Showing posts with label pugita. Show all posts
Showing posts with label pugita. Show all posts

Like, UP PsycA. Masaya!

22 June 2010

UP Psychological Association is Recruiting nanaman!

This like so my opportunity na to be part of their super cool and astig org!
They're so masaya, and parang makulit and all that and I'm gonna sms super cutie Andrew so I'll sign up to their parang application process that I heard was like wala lang, super dali. Unlike those evil evil hitler-esque app process from other orgs, like jeez.

So sign up na rin you guys! It's funner if we're many-er!

Andrew (cutie!): 09062419814
Boppers (super nice!):09176116399

Sa wakas, Ang Kalahati ng Dahilan kung bakit ako Kumuha ng Hapon10 nuong first year

23 April 2010

Sa mga hindi nakakaalam, dalawa ang dahilan ko kung bakit ako kumuha ng Hapon 10 nuong unang taon ko sa Kolehiyo.
Una ay ang malaman ang ibic sabihin nuong CC> (basta mukhang ganyang yung characters)
sa ending ng Mask Rider Black.
Ikalawa ay ang malaman ang ibig sabihin ng "buyase" sa opening theme ng Daimos.
Ang nasagot lang sa mga tanong ko e yung una. Kasamaang palad hindi alam ng prof ko yung "buyase"
Yuon naman pala ay "moyase" ang tamang lyrics, hayup naman kasi yung pronounciation nuon.
May internet nga pala. Nahanap ko na ang complete translation ng Opening theme ng Daimos!

TATE! TOUSHOU DAIMOSU
(Arise! The King of Combat Daimos!)

Burn Burn Burn red-hot
Fan the flames of your raging heart
Beat them Beat them
Till the limits of your strength
Show them your karate

Shining gold
A gleaming giant drenched in the sun
The eyes gaze at the future
Praying for peace at last

They're calling
They're calling
Daimos Daimos Battle king Daimos
Everyone is calling you

Get near Get near Get right near them
There isn't time to dally
Shake Shake Shake the earth
Show them your strength

A fiery-colored sun
A sun-tinged steel giant
The knife hand shines
Brave the coming storms

They're calling
They're calling
Daimos Daimos Battle king Daimos
Everyone on earth's calling you

Do not weep Do not weep
You're a man Do not weep
In battle there's no need for tears
Defend Defend Till the limits of life defend
Show them your courage

A ??-colored sunset
A sun-tinged giant at rest
Possessing fighting spirit in the heart
Aiming for peace at last

They're calling
They're calling
Daimos Daimos Battle king Daimos
All friends of earth's calling you

Yay internets!
http://virtual-rotation.com/chirlind/others/sentai/daimos.html#tate

Paligsahan ng Paghingi ng Awa

18 March 2010

Sunod-sunod na patalastas ng mga politikong gusto maging pangulo, gumagambala sa kaunting oras sa bawat araw na nilalaan ko sa panonood ng TV. Si Villar na pinagpipilitan sa ating mahirap lang talaga s'ya nung bata pa s'ya kahit na sa private school s'ya nag-aral at tatlong palapag ang bahay nila sa Tondo. Si Noynoy na pinangangalandakan ang mga 'nagawa' ng mga magulang n'ya samantalang 'di naman n'ya pinapansin ang issue ng Hacienda Luisita at Mendiola Massacre. Si Erap na pinangangalandakang ipinagkait sa kanya ng administrasyong Arroyo ang kalahati ng termino n'ya samantalang si Arroyo din ang dahilan kaya malaya s'ya ngayon. Bakit ba itong mga nasa tuktok ng mga survey na ito e walang ginawa kundi magpaawa?


Tignan mo itong si Villar, "bumalik na lang sana ako sa pagiging negosyante." Bakit Manny, umalis ka ba? E ikaw ang numero unong halimbawa ng burukrat na kapitalista. Pinapatakbo ang bansa na parang isang kumpanya. Hindi ka ordinaryong kurakot, ikaw yung tipong ginagamit ang kapangyarihan hindi para sa pagkamkam ng yaman kundi para sa mga konting maniobra na makakalamang ka. Tulad na lang ng sa C5 road extension, ilihis ba ng konti ang kalsada para makinabang naman si Mr. Villar.
Yun paraan mo din ng pangangampanya, ikaw mismo alam mong nasira ang sure-win mo na sanang kandidaturya nung pumasok sa eksena itong si Noynoy. Kaya ngayon desperado kang gumagastos ng milyun-milyon para itaas ang sarili sa mga ratings, para ibida ang kawalan mo ng pera. Ang galing, napakapoetic ng kampanya mo, punung-puno ng irony.
New School TRAPO itong si Manny, TRAPO pa rin pero makabago na style, hindi na masyado halata. Pero ganun pa rin, puro pakitang gilas, puro kasinungalingan, puro para sa sarili ang mga ginagawa.

May nakakalimutan ba tayo tungkol kay Erap? Convicted, CONVICTED, ng graft & corruption. Nagnakaw na, alam na, makukulong na nga dapat kung may lakas ng loob lang yung Huwes. Mabubulok na nga sana sa Tanay kung di lang pinagbigyan ni Gloria (tanga rin kasi itong mamatay tao nating Presidente). Eto pa, para lang patunayan na insulto sa mga aso na tawaging dog-eat-dog ang pulitika ng Pilipinas, TUMAKBO PANG PRESIDENTE! Inaway pa yung mismong taong nagpalaya sa kanya "Dog does not bite the hand that feeds it" apparently, ibang uri ng animal itong hinayupak na to.
Nakalimutan na ba natin ang dahilan kung bakit pinalayas natin ng Malacañang itong hayup na ito in the first place? Sabi ko nuong may bali-balita pa lang na tatakbo itong si Erap, kapag pinayagan s'ya ng Comelec, wala na talaga tayong respeto sa sarili nating Saligang Batas.
Ngayon naman, kapag nanalo itong si Erap, wala na tayong respeto sa Judicial system nating humusga sa kanya ng guilty, wala pa tayong awa sa sarili nating bansa, sa sarili nating mga pamilya, sa ulam na hinahain natin sa mesa.

Sino ang pinaka Trapo mangandidato sa lahat ng kandidato ngayon? Si Noynoy! Yehey!
Sino ang nangunguna sa mga survey? Si Noynoy! Yehey!
Kelangan na nating tumigil sa pagboto sa mga Icon. Nanalo si Erap dahil Icon s'ya ng kahirapan, nanalo si Cory dahil Icon s'ya ng namatay na Trapong si Ninoy Aquino (na hindi naman sana magiging bayani kung di lang namatay, bwiset na Trapo yan), Icon s'ya ng lahat ng naghihirap sa Martial Law, at sa Rehimeng Marcos. Bakit nangunguna si Noynoy? May experience ba s'ya? Wala. May napatunayan na ba s'ya? Wala. May kaya ba s'yang gawin? Ewan ko, malay natin? Magbabakasakali nanaman ba tayo sa isang ICON na kaya lang naman pinatakbo ng partido n'ya e dahil namatay ang nanay n'ya at masosolid nila ang Sympathy Vote n'ya (na sinusubukan agawin ni Villar gamit ang 'namatay ang utol ko' line). PUTANG INA! Lahat na lang ng patalastas ng kalbong ito e pinangangalandakan n'ya kung gaano kagaling ang mga namatay n'yang magulang at kung gaano n'ya gusto ituloy ang mga nasimulan ng mga ito. SAMANTALANG kapag binabato mo na s'ya ng issue tungkol sa administrasyon ng nanay n'ya o sa mga pinapatay sa lupain nila ang sagot na n'ya e "Huwag n'yo pong ibato kay Senator Aquino ang mga nagawa o hindi nagawa ng mga kamag-anak n'ya, ibang tao po si Senator Aquino, s'ya po ang husgahan natin." Putang inang Ipokritong double standard yan. E wala ka ngang maihusga kay Noynoy, Wala naman s'yang meron e! Puro lang dada tungkol sa pagpapatigil ng korapsyon samantalang kaapu-apuhan s'ya ng mga panginoong may lupa na pinagkakait sa mga magsasaka ang lupang nasa batas naman na dapat na ay sa kanila. Korapsyon? Ayun ang korapsyon, na ang batas ay hindi nag-aaply sa pamilya ni Aquino dahil mas makapangyarihan sila.
Oo, suklam na suklam ako kay Aquino, dahil pinuputa n'ya sa atin ang mga namatay n'yang magulang bilang dahilan kaya s'ya ang dapat iboto. Sabagay, wala naman s'yang maipagmalaki na major bill na naipasa tulad ng running mate n'ya. Wala s'yang experience ng mga kalaban n'ya. Wala s'yang kahit ano, ang meron lang si Noynoy ay ang pamilya n'ya, ang nabubulok n'yang apelyido.

Oo na, medyo OA na ang inis ko kay Noynoy, pero para n'yo nang awa, huwag n'yo iboboto itong tatlong to ha? Please?

The *insert special occasion* Ultimate Playlist Challenge

18 February 2010

Okay, na-insipire ako nung plurk ni Othan na nanghihingi ng suggestions para sa mga kanta na pang JS Prom. Naisip ko lang, ang cool pala gumawa ng playlist para sa specific events. Halimbawa e yung Prom, o kaya Playlist kapag nakikiriot ka sa Quiapo gamit ang isang dos por dos. Kaya naisipan kong gumawa ng Challenge para sa sarili ko at para senyo na rin, gamit lamang ang lahat ng kanta na nasa Library ng media player ko ay gagawa ako ng playlist para sa matripan kong event. (note: yung dami ng kanta ay depende pa rin sa trip ko)


So Sampol muna: Playlist mo Kapag nahuhulog ka sa sobrang lalim na bangin.
1. Let's not Wrestle Mt. Heart Attack - Liars (dahil parang nahuhulog ka talaga sa bangin opening pa lang ng kantang to)
2. Slip - Kjwan (ang parang pinipreview na sa'yo yung nagbabagong apoy sa impyerno, tapos parang mamatay ka na talaga sa lyrics)
3. Sa Ilalim -Kjwan (wala lang kasi pun yung title)
4. Falling For You - Jem (para kunwari naiinlove ka lang kahit totoo lang mamatay ka na)
5. Everybody Thinks You're Crazy - Itchyworms (para mainis ka sa mundong ibabaw at gustuhin mo nang mamatay na lang talaga)

Limang kanta lang kasi malamang naman umabot ka na sa ending nung bangin n'yan.

Yay! Ang saya! Next time ulit!

Eating Fire, Talking Ember

01 August 2009

Ang Pagod ay hindi pangyayari, ito ay isang bagay na pumapatong sa iyo na parang kumot, parang lambat na may mga mabibigat na bato para hindi mo matanggal, parang sapot na dinura sa'yo ng gadget sa pulso ni Spiderman, parang gorilyang sumampa sa likod mo, parang taling nagkapilipilipit, parang kailan lang, parang sandwich na nasa lunchbox mo, parang sirang plaka, parang kung anu-ano pa.

________________________________________________

Dubidubidoooo, dubidubidooooo,

__________________________________________

"Doesn't anybody from Britain work for T-mobile?!"

"Well, they would have British people, but they we're afraid they'd be racist."

Brown Monkey, Brown Monkey, never felt more of a brown monkey all my life, monkey monkey, dog eating monkey.

Gagawa ako ng t-shirt, susulat ko "DOG-EATER, bitch!" Mang-inis lang ba.

_____________________________________________________________

Aringkingkingking, Aringkingkingking,

__________________________________________________________

Sa wakas pahinga na, siyam na oras na lang pahinga na, pahinga na, daldalan mo na lang yung ulol, matatapos din yan, kidlatan mo kung makulit, Street Fighter mode na, HadukeeeEn! HadukeeEeEn! Mamatay ka! Mamatay ka!!!

Shinkuuuuu... HADOUKEEEEEEEN!!!
________________________________________________

Ah, the sweet, sweet relief of release.

Mga Matitinding Pagsubok sa Buhay Series: Pagpili Ng Brief

01 June 2009

Akala mo ba madali? Malaking event sa buhay ko tuwing pipili ako ng brief na isusuot ko.

Nakakategorya ang mga brief sa tatlo; Briefs, boxer briefs, at boxers.

Sa ilalim ng Briefs ay nanduon ang Black, Gray, at Blue na comfortable briefs at ang traditional Tighty-Whities (self-explanatory na siguro kung bakit ganun ang nickname nun). Ang Tighty-Whitie ang pinaka marami kong brief. At meron talaga akong isang pulang brief, for special occasions.

Sa ilalim ng Boxer Briefs ay nanduon ang Black (dalawa lang ang Boxer Brief ko na black), at ang mga Puti (tatlo lang ata yung ganito ko). Sa hindi nakaka-alam ang boxer brief ay brief na mahaba, yung tipong lalagpas naman sa singit.

Sa Boxers naman ay mas madali ang classes, hindi by kulay kundi by quality, yung butas at yung hindi butas. Pare-pareho naman kasing Checkered ang Boxers ko, iba-iba lang kulay, although may isa akong Scooby-doo na boxers.

Okey, ang pinaka komportable sa lahat ay ang mga Boxer Briefs, sa kasamaang palad, kakaunti lang ang ganito ko, madalas kasi ay hindi ko mahanap sa kalaliman ng mala-ukay-ukay kong kabinet. Ganoon pa man, may isang itim na boxer brief na hindi ko isusuot unless wala talagang ibang boxer briefs na mamataan. Hindi kasi ito komportable at nagiipit ang legs ko, pumipilipit hanggang singit, it's a wrong.

Sumunod ay ang Briefs, mas madalas ako mag-brief kesa kahit ano pa man kasi yun ang pinaka madaling makita. Safe-option kumbaga, okey lang, at lumawlaw man ang pantalon ko okey lang kasi normally yung dark colors na brief ang suot ko.Nag-susuot lang ako ng puti kapag wala akong choice (tinamad ako maglaba) o naka-maong naman ako at sigurado akong hindi lalawlaw.

Ayoko talaga ng boxers, dati nung hayskul gusto ko yung boxers pero ngayon ayoko na. Feeling ko nakahubo ako at kumakalembang ang mga bayag ko. Nararamdaman ko din pag pinagpapawisan na ako duon. Hindi naman ako kasi ang bumili ng boxers ko, binili lang ng family.

Meron yan, special considerations for special events, meron din akong lucky underwear, yung gray ko na boxer briefs (na nawawala), hindi ko na ginagamit kasi nabutas dahil sa zonrox.

Mahabang usapan pa ito, pero mula naman siguro d'yan, mapapansin n'yo na pinag-iisipan ko talaga ang bawat bagay na gagawin ko sa buhay ko, hanggang sa brief.

SuperStarWars

28 April 2009

Darth Vader Shoes?!

This should have been out decades ago!

Oh well, I can always have them now...

Coffee and Cigarettes

09 April 2009

Decent coffee, I have been telling my aunt that we have to use the coffee maker, I need decent coffee, we all deserve decent coffee.

I always brew a strong brew, they say i waste the beans, but I want coffee, not colored water.

Powdered coffee, its never right, its too weak and feels lacking, too soft, too smooth, I don't know how to describe coffee, I just tell as i taste.

Tell as I taste.

Three sugars please, and no cream, no milk.

I would've had my coffee at those coffee shops, but I don't like sitting surrounded by coffe-poseurs. Drinking their candy-coated, milk-diluted, fancy-named, so-called coffee. It isn't even coffee. And besides, I won't pay that much for that little coffee, coffee has its right to be brewed and drank at a price fit for real people.

On second thought, hold the sugar too.

__________________________________

I haven't chain-smoked for weeks, my body is craving its poison.

The phleghm isn't black yet, thank whoever.

I've been having coughs this past few weeks, it might be the lack of smoking, it must be a real cough bacteria, it might be the chain-smoking.

A pack rests behind the phonebooks in a corner table in the living room. I can't leave them around while my grandma is in the country, she's staying with us.

I really need a smoke, my sweat lacks the poisonous sweet smell, my breath seems different, my dog can't recognize me by scent.

On second thought make that two smokes.

Pick you poison, pick your poison, pick your poison, pick your poison.

O hell, make it a pack, burn it in an hour.

or less.

Cardiac Arson by the Hedonistic Hubris of a Serendipitous Pornographer

25 February 2009

All I want to say is that I'm back, Yes, I'm back from a few weeks' (maybe a month's) worth of absence from blogging. Not that I was busy or anything, lazy is better word for it.

You might be wondering about the long blog title,

I was reading the dictionary (yes, some people actually read it) just because I was too bored to play cards early in the morning (yes, some people do it for fun) and I was also searching for a cool title to fit my cool writing project of writing a cool story based on conversations I had with Dwight and Paolo and other musician friends. I was looking for words that sound nice and flow in a long phrase that made no sense but kinda pretends to make sense, so I encountered the words tumult, and hubris and Hedonist, although hedonist is a word I already know.

So I intergated those words with a few of my favorite words and made a nice title,

I just love the wordplay, even if I do wordplay differently.

Past Tensed

19 December 2008

Nope, wrong use of words, not in the past tense I'm afraid. It should be in present tense and I wouldn't use too light a noun to pertain to that specific awkwardness you detect from the most obvious of clues. But of course, it's you, not me, so why should I care what words you use.

Disturbingly, you have asked the question at the perfect point of my current state, I am neither too eager nor too bored, neither too scared nor floating in response to the effects of hallucinogenic mushrooms. Unfortunately, the question, though concerning certain characters was not addressed to certain character, though addressed to character who is certain of answer but not in any real position to answer at certain point of time.

There's not much point trying to say too much really, I just want to say, Yes, you are right in your hunch and look a little farther back in the history of my writing and you will prove how correct you are. I am dissappointed that it took you this long, but maybe its better this way. Yes, they were for you, and may they stand and say whatever they were bent on saying in the first place. I already wrote them, I should not bother to say what my past works had to say, so there.

Do please not hate me for this, I feel incredibly foolish just writing in this specific tone, more so writing what I have just written above in this specific manner. May my foolishness be enough to pacify any annoyance you might have for this bit of new information you acquired, I'm a coward, really, this is as brave as I can muster at this moment, perhaps you can give me another moment, lets try my gonads then.

Thank you and good day.

PUGITA!

26 November 2008

Minsan may pugita,

Kulay abo at malaki,

Ang ulo n'ya parang sa tao,

Pero ang mata niya'y iisa,

At wala s'yang tenga.

 

Minsan may isang pugita,

Katulad din ng iba,

Walo ang galamay na malaki,

Nag-mumultitask parati,

Sabay-sabay ang ginagawa,

Lagi pang tuwang-tuwa.

 

Minsan may malaking Octopus,

Octopus na parang tao,

Kinain n'ya ako,

Palakpak ang tenga ko.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger