Showing posts with label panpil. Show all posts
Showing posts with label panpil. Show all posts

Dreams of the City

01 June 2010

(I have always believed that when in a writing rut you should just read some stuff and then write poetry, it wouldn't matter if it's any good, just get to writing. Once you have written one the rut will lift. My apologies to Neil Gaiman and the poem inside the story "Goldfish Pool and Other Stories".)

I am thinking of the city at night,

A theatre of no spectacle,

Shoved by the concrete lights

 

Seeing angels fearing flight,

Dreams of me, an imbecile,

I dream of the city tonight.

 

A sphere, an orb, a silver kite

In the hazy eyes of myself

I dream of the city at night.

Uwian na: Excerpt

25 April 2010

Maagang pinauwi sina Jun mula sa paaralan, tanghali pa lang ay sakay na s’ya ng serbis ng paaralan papunta sa kani-kanilang bahay. Walang takdang-araling binigay ang kanyang mga guro at tulad ng karaniwang bata sa greyd por ay pinaplano na n’ya ang mga paglalarong gagawin n’ya pagkauwi at ang mga palabas sa telebisyon na mapapanood n’ya dahil pinauwi sila ng maaga. Isang bulalakaw kasi ang bumulusok mula sa kalawakan papasok ng bintana ng kanilang silid at pumaslang sa kanilang guro sa Filipino, magiging abala ang mga dyanitor at karpintero ng paaralan sa paglilinis ng nabasag na bintana, pagtatanggal ng mga bakas ng pagkasunog at dugo sa mga ding-ding at kisame at pagpapalit ng salamin ng silid. Magiging abala din ang mga guro sa pagdadala ng katawan ni Gng. Pagtalunan sa morge at pagpapaliwanag sa pamilya nito sa kalunos-lunos na aksidenteng naganap. Kaya’t maaga silang pinauwi.

Binaba siya sa harap ng kanilang bahay ng mabait at palangiting drayber ng serbis ng paaralan, pag-pasok n’ya sa bahay ay inabutan n’yang nakatayo sa kisame ang kanyang ina at abalang binabakyum ang paligid ng bumbilya ng kanilang sala. Hindi agad napansin ng kanyang ina na nasa loob na s’ya ng bahay, marahil dahil sa ingay na nililikha ng bakyum kliner nila. Tumingkayad si Jun para kalabitin ang bumbunan ng ina, na agad namang tumingala.

“Aba, maaga ka yata ngayon.” Sabi ng ina,

“Hindi kita madinig, patayin mo muna ang bakyum, ma.” Sabi ni Jun, nakatingala sila sa isa’t isa

“Ano anak? Hindi kita madinig, papatayin ko muna itong bakyum.” Pinatay ng ina ni Jun ang bakyum cleaner. “Bakit maaga ka pinauwi ngayon?”

“May bulalakaw na pumasok sa bintana at tinamaan si Gng, Pagtalunan, patay na s’ya kaya pinauwi na kami.” Sabi ni Jun.

“Si Gng. Pagtalunan? Mabait na guro iyon, nakakalungkot naman.” Umiiling-iling ang ina ni Jun ng muling buksan ang bakyum at nagpatuloy sa paglilinis.

Tournament of Getting Awa (Google Translate is Coño)

25 March 2010

(May Blog entry ako na "Paligsahan ng Paghingi ng Awa" pinrompt akong i-translate ito mula Filipino sa Ingles. Sinubukan ko lang, komedya ampota :)))

Consecutive announcement of the politician want to be president, interfering little time each day nilalaan to watching TV. Villar to pinagpipilitan our hard lang talaga nung bata pa s'ya s'ya even s'ya private school attended and the three storey house they Tondo. The Noynoy that pinangangalandakan the 'achievements' of the parents while n'ya' di naman n'ya ignores the issue of Hacienda Luisita and Mendiola Massacre. Si Erap to pinangangalandakang denied him the Arroyo administration half term n'ya while Arroyo is also why independent s'ya today. Why do these at the top of the survey e nothing but magpaawa?

