV o kwentuhan ng mga kasambahay ko habang nagtatayp ako kaya maraming Foo Fighters dito)
  9. Foo Fighters - Times Like This (oo, FF parin, ayoko naman kasi mag Metallica o Avenged Sevenfold habang nag-pepaper dahil baka hambalusin ko pa ng Sledgehammer yung Monitor ko bigla)
  10. Foo Fighters - The Pretender (sige na nga, kasi trip ko din ang ingay ng Foo Fighters kaya sila ang pang paper ko, nakakbuhay, nagheheadbang ultimo ang brain cells ko, pati yung cells ko, pati yung viruses at antibodies sa katawan ko)
  11. The Police - Roxanne (ayan, hindi na FF, si Sting naman, simula na ng medyo malumanay na kanta para flowing na yung paper at hindi na blow-by-blow account ng data)
  12. Luther Vandross - Dance with My Father (wow, ang korni ng playlist bigla! hindeeee, maganda naman tong kantang to e, tsaka eto yung cue ko na i-edit ko na yung tinayp ko from this point upward)
  13. Kingbastard - Fuck-up (medyo balik na sa paper mode, pero binabasa na ng mabuti ang tinatayp dito na ako bumabagal at nagpapahinga kahit nagtatayp parin)
  14. Dong Abay - Gusto (wala, gusto ko lang)
  15. Noel Cabangon - Kanlungan (linis ng paper mode)
  16. Noel Cabangon - Hari ng Kalye (para ihanda ang sarili sa pag-reset ng playlist at para makapagtuloy-tuloy na ulit ng typing, tapos ulit na ulit ng playlist, bugso-bugso mode)

 

Ayan, ewan ko kung interesting yan, basta gusto ko i-blog, blog nyo rin yung senyo, ayos ba? AYOS!

Byernes

01 September 2008

Sisikat ang araw sa panibagong Byernes,

Nag-iisang pagsikat na aking hinihintay,

Hintayin ang pagsikat upang simulan hintayin ang dapit-hapon,

Kung kailan ka darating.

 

Sa unang sigarilyo ng aking Byernes

Sinusulat ng hangin sa usok ang ngalan mo,

Nababasa ko ang iyong mukha sa hinahalong kape,

Lahat ng wait sa radyo ay parang awit para sa akin,

at para sa'yo

Pati boses ng DJ ay parang boses mo.

 

Umaawit sa akin ang huni ng jeepney,

Halimuyak sa akin ang dump truck sa daan,

Ang tanging dilubyo lamang ay ang paghihintay

Sa pagdating ng dapit-hapon,

At ang gantimpala sa pagpapasensya

Ikaw, ang 'yong pagdating,

Ang anghel ng dapit-hapong byernes

Para sa Nag-iisa

18 August 2008

Ikaw na nag-iisa, huwag kang tutungo sapagkat nakakahawa ang lungkot mo, hindi ikaw ang may hawak ng lungkot habambuhay, sa lungkot mo'y magmumula ang lungkot ko. Huwag ka nang mag-isa at sumama ka sa akin.

Sinong umiwan sa iyo? Ako ba? Ngunit ngayon lang kita nakita, paano ko iiwan ang hindi ko pa nakakasama? Pero nais ko sanang makasama ka. Kung iniwan man kita bagamat ngayon lang kita nakita, hindi ko na gagawin iyon muli.

Ikaw na nag-iisa, at ako rin na nag-iisa. Tayong dalawang nag-iisa, nag-iisa pa ba? Mag-isa ka man d'yan at mag-isa man ako dito dalawa parin tayong nag-iisa. Magkita nga tayo sa gitna at magkasamang mag-isa, o maging isa, bahala ka.

Ang Pinaka Magagaling sa PBA

26 July 2008

Eto naman ay ayon lang sa akin, pangarap ko naman talaga bumuo ng dream team.

