01 December 2009
The dark does not exist. It is no object. It is the absence. Absence of the truth that is light.
One Day I Found Myself in Diaspora
The dark does not exist. It is no object. It is the absence. Absence of the truth that is light.
by Unknown at 6:41 AM 20 things said
Labels: anaknigod, enggelis, happybirthday, kamalasankontodo, overdrama, pangsayangoras, tulala
by Unknown at 3:27 AM 31 things said
Labels: anaknigod, beer, happybirthday, lipad, pagmumukha, psyca, tulala, up
Ayoko na,
Masyado na akong nabuburyong sa pagbabakasakali na ikaw ay dadaan o sisilip man lang kahit dalawang segundo lang. Ang unang segundo para makapagkunwari akong hindi pa kita napansin nuong papalapit ka pa lang, ang ikalawa para dumikit man lang sa isip ko na ikaw nga ang nadiyan at hindi isang mahabang guni-guni lamang, tulad ng madami kong ibang guni-guni. Ayoko na, ayoko nang hintayin ka pa, hindi na ako mauupo sa parehong pwesto para lang umasa na darating ka. Hindi na rin ako magdadalawang-isip umalis sa kinauupuan ko sa takot na baka sa pag-alis ko'y dumating ka at hindi ko masulit ang ginintuang pagkakataon. Ayoko na, kailangan ko nang umusad, inipit mo ako sa gitna ng gising at panaginip, pero hindi isang gising na panaginip kundi isang tulog na katotohanan.
Ayoko na, ayoko nang nanaginip sa gabi ng mga korning panaginip. Panaginip na nakakainis iwanan para sa tunay na mundo. Ayoko nang nakikita kang nakangiti sa aking tabi, nagkukwento ng masasaya at malulungkot sa ilalim ng itim na kurtinang sinabuyan ng mga mumunting ikaw, aking bituin, para lamang magising at bumungad sa akin ang malungkot na kisame, o tahimik na pader, o matigas na unan.
Gusto ko nang gumawa ng paraan, gawing tunay ang panaginip, o di kaya'y gisingin ang sarili sa katotohanan. O kaya sabay, gisingin ang sarili sa katotohanan na hindi magiging tunay ang panaginip kung manatili akong tulog, o gising pero di kumikilos. Kikilos ako, hindi para sa kung ano mang dahilan kundi para sa iyo, dahil ayokong hindi ako nagiging matapat sa'yo. Napakadungis ko sa mga sikretong tinatato naman sa balat, sikretong bukas para basahin, ayaw ko nang bihisan ang sarili huwag mo lang mabasa, ipababasa ko na, bahala ka na sa lahat ng pagkatapos.
Ayoko na, dahil gusto ko, oo madami akong gusto, pero may mas gusto ako, pinaka gusto kumbaga, at tingin ko, kandidato ka para duon.
by Unknown at 2:43 AM 22 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, cilva, happybirthday, labistori, pagmumukha, pangsayangoras, sorry, watdapak, yosistory
I'm gonna sit down and write a story
I'm gonna sit down in the middle of the night
I'm gonna sit outside with some coffee
I'm gonna sit, would you want a light?
I don't even know what story to tell
I'm so happy I can't even sa life is hell
I'm euphoric, I'll buy anything you'll sell
Oh, give me a bell.
I'm rhyming stupid words tonight
My mind is in a roundtrip flight
I seem to win a sad, sad fight
Everything's so bright.
I remember I love you tonight.
Remember when I told you about my love for the night? Those about the romance hidden in the streets while we were standing on the sidewalk watching the lights of fleeting jeepneys fly by us, you didn’t believe of love in the darkness. I was high with the cold wind, the lights of the lampposts embracing the night, and with you, your presence. I still couldn’t believe I was with you walking towards a better place to hail a ride. You were busy with telling me about your classmate that pissed you off all week, I was busy with thanking the moon for the most beautiful gift on the day of my birth.
Light, it is to you I want to be true. Like you I refused to believe in the stupidity invented to sell roses and chocolates, but now I relearned how to believe. I was fooled to believe because I allowed myself to be a fool to make it easier for myself and my soul to feel such small bits of happiness, like your presence. Its true, I believed before that it was fool’s talk, now I know that there really is something different about somebody’s presence that could be a source of joy. I hope that if this isn’t real for you yet then you’ll let me make it real for us.
Under the trees that give rebirth to infant raindrops, dancing with the leaves, while all the stars in the sky blink above us, until the moon finishes its humble journey, until we finally get a ride, until you have bought the pencil eraser you needed, this smile will remain in my face.
Walk with me, Light, let me hold your hand, I will never let you go.
by Unknown at 2:56 AM 2 things said
Labels: anaknigod, enggelis, happybirthday, kwentistainme, labistori, up, yosistory
Naalala ko nung sinabi ko sa'yo ang tungkol sa pag-ibig ko sa gabi? Yuong tungkol sa romansang tinatago ng lansangan habnag tayo ay nakatayo sa bangketa at nanunuod ng mga lumilipad na liwanag ng mga nagdaraang jeepney na ayaw tayong isakay. hindi ka pala naniniwala sa pag-ibig sa gitna ng kadiliman, windang ako sa epekto ng lamig ng hangin, ng ilaw sa mga poste na kumikwintas sa dilim ng gabi, at sa iyo, hindi parin ako makapaniwalang kasama kitang naglalakad na papunta sa mas matinong sakayan ng jeep. Abala ka sa pagkukwento mo ng kaklase mong nagpapabadtrip sa'yo buong linggo, abala ako sa pagpapasalamat sa buwan sa isang magandang regalo sa aking kaarawan.
Ilaw, sa'yo ko nais maging totoo. Tulad mo ay tumatanggi rin akong maniwala sa mga kabulastugang inimbento para makabenta ng rosas at tsokolate, pero noon 'yon dahil natuto na ulit akong maniwala. Nauto nanaman ako dahil pumayag naman akong maging uto-uto para mapadali ang pagnamnam ng kaluluwa ko sa maliliit na kasiyahan, katulad ng makasama ka. Tunay, akala ko noon ay kwentong parlorista, tunay pala na may ibang epekto ang presensya ng isang tao sa kabuoang pinagmumulan ng saya. Sana, sana kung hindi pa ito totoo sa'yo hayaan mong ako ang magpatotoo.
Sa ilalim ng mga puno na umiihip ng mga sanggol na patak ng tubig, sabay sa mga nagsasayawang dahon, habang pumipikit pikit ang mga bituin sa langit, hanggang sa matapos ang paglalakbay ng buwan, hangga't hindi pa dumadating ang jeepney, hangga't hindi pa tayo natin nabibili ang pambura sa National Bookstore, hindi mabubura ang aking ngiti.
Sabayan mo ako, ilaw, ipahawak mo lang ang iyong kamay, hindi na kita bibitawan.
by Unknown at 12:52 AM 7 things said
Labels: anaknigod, happybirthday, kwentistainme, labistori, up, yosistory
Lahat naman tayo may kanya-kanyang soundtrack, kanya-kanyang playlist ng mga kantang may kanya-kanyang binabagayang timing sa buhay natin. Halimbawa kapag trip mo mag-emo magpapatugtog ka ng mga malulungkot na kanta (Silent Sanct, o kung korni ka My Chem, kung sobrang lakas ng tama ng kalungkutan sa'yo baka patulan mo pa si Sharon Cuneta), kapag sobrang happy joy joy ka naman magpapatugtog ka ng masasayang kanta (hahalungkatin mo ang e-heads mo o kaya sasayawan mo si Jason Mraz, kung OA naman ang kaligayahan mo baka magpatugtog ka pa ng VST) ganun, ako kasi meron din. Yung sa akin nga lang, siguro meron ding ganito senyo, may kanya-kanyang specific purpose, yung akin ngayon ay yung panggawa ng paper, sound-blocking, happy joy joy, playlist ko, eto yung default playlist ko sa Winamp, pang typing jobs talaga.
Ayan, ewan ko kung interesting yan, basta gusto ko i-blog, blog nyo rin yung senyo, ayos ba? AYOS!
by Unknown at 2:26 AM 6 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, happybirthday, kalokohanlang, mgaidol, notmine, pangsayangoras, watdapak
Ikaw na nag-iisa, huwag kang tutungo sapagkat nakakahawa ang lungkot mo, hindi ikaw ang may hawak ng lungkot habambuhay, sa lungkot mo'y magmumula ang lungkot ko. Huwag ka nang mag-isa at sumama ka sa akin.
Sinong umiwan sa iyo? Ako ba? Ngunit ngayon lang kita nakita, paano ko iiwan ang hindi ko pa nakakasama? Pero nais ko sanang makasama ka. Kung iniwan man kita bagamat ngayon lang kita nakita, hindi ko na gagawin iyon muli.
Ikaw na nag-iisa, at ako rin na nag-iisa. Tayong dalawang nag-iisa, nag-iisa pa ba? Mag-isa ka man d'yan at mag-isa man ako dito dalawa parin tayong nag-iisa. Magkita nga tayo sa gitna at magkasamang mag-isa, o maging isa, bahala ka.
by Unknown at 6:40 AM 17 things said
Labels: anaknigod, happybirthday, kalokohanlang, kamalasankontodo, labistori, nangiinis, pagmumukha, pangsayangoras, panpil, sorry, supot, tulala, watdapak
Why am I writing this here? I'm not even sure if you'll be able to read this, you don't really put up an effort to read my stuff, I never really put up an effort to make you read them. Those times seem so long ago now, well, they are long ago. It just feels like I haven't seen you in a while, well, I really haven't seen you in a while, it is true.
Do we have a problem? I don't even know why I'm using the word 'we' here. But since I'm pertaining to a problem between you and me and it maybe affecting you and-slash-or me and maybe caused by you or me (its probably me, anxiety, anxiety) then its just proper to use the word 'we'. At least I think so.
You haven't really given me time of day. not that you have to, its just that you used to do give me time of day. Maybe I just got used to it, I miss it probably, no, not probably, I do miss it.
Do we have a problem? I probably asked you this question a big enough number of times to be worth comment. Because I can never really tell what the problem is, I just feel that there is a problem, its stressing me, its probably stressing you more. Well, at least enough to make you send that aura of a rift between us even if we're far away. We've had problems before haven't we? And I never did know what it was until you told me, maybe I'm insensitive, but right now I'm blaming it on too much sensitivity, maybe there is no problem, you still smile, but there is something in the words you send to me and the feel of your actions when I am near that make me think there is a problem. Is there?
is there?
is there?
please tell me so.
by Unknown at 5:09 AM 10 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, enggelis, happybirthday, kamalasankontodo, labistori, pangsayangoras, sorry, up, watdapak, yosistory
Asa Araneta ako kanina, katabi ng pep squad drummers, kasama ko ang utol kong taga-FEU. Gen Ad, binalak ko mag pa-upgrade to Upper Box B. Wala na palang upuan, sayang, kaya gen ad na kami, katabi ng pep squad, nakakainis ang mga taga-la salle kasi daan ng daan sa harap ng inuupuan namin, tangnang mga rich kid, nagdala pa ng mga mat para hindi maupo sa semento ng gen ad bleachers (so yucky the floor) walangya.
Nagsimula ang laban, mahusay ang pinapakita ng NU, mukhang naihirapan pa ang UP lalo na sa pagkuha ng rebound. lamang ang NU ng matapos ang unang quarter. Tuloy ang ingay ng UP crowd bagamat lamang ng siyam ang kalaban bago tumunog ang buzzer. Hindi pa nga tapos ang quarter ay pinapaos na ako, ang utol ko naman ay tili na lang ng tili dahil wala syng alam na UP chant. Minumura ko na sa isip ko ang number 6 ng kabilang team.
sa ikalawang quarter ay nahanap ng UP ang ritmo, humabol at lumamang pa nga ang mga iskolar ng bayan. Palakpak ang pabuya ko kay number 6 ng Up, magaling sya at masipag na defender, kahit hindi sya ang first option sa scoring ay marunong sya magpatakbo ng opensa. Natapos ang quarter ng lamang ng sampu, ata, di ko na maalala.
Akala ko hahabol pa ang NU, kaso napanis sila kina number 14, maganda ang depensa ng maliliit at mahusay sila sa agawan buko. Nakakatuwa na mula first quarter ay madalas nangyayari na mag mimintis ang UP sa free throw pero makukuha pa ng mismong nag free throw ang off. rebound para maka iskor pa ng dalawa o tatlong puntos pa nga minsan. Lamang na lamang parin natapos ang quarter.
At dito, wala nang binatbat ang NU, ayaw na nga yata nila mag chant, na adapt na ng UP ang Bedan wave (madalas kasi gawin ng mga bedista ang wave). Nagkaboses na ulit ako, umaabot na ng dose, katorse ang lamang, at dama na ng lahat na sa last two minutes ay wala nang habol ang NU, pero hindi naman nagpabaya sa depensa ang UP kahit sa dulo, (bagamat naknakan ng dami ang turnover). Panalo, 86-72 yata, kung tama ang alala ko. basta katorse lamang. Pinaos ko ulit ang sarili ko.
Panalo tayo mga P're, mukhang hindi na ganoon ka imposible.
by Unknown at 4:22 AM 12 things said
Labels: anaknigod, hadbentyur, happybirthday, kwentistainme, mgaidol, pagmumukha, up
Kapag hindi ka ba malungkot ay masaya ka na? Tingin ko kasi oo, kasi hindi naman ako malungkot, pero wala naman akong dahilan para maging masaya, pero masya ako. Siguro pwede na ding dahilan sa pagkasaya ang pagiging hindi malungkot.
Pero mahaba na ang pag-eemo ko at nabalitaan nyo na siguro ang mga dahilan ko para mag senti, pero hindi sila nag paparamdam ngayon, wala silang epekto sa akin ngayon. Epektibo din naman yata yung kagustuhang maging masaya. Happy Joy Joy mode. Kaya masaya ako.
Believe me, hindi ako sarcastic ngayon, masaya ako.
by Unknown at 1:02 AM 5 things said
Labels: anaknigod, happybirthday, kwentistainme, nangiinis, pagmumukha, pangsayangoras, watdapak
Sa kasamaang palad hindi ko napansin na umabot na pala ako sa ika-100 ko na blog entry (tanong: bakit kapag tinayp ko ang "100" ay binabasa ito kadalasan bilang one hundred at hindi isandaan?) at nanghinayang ako, sana man lang ay nagawa kong eventful ang ika 100 kong blog entry, kaya bilang bawi ay gagawa ako ng konting review ng buhay ng blog ko na ito, itong multiply lang ha? Hindi counted yung mga secret at semi-secret blogs ko sa ibang blog site (grabe na ang pagka loser ko, andami kong blog). Marahil bilang simula tama lamang na sagutin ang katanungan na...
SINO BANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ITO?!
Paborito kong sinisisi si Ser Jun dito (refer to previous blog entries para mapurbahan ang pagsamba ko sa Taong ito, kahit tignan nyo na lang fron page ko), kasi sinabi n'ya sa klase namin noon "Blogging is a community of non-writers" (or something like that [wow, english]) mga nagpapanggap na writer na kinokomentan ng ibang nagpapanggap din na kritiko, yuckerboat... kadiri to tha maximum extent of the definition of the word kadiri (may mali dyan sa sentence na yan somwhere). Ayon, matapos nya sabihin yuon ay sinabi nyang mag blog kami (parang, baka naman inisip ko lang na sinabi n'ya), walangjo, lakas ng tama, pero dahil masugid akong apostol ay sinunod ko ang utos JunCruz Christ (BLASPHEMY!!! BURN IN HELL ANGELES-SAN!!!).
Kasalanan din ito ng mga TAE, alam nyo kung sino kayo, mga hayup kayo. Isang self-proclaimed psychotic, isang reyna ng letra sa gitna ng M at O (na ngayon ay level 68 Trance na sa RO, umilaw na kasi sya sa pagiging high priest nya, baka nga hindi na sya 68 e), at isang master ng taijutsu. Kung di kayo... heniwey baka nga hindi nyo pa mababasa ito kasi ngayon mas masipag na ako mag-blog sa kanila at abala sila sa O2 Jam at Ragnarok.
Sumunod na gusto kong talakayin ay kung ano ba ang pinag baBlog ko dito.
Ang unang-una kong blog entry ay tungkol sa dalawang butete na nahuli ni Tinek sa imburnal at nilagay ko sa bibig ko sa halagang isangdaang piso (kakain din ako ng papel kahit walang bayad, bigyan nyo lang ako ng papel). Sumunod ay nabaha ko na ito ng mga tula ko na marahil hindi ko na mapapapublish dahil previously published na sya in the internet via this blog. Dito ko din nilagay ang isa sa mga una kong lehitimong short story, ang aking favorite na Jammin Tanioka Series, eto yung links oh three parts yun eh, favorite entry yata ng marami ang journal entry number 14:
http://estongdakila.multiply.com/journal/item/13
http://estongdakila.multiply.com/journal/item/14
http://estongdakila.multiply.com/journal/item/15
ang shortest blog entry ko ay yung "Si Joan" ang longest (dahil sa dami ng nakasulat) yata ay "The Shoplifter in the Rye" na kasama sa mga kwentong pinasa ko noon kay Ser Jun. Ang longest naman dahil lang sa mahaba sya talaga ay yung "Lethargy", wala namang laman, lethargy lang. Madami din pala akong pagtatangka sa fiction sa aking mga blog entry. Sa blog ko lang din unang nailabas ang lab leter na ayoko talaga naman dapat ilabas, hanapin mo na lang.
Meron din akong mga pinagsisisihang blog na nailagay, ay, isa lang yata. Pero mabibitin kayo dito dahil hindi ko ikukwento at hindi mo na makikita kasi dinelete ko na.
Madami pang details na pwede akong ikwento tungkol sa mga blog ko, kaya nga umabot ng isandaan e, pero hindi ko na ikukwento, ine-encourage ko lang kayo na bisitahin ang journal ko, go guys! Salamat!
by Unknown at 7:14 AM 13 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, enggelis, hadbentyur, happybirthday, historylesson, kalokohanlang, kamalasankontodo, kwentistainme, labistori, mgaidol, nangiinis, pagmumukha, pangsayangoras, sorry, supot, watdapak, yosistory
(uh... di ko na nagawa i-edit masyado na malapit ang deadline, hindi ko na din natapos ng maayos, fiction yan para sa PanPil17 ko)
Nakatayo ako sa ibabaw ng dyip ni Manong Temong, inaabot ng mga mata ko ang dulo ng dagat-dagatang pula, umaalon ang mga suntok sa umaapoy na hangin ng katanghalian Diliman, mga kamaong umaapoy din, hindi sa init kundi sa pagnanais. Ang sarili kong kamao ay humihigpit sa aking sandata, sandatang inilapit ko sa aking mga labi. At ang kulog at kidlat ng aking dila ay narinig ng dagat, naging bagyo ang alon ng mga kamao.
“Doy!”
Sumigaw ni Alan sa akin, pumunit sa ingay ang boses n’ya, lumingon ako sa direksyong tinuturo ng daliri n’ya, sa baybayin ng dagat-dagatang pula, isang news van at ang lente ay nakatutok sa akin. Hindi ako makakatigil sa gitna ng talumpati ko, kailangan kong tapusin. Nagpatuloy ako, at nagpatuloy ang mga kamao, pero parang natutulog ang sinusunog na gasolina sa dib-dib ko. Nang maisigaw ko ang huli kong sigaw, agad akong umiwas sa lente, inabot ang sandata ko kay Rain, sandata na n’ya ngayon, tinuloy n’ya ang pag papainit sa dagat. Dali-dali akong bumaba sa dyip ni Manong Temong. Tumatakbo, nanunulak, nagsusumiksik papunta sa akin si Alan.
“Pa’no na yan?”
Nakita ako, napanod ako sa TV, hindi maganda ito.
“I saw you on TV, Armando.”
Naghuhugas ng pinggan si Mama Inday, malamang mukha nanaman syang napuwing kahit nakatalikod s’ya sa akin. Hindi pa nakakatayo ulit yung mga germs na pinatumba ng bag kong initsa ko sa sulok, hindi pa nagsisimulang mag-init ang paa ko sa tsinelas na pambahay, hindi pa sumasayad ang puwit ko sa monobloc ay nagsimula na s’ya. Hindi naman sa hindi ko inaasahan, alam ko na namang si mama ang makakaunang luminis (sasabon) sa nanglilimahid kong balat, init kasi. Hindi na ako sumagot.
“What were you doing there?”
Hindi namin bahay itong lugar na dinederetsuhan ko pagkauwi ko galing eskwela (o rally, kung alin man) pero halos ganito na rin kalaki, ito ay dirty kitchen lang ng bahay ng mga Montemayor. Mga Montemayor na may-ari nung bahay na tinutuluyan namin, nag-papasweldo kay Mama at tatay, hindi ko alam kung magkano pero nabili na din yata nila ang kaluluwa nila, yung akin yata on-lease lang. Nakatalikod parin sa akin si Mama, gusto ko naman sana itanong kung paano n’ya ko napanood sa TV samantalang wala kaming TV, kahit alam ko naman ang sagot at asa harap ko nga, yung TV na lagi na yatang nakatutok sa ANC, yung TV sa kusina.
Sa katahimikan ko yata ay naisip ni Mama na utusan na lang ako imbis na awayin na naman n’ya ako, bumili daw ako ng suka, tunggain ko daw ng matauhan ako. Sa totoo lang hindi yun ang sionabi n’ya, ang sabi n’ya “I’m going to ask you to buy vinegar, you might want to think about drinking it straight to straighten your head Armando, know you’re priorities.” I know my priorities ma. Inaabot n’ya yung barya sa ibabaw nung ref ay nakita ko ang kamay n’ya, na may pamilyar na marka.
“Ma, minsan gusto ko makausap ng matino yang nanay ni ‘Nyor, hindi yata alam ang tamang pag gamit ng plantsa ay hindi sa tao, lalong hindi sa nanay ko.”
Kinuha ko ang pera habang binubuo ko sa isip ko kung paano ko paplantsahin lahat ng kulubot sa pagmumukha ni Misis. Naalala ko na may pasalubong nga pala ako kay nanay, kinuha ko muna sa bag ko at matunog (medyo padabog) kong nilagay sa lababo, sa tabi n’ya. Back-issues ng National Geographic na na-arbor ko kay Alan, mahilig si mama magpakamatalino, labing-walong taon na akong buhay hindi ko pa rin alam kung bakit sa dami ng talinong nilulunok n’ya araw-araw, napaka bobo parin n’ya.
“Tay, ba’t ba di tayo umalis dito?”
Hindi naman para sa akin, para kay mama, hindi ba nagagalit si tatay? Hindi rin ba nababatukan ang sarili nyang angas sa paghahardinero dito? Noon daw nasa Bulakan pa s’ya ay magsasaka s’ya, dito ay bonsai at birds of paradise lang ang nadadapuan ng kamay n’ya, hindi pa sa amin, hindi pa nakakain.
“Nakikita mo ba ito?”
Oo naman, nakaduldol na sa mukha ko e. Buto, hindi ko alam ng kung ano, hindi ko alam kung para saan, hindi ko alam kung bakit. May pagka pilosopo si itay, yung pilosopong matalino ha? Hindi yung mapang-inis. Alam ko na pag ganito sumagot si itay ay siguradong may ibang sagot, pero pinili n’ya yung malalim, yung biglaang pagkakataong makapagturo ng pilosopiya sa buhay.
“Dito, ang tinatanim, tumutubo.”
Pero paano si inay? Sasabihin mo nanaman bas a sarili mo na aksidente lang yun, na hindi sinasadya ni Misis na idikit ang plantsa sa kamay ni nanay? Paano yung mga hindi dahilan na dapat meron pa kayo? Yung mga dahilang hindi n’yo sinasabi sa akin? Nabuburyong na ang utak ko sa mga tanong na hindi mabitawan ng mga labi ko, namumuti na ang kamao ko sa paghihigpit, at naninigas na ang mata ko sa pag-pigil ng nagagalit na luha. Iniwan ko si itay, dinahilan ko si ‘Nyor, naisip ko na ding hanapin nga si ‘Nyor. Asan na ba yung walangyang yun?
“Ando!”
Ganyan ako tawagin ni ‘Nyor, s’ya lang ang tumatawag sa aking Ando, at ako lang ang tumatawag sa kanyang ‘Nyor, si Mama na yaya n’ya Jun-Jun ang tawag sa kanya, malapit na nga namin makalimutan ang pangalan n’ya kung di lang talaga s’ya Junior ni Boss Amo. Sabay na kami lumaki ng gagong ‘to e, palibhasa lahat ng utol n’ya e asa ‘Tate, s’ya lang ang dito pinag-aral.
“Tawag ka ni Dad.”
Hindi ko alam kung may iuutos si Boss Amo, hindi naman n’ya ako madalas utusan, mabait sa akin si Boss Amo, medyo ilag lang s’ya kay Mama, pero kahit kay tatay ay mabait s’ya, minsan nga sinama pa n’ya mag-golf, at talagang nag-golf naman si tatay, pag-uwi n’ya nag-away sila ni Mama, hindi ko alam kung bakit.
Kamukha talaga ni ‘Nyor ang tatay n’ya, yun nga lang wala pa sa kanya yung tinatawag ni Boss Amo na marka ng lahi, kasi lahat ng peynting ng mga matatandang Montemayor (na puro mga panginoong may-lupa) maitim ang buhok bukod sa maagang pumuputing mga buhok sa gilid, salt and pepper ba. Matagal na ding hinihintay ni ‘Nyor na mamuti na ang buhok n’ya para matuwa ang tatay n’ya. Ako nga sa tuwing pumuputi ang buhok ko natataranta si Mama na bunutin o ipatina, hindi ko naman s’ya pinapansin kasi sabi ni tatay ang puting buhok tatak ng matalino. At nakarating na nga kami sa lanai, andito si Boss Amo, nagkakape.
“Ah! Armando! Maupo ka.”
Kinamusta na n’ya lahat, eskwela, kilusan, barkada, lovelife (wala naman), humigop s’ya ng mahaba sa tasa n’ya bago s’ya nagtanong tungkol sa kilusan, at umubo naman s’ya ng makailang beses bago kinamusta si Mama. Tinanong n’ya kung mag-iilang taon na ba ako, naalala kong malapit na pala bertdey ko, nauna pa n’yang naalala bago ko maisip.
“Mag-bebente na po.”
Tumango s’ya, humigop ulit ng kape, tinignan ako ng malupit, bigla yatang kumati ang pisngi ni Boss Amo.
“Pumuputi na pala ang buhok mo Armando.”
by Unknown at 5:51 AM 7 things said
Labels: anaknigod, fiction, hadbentyur, happybirthday, kwentistainme, nangiinis, panpil, supot, up, watdapak
She was dissing her boyfriend like hell, she never left my apartment since she came for the party. I pretty much had to appease her with offers of beer and my own versions of Jude insults. I had no idea what to do, though, when after the fifteenth beer she started crying. It sounded like it was half-laugh, whole-cry. She flung the beer bottle across the room, barely missing my microwave. She had her face buried in her hands while murmuring stuff that sounded like "Fuck you" in between sobs. I panicked then, I didn't know if I had to pat her on the back or something, but the enormity of patting Carrot's back, while she's wearing that tank-top, while she's braless, while I'm only pretending to drink so that I could (for some reason, it seemed prudent) keep my head clear and my dick would rise-up to the ocassion if needed. So I offered to smoke a joint or two, she looked up, she gave me a trembling nod (not even wondering why I kept on insisting that I had none earlier). I took out my stash taped underneath my kitchen sink, rolled up a joint, gave her one, and rolled myself another.
We were now fogging up the place with God-knows-what. So much for keeping my head clear, at least I'm not drunk. She's not crying anymore too, way better, now she's actually laughing. I handed her a beer, she took it, but perhaps it wasn't the best thing to do when the girl is so smashed. She fumbled with drinking it and spilled half the bottle on her top. Perhaps it actually IS the best thing to do when a girl is smashed. She ignored it, I didn't, couldn't, I was glued to the boob tube, the real boob tube. She downed the bottle before she decided to take notice of me, staring at her, then at her face. She looked surprised, then she smiled.
To be continued pa yata, hindi ko alam kung gagawa pa ako ng kasunod o tatapusin ko na dito, bahala na, tingin n'yo? Gawin ko pa yung kasunod?
by Unknown at 12:23 AM 2 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, enggelis, fiction, happybirthday, kalokohanlang, labistori, nangiinis, supot, watdapak, yosistory
Nanghihinayang ako. Ang dami kong mga ideya na hindi ko na naaalala, hindi ko kasi nalista. Andami ko din gawa na hindi tapos, kaya bilang alay at paalala na tapusin ko ang mga ito ay ililista ko ang ilan dito. Ililista ko ang kanilang mga working title at ang dahilan na naisip ko sila.
by Unknown at 4:48 AM 5 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, fiction, happybirthday, labistori, mgaidol, supot, up, watdapak, yosistory
Meron lang akong thoughts na random at gusto ko lang i-post
Alam nyo bang may kanta ang The Police (yung kay Sting, hindi yung kay Gabe Mercado) na entitled "Roxanne"? Ang Lyrics nya ay comparable sa kantang "Nene" ng Mano Mano. Same topic, google n'yo yung Lyrics, limewire nyo yung song. hindi sya bagay sa Roxanne natin, actually.
Nabasa yung dalawang notebook ko nuong trekking, andun sa isa yung short story ko na may working title na "Ang Pagka Haba Habang Madaling Araw sa Buhay ni Christine Olivar", nabasa din yung deck ko na itim, kelangan ko na bumili ng bagong deck.
Mukhang hindi gagawa ng kabutihan si Jammin sa hitsura nya sa Hayskul yearbook pics n'ya. May Creative pic pa sya na naka Hockey Gear, right... Tapos may God, God pa syang nalalaman noon, samantalang ngayon ay namimigay na sya ng kopya ng librong "GOD IS NOT GREAT"
Ano basa nyo dito? Lagyan nyo nga ng proper spaces "GODISNOWHERE"
Ang wirdo ng mga pag-uusap namin ni Jeanne, kasi laging unexpected at productive. parang out of nowhere kami bigla nagkakaroon ng pagkakataong magka usap,
Malapit na pala mag showing yung John Rambo, idol ko pa rin si Stallone, walang pakelamanan. S'ya kasi ang scriptwriter nung mga pelikulang nag pasikat sa kanya, kaya mas magaling pa rin sya kesa kay Swarseneger. The best parin nya yung Rocky, yung una. Kaya safe bet na bumalik sya sa Boxing thru The Contender noon, kaya matapos nya balikan si Rocky sa Rocky Balboa, dapat lang na balikan nya si Rambo sa John Rambo.
Napansin kong Smoking Area na yung kubo na madalas tambayan ni Ser Jun, siguro dahil sa reklamo nya sa KAL admin, humirit na payagan sya mag yosi kahit dun man lang. Dugas talaga ni Ser, pang Faculty lang yung kubo na yun e!
Matagal ko na gusto gumawa ng post na ganyan ang title, parang interisante lang pakinggan. Nakakawirdo kasi yung mga comment na deleted at the request of the author, parang gusto ko tanungin kung ano ba yung sinabi nya na binawi nya? wirdo...
Kakata ako ng kanta ni sir Elton John para sa Theatre10. yung "your song" yung kinanta sa Moulin Rouge, apparently hindi si Elton John ang sumulat nung lyrics nuon.
Ayoko na ituloy itong post na ito, puro nonsense na e.
by Unknown at 11:09 PM 12 things said
Labels: anaknigod, happybirthday, mgaidol, pangsayangoras, supot, watdapak
Hindi ko inaasahan na gagawin ko itong ginagawa ko ngayon, pero siguro nga ginagawa ko ito dahil gusto ko na lang tapusin ang lahat, o tanggap ko na na wala namang kailangan tapusin kasi wala namang simula. Na ako lang naman ang nagpapahaba ng kwentong walang conflict kasi walang rising action, puro falling action, puro climax kahit walang conflict.
Pero eto na nga, ipinopost ko ang sulat at tula na binigay sa akin ni Cindy noong Third year highschool na ginawa nya bilang response sa compilation ng mga tula na binigay ko sa kanya noong 2nd year highschool, matapos nya kunin ang puso ko, ipanguya sa kalabaw, ipadura sa kalabaw, patapakan sa kalabaw, tapos ipadigest sa kalabaw. Basta, ito ang favorite Christmas gift ko of all, kasi para sa akin talaga. Andami ko pang sinasabi hindi naman ito yung gusto no mabasa, heniwey eto na. (Sa mga hindi makarelate, may earlier posts yata ako tungkol sa kwentong ito) Hindi ko alam kung kabastusan bang i-post ko ang isang bagay na dapat sa aming dalawa lang, pero tingin ko habang tinatago ko pa ito ay masyado pa akong umaaasa na baka mag ka happy ending pa, hindi ko na dapat itago, labas na ang kwento. Mga Kaibigan ko, ang kwento ko ay kwento na ninyo. (Medyo tiniis ko na din na hindi ayusin ang grammar nya sa madaming parte tulad dun sa tamang pag gamit ng "nang" at "ng" lalo na sa tula, pero minsan hindi na ako nakatiis na hindi ayusin ang punctuation sa ilang parte dahil baka maiba na ang pagkabasa nyo.)
Yung SULAT muna, (nakasulat sa blue na stationary, hindi scented awa ng dyos,) yung first two lines ay kinowt nya mula sa first page nung bigay ko sa kanya.
Isang taong pagkikimkim...
"Then let it not be true love, let it be a feeling of sadness that my soul cannot resist"
-Silva (silva pa ang ginagamit kong psuedonym noon)
Nakakakonsensya naman front page pa lang kinokonsensya mo na'ko... As I read your thoughts about me I realized na nagkamali pala ako! Dapat hindi ako nagbitiw ng mga salita na maaaring makasakit sa damdamin ng ng isang tao gaya ng sinabi ko sa'yo.
I'm really sorry about that... alam mo I do appreciate your thoughts... I thank God na maraming nag mamahal sa akin!!!
Hindi ko man masuklian lahat ng pagmamahal na 'yon andito namana ako bilang isang KAIBIGAN (sya ang nag all caps nyan, hindi ako) siguro naiintindihan mo naman na friendship/my friendship is the only thing I could offer... Promise I would be a very good good friend of yours
Sorry for the times na parang I hated U so much ha...
thanks ulit...
I will keep that!!! Silva
-Pretty Woman-
friend you can count on...
1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9 & 10
Yung TULA naman (nakasulat sa Oslo, may drowing na babae sa likod, chibi, tapos may nakalettering na THANK (vertical) sa left side at YOU (vertical pa din) sa right side.)
Hindi ko man masuklian
Ang pag-ibig mong tanan
Nandito naman ako handa kang tulungan
Sapagkat ako ngayo'y iyo ng kaibigan
Salamat sa Lahat ng iyong ginawa
Sa bawat pagmamahal at pagkalinga
Sa lahat ng alay mong tula
Salamat, hindi mo lang alam, ako'y natuwa
Patawad sa sakit na akong nabigay
Nasakan kita ng walang kapantay
Sobra-sobra ang pasakit na naidulot
Alam kong kahit paano'y puso'y may puot
Marahil ito na ang panahon
Para tayo'y mag "move-on"
Mga bakas ng kahapon dapat ng itapon
Dahil hindi naging maganda ang nagdaang panahon
Andito lang ako bilang kaibigan
Walang problema sa akin yan
As long as makakaya ko na ika'y matulungan
I will do my best basta wala nang ilangan
Back to normal na po tayo
Matagal-tagal na rin po
May ilan taon na po ba?
Aay, basta ang mahalaga tayo'y magkaibigan na.
Don't drive your stakes too deep-
We're moving in the morning.
-Kurama
Kaibigan? Ewan, dito ko yata nakumpleto ang anatomiya ng isang Timang.
by Unknown at 10:13 PM 10 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, happybirthday, kamalasankontodo, labistori, notmine, sorry, supot, tulala
(The original plan is to post the story I am writing about Christine on her birthday, I couldn't because It is unfinished, so I recalled random moments that I couldn't forget with Tinek, I hope you guys will post your own random moments with Christine someday soon)
It was the day Christine approached me before we entered our class for Psych 101 and she said "Alam mo, naaastigan ako sa'yo" or something like that. She freaked me out, permanently because of that. When I asked her why she never really gave me a clear answer, that was the day that Christine Olivar became more than a random character in my world.
It was the day she spoke her mind freely about her different views as to what defines a female during the Gender and Sexuality reporting. It simply defined her and her feminist views, her fighting spirit too. It just proves that if Tinek knows what she is talking about and fells she has good enough reason to talk about it she will shed her shyness and speak.
The days, however rare, that I could YM her during the unholiest of hours. She tells you exactly what she wants to, she will act like she's drunk because she will be a bit different from the Christien you know (you think you know). It is so cool I'm making ashort story out of it.
Adventures, the travelling we did on the place we thought we knew. As she calls it, UP na hindi mukhang UP, across the grass, throught mud, up, down, and backward. That is how she wants to see the world, from a different angle.
Silences, when we don't share jokes, when we don't talk mock intelectual talk, when we are not arguing about feminism and other stuff, when we just sit down and be silent. Those are moments I like.
Cleaning the black paint spilled at the PHAN stairs, there are somethings about your friends that will make you better friends, seeing them cleaning stuff with you is one of those things.
by Unknown at 7:27 AM 1 things said
Labels: anaknigod, enggelis, hadbentyur, happybirthday, kalokohanlang, kwentistainme, up, watdapak
Okey, sa mga mabilis mag-isip malamang nahulaan nyo na na nag punta ako ng Ateneo sa title pa lang. Bakit kanyo? Kasi gusto ko bilihan ng T-shirt ang kapatid ko na galing ateneo, kasi nung huling berdei nya ay T-shirt galing UP ang bigay ko (kahit taga FEU sya) gusto ko kasi magsimula ng koleksyon ng mga t-shirt ng iba't ibang College pero dahil mahirap maghanap ng kasya sa akin e sya na lang ang binibilhan ko. Kaya umabsent ako sa CWTS ko nitong sabado lang at pumunta ng Katipunan.
Pero hindi naman ako dumiretso sa Ateneo, nag lakbay muna ako sa teritoryo nila, ang Katipunan. Nakakatuwa, puro kapihan ang nakikita ko, bawat ata 20ft may kapihan at umaapaw ito sa mga Atenistang umiinom ng kendi (kapeng puro add-ons, may whipped cream, may gatas ng lahat ng uri ng mammal, may chocolate, at ang mortal sin, MALAMIG!!!). Wala namang nagkakape, wala namang mukhang nagpupuyat para nakahabol sa deadlines, wala namang mukhang isang kahig isang tuka (mukha nga silang walang kahig, tatlong libong tuka eh), lintek, wala kayong karapatan mag KAPE kung kendi ang iniinom nyo, tek, tas sasabihin nila sila ay coffee connosieurs, sinong niloko nyo oy!
Eniwey, as ay wes seying, ay meyd lakad na in da road which was soooooo mahirap bikos may drayber was nat hir kase devah? Nakasalubong ko pa nga si TANGCO!!! Kasama ang mga anak nya, kamukha talaga nya si Ser Jun, bakit ba lahat ng matatandang payatot na matalino magkakamukha? Tas nung napagod na talaga ako e tumanga ako sa isang kainan, hindi naman ako umorder kasi may baon akong 1.5 liter Coke at isang kahang yosi. Pero sa buong tambay ko dun e patingin tingin sa akin yung mga babae sa kabilang table, naiinlab yata sa akin (baka naman naubusan na sila ng yosi't manghihingi, buti pa nga sila may ashtray eh) o baka naman iniisip nilang hoholdapin ko sila. Heniwey, pagkatapos ko pagsawaan ang kanilang kakonyohan e tinignan ko yung menu, tangna, 38 pesos ang isang lata ng kok, samantalang 35 pesos lang ang bili ko dun sa 1.5 litro. Pero ninakaw ko na din yung menu at umalis na ako bago ako mahawa sa mga babae (heniwey magaganda naman sila, sitenta porsyento ng nang babaeng nakita ko sa Katipunan ay maganda, nobenta porsyento ng lalake ay mukhang Timang).
Pumasok na ako ng Ateneo at desididong hanapin ang lugar na parang Shopping center nila, wala naman yata pero yun nga talaga ang hinahanap ko sa loob. Surprisingly, madaming green sa Ateneo! Mga halaman, siguro may mga tatlong kotse din akong nakitang medyo green, tas isang blue green (siguro hindi makapag decide kung atenista o lasalista) pero wirdo pa din kase yung mga street sign nila ay kulay blue yung lahat ng dapat ay itim, ang bigat sa mata makakita ng kung hindi green e blue, tangna.
Ayun na nga asa Ateneo ako, tapos lakad lakad, hindi naman ako mukha masyadong dayuhan. gusto ko sana manigarilyo kaso hindi ko alam kung saan pwede, gusto ko sana hulaan sa pamamagitan ng pagtingin kung saan may mga upos ng yosi, kaso langya ala e, ang sipag naman maglinis ng mga tao dito. Kaya lakad na lang ako, hanggang sa makarating ako sa Belarmine feild kung saan may event pala sila at namimigay ng gifts sa disabled children. Eto pala yung parang Sunken nila, kase may tiangge din kaso karamihan ng stall sarado kase sabado (sosyal ang mag tent, sponsored ng Pepsi) dito ako nakakita ng mabibilhan ng T-shirt para sa kapatid ko pero hindi muna ako bumili kasi gusto ko pa makita kung may ibang mabibilhan. Kaya lakad pa ako, hanggang sa maabot ko na ang Ateneo Hayskul, naalala ko tuloy si Batocabs, dito sya nag hayskul e, naalala ko rin tuloy si Ria, wla naalala ko lang sya kase pareho silang econ at nililigawan sya ni Batocabs, sila na kaya? (Ria! kayo na ba? hehehe, biro lang) Dahil nakakaumay ang itsura ng rich kid (no offense kina Jammin at Ging at Ria, hindi na kayo kid eh) kaya bumalik na ako sa Belarmine feild. Napansin kong walang naglalakad dito, sandali pa lang naglalakad ay mag tatraysikel na (naglalakad lang yata hanggang makasakay) syempre madaming de kotse. Ayun, bumili na ako ng T-shirt para sa kapatid ko, XL kulay blue at nakasulat sa harap "ang sarap maging atenista" masarap nga siguro kais anak mayaman ka ULUUUUUL!!!
Ayun, edi natapos din ang misyon ko. Pauwi na ako ng hindi na ako makatiis at tinanong ko ang isang gwardya sa isang bilding kung saan pede manigarilyo kaso hindi ko maintindihan sinabi nya kaya minadali ko na lang makalabas kaagad para makapag yosi sa kalsada. Nagmamadali na talaga ako, nangangati na ako at nababahing eh, allergic talaga ako sa ganire...
by Unknown at 5:31 AM 15 things said
Labels: ateneo, hadbentyur, happybirthday, kamalasankontodo, kwentistainme, nangiinis, pangsayangoras, watdapak, yosistory
Hapi
Hapi
Hapi
Bertdey
Sayo
Ang
Pagkain
Kami
Ang
Kakain
Hapi
Hapi
Hapi
Bertdey
Sayo
Ang Inumin
Aming
Tutunggain
Hapi
Hapi
Hapi
Bertdey
Sayo
Ang
Babae
Kami
Ang
Dadale
Haping-Hapi nanaman kami
by Unknown at 3:28 AM 2 things said
Labels: happybirthday, watdapak