You see it was Villar, "I just returned me to being entrepreneurs." Why Manny, leave you? E you are the number one example of the capitalist burukrat. Run the country like a company. Not ordinary kurakot, ikaw yung tipong power not used for pagkamkam wealth but for konting maniobra that makakalamang you. Like that of the C5 road extension, you wander the streets of little benefit for Mr. naman. Villar.
Yun also means your campaigning, you yourself know you damaged sure-win that would have attended kandidaturya nung scene it was Noynoy. So now desperate can spend millions to raise itself in the ratings, to narrate the loss of your money. Ang galing, napakapoetic campaign, full of irony.
New School TRAPO be Manny, but still TRAPO the modern style, not too obvious. Pero ganun pa rin, concentrated gloss elegance, concentrated lie, concentrated for itself the doing.

We may forget about kay Erap? Convicted, CONVICTED, the graft & corruption. Stole that, knowing that, that that should makukulong if nerve lang yung judge. Mabubulok nga sana in Tanay in only if granted by Gloria (Morocco rin kasi we can die man President). Eto pa, just to prove that the insult dog called dog-eat-dog politics of the Philippines, RUN UNDER PRESIDENT! Inaway pa yung specific person nagpalaya him "Dog does not bite the hand that feeds it" apparently, some kind of animal it hinayupak to.
Have we forgotten that is why we cast him out of Malacañang this hayup it in the first place? I said when a rumor just to run it si Erap, if allowed s'ya Comelec, not that we really respect our own Constitution.
Ngayon naman, when it won si Erap, we no longer respect the Judicial system we decide him guilty, yet we do not pity our own country, our own family, the dish hinahain our table.

Who most Trapo mangandidato all candidates now? Si Noynoy! Hooray!
Who leads the survey? Si Noynoy! Hooray!
Kelangan that we stopped voting in the Icon. Erap won because the poverty Icon s'ya, Cory won was because s'ya Icon of the deceased was Trapong Ninoy Aquino (who were not be heroes if I just died in, which bwiset Trapo yan), Icon s'ya all the suffering of Martial Law and the Marcos regime. Why was leading Noynoy? S'ya you may experience? Nothing. Have proven that you s'ya? Nothing. S'yang you may do so? Ewan ko, malay natin? Magbabakasakali we nanaman an ICON that so lang naman n'ya run the party for e n'ya mother died and they masosolid n'ya Sympathy Vote (trying to usurp Villar with 'I died utol' line) . PUTANG INA! All that ad is a bald e pinangangalandakan n'ya how well the n'yang parents died and how n'ya want continue the initiated them. While stoned when you s'ya the issue about the administration of the mother n'ya or killed on land they answer e n'ya "Do ye pong toss to Senator Aquino achievements or achievements of n'ya relatives, others po si Senator Aquino, the po s'ya we judge. " Putang mother hypocritical double standard yan. E wala ka ngang maihusga to Noynoy, I s'yang meron naman e! Puro dada just about the stoppage of corruption while kaapu s'ya descendant of a master land pinagkakait to farmers in the land law that na should be them. Corruption? Ayun the corruption, the law does not apply to the Aquino family because they are more powerful.
Yes, I hate to hate to Aquino, for pinuputa n'ya us n'yang the deceased parents as reasons s'ya should vote. Sabagay, wala naman proud s'yang major bills passed as running mate n'ya. S'yang experience without the opponent n'ya. None s'yang anything, the meron lang si Noynoy is n'ya family, the rotten n'yang surname.

Yes that, somewhat irritated that the OA ko kay Noynoy, but for the mercy cheating, not cheating it three voting to ha? Please?

Gising tungo sa Bangungot

06 October 2009

Gising na yata ang mga mata ko sa dib-dib, isa isang tatanggalan ng muta, manu-manong bubuksan ang mga talukap. Oras na ng pagdungaw sa bangin, habang may hawak na payong at malakas ang hangin. Kailangan makita ng lahat ko ang bangin, at ang unti unting pagkahulog ng lupa patungo roon.


Sa paglalakad patungo sa bangin sinusugatan ako ng yelong lamig ng mga pinaslang, dulot ng pag aagawan sa iisang lupang pareho namang kanila, dulot ng pag aagawan sa mga bagay na kapwa hindi nila kailangan. Tumpok tumpok ng nabubulok na tao, namatay para sa rasong hindi katanggap tanggap sa mga mata sa aking dib-dib.

Sa paglalakad patungo sa bangin sinusunog ako ng apoy ng gutom at sakit, ng paghihirap at pagdurusa, ng mga alipin, mga biktima, mga sugatan, luhaan, at kapwa ko sinisilaban. Tumpok-tumpok ng nabubulok na buhay, tumataghoy sa mga bagay na pupwede namang hindi mangyari, sa mga sakit na sanay di na lang nadanas.

At Pagdating ko sa bangin idinungaw ko ang aking sugatang sunog na dib-dib, at pinamasid sa mga mata ko rito ang banging kumakain sa lupa, at habang ako'y nakadungaw, malakas ang hangin at may hawak na payong, paatras akong naglalakad na rin pagkat kinakain ang lupa kong kinatatayuan, isang banging parang bunganga ng impyerno, na lumalamon sa mundo. Habang sa paligid ko ang mga tao'y tinatapon ang isa't isa huwag lang mahulog. At tuwing lumalapit nang mapuno ang bangin ay lumalalim ito't lumalaki, tila nais gawing bangin ang buong mundo.

Tumpok-tumpok ng nabubulok na puso ang sumisingaw sa mundo, parang lason. Nagising ako sa bangungot ng tumpok tumpok na nabubulok na kung ano-ano, at pagising ko ang nakita ko'y ganung ganun pa rin. Bangungot ang mundo kong isinilangan.

O' Gabi

03 August 2009

O Gabi, ikaw na s'yang kumot ng dilim,

Yakap ng lamig,
at balot ng tahimik.
Itago mo ako
Sa iyong mga bisig,
Yakapin sa iyong dib-dib
Nang ako'y hindi na matakot.

O Gabi, ang puso ko'y humihiram,
Sa kapa mong itim
ng kaunting pagtago
Sa puso kong duwag
na may matapang na pag-ibig.

O Gabi, lunurin mo siya
Sa apoy ng aking payapa
at di mapaslang na pagkahimbing
sa kanyang ganda.
Na umaagaw ng liwanag sa iyong mga tala.

O Gabi, ikaw na sumumpa
Sa kaluluwa kong hilaw
Na mapain sa karagatan
ng mabangis na pag-ibig
Gabi-gabi'y nabibingwit,
at sa iyong pamamahinga,
muling pinawawalan,
para lamang madagit ulit,
sa iyong pagbabalik.

O Gabi, sakit man ito o lunas
pangako ko sa iyong iiwan,
Hindi hihimbing akong iyong isinilang
Hangga't ikaw ang Dumadatu sa Kalangitan.

Ice Cream

28 June 2009

I melt like an Ice cream,


When the sky is as black as your jet brunnette,
And Sepia lights from street lamps color the street,
I can see the moon and stars in your eyes,
As you breathe life into the night.

There's nothing I can do
There's no way to stop it,
I melt like an ice cream when I'm with you.

When the wind blows soft on your face,
It whispers to me to erase,
Everything I can remember
To leave just you and me forever.

Whenever I feel my little fears,
I feel much better with you near,
Whenever I feel the need to die,
You come over and share a cry,
But even if you just stay silent,
I melt like an ice cream when I'm with you.

Kababata

08 June 2009

Hindi na ikaw ang kilala ng ako na hindi na ako.

Sa musmos nating mga isipan naglalakbay

Ang mga anino ng mga tayo na tayo na ngayon.

Patunay lamang ang kakayahan kong sabihing

Minsan tayo'y naging mga muyit na walang muwang

Sa katotohanang hindi na ako at hindi na ikaw

Ang nakalarawan sa guhit ng lahat ng nakaraan na.

 

Sa panghuhuli ng tutubi at pagpapalipad ng saranggola

Minsa'y nakilala din ng lupa ang pakiramdam

Ng init ng ating mga hubad na talampakan.

Madaming araw na din ang namatay

Mula nuong huling nakisayaw ang mga puno

Sa awitin nating mga batang naghahalakhakan.

 

Hindi na alam ng mga bituin kung alin sa milyong mga matang

Nakatulala sa hiwaga nila ang sa atin.

Hindi na napapansin ng mga mikrobyo ang mga sugat

Lalo't hindi na dala ng pagkakapatid sa konkretong palaruan.

Hindi na kita kilala at hindi na tayo kilala ng ating mundo

Dahil ikaw at ako na lang ang may alam

Nang kung sino tayo noon.

Kwaderno

1

Sa pagtatangka na makabalik sa pagsusulat ay bumili ako ng bagong kwaderno, sinabayan ko na din ng bili ng bagong libro. Read to write, read to write, read to write. Binili ko ang libro ng mga tula ni Sir Romulo Baquiran Jr., yung Onyx, sa dalawang kadahilanan; una dahil wala akong pagkakataon na magbasa ng mahabang akda at maikli ngayon ang attention span ko. Ikalawa'y dahil naisip kong madali pa rin para sa akin ang prosa, ang hinahanap ko ngayon ay ang pagsasalita sa mga talinhaga, pagbuo ng imahe, pag-iisip ng labas sa isteryotipikal na larawan ng isang bagay, sa tula ko iyon napupulot. Swerte ko rin at andun sa bookstore ang libro ng pinakamagaling na makata sa Filipino na kilala ko.

 

2

Para akong nagsisimula ulit. Sinimulan kong basahin ulit bawat isa sa mga luma kong blog entry para bumalik ako sa estado na ang pagsusulat ay isang gantimpala at hindi isang trabaho. Gantimpala ang pagsusulat para sa pagkakaroon ng pagnanais magsulat..

Hindi ko na kilala ang mga luma kong akda, windang ako sa sarili kong kakayahang buoin ang mga istoryang walang konkretong problema, walang suliranin, walang tanong na malinaw na dapat sagutin. Ang mga karakter ko na hindi tinutulak ng mga pagsubok o hinihila tungo sa isang climax, ang mga simula kong puno ng paglalarawan sa laman ng isipan at sa laman ng isang seting na mabubuo lamang kung buo ko ring ibibigay. Ang mga karakter ko na nakikidaloy lang, na parang pinitas ko lang sa isang parte ng mundo at kinunan ng pikshur, ang mga kwento kong kwentong nadinig mo na din pero iba lang ang mga pangalan. Mahusay, magaling, nakakatuwa at ang laki ng potensyal ko bilang manunulat.

Matagal na din pala mula nuong muli akong madulas patungo sa bangin ng hindi pagsusulat. Banging na ang mga bato ay sing tatalim ng tingin ng holdaper sa brilyanteng kwintas, hindi ako makakalabas ng hindi ako maka-aalis ng hindi ako sugatan. Aalis ako sa bangin na ito, at ngayon nakakapit na ako sa ugat.

Maligayang Pagbabalik, Manunulat.

Hirap mo namang Tsempuhang mag-isa

18 January 2009

(title mula sa isang linya sa ODID)

Nariyan ka, nandito ako, wala sanang problema kung wala din sila, kaso nariyan sila.

Ang hirap mo namang tsempuhang mag-isa.

Darating ka't makikihati sa kanilang tawanan, ang magagawa ko lang ay pagmasdan ka at magkunwaring okey lang sa akin kahit na nandyan pa sila at di kita makausap mag-isa.

Sana naman mapansin mo na nabuburyong ako, nalulungkot ako, naiinis ako sa sarili ko na hindi ko masabi sa'yo kasi ayoko sabihin sa'yo habang di sinasadyang nasasabi din sa kanila. Hindi naman sa nahihiya ako sa nararamdaman ko, nahihiya ako sa mga iniisip kong baka nararamdaman mo, o mas tama bang sabihing hindi mo nararamdaman?

Nagawa ko na pala dati yun, yung tayong dalawa lang, yung kwentuhang walang point, medyo seryoso, medyo hinde, medyo ranting, medyo dramatic, sabi ko romantic, sabi mo "EeeeW", haha. Nakakatuwa naman, yun na yata ang paborito kong araw, este, gabi pala.

Hindi na yata mauulit ang ganoong gabi, sana kahit hindi gabi, pinakamatagal na kitang na solo ang tatlumpung segundo kapag may araw, tapos umalis ka din. Sayang, iba pa man din ang tama ng araw sa'yo noon, parang tumaas ang albedo mo, bigla ka naging reflective, glowing, basta, ang ganda mo talaga.