Coach: Yeng Guiao

Ok, kaya ko talaga gusto ang Red Bull dahil kay vice gov, magaling sya mag motivate ng players at napapahusay nya ang mga no name na manlalaro. Sinong coach ang gustong magsayang ng draft pick kay Fonacier nung first round nuong pumasok ito sa draft? Sinong coach ang nawalan na ng madaming star players (Miller, Tugade, Villanueva, Fonacier, Valenzuela) pero asa semis parin? Kaninong team ang pinaka pangit tignan sa stats pero pinaka nakakatakot sa court? Yung kay Guiao lang. Tsaka maganda ang style nya ng laro, nag-aadjust sya sa kung anong meron sya, di n'ya binabago yung player, kinukuha nya yung galing ng player at bumubuo ng istilo mula doon, the best!

syempre may mga runner-up, si Ryan Gregorio kasi magaling talaga sya pag mahabang series, marunong mag-adjust. Si Chot Reyes kasi marunong maghanap ng role players.

 

Eto na, first five ko.

Guard: Jimmy 'Mighty Mouse' Alapag

Sa kasalukuyan ay ang pinaka magaling na offensive point guard (aawayin ako ng fans ni Helterbrand), The Mighty Mouse does it all, score, pass, defend, score, score, and has great court vision too. Not as good as Olsen Racela sa larangan ng pagiging court leader pero bata pa naman e, pwede pa matuto, si Racela kasi ayaw lang naman mag retire pero gurang na talaga, pero sya naman talaga ang paborito kong sa point, lalo na pag kumukuha ng foul habang nagbabantay, artista talaga si Racela. Si Jimmy ang pinili ko kasi mabilis talaga, sobra, kahit sobrang liit, iniiwan nya lang yung malalaki nyang bantay nung Phillipine Team pa s'ya.

runner-ups! Jay-Jay Helterbrand kasi mapanira ng laro ng kalaban to, kala mo panalo ka na tapos BEHM! durog ka kay 'The Fast'. Tsaka si Olsen 'Rah-Rah!' Racela, dahil sa Olsen Racela technique of "paano mag-panggap na na-foul" at sa court vision nya na nagpapalaos sa kahit sinong batang point guard, pag nasa court ito, lahat ng teammate nya pwede makatira.

Guard: Mark 'The Spark' Caguioa

Nakanantutsa, ang galing ng batang to, kahit Red Bull pa ako mapapapalakpak talaga ako sa teardrop n'ya. Eto ang isa sa mga tunay na star player kasi marunong mag laro para sa team kapag kelangang kelangan na. Tunay naman s'ya sa kanyang moniker na 'The Spark' na pag maayos ang laro ni Mark, bilangin nyo na yung laban bilang panalo. Napapagaling n'ya yung mga kasama n'ya dahil sa aura n'ya (nagmumula yata sa dilaw na buhok). May presence of mind pa at mataas ang offensive at defensive awareness, basketball I.Q. baga. Pero ang dahilan ko lang naman kaya s'ya nandito ay dahil apat na sunod-sunod na vowel ang meron sa apelyido n'ya, ang sarap pa ulit-ulitin, Caguioa, caGUIoa, caguiOA, saya...

Hmmm... Dapat si Lordy Tugade lalagay ko kaso forward din s'ya madalas e, tska hindi na s'ya nabibigyan ng playing time ngayon unless injured si Seigle. Tsaka, wala talagang katapat si Spark, kahit si Cyrus Baguio, wala!

Forward: "Big Game" James Yap

Sus, mas sikat pa s'ya dahil asawa s'ya ni Kris Aquino, pero itong sigang ito ng UE ang isa sa pinakamaduduming Star Player sa kasalukuyang era ng basketball, ang bayolente mag laro! Pero bukod dun, sa kanya naman talaga dapat ang titulong "the man with a million moves" kasi hindi sya predictable tulad ni Joseph Yeo (at Joshua Webb, at Martin Reyes). Hindi rin s'ya masyado flashy tulad ni Marc Cardona. May Leadership na din ang lolo mo, consistent naman, nga lang hindi consistent sa bawat conference ang pagiging consistent. Ang bad news pa sa kanya e naniniwala sya sa pamahiin (pag natatalo, nagpapagupit), pero ang tunay lang naman na dahilan na nandito s'ya sa listahang ito ay dahil matapang s'ya at naninipa ng higanteng import.

Kinonsider ko din si Willie Miller o si Mac Cardona para dito, pero wala, Si James talaga the best. Si Seigle sana kaso opensa lang ang meron yun, lagi pang injured, tsaka mas power forward naman ang laki nun e.

Forward: Marc Pingris

Bakit si Pingris? hindi n'yo naitatanong nung Purefoods pa itong si Pingris ay s'ya ang pinaka ayaw kong player, sa simpleng dahilan na pag lamang na lamang na ang Red Bull ko ay biglang hahabol ang Purefoods, sa pamamagitan ng isang player lang, si Pingris yun. Ito ang pangalawa sa pinaka masipag na player na nakita ko sa PBA (una si Topex Robinson), asahan mo na sa rebound at sa pag kuha ng loose ball, sa pag kuha ng points at sa pag kuha ng foul. The best, nambubutata rin ito, pero hindi masyado. Tsaka mas magaling talaga si Pingris kapag nanonood si Vic Sotto ng Live.

PF? Si Danny Ildefonso ay talagang defense-man at maasahan sa ilalim, handa pang makipag suntukan kung kelangan. Si Rich Alvarez naman ay special mention dahil sa laki ng potential na maging Nic Belasco pag dating ng araw, pareho pati silang kalbo.

Center: Asi "The Rock" Taulava

Rock nga e, ang bumangga, giba. Sa pagtanda ni Asi ay tumalino rin ang kanyang paglalaro, at hanggang ngayon asahan mong hahalik ka sa hardwood pagkatapos mong makausap ang kanyang braso. O sige, wala kay Asi ang mga marka ng bagong center, may three points, may mid-range, hindi lang basta post-up. Si Asi, post-up lang talaga, pero meron ba, dito sa pinas, meron bang local na kaya syang bantayan ng one-on-one sa poste? Kahit si Ali 'Man-Mountain' Peek hindi kaya.

Sige, runner-up si Kerby Raymundo dahil sa pagiging versatile na center, hindi pa nagpapabaya kahit may import na.

 

hmmm... parang kulang ah, sige, next time ilalagay ko na ang dream team ko. babayu!

A Double Hundred (ginaya kay Rementilla)

04 July 2008

May Test akong nakita, nakuha ko kay Rementilla, wala syang naitulong sa pagdedesisyon ko sa buhay at duda ako sa pagka credible nyang test (mula sa mga pahapyaw na nadidinig ko mula sa mga 115 at 110 nyong mga Psych Major). Masyado mataas ang scores ko sa madaming courses, walang wenta...

 

You scored as a English/Journalism/Comm

You should strongly consider majoring (or minoring) in Communication, English, Film, Journalism, Literature, or Writing.

 It is possible that the best major for you is your 2nd, 3rd, or even 5th listed category, so be sure to consider ALL majors in your OTHER high scoring categories (below). You may score high in a category you didnt think you would--it is possible that a great major for you is something you once dismissed as not for you. The right major for you will be something 1) you love and enjoy and 2) are really great at it.

Consider adding a minor or double majoring to make yourself standout and to combine your interests. Please post your results in your myspace/blog/journal.

 

Psychology/Sociology
100%
English/Journalism/Comm
100%
French/Spanish/OtherLanguage
94%
PoliticalScience/Philosophy
94%
Visual&PerformingArts
88%
Education/Counseling
81%
History/Anthropology/LiberalArts
75%
Religion/Theology
75%
HR/BusinessManagement
63%
Accounting/Finance/Marketing
38%
Nursing/AthleticTraining/Health
38%
Biology/Chemistry/Geology
38%
Physics/Engineering/Computer
31%
Mathematics/Statistics
0%

Psych UP: PHAN Forums

21 June 2008

http://psychup.proboards34.com/
Nahanap ko habang ginugoogle ang Psyca ang forum site na to, medyo konti ang population nya, wala pang super daming forums, pero tingin ko steady naman, Muahahaha! 158 pa lang ang members nya, ahehehehe

ABANGAN sa susunod na mga blog entry...

04 June 2008

  • ANG PAG-AARAL at PAG-PILA: isang metapora sa porma ng isang blog ukol sa mga pagkakatulad ng pag-aaral at pag-pila. Gayundin sa pag lalapat nito sa kontekstong UP.
  • HINDI NA AKO EXCITED: Isang mahaba-habang kabwisitan ukol sa kawalan ng interes at pagkasabik sa darating na pasukan
  • TOP 40 ENROLLMENT SONGS: isang koleksyon ng mga awiting popular na maibabagay sa dinaranas sa pag-eenlist at pag-eenrol sa UP. Binuo sa tulong ni Jemuel at Rain, binago ang mga lyrics upang bumagay sa tamang konteksto, mula sa hirap ng pag pila (ANG PILA based on UMBRELLA by Rihanna) hanggang sa panghihinayang sa pag-pila sa pilang wala namang napala samantalang merong pila na may napala sana (SAYANG BAKIT HINDI KITA SINUBUKAN based on SAYANG by Parokya ni Edgar) pati narin ang para sa pagnakatapos ka na ng enrollment (PAPURI SA DIYOS, church song).
  • PLEASE: isang tula na sinulat ilang segundo matapos maisulat sa notebook ang orihinal na bersyon ng blog entry na MISERY NEEDS.
  • SANITY IS OVER RATED: isang pagtatangka mag kwento ng kwnetong cahos theory.
  • LUCID NIGHTMARE: kwento tungkol sa lucid dreaming at sa ka-emohan

Mabilis na Update sa Nangyayari sa Buhay ko at sa ibang tao na Gusto ko Ikwento

23 May 2008

  • tapos na summer, dahil hindi ko pa sinipagan ang math1 ay dos lang ang nakuha ko
  • di pa ako shifted
  • dumadami nanaman ang unfinished works sa kwarto ko
  • dumadami nanaman ang unfinished works sa PC, kasama na ang freshie kit ng saligan
  • Pinalayas na ng tita ko si kuya sa bahay
  • buntis ang gelpren ng kuya ko, sabi ng kuya ko sya ang ama, ewan ko lang
  • lalaki ang anak.
  • may gelpren na si Anselmo, maganda
  • may anak na si Siobe, di ko pa nakikita
  • bibilhan ako ni mama ng lappy-tappy, di ko pa alam kung kelan,
  • marunong na ako mag cart-wheel
  • joke lang
  • buhay na naman ang prendster ko
  • natalo ang red bull kanina, 7-4 na standing namin shared lead sa coke at TNT
  • walang kwenta parin ang Purefoods
  • late na ako natutulog ngayon kasi late na ako nakakahiga
  • kumakain na ako ng gulay
  • pwera joke
  • tinatamad ako mag blog kaya ganito ginagawa ko
  • yosi muna ako...

Pinoy Big Brother Spoof Script

13 May 2008

Para sa PanPil. Ang orihinal na plano ay mag-film ng spoof, kaya gumawa ako ng script. Nuong nabasa na ay naisip na gawin na lang syang short story kasi parang mas maganda (tsaka para hindi masyado ma-effort), di ko pa tapos ang short story kaya pagtyagaan nyo muna ito.

 

BIG BROTHER SCRIPT

Setting: BIG BROTHER HOUSE Kuno, eviction night at araw pagkatapos ng eviction night.

Characters (with PBB-like titles):

ISAY: Half-Chinese Cebuana Cutie (ka love team ni Jonathan, Super arte, lahat ata ng edition may half-chinese na cebuana)

JONATHAN:  half-American, half-Mongolian, half-Nigerian, Half-Martian PINOY Hunk (stereotype hunky foreigner housemate na di marunong mag-tagalog)

ESTONG:  Young Man Comedian from Basilan (stereotype “mahirap sya kaya nakakaawa sya” at “hahaha, nakakatawa, housemate)

KIMMY:  Blind Beauty from Bicol (stereotype na may kapansanan housemate, nakashades, laging tumatama sa pader pag naglalakad)

NESA:  Rock Chick ng Baguio (stereotype housemate na pa-dark, pa-cool, maangas, confrontational at sabik sa yosi)

ROSA:  Everybody’s Best friend from Batangas (everybody’s best friend, sya ang maeevict)

BIG BROTHER: Lalaking nakasuot ng paper bag mask na nangangausap sa confession room at malakas mag power trip.

 

BEGIN

Opening, mukha ng mga housemate plus mga title nila, isa-isa.

BLANK SCREEN, NAKA-FLASH “EVICTION NIGHT”

Nakatayo silang lahat at isa-isang niyayakap si Rosa, si Kimmy nangangapa sa ere hinahanap si Rosa.

BIG BROTHER: Rosa, maari ka nang lumabas ng aking bahay

Nagyayakapan pa sila nina Isay, lahat nakapaligid sa kanya, si Kimmy sa kabila papunta, hihilahin ni Nesa paharap sa tamang direksyon

ISAY: Never forget us ha?

ROSA: Magpakabait kayo dito, Jon, ingatan mo si Isay ha?

JON:  oo naman,

ROSA:  Kimmy, wag ka na kung saan-saan naglalakad, baka mahulog ka nanaman sa pool.

KIMMY:  Pag umalis ka, sino na ang aalalay sa akin?

ROSA: edi si Nesa!

NESA: ew…

BIG BROTHER: Rosa, lumabas ka na sa aking bahay, dalian mo na.

ROSA:  O, Nesa, ang sigarilyo ha,

NESA:  Wala na akong yosi kaya wala na yun.

ROSA:  Estong, mamimiss kita, kayo na bahala dito ha?

ESTONG: Ikaw naman, para kang nanay, ano kami sanggol?

BIG BROTHER: ROSA! POTAAAAH!!! LUMABAS KA NA SA BAHAY KO! LIVE TAYO! SAYANG AIRTIME!!!

ROSA: Sige guys!

Lalabas na si Rosa.

BLANK SCREEN NAKA FLASH “DAY 94 9:54 AM”

Nakaupo si Isay katabi si Jonathan, nakasandal ang ulo ni Isay kay Jonathan, sa di malayo ay nakupo din si Estong katabi si Kimmy na naka tingin deretso sa harap, kinukulit ni Estong si Kimmy. Kay Isay at Jon muna ang atensyon. Lahat sila ay umiinom ng C2.

JON: I know its hard.

ISAY: I really like her kasi, she’s like, alam mo yun? My Best friend here in the Bahay. She’s sooo nice kasi, to all of us naman, not naman to me lang diba?

JON: Yeah, of course, she’s everyone’s ate isn’t she.

ISAY: But nobody cried for her, its not nice, that Nesa, she’s so feelingera.

JON: were just too used to evictions,

ISAY: I still don’t like Nesa.

JON: Don’t judge her, that’s not nice.

ISAY: She’s not nice. I hate her.

Tahimik lang si Jon, pan ang camera kina Estong at Kimmy

KIMMY: Estong! Di ka na nakakatuwa! Tama na!

ESTONG: Weh, ang korni naman nire, para binibiro lang.

KIMMY: Ano yon? May nadidinig akong paguumpog?

ESTONG: Si Nesa yun, nagdadabog nanaman.

Pan kay Nesa

NESA: WALA NA AKONG YOSIIIIIIII!!! BIG BROTHER GUSTO KO NG YOSI!!!

ESTONG: Huy, OA nito, para sigarilyo lang.

NESA: NAMPUTA ULITIN MO SINABI MO!!!

KIMMY: Oi wag kayo mag-away! (sinasaway sila pero ang layo ng tingin, bulag nga e)

NESA: NAMPUTA MANANAWAY NA LANG LIGAW PA! BULAG!

ISAY: HOW DARE YOU TALK TO KIMMY LIKE THAT!

NESA: NAMPUTA NAKIALAM PA ANG INGLISERONG BISAYANG INTSIK! HUMIHINGI LANG AKO NG YOSI SA DYOS-DYOSAN DITO UMEPAL NA KAYONG LAHAAAAAAAAAT!!!

JON: Nesa, calm down

ESTONG: Honga, calm down daw, (lilingon kay Kimmy) ano ba yung “calm down”?

NESA: PUTA! Wala namang naitutulong pumeperwisyo pa!

ISAY: Your sobra na ha! Why, your so selfish! You can live without your Yosi! You actually live better without it pa nga!

NESA: Potah, gusto mo ingglisan? Sige! Stop talking as if you understand cigarettes you will only embarrass yourself!

ISAY: Fuck YOU!

NESA: FUCK ME MORE!!!

JON: Stop this! Calm down both of you! Big Brother! Help us out! Put an end to this!

(Pinipigilan ni Jon si Nesa, si Estong si Isay)

KIMMY: Oo nga kuya!

BIG BROTHER: Mamaya na, kulang pa ang footage ko para sa primetime.

ESTONG: Aba komedyante ka rin pala e!

JON: BIG BROTHER!!!

BIG BROTHER: Sige na nga, Nesa, pumasok ka sa Confession room.

Pipiglas si Nesa kay Jon, at pupunta sa Confession Room, sa confession room ay hindi mauupo si Nesa. Kaharap lang nya si Big Brother na naka maskara lang.

 

BIG BROTHER: Maupo ka

NESA: Ayoko nga!

BIG BROTHER: Pag hindi ka umupo…

NESA: Di ako natatakot sa’yo!

BIG BROTHER: Pag di ka naupo bibigyan kita ng 100 seconds kasama ang NANAY MO!!!

NESA: Edi mauupo na! Kelangan mo ba manakot, nampotah…

BIG BROTHER: Ba’t ka nagwawala? Ano ba problema mo? Yosi?

NESA: Ba’t ka hindi nagpapakita ng pes? Ano ba problema mo? Acne?

BIG BROTHER: At sumasagot ka pa!

NESA: Hindi ako sumasagot nagtatanong ako!

BIG BROTHER: Talaga naman! Bibigyan kita ng task para makakuha ka ng Yosi!

NESA: Palabasin mo na lang ako bibili ako mag-isa!

BIG BROTHER: Hindi kita pwede palabasin, mataas ang ratings ko dahil sa’yo!

NESA: Bakit ba ang mahal-mahal ng yosi sa bahay mo?!

BIG BROTHER: E wala pa akong nakukuhang sponsor e, bawal na kasi mag endorse ng yosi sa TV.

NESA: Ano ba yung task ko? Kailangan ko ba talaga sundin yan dahil lang sa lalaki ka? At Nakakatanda ka? Ganun? Napaka Patriarchal ng show mo!

BIG BROTHER: Wag kang atribida nag-iisip pa mga writer ko!

Silence ng mga 10 seconds

NESA: Ano na?

BIG BROTHER: Kakain ka ng Chippy!

NESA: yun lang?

BIG BROTHER: Limampung Kilo ng Chippy!

NESA: Yun lang?

BIG BROTHER: Itatapon ko lahat nung Chippy sa pool tapos kakainin mo habang nag suswimming ng Breaststroke!

NESA: NAMPOTAH!

BIG BROTHER: Gawin mo na ngayon na!!!

Sa loob ng bahay,

BIG BROTHER: KIMMY pumasok ka sa loob ng confession room!

KIMMY: OPO!

Mababangga si Kimmy sa Pader sa tabi ng pinto papuntang confession room bago makapasok.

BIG BROTHER: Kimmy, kamusta ka na?

KIMMY: Masakit ulo ko.

BIG BROTHER: Talaga? Kung gayon dadalhin kita sa ospital, kapag within twenty-four hours ay hindi ka nakabalik…

KIMMY: Teka! Nauntog lang ako!

BIG BROTHER: Baka naman cancer na yang bukol mo?

KIMMY: hindi nga bumukol e!

BIG BROTHER: Anyways, what I mean to say is, tinatapos ko na ang task mo sa mga oras na ito. Hindi mo na kailangan magpanggap na Bulag.

KIMMY: Talaga? YES!!!

BIG BROTHER: Pero ikaw na bahala magsabi noon sa mga housemate mo!  Hindi mo pwede abihin sa kanila na task lang ang lahat ng ito! BWAHAHAHAHAHAHA!

KIMMY: What?! Iyudiputa naman…

Sa labas ng confession room, nasabi na ni KIMMY kina Estong, Jon, at Isay ang katotohanan.

ISAY: WHAT?! You’ve been lying to us! HOW COULD YOU!!! (walk out)

JON: Isay? Isay wait-up! I think I understand Kimmy, even if you don’t say it.

ESTONG: Hindi ka bulag? Samantalang, ilang beses na akong nagbihis sa harap mo? Ibig sabihin... Nakita mo si…

KIMMY: ahihihi… Oo, ahihihihi…

ESTONG: NOOOOOOO!!!

BIG BROTHER: Housemates! Mag sama-sama kayo sa Living Room may sasabihin akong importante.

Nagsama-sama ang apat sa Living room, wala si Nesa.

BIG BROTHER: Housemates, kung mapapansin n’yo wala si Nesa, yuon ay dahil binigyan ko s’ya ng Task na kumain ng limampung kilong chippy habang nag bebreast stroke sa swimming pool.

ESTONG: Big brother! Pwede ko po ba sya tulungan?

BIG BROTHER: Dahil concerned ka? How sweet naman you!

ESTONG: Hindi po, patapos na po kasi ito, kelangan ko po pangalagaan ang image ko bilag mabait na housemate para ako ang maging Big Winner.

BIG BROTHER: Ganun ba? Kahit na, hindi pupwede. Katulad nga ng sinasabi ko bago ako istorbohin nang bading na supot na negrong unggoy, nalaman nyo na ang katotohanan tungkol kay Kimmy, at hindi man n’ya sinabi sa inyo ay isa itong task, para masubukan ko kung paano kayo tatawa tuwing nauuntog s’ya.

JON: I knew it! I knew it was a task!

BIG BROTHER: Jon,

JON: Kuya?

BIG BROTHER: Manahimik ka.

Tatahimik si Jon, yayakapin sya ni Isay for comfort.

BIG BROTHER: Sa punto ring ito ay tinatapos ko rin na ang lahat ng mga special task n’yo, ikaw Isay, hindi mo na kailangan magpanggap na Maarteng anak mayaman.

ISAY: Salamat Koya, naherapan na den ba aku e, napiga-piga ang enggelis ko ba!

JON: WHAT?! You’re not a rich inglisera?

ISAY: Dehins no! Nakakaburyong na nga dito naburyong pa ako sa kakaingles, galing ko no?

BIG BROTHER: At ikaw Jon, hindi mo na kailangan magpanggap na hindi marunong managalog.

JON: Ayun! Sa wakas! WHAAA!!! Nauto ko din kayo no!?

ESTONG: Hindi no! Halata ko naman sa’yo, mahina ka umacting, magaling ako dyan, matagal ko nang alam na task mo lang yan.

BIG BROTHER: At ikaw Estong, di mo na kelangan magpanggap na tunay na lalaki.

ESTONG: GAGO HINDI AKO BADING! SUPOT!

BIG BROTHER: TUMAHIMIK KA! Kayo ko kayo pinatawag ay para malaman n’yo na walang nominationg magaganap ngayon. Dahil si Nesa, ay lalabas na sa aking bahay.

KIMMY: Voluntary exit?

BIG BROTHER: hinde.

JON: Forced Eviction?

BIG BROTHER: Hindi rin.

ISAY: Sirit na!

BIGBROTHER: Nalunod kasi sya habang ginagawa ang kanyang task kaya s’ya ay patay na.

ESTONG: WHAAAAT?!

BIG BROTHER: Wag kayo mag-alala, ang mausoleum nya ay gawa ng Globe Asiatique.

END

 

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger