01 September 2008
Sisikat ang araw sa panibagong Byernes,
Nag-iisang pagsikat na aking hinihintay,
Hintayin ang pagsikat upang simulan hintayin ang dapit-hapon,
Kung kailan ka darating.
Sa unang sigarilyo ng aking Byernes
Sinusulat ng hangin sa usok ang ngalan mo,
Nababasa ko ang iyong mukha sa hinahalong kape,
Lahat ng wait sa radyo ay parang awit para sa akin,
at para sa'yo
Pati boses ng DJ ay parang boses mo.
Umaawit sa akin ang huni ng jeepney,
Halimuyak sa akin ang dump truck sa daan,
Ang tanging dilubyo lamang ay ang paghihintay
Sa pagdating ng dapit-hapon,
At ang gantimpala sa pagpapasensya
Ikaw, ang 'yong pagdating,
Ang anghel ng dapit-hapong byernes
11 things said:
i think we all know, what friday this is. hahahahahah...
or err, what friday it would be.:))
I like that, "it would be" nice, pedeng title ng kwento
=)) :)) =)) :)) =))
robinson crusoe ikaw ba to? :
wha? di ko gets?
May byernes din ba si crusoe?
Si Friday :)) =)) :))
wahahahahaha, syanga ano?
waw... ibang sagot to e....
alam ko, dapat... tsk, may kabarumbaduhang isasagot to e. wahahahhaahhaah
pero hindi! nag-agree amp! :)) =)) :)) iba talaga nagagawa ng friday..
Yapperfriday!
nagiging halimuyak yung dump trak..
yapperhalimuyak!
syempre pangdagdag na lang sa pangungulit ng ideya ng pagkawindang ng tula yun, tsaka pang pa garabo ng imagery
woshooo,, parang di rinn..wohsoooo
Post a Comment