Putsa, hindi na ako maninigarilyo pag nandyan ka, matsempuhan lang kita mag-isa. Pero masisisi mo ba ako kung magsisindi ako? Kinakabahan ako ng grabe, pangtanggal ng tensyon kumbaga, nanginginig nga ang kamay ko sa lighter, at bigla bigla na lang nagkakaroon ng pawis na wala naman dun kanina.

Hirap mo naman tsempuhang mag-isa.

Mahilig Ako sa Gabi

13 November 2008

Mahilig ako sa gabi, walang context, ako lang ba ang nakaisip ng context? Basta, gusto ko talaga ang gabi, yung dilim, yung bilog na bilog na buwan, tulad ngayon, yung madilim, yung mga ulap, yung mga poste ng ilaw, lalo na kung mahina yung ilaw, tapos yung lumang bumbilya na dilaw yung ilaw, ang galing, nakakaiyak sa ganda.

Madami akong ala-ala sa gabi, andun yung nagsesenti ako sa kwarto nung bata pa ako habang naghihintay na may dumaang witch sa ilaw ng buwan sa bintana namin, yung bintana na sliding, yung kahoy na may squares na mother-of-pearl. Galing.

Naalala ko nung hayskul, kapag tumetengga ako sa kwarto ko ng gabi, kahit pinapapak na ako ng lamok e iiwan ko pa rin bukas ang bintana para makita ko ang buwan at mahanginan ako ng hangin ng gabi. Masarap magsulat, kahit wala ako masyado nasusulat pag gabi, at puro tulang eng-eng ang gawa ko no'n. Masarap mag-isip, magplano ng future, ngayon kasi hanggang bukas na lang ang future na napaplano ko.

Naalala ko din nung nagsusulat ako ng tula nung hayskul sa sementeryo, malawak na damuhang sementeryo, gabi nun at undas, yun yata ang una kong sunken garden moment, basta, iba ang epekto n'ya sa akin.

Ngayon gusto ko talaga ang gabi sa UP, yung UP fair, yung mahaba na kulitan sa sunken pagkatapos ng Lantern Parade, yung mga tambay lang, nagkadalahang kwentuhan pagkatapos ng klase, uuwi na lubog na ang araw. Kung wala lang akong anxiety sa pagpapagabi ay ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo tuwing ginagabi ako sa UP.

Isama mo na yung usok ng sigarilyo, yung pagtengga na walang pakialam, yung happy-go-lucky ko na moda, yung pagkalimot sa madaming bagay at madaming maling desisyon na nagdala ng madami kong problema.

Andun na din yung paglalakad sa Univ Ave galing sa mga concert, masaya, nakakatuwa. Paborito ko pa rin yung sa Acad oval, mas maganda tignan yung mga jeep, kotse, at poste ng ilaw, pati na din yung mangilan-ngilan na bukas na ilaw sa mga bilding. Yung gabi, yung kwentuhan na naimpluwensyahan na ng gabi, parang droga, bangag ka na sa epekto ng lahat ng elemento. Lahat ng bagay gumaganda, kahit ano, o sino, na akala mo wala nang igaganda pa, pinagaganda ng gabi.

Kaya nakaka inlab yang gabi, mahilig ako sa gabi, siguro nga mahilig din ako 'pag' gabi. Ewan ko, basta masarap sa gabi, tara, gusto ko mag pagabi. Kung mamamatay ako, gusto ko sa gabi, sa malawak na lugar na kita ko ang madaming liwanag at dinig ko ang mga ingay, pero walang nakakakita sa akin, di ako nakikitang ngumiti para mag-paalam sa pinakamamahal kong kadiliman.

Please Read, Badly Needing Advice: On my Grades, my Life, and Love

31 October 2008

(bear the first two paragraphs, I wrote them when I was still in a terrible mood, if you can't bear them then just skip to the fourth paragraph)

I hate my life, and here I go ranting about what a pathetic life I have and then people would say "No Ernie, you don't have a pathetic life!" or "Look, some lives are worse than yours." I say fuck off, I'm pissed at myself and am very much willing to be pissed at right about anyone else too, so give me a goddamn break. And yeah, I expect people to read this shit and I don't care if I end up insulting them while reading it. Look at this way, people of the blue earth, this damn thing would be a worse insult to myself than it would be to you. No, I won't calm down, and all you voices in my head can shut up too.

I have a pathetic life, I just said that, I know I did, and now I'm gonna start explaining why so that's why I said it again. My grades suck, suck badly, its like I'm not in school, and its true, I go to school barely going to school and I go there just to have fun, and I see it as good thing now because otherwise I'd be out of school a year ago if I didn't have fun at school. I'd be so much a blooming loser now if I'm not going to school, I'd probably be dead now if I wasn't in school, and the thing that rates how good you are at school says I suck at school, I hate grades. I always say I don't care about my grades, well I was lying, I do, I'm just used to not having to worry about them because I get good grades anyway that now I'm pissed of that I can't get grades my way. But I'm in a fucking school, its gotta be their way, fuck that.

If you've haven't noticed I used fuck a couple of times, well I don't fuck-off like this unless I'm really pissed and it aint just pissed-pissed, it's sad-pissed, I hate being sad, it pisses me off. Its just that I can't get a job and I feel so fucking strangled at home. I can't move, I can't do stuff my way, and even if my way doesn't always work I can't work or see myself doing stuff any other way, I like my way, my way is ambitious and cool. I don't want to live a boring life now I feel like I'm not living a life at all if its a boring life.

And there's this love thing, I think I'm fucking in love, and I use 'fucking' as an adjective there. The problem is I don't if its real or I'm just fooling with my own head, maybe all this talk about myself being so fucking pathetic make me feel so desperate that I just search for love everywhere. I hate it, I'm fucking embarassed by it, I like this girl bad, so bad, I don't know what to call it, I hate calling it love, I hate that word. And I like this other girl too and she somebody I've been with a bit longer. And to add to this confusion there's this girl hanging around, and I don't know what she's about, she's been there for a long time but I've been noticing she's been a bit different as if she's trying to say something. I don't know, this stuff is just coming back and it doesn't help that this feels too highschool to me, I'm embarassed blogging all this, really, I am.

I don't know, I'm such a coward, maybe I need counseling. But just the thought of getting counseling is troubling me, I mean, with all the chains I'm in, will I be allowed to? Will they understand? Who will understand? Those who chain me are those who've been with me for a longer time, those who me know since I was a kid, and I'm thinking, what if they're right? What if I am a pathetic guy, what if all that she says when she gives me a sermon are true. I mean, I know some of them are true, but what if I am going nowhere, what if I am a really bad person.

And then there's the Questions I ask to myself, what if I am not fit for school, what if I get kicked-out, what if I'm not a great writer, what if this is as good as I get, what if my friends won't be there forever, what if I disappoint everyone, my mom, my family, my friends, myself, and even my dad's legacy?

What if I don't deserve to be Loved?

Talk to me, give me words, whatever, insult me, provoke me, hate me, help me, just talk to me. Thank you for bearing this with me. AMEN to all who read this all, if there are gods, may they bless your souls.

Enough A Song

24 October 2008

I.

Its never been this hard for me to write a song

Whatever words I write they just sound so wrong

Its taking me too long

 

II.

I don't know what to do with this feeling

There just doesn't seem to be

enough letters to form enough words,

when is a song enough a song?

 

III.

I try to come up with some imagery

All I can think of is whne you and me

under the night sky

talking the time by

walking towards someplace we both don't want to go

but have to go

There's just so much I want you to know

 

IV.

You might start guessing that I like you now,

I've been meaning to tell you but I don't know when

and I don't know how

Please let this song be my bow.

 

(repeat II)

Slow Sad Dance Song (tula)

13 October 2008

I'm Offering you this dance
It's your choice to take it or leave me in trance
Let me wrap my arms around your back
I'll let you fill the things I lack

Let whatever song is playing
Tell us what to do
Just me and you
And the song
For tonight we can never be wrong

Let them drink their water and their glasses of wine
Let me say forever if you'll never be mine
Then just tonight
Let's pretend that this is right

Until the song is done please stay
For a few minutes I'll ask conscience to go away
And I wish before this slow sad dance song is to fade
Let it be the longest slow sad dance song ever made

Let whatever song is playing
Tell us what to do
Just me and you
And the song
For tonight we can never be wrong

Coffee Afterwards

29 September 2008

I'm gonna sit down and write a story

I'm gonna sit down in the middle of the night

I'm gonna sit outside with some coffee

I'm gonna sit, would you want a light?

 

I don't even know what story to tell

I'm so happy I can't even sa life is hell

I'm euphoric, I'll buy anything you'll sell

Oh, give me a bell.

 

I'm rhyming stupid words tonight

My mind is in a roundtrip flight

I seem to win a sad, sad fight

Everything's so bright.

 

I remember I love you tonight.

ISILANG: Isang Inspiradong gawa sa pormang tula mula sa akdang 'Piemdi-2' ni Christine Olivar

10 September 2008

Hubad at nakayuko mula sa entabladong bato

Hubad at nakayukong tao.

Hubad at nakayuko, pinagmamasdan ang mundo

Hubad at nakayuko sa malayo.

 

Nakasilip, dumudungaw mula sa butas sa langit

Pinagmamasdan mga pilat at lait.

Nagmamasid, naghihintay ng malapit na pagsapit

Ng sariling pagdanas ng sakit.

 

Bago isilang, bago bumuka

Ang mga sanggol na mata

At makita

Ang tagapagsilang na ina

At paluin ang mortal na katawang lupa

May nauna na na luha.

 

Di kaya ang ulan luha lamang

Ng mga kaluluwang di pa isinisilang,

Luha ng takot sa papasuking daigdig

Luha, di iyak, luhang walang tinig.

Bed-Wake-Bed

I lie awake in my bed again, this happens too often,

I sit up in the middle of the night with the stars in my head,

With your words in my ears, in my mind, in my heart.

 

And only silence breaks this silence,

Ang only darkness shines through the night,

Let it not be sadness to replace my sadness,

Let you be my light.

 

I try my best to return to sleep, but my bed seems like ice,

The face I see when I close my eyes bring me back to wake,

I need sleep, I want sleep, I can't sleep, you own me at black sky.

 

And only sadness breaks this silence,

And only darkness shines through the night,

In this endless cycle bed-wake-bed,

I am losing the will to fight.

 

Goodnight.

 

-Cilva                                                                                

Byernes

01 September 2008

Sisikat ang araw sa panibagong Byernes,

Nag-iisang pagsikat na aking hinihintay,

Hintayin ang pagsikat upang simulan hintayin ang dapit-hapon,

Kung kailan ka darating.

 

Sa unang sigarilyo ng aking Byernes

Sinusulat ng hangin sa usok ang ngalan mo,

Nababasa ko ang iyong mukha sa hinahalong kape,

Lahat ng wait sa radyo ay parang awit para sa akin,

at para sa'yo

Pati boses ng DJ ay parang boses mo.

 

Umaawit sa akin ang huni ng jeepney,

Halimuyak sa akin ang dump truck sa daan,

Ang tanging dilubyo lamang ay ang paghihintay

Sa pagdating ng dapit-hapon,

At ang gantimpala sa pagpapasensya

Ikaw, ang 'yong pagdating,

Ang anghel ng dapit-hapong byernes

Para sa Nag-iisa

18 August 2008

Ikaw na nag-iisa, huwag kang tutungo sapagkat nakakahawa ang lungkot mo, hindi ikaw ang may hawak ng lungkot habambuhay, sa lungkot mo'y magmumula ang lungkot ko. Huwag ka nang mag-isa at sumama ka sa akin.

Sinong umiwan sa iyo? Ako ba? Ngunit ngayon lang kita nakita, paano ko iiwan ang hindi ko pa nakakasama? Pero nais ko sanang makasama ka. Kung iniwan man kita bagamat ngayon lang kita nakita, hindi ko na gagawin iyon muli.

Ikaw na nag-iisa, at ako rin na nag-iisa. Tayong dalawang nag-iisa, nag-iisa pa ba? Mag-isa ka man d'yan at mag-isa man ako dito dalawa parin tayong nag-iisa. Magkita nga tayo sa gitna at magkasamang mag-isa, o maging isa, bahala ka.

The Psychoanaysis of Nanay: Isang Excerpt mula sa kwento kong "The Auditory Perception of Political, Economical, Socio-Cultural And Household Development Oriented Vocal Exclamations of the Female Nurturing Adult"

27 July 2008

Nuong Napagdesisyunan ko na na umaga ko na sasagutan ang number two ng Physics assignment ko at sisimulan ko na mag-review ng Psychodynamic Theories ay nadama ko na ang pagtatangkang i-demolish ang kwarto ko sa mga katok (kabog, suntok, hambalos, kung ano man ang tawag mo sa maingay na pagtama ng malaking kamao sa pinto), Si Nanay, pinagbuksan ko, matapang pala talaga tignan ang kombinasyon ng Daster at syanse.

"BAKIT NAKA LOCK KA?!" good evening din Inay.

"MAY TINATAGO KA BA? ANG GULO NG KWARTO MO!" may tinatago nga, tinatago kong magulo ang kwarto ko. Ikaw kasi, pumasok pasok ka pa dito. Duda ko nag walk-out na si Tatay matapos tamaan ng plato, ako na tuloy ang center of attention. Attention, according to a study, the average attention span of an adolescent is 20 minutes or less. So if nanay intends to lecture me the speech should be no longer than that, otherwise lilipad ang utak ko at wala na ako sa Earth.

Isa-isa n'yang pinapalipad mga gamit ko, nakakagulat kasi kinakaya ng maliit n'yang body built ang mga nakakalat na adobe sa kwarto ko. Bakit ba ang lakas ng fetish n'ya sa kalinisan? If you want to be Freudian about it, it may be because of of deficiencies in her anal stage of development where over-indulgence in potty training may lead to personalities with strong needs for cleanliness and organization to avoid, slash, lessen anxiety. Sabi naman ni Erikson, baka nag fail s'ya sa isa sa mga stages of development, most probably sa 'play age' kung saan shame and guilt ang main dillema nuong stage na 'yun, tama ba? Minental note ko na i-review ang eight stages of development mamaya.

"ANO TO?!" upos, ngayon ka lang ba nakakita ng upos? Huwag na mag salita, hindi ako dapat mag-salita, quiteness. Pero 'di ba silence means yes? Pero hindi naman answerable ng yes or no yung tanong kaya okey lang.

"NANINIGARILYO KA NA?!" bakit? Kala mo ikaw lang? Idol kasi kita, ay lab yu so mats dat ay wan tu bi layk yu. Sabi ni Bandura, maaring matuto ang mga bata sa nakikita lamang nilang reinforced behavior at hindi lamang sa pansariling trial and error. Dinuduro na ako ng inay habang sinusumbat ang ang pagbubuntis n'ya sa akin, ang laki ng diameter ng puke n'ya nung lumabas ako doon, pati pinakain n'ya sa akin at kung ano-ano pa. Naisip ko tuloy yung archetype ni Jung na Great Mother, meron itong life-giving at destructive qualities. Mukhang ito na yung destructive qualities.

"SINONG NAGTURO SA'YO NITO?!" According to Erikson, peer groups are the most powerful factor during adolescent stage. According to Fromm Relatedness is one of the five human needs so ibig sabihin need ang pakikirelate sa kaibigan at nakahanap lang naman ako ng madaling paraan. According to Freud, ito ay oral fixation na dulot ng maikling breast feeding period nuong infancy ko, maagang nawala ang pleasure source during the oral stage of development. Mabilis na inalis sa akin ang right to the nipple, normally ito ay dahil sa mabilis na kasunod na kapatid, pero wala naman akong mga kapatid, maaga paring pinagkait sa akin ang suso, so ibig sabihin, shit, teka, HOLY SHIT! Oo, alam ko na, everything is clear to me, now, ikaw ang dahilan kaya ako naninigarilyo! Its all your fault!

Para sa mga Pumaslang sa Pinaka Malapit na Kahapon

13 July 2008

Sumikat ang araw

Sinilang ang pinakabagong kahapon

Pinaslang mula sa isang kasalukuyan

Para sa bagong kasalukuyan

 

Napakadali naman

Mula sa altar

Tungo sa basura

Kung saan ang sampagita'y bulok

At ang tanging nagdarasal

Ay langaw, para sa masaganang pagkain.

 

Hindi naman kailangan sumikat ng araw,

Sa gitna ng paglubog ng kahapon,

Para lang hindi matapos

Ang sigaw ng kadiliman sa umagang nagpapanggap.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger