Showing posts with label mgaidol. Show all posts
Showing posts with label mgaidol. Show all posts

Berso Sa Metro

04 March 2011


Pinupuri ko ang Instituto Cervantes at ang kanilang mga katulong sa poryekto nilang "Berso sa Metro" na naglalagay ng mga Tula ng mga Manunulang Español sa LRT2 na may pagsalin sa Filipino. Kapitbahay na kultura nga naman natin ang sa España at wala namang idinulot na maganda kahit kailan ang pagtatanim ng sama ng loob sa bagay na nagyari daang taon na ang lumipas.

Kaya sa susunod na sasakay ka ng LRT2, imbis na panoorin mo ang mga kasabay mo ay pwede ka na ding magbasa ng tula.

Eto ang Paborito ko.

Al perderte yo a ti
ni Ernesto Cardenal

Al perderte yo a ti tú y yo perdido:
yo porque tú eras lo que yo más amaba
y tú porque yo era el que te amaba más que yo:
porque yo podré amar a otras como te amaba a ti
pero a ti no te amarán como te amaba yo.

The God Question

30 October 2010

Being raised in the environment I have been, it's hard not to believe in a supreme being that is out there,  a god if you will. But I must say that I cannot believe he actually gives a crap about what we do with our lives.

I can't live my life according to the teachings of some group of elders interpreting some book that was written by people who lived in places and times that are that different to mine. If I'm gonna live a life I must live according to multiple books, all books if possible. Not according to some code of rights and wrong but to the just and fair I learn a long the way.

My life is my bible, the world is my prophet, and I am my own messiah.

Insert Korning Title or Para sa mga Kaibigan Kong Piniling Umibig

22 May 2010

('Ano nanamang kalokohan to Ernie?' Sasabihin n'yo)


Una sa lahat, nais kong mag-alay ng papuri, pagbubunyi, paghanga, pagkawindang, chocolate chip cookies, at buhay na manok para sa inyo (o sa atin, waterbear). Palakpakan para sa mga sira-ulong pinili pa ring umibig kahit ano pang pagkadurog ng puso, pagkapaminta ng pagkatao, ay pagka abo ng kaluluwa na nakikita natin sa TV at sinehan (o illegally downloaded sa computer), na talaga namang negatively reinforcing. Mabuhay ang mga sira-ulong walang pakielam sa lahat ng kabulastugang yuon at tumutunganga lang para sa happy ending. Matapang ka, sabihin mo mang hindi mo pinili maramdaman ang nararamdaman mo ay, oh well, nandyan pa rin yan. Aminin mo man o hindi ginusto mo yan, umibig ka at hindi mo ginawa ang mga pwede namang gawing pag-iwas o paglublob ng puso sa liquid nitrogen.

Hirit ng nagmamarunong na takot naman sa mga terminolohiya o ng nahihiyang gumamit ng salitang 'pag-ibig' kasi wow pare ang lalim o di kaya'y ew tsong baduy; Hindi ako umiibig/hindi pa ito pag-ibig/hindi ako naniniwala sa pag-ibig, I'm just fond of her ('at ganun din s'ya sa akin' optional). The hell, ano ba ang problema ng iba sa atin sa terms? Salita lang ito kaibigan, ang ibig sabihin sa ingles ay 'like'. Ibig, ibig, ibig, 'pag-ibig', 'umiibig', 'mag ibig ka ng tubig pampaligo ng ate mo'. Salita lang ito kaibigan, walang dahilan matakot sa salita, tao ang nagluluwa ng salita (pamisa'y kinakain pa nga, ew). Salita mo yan, labo naman matakot.

So anyway, ayun nga, congrats, magaling, mahusay. Medyo mabigat lang yung feeling n'yan sa simula pero biglang gagaan na lumilipad ka na tapos bibigat ulit kaya mahuhulog ka. Kasamaang palad lang talaga at walang sasalo sa'yo. Ganito ang tingin ko sa pag-ibig; Parang pagkahulog sa bangin, sobrang lalim na bangin na parang yung bangin na kinahulugan ni Alice sa Alice in Wonderland nung sinundan n'ya yung nagsasalitang kuneho. Sa simula ng pagkahulog mo'y natatakot ka, habang tumatagal nalilimutan mo na ang tungkol sa pagkahulog at nagiging masaya ka, ineenjoy mo ang experience, sinimulan mo itong tawaging pag lipad at hindi pagkahulog. Tapos maiinip ka, wala ka nang magawa, hindi mo na ma-enjoy, wala nang bago. Hindi na dramatic, romantic, o metaphoric yung nangyayari kundi pathetic na lang. Nahuhulog ka na lang talaga, at babalik yung takot, dahil naalala mong walang nahuhulog, na hindi bumabagsak. Malulungkot kang hindi mo mapigilan ang pagdating ng sakit, naiinis ka, pero mas namamayani yung lungkot.

Ang pag-ibig, yung tunay, ay yuong nabubuhay pa pagkatapos ng pagkahulog sa lupa, bumangon sa pagkakasalampak sa sahig, tinanggap na putsa ang sakit ng buong katawan ko buti na lang imortal ako. At habang masakit pa, habang nagsisimula pa lang maghilom, ay sinimulan nang akyatin yung bangin na kinahulugan, dahan-dahan. Ang tunay na pag-ibig yung aakyat at tatalon at aakyat at tatalon ng paulit-ulit. Hanggang sa maging magkasing saya ang pagkahulog at ang pagakyat, kahit na ang ibig sabihin nuon ay hindi na ito aabot sa dating all-time high ng kasiyahan. Hanggang sa malimutan mo na ang tungkol sa pagbagsak, pagtama sa lupa, at maging tungkol na lang ito sa pagkahulog, sa pagpapaubaya sa mundo na hilahin ka, tapos ipahiya ito sa pamamagitan ng pagbangon at pag angat. Di bale na yung sakit, di bale na yung mga sugat.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi yung sa exciting na parte, ang tunay na pag-ibig yung nabubuhay sa monotonous. Yung hindi na importante sa'yo kung di ka na dinadalhan ng bulaklak o minamasahe. Hindi na importante kung nababawasan ang oras n'ya para sa iyo. Hindi na importante sa'yo na magpakita pa ng affection, at hindi ka na rin naghihintay noon, sapat na sa'yo ang bagay na kayo ang magkasama. Na pinili n'yo ang isa't isa bilang patunay na nagmamahalan nga kayo. Yuong parte na s'ya ng paulit-ulit at boring mong buhay, hindi lang parang birthday party na one-time big time. Ang tunay na pag-ibig wala nang pakielam sa pag-ibig, ang tunay na pag-ibig nasasanay, at wala nang alam na ibang pamamaraan ng pamumuhay kundi ang magmahal. Wow ang korni na.

(Sabi nila experience is the greatest teacher, sabi ko naman, it's not the only teacher. Mula sa kasanayan ko sa kakapanhik sa iba't ibang bangin, hanggang sa mas naeenjoy ko na yung pag tama sa lupa kesa sa pagkahulog. Kaya ko lang naman sinulat to dahil kinikilig ako sa pag-ibig ng mga iba d'yan, pero iniisip ko ding mas maganda kung kahit wala na yung kilig, nandoon pa rin yung pag-ibig)

(Hindi ko alam kung may sense yun)

May alam ka ba?

18 March 2010

Indiana Jones and the Room of the PackRat GeekBum!

16 February 2010

Geez, I just realized how much stuff I have lying around. I actually fear snakes might be living under my bed. Boxes upon boxes of books and sheets of paper and old notebooks and documents and photocopied readings and doodles and manuals and magazines and comics and stuff. Not to mention my toys and art tools and CDs and DVDs and dirty cotton buds and bloody laundry. Now there are cables and cords for the scanner, chargers for my handhelds, old game catridges, packs of cards, beer bottles, posters, old bags, a remote controlled car, old lamps, boxes with unknown content, empty cigarette boxes, robot exoskeletons, dead prostitutes, and the Holy Grail.


I do try to get stuff organized. Every time I do, I get sneezing fits and itch all over because I am allergic to dust (considering the amount of dust in my room, I should be dead by now). That is part of the reason that most of the stuff are in boxes and in drawers now (my only cabinet is reserved for clothes and I do not have shelves). I try my best to throw stuff out whenever I clean up, but the problem is the "throw-out" box, always end up being declared "Hey-I-could-use-this-for-some-crafts" box or "this-stuff-will-be-interesting-to-read-one-day" box and the like.

I would like to finish this blog entry and stuff, but I'm kinda in the middle of trying to organize and failing miserably at it, so there you go.

Reminiscing ACLEs

27 January 2010

Of my UP life, 8 ACLEs have come and 7 of them have passed, the latest one is this year and I'm happy to somehow be a part of UP PsycA's ACLEs this year even if I'm not on campus (though being part merely means I came up with the title and made some posters) I like ACLEs in general and this is just to remember those that passed.


During my First year I never attended ACLEs, to me they we're just an excuse to go home early. I was never required to attend any nor did I go to any extent of actually wanting to attend any, ACLE topics from organizations bore me, they we're repetitive and unimaginative. Photography crash courses and stuff about comic books are the only things that caught my eye on the bulletin boards, so no, I did not like ACLEs back then.

During my second year I was already part of UP PsycA when the ACLEs started, UP PsycA's ACLE during the first sem was a team up with UP Kustura, an org of people from Marikina. We didn't attend that, we went up to Vinson's to attend an ACLE with Papa Dom about Reggae music and the Rastafarian ideology. In hindsight, I did ask a lot of stupid questions that day, but I did get a picture with Papa Dom and got his autograph.

The Second sem Ate Meme was bugging us about what to present, I had recently watched the film Umaaraw, Umuulan starring Ryan Agoncillo and suggested we show that to people. It was typically uneventful, we had a few people in and it was merely an excuse for me and Jammin to get to smoke in the fourth floor classroom we reserved for the event. Ate Meme gave a little talk about Schizophrenia as well, which she did real well as it apparently was her report for her Psych 155 class.

When we took over PsycA during our third year we wanted our ACLE to be a something people would actually WANT to go to, not have to. I can't remember who actually came up with the idea (I'd like to say it was me, but I'm not sure) that we make a film about Zorro, the costumed mascot of the Academic Oval. It was originally a film, that boiled down to a documentary (or a lousy excuse for one) about Dennis Magtajas, the guy behind the mask. So that's what we called it, "Sa Likod ng Maskara: Ang Stigma ni Zorro". I starred in that docu and did voice acting for that as well, I interviewed Zorro and his father and we built a pretty good picture of who the guy is. This is when we started the lucky streak of speakers, Prof. Rosel from the Psych Department who teaches Abnormal Psychology was a great speaker and did more than we expected from her, which is saying something. We expected a lot from her, she delivered and we we're in awe. The room was filled to doors, and it was a booming success. We knew by then that when we're gonna do events, we can't just pull something off, we have to raise the bar.

The next one we did was something about food, apparently Ging wanted something that had something to do with food. The original professor we wanted to invite was to be invited if only to discuss the "tingi mentality" of Filipinos when it comes to food, he declined the invitation and suggested we ask Prof. Cosare instead. If anybody was an expert at Food Psychology it was him, he knew it, he may be the only one who knew it in the country or even the region. He was more prepared than we we're! We pestered a few people to attend it and we got to fill the room with people, who happily taste tested everything the professor brought (he had wine, and we we're warm all day because of it) and the free isaw we gave away at the end. Again, we raised the bar, apparently Prof. Cosare became popular because of this and was invited to two other ACLEs, one for last sem and another one for this semester.

The Last one was something that you would've expected from a Psychological organization. It was about reading minds "We Can Read Your Mind" as we called it, and we invited a former private investigator (a professor of Rose and a classmate of Mhe-Ann) from BA. Sorry to say I forgot his name, he is a young professor who knew what he was talking about. We also invited Prof. Ed Decenteceo from the Psych Department as a reactor to the event, he was wonderful and provided an opening for this year's ACLE about paranormal psychology. Sir Ed talked about how behavior and body language affects us, how he applies it in acting, in his counseling, in teaching, and a crash course on "Heart Chakras" and the spiritual things like that. I put great publicity as number one reason we filled the Big AS room (96 people! we had to borrow chairs from adjoining rooms and STILL have people standing) Tinek did a wonderful job with the pubmats and I think the success of our previous ACLEs proved fruitful as I saw familiar faces from our previous ACLE joining us that day. As usual, hosting duties fell on me despite me being out of school that semester, during the technical difficulties part in the start I would like to believe the little research I did on Evolutionary Psychology and how our evolution has affected our body language did well in burning up time for the audience. We also showed an episode from the TV series "Lie to Me" about micro expressions. All in all it was the best we ever pulled off and we have been raising the bar of ACLEs ever since we took over. ACLEs now are getting more and more interesting and I hope I'm not being rude by assuming it was because UP PsycA has sworn never to do anything mediocre when it comes to ACLE. We wanted to do something nobody else has ever done, and people who we don't even know go to our ACLEs to actually learn, and that is the idea behind ACLEs anyway. We don't bring in big and popular names or pop topics, we choose topics we like and we know people should learn about.

I hope I'm not jinxing UP PsycA's good ACLE record with this but the latest one, about Parapsychology is proving to be something to be proud of as well, we cut it close this time but I guess we're pulling it off real good as usual. So reader, you heard it from me, UP PsycA raised the bar when it comes to ACLE, and we're not done yet.

Have You Ever Wondered What Could be Beyond Our Senses?

UP PsycA 
presents
Beyond Senses : Understanding Parapsychology

An Alternative Learning Classroom Experience (ACLE)

With a demonstration with Fr. Jaime Bulatao, Ph.D. (an Expert in Parapsychology)

Reactors:
Prof. Aurora Mendoza, Ph.D.
Prof. Edwin Decenteceo, Ph.D.

See you at PHAn Lobby
1-4 PM January 28, 2010

Kay Malungkutin

26 July 2009

Naiinis ako,

Naiinis ako hindi dahil sa may mali kang ginawa, o dahil sa may napuna akong maling naganap, o dahil sa gusto ko lang mainis; ayoko sana mainis, kaso naiinis na nga ako, ano na magagawa ko, pero hindi ako sa'yo naiinis, naiinis ako sa ugali nangyayari sa'yo, sa ginagawa mo sa sarili mo.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, pakiramdam ko ay may dapat akong gawin, dapat kitang tulungan, payuhan, awayin na din siguro. Gusto kitang tulungan, pero paano naman kung ikaw lang ang may alam ng pinoproblema mo?

Hindi ko nga siguro maiintindihan ang hinahanap mo sa pagsasama, hindi ko nga siguro naiintindihan kung ano ang problema, hindi ako ikaw at hindi ko nakikita ang mundo sa mga mata mo, o inaalisa ito gamit ang isip mo. Ang meron ako ay ang mata ko lang at ang isip ko lang, pero meron din akong tainga, meron din akong bibig, pedeng makinig, at madalas nga'y kahit di mo naman hingin, o di mo man gustuhin, nagpapayo, nagtatanong, nagbibigay ng dahilan, depinsiyon, at paminsan-minsang solusyon.

Nakukulangan ka ba sa akin, sa kaniya, sa atin, sa pagsasama? Nawawala ba? Hinahanap mo ba? Hindi mo makita? Ayaw ba bumalik? Hindi mo alam kung paano pababalikin? Para kang nagyoyo na bumuhol yung pisi, maibabato mo, pero hindi gugulong pabalik.

Sabi ko magsabi ka, kasi pareho tayong hindi marunong. Hindi ka marunong mamroblema at di naman ako marunong kumilala ng problema ng iba, ilan beses ko ba dapat sabihing hindi ka nag-iisa?

Kaibigan mo ako, hindi dahil sa dineklara nating magkaibigan tayo, kundi dahil gusto kitang tao, at mabait ka sa akin. Kaibigan mo ako kasi gusto ko kaibigan kita, at hindi kita pwede maging kaibigan ng hindi mo rin ako nagiging kaibigan sa proseso, kaya umayos ka, tumayo ka d'yan, tigilan natin tong kadramahang ito at pagusapan natin ng matino.

Tae, akala ko ako na yung malungkutin. Tara na.

Hanapan Batman

17 May 2009

(ginawa ko ito para sa Arkiyoloji 1, Salamat sa insipirasyon at kaalaman Prof. Paz)

 

Dahil nasa Quezon City Tayo: Ang Huling Icon

Nagpunta ako ng National Museum, nag-ikot ikot at naghanap ng kainspire-inspire na mga bagay. Syanga at napakaraming nakamamangha, nakaliligalig at ‘di kapanipaniwalang bagay sa loob ng museo, ngunit sa kasamaang palad wala sa milyun-milyong ideyang nabuo ko sa aking pag-iikot iikot ang aking huling sanaysay, ito’y isang huling pagtatangka na sa wakas makuha na ang pag gamit ng mga material na bagay bilang icon, yun lang naman siguro ang epekto ng pagsesenti kong ginawa habang nag-iisang nakatanga sa Luneta.

Ano ang bente? Sa Pilipinong konteksto, ito ay katumbas ng dalawampu, pero kadalasan ay ginagamit ang salitang ‘bente’ para tumukoy sa halagang dalawampung piso, sa bente pesos, sa papel na kahel na may mukha ni Manuel.  Ang perang ito ang pinakamaliit na na halagang pera na nasa papel pa, iyan ay kung di mo na binibilang yung mangilan-ngilang sampung pisong papel na nag-eexist pa. Hindi na siguro nalalayo ang panahon na pagkakasyahin na din ang mukha ni Manuel Quezon sa barya, magiging sideview pa, at mawawalan na ng basehan ang darating na kabataan sa kung ano ba ang itsura ng tinitirahan ng president nila. Sabi ay sinasabay lang naman ang pera sa buying power nito, aba, malakas pa ang buying power ng bente, sa tingin ko hangga’t sapat ka pa para pambili ng pananghalian ay ‘di ka pa pwede maging barya.

Bakit nga ba may mukha ang mga pera? Tulad din ba ito ng ginagawa ng mga illustrado na marka nila ng antas nila sa lipunan kaya naipapapinta na ang sarili? Oo at hindi, oo dahil tulad ng mga ilustrado mga matataas ang antas nila sa lipunan natin, politikal man o moral o, huwad man o tunay. Hindi dahil hindi naman nila pinili ipapinta ang sarili sa pera, bukod sa kaso ng dalawangdaang piso ang nag-iisang pera sa Pilipinas na nakapinta dun ang kasalukuyang presidente, ‘yun, malamang vanity nga ‘yun. Pininta sila dun, ginawa silang mascot ng pera dahil tingin ng lipunan (o ng Bangko Sentral) na importante sila, ilagay sa pedestal, importante ka, ilagay ka sa pera.

Sino ba talaga ang namimili kung sino ang importante? Lipunan ba? Ang mamamayan ba? Importante daw na matuto ang mga kabataan ng Ingles, importante nga ba? Siguro dahil ang natitira na lang na trabaho sa Pilipinas ay call center agent at pagiging OFW (na hindi naman pala trabaho sa Pilipinas) kaya importante, pero dahil kulang-kulang sa kalahati ng populasyon sa Pilipinas ay agrikultural pa rin ang pamumuhay, iniinglis mo pa ba talaga ang tindero ng abono? Sa mata siguro ng madaming Pilipino na wala sa Metro Manila ay hindi na nila kailangan ng Ingles para mabuhay, at yun na lang naman ang gusto ng lahat mang yari ‘di ba? Ang mabuhay.

 Pagkain, Tirahan, at Pananamit kadalasan ang pinaka-simple sa mga pangangailangan ng tao para mabuhay na binabanggit sa TV, kailangan daw ito ng mga evacuees, kaya ipadala natin sa estasyon nila tapos ipapadala naman nila sa kung saan mang sulok ng Pilipinas na ngayon mo lang nalaman na may ganoon palang lugar. Sa pag-usad ng panahon ay nagkakaroon na din ng mga dibersyon sa kung ano ba ang magiging kasali sa listahan ng mga basic needs, halimbawa, basic need na ang TV sa bahay, kailangan mo ng TV, pag wala kang TV mabuburyong ka at magiging gulay, kailangan mong mapanood si Willie Revillame (o ang TVJ, bahala ka kung alin gusto mo) habang nanananghalian ka. Naging basic need na din ang Selpon, kailangan mo ng selpon dahil biglang nagkaroon ng pangangailangan yung mga kamag-anak mo sa malayong lupalop na makausap ka. Basic need din naman ang maligo, mas simple pa ito sa TV at selpon, kung hindi ka naniniwala na basic need ang paliligo, tangkain mong huwag maligo ng matagal-tagal, magsusumigaw na ang mga skin cells mo ng “maligo ka na, maligo ka naaaaa...” . Ito, itong mga umuunlad na bagay na nagiging pangangailangan kahit hindi naman talaga (pwede ka naman mabuhay ng ‘di ka naliligo, makakapatay ka nga lang ng kapwa mo) ay ang importanteng pinipili ng mamamayan, ito yung sa tingin ng populasyon ay may mga kwentang bagay.

May karapatan nga ba tayong pumili para sa sarili natin?

 

SuperStarWars

28 April 2009

Darth Vader Shoes?!

This should have been out decades ago!

Oh well, I can always have them now...

Tulong

24 March 2009

Hindi ako mahilig humingi ng tulong, hindi ako marunong humingi ng tulong. Ang alam ko ay kaya kong buhatin ang Balikbayan Box mag-isa, 'di mo ako kailangan tulungan. Kaya kong ikabit ang computer rack mag-isa, 'di mo ko kailangan tulungan, di ko kailangan ng tulong, kailangan ko man ay alalay lang, taga-hawak, taga-pinta, taga-abot ng gamit, ako ang gagawa, ako ang tatapos sa suliranin, ako ang magkakabit ng bumbilya, walang ibang may kaya, ako lang.

Tulong, Tulong, Tulong

Nalaman ko kamakailan kung bakit naimbento ang salitang iyon, hindi ito para isigaw ng naghihingalo, o ibigay ng nagpapakabayani.

Humingi ako ng tulong, pero hindi saklolo, hindi ako nagmakaawa, hindi ako nagmukhang kawawa, hindi nila pinaramdam sa akin na nanghihina ako at binibigyan nila ako ng gamot. Inabot sa akin ang tulong dahil sa wakas nagawa kong aminin sa sarili ko na kailangan ko nito, kahit na iniisip kong wala namang makakapagbigay nito. Sa wakas nasambit ng bibig ko, kahit pabulong lang, isang hiyang-hiyang 'tulong', parang pag-amin ng kahinaan. Pero ang bilis ng pagtulong, ng pagtulong na tinawag pero hindi inasahan, ay nagsabi sa akin na hindi kahinaan ang ginawa ko kundi tatak ng sapat na kagurangan ng isipan para matanggap sa sarili na kailangan na nga. Salamat, salamat sa tulong.

Tulong, Tulong, Tulong

Parang magic, salitang pag sinabi mo ay darating, kung humingi ako ng pagkain duda akong bibigyan ako, pag humiling ako ng pagtatanggol sa tingin ko'y magiging duguan tumpok ng laman na lang ako. Pero ang 'tulong', iba ang pag hingi ng tulong, isang panawagan ng nilalang sa kapwa nilalang na kailangan kong makahanap ng solusyon sa suliraning ito, humihiling akong gawin mo ang nais mo't kaya mo para maiahon ako sa kumunoy na ito, tulong.

 

Malamang ay matagal pa bago ako masanay humiling ng tulong at tumanggap na hindi ko kaya gawin lahat ng bagay mag-isa, pero sa ngayon ay sapat na sa akin ang alam ko na meron palang darating, dumating man ang panahong masambit ko, tulong.

 

Free

15 March 2009

*sigh*

 

I don't know where my yellow notebook is, this is the second time I lost a yellow notebook. I will never buy a yellow notebook ever again, unless its really cool, or really cheap.

 

the best things in life are free, free, free, free, freeeeeeeee. I am falling out of the sky, I am a piece of cloud, torn of my mother cloud like cotton candy, I fall to the earth, I feel free. Its the best thing that has ever happened to me.

 

The beer doesn't taste right, it tastes like beer, but it tastes like wrong beer, you know what I mean? Drink beer alone, drink beer with my dog, drink beer before sleeping, I want to be drunk, I need to be, I am trapped and escaping.

 

This doesn't make much sense, does it?

 

I guess its not as easy as it looks, and it looks like hell on earth.

 

Funny, I never thought of it that way. Well, I never gave anything much thought for,  I don't know, two years? Its been a long long long long long long time, I miss thinking, maybe that's all that has been missing in my life all this time.

 

Fuck you, that was uncalled for, fuck you, fuck you, just because I'm better at it than you are you have to throw a low blow, fuck you.

 

Hey there friend, missed me have you?

 

The best things in life are free, i'm free, the best thing in life is me.

Tutubi Saranggola

23 December 2008

(pasensya na kay Ser Jun sa paghiram ko ng ideya nyang tutubi mula sa nobela nyang Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe)

Gusto ko lumipad. Kapag nag-iisa ako sa kwarto ko, nakatanga sa isang sulok, nakatingala sa kisame't nangangarap madalas kong iniisip na masarap lumipad. Parang tutubi, bahala na silang hulihin ako, basta ako lilipad, tatanghod sa mga damo, lilipad ulit. Walang lupa na kailangan itulak para lang makakilos, at ang tanging limitasyon lang ay ang kakayahan mo.

Minsan naman ayoko masyado lumipad, gusto ko lang maging mataas, magaling, tinitingala. Siguro nga kulang lang ako sa pansin, basta gusto ko para akong saranggola, nakatali parin sa lupa. Kumikilos lang sa hanggang sa kayang abutin ng pisi, pero sikat, tinitingala.

Teka, ayoko na tapusin 'tong blog na ito, lumilipad ang isip ko.

Please Read, Badly Needing Advice: On my Grades, my Life, and Love

31 October 2008

(bear the first two paragraphs, I wrote them when I was still in a terrible mood, if you can't bear them then just skip to the fourth paragraph)

I hate my life, and here I go ranting about what a pathetic life I have and then people would say "No Ernie, you don't have a pathetic life!" or "Look, some lives are worse than yours." I say fuck off, I'm pissed at myself and am very much willing to be pissed at right about anyone else too, so give me a goddamn break. And yeah, I expect people to read this shit and I don't care if I end up insulting them while reading it. Look at this way, people of the blue earth, this damn thing would be a worse insult to myself than it would be to you. No, I won't calm down, and all you voices in my head can shut up too.

I have a pathetic life, I just said that, I know I did, and now I'm gonna start explaining why so that's why I said it again. My grades suck, suck badly, its like I'm not in school, and its true, I go to school barely going to school and I go there just to have fun, and I see it as good thing now because otherwise I'd be out of school a year ago if I didn't have fun at school. I'd be so much a blooming loser now if I'm not going to school, I'd probably be dead now if I wasn't in school, and the thing that rates how good you are at school says I suck at school, I hate grades. I always say I don't care about my grades, well I was lying, I do, I'm just used to not having to worry about them because I get good grades anyway that now I'm pissed of that I can't get grades my way. But I'm in a fucking school, its gotta be their way, fuck that.

If you've haven't noticed I used fuck a couple of times, well I don't fuck-off like this unless I'm really pissed and it aint just pissed-pissed, it's sad-pissed, I hate being sad, it pisses me off. Its just that I can't get a job and I feel so fucking strangled at home. I can't move, I can't do stuff my way, and even if my way doesn't always work I can't work or see myself doing stuff any other way, I like my way, my way is ambitious and cool. I don't want to live a boring life now I feel like I'm not living a life at all if its a boring life.

And there's this love thing, I think I'm fucking in love, and I use 'fucking' as an adjective there. The problem is I don't if its real or I'm just fooling with my own head, maybe all this talk about myself being so fucking pathetic make me feel so desperate that I just search for love everywhere. I hate it, I'm fucking embarassed by it, I like this girl bad, so bad, I don't know what to call it, I hate calling it love, I hate that word. And I like this other girl too and she somebody I've been with a bit longer. And to add to this confusion there's this girl hanging around, and I don't know what she's about, she's been there for a long time but I've been noticing she's been a bit different as if she's trying to say something. I don't know, this stuff is just coming back and it doesn't help that this feels too highschool to me, I'm embarassed blogging all this, really, I am.

I don't know, I'm such a coward, maybe I need counseling. But just the thought of getting counseling is troubling me, I mean, with all the chains I'm in, will I be allowed to? Will they understand? Who will understand? Those who chain me are those who've been with me for a longer time, those who me know since I was a kid, and I'm thinking, what if they're right? What if I am a pathetic guy, what if all that she says when she gives me a sermon are true. I mean, I know some of them are true, but what if I am going nowhere, what if I am a really bad person.

And then there's the Questions I ask to myself, what if I am not fit for school, what if I get kicked-out, what if I'm not a great writer, what if this is as good as I get, what if my friends won't be there forever, what if I disappoint everyone, my mom, my family, my friends, myself, and even my dad's legacy?

What if I don't deserve to be Loved?

Talk to me, give me words, whatever, insult me, provoke me, hate me, help me, just talk to me. Thank you for bearing this with me. AMEN to all who read this all, if there are gods, may they bless your souls.

ZORRO: Last Part ng Kom2 paper ko Tungkol kay Dennis Magtajas

15 September 2008

Si Zorro, isang lalaking pinili mag maskara kaysa iharap ang sariling mukha sa lipunang kanyang ginagalawan. Piniling maging bayani at tagapagtanggol ng mga taong nakikita siya bilang api at kawawa. Hindi nagawa ng pananaliksik na tanggalin ang maskara niya, nagawa lamang nating talagang tignan si Zorro, si Dennis, at hindi lang basta daanan ng mga mata.

Hindi ba ang kanyang mismong kwento, kilos, anyo ay metapora na ng parehong kinang at dungis ng lipunan natin sa UP? Ang watawat na suot bagamat bawal na metapora ng nasyonalismong militante na mayroon ang aktibistang taga-UP, suot niya sa bawat minutong naaalala natin sa kanya. Ang dungis n’ya at dunong na tila nagiging simbulo ng mag-aaral na may dunong ngunit tinatago sa civilian clothing na parang wala lang at tsinelas na pinanglalakad sa kalakhan ng kampus, nangingitim na sa araw sa ngalan ng pag-aaral. Ang pagtakbo n’ya sa isang oval na tila sumasalamin sa pag-uulit-ulit ng buhay estyudante, na sa dulo ay pipilas ka din sa pag-ikot sa oval at dadaan na sa ibang daan.

Hindi naman yata talaga kelangan mahubad ang maskara ni Zorro, wala rin namang kakayahan o karapatan ang mananaliksik na sagutin ang tanong na “bakit s’ya ganoon?”. Pero tagumpay pa rin sa pinaka silbi ng papel na ito, ang mabigyang pangalan ang mukha na lagi nakatago, at ang tao sa likod ng maskara.

ISILANG: Isang Inspiradong gawa sa pormang tula mula sa akdang 'Piemdi-2' ni Christine Olivar

10 September 2008

Hubad at nakayuko mula sa entabladong bato

Hubad at nakayukong tao.

Hubad at nakayuko, pinagmamasdan ang mundo

Hubad at nakayuko sa malayo.

 

Nakasilip, dumudungaw mula sa butas sa langit

Pinagmamasdan mga pilat at lait.

Nagmamasid, naghihintay ng malapit na pagsapit

Ng sariling pagdanas ng sakit.

 

Bago isilang, bago bumuka

Ang mga sanggol na mata

At makita

Ang tagapagsilang na ina

At paluin ang mortal na katawang lupa

May nauna na na luha.

 

Di kaya ang ulan luha lamang

Ng mga kaluluwang di pa isinisilang,

Luha ng takot sa papasuking daigdig

Luha, di iyak, luhang walang tinig.

Soundtrack ng Paper ko

02 September 2008

Lahat naman tayo may kanya-kanyang soundtrack, kanya-kanyang playlist ng mga kantang may kanya-kanyang binabagayang timing sa buhay natin. Halimbawa kapag trip mo mag-emo magpapatugtog ka ng mga malulungkot na kanta (Silent Sanct, o kung korni ka My Chem, kung sobrang lakas ng tama ng kalungkutan sa'yo baka patulan mo pa si Sharon Cuneta), kapag sobrang happy joy joy ka naman magpapatugtog ka ng masasayang kanta (hahalungkatin mo ang e-heads mo o kaya sasayawan mo si Jason Mraz, kung OA naman ang kaligayahan mo baka magpatugtog ka pa ng VST) ganun, ako kasi meron din. Yung sa akin nga lang, siguro meron ding ganito senyo, may kanya-kanyang specific purpose, yung akin ngayon ay yung panggawa ng paper, sound-blocking, happy joy joy, playlist ko, eto yung default playlist ko sa Winamp, pang typing jobs talaga.

 

  1. Artic Monkeys - Fake Tales of San Francisco (wala lang kasi masayang opening song, sayawan kaagad)
  2. Artic Monkeys - I Bet You Look Good On The Dance Floor (para tuloy-tuloy ang pagsayaw sa harap ng PC at magsimula na lumayo sa akin ang mga tao sa immediate vicinity dahil iisipin na nila na nakakahawa ang toyo ko)
  3. Foo Fighters - Everlong (para masimulan na ang pagigitara sa ere sa harap ng PC, sobrang nawiwirduhan na ang mga kasambahay ko track 3 pa lang)
  4. Foo Fighters - Learn to Fly (medyo mas magaan sa Everlong para makapagsimula na ng seryosong pagsusulat at madugtungan na sa wakas yung name-date-student number-subject-title na naisulat ko na)
  5. Foo Fighters - Long Road to Ruin (para hindi masyado maburyong kaagad, tuloy ang pakikinig sa drummer na malaki ang galit sa drum set nya at sa gitaristang madaming pambili ng string)
  6. Foo Fighters - Monkey Wrench (double purpose, pang procrastinate ng konte dahil magsisimula nanaman ako magpanggap na rockstar sa kantang to, tsaka para siguraduhing hindi ako makakatulog kaagad)
  7. Foo Fighters - My Hero (sa puntong ito ay nag heheadbang na ako habang nagtatayp, mabuti na yun kesa simulan ko pang mag multiply sa gitna ng paper)
  8. Foo Fighters - The Best of You (para mag-air guitar na habang nagtatayp, paa na ang pinang tatayp, hindeeeeee, gusto ko lang ng ingay para sound blocking at hindi ko madinig ang ingay ng TV o kwentuhan ng mga kasambahay ko habang nagtatayp ako kaya maraming Foo Fighters dito)
  9. Foo Fighters - Times Like This (oo, FF parin, ayoko naman kasi mag Metallica o Avenged Sevenfold habang nag-pepaper dahil baka hambalusin ko pa ng Sledgehammer yung Monitor ko bigla)
  10. Foo Fighters - The Pretender (sige na nga, kasi trip ko din ang ingay ng Foo Fighters kaya sila ang pang paper ko, nakakbuhay, nagheheadbang ultimo ang brain cells ko, pati yung cells ko, pati yung viruses at antibodies sa katawan ko)
  11. The Police - Roxanne (ayan, hindi na FF, si Sting naman, simula na ng medyo malumanay na kanta para flowing na yung paper at hindi na blow-by-blow account ng data)
  12. Luther Vandross - Dance with My Father (wow, ang korni ng playlist bigla! hindeeee, maganda naman tong kantang to e, tsaka eto yung cue ko na i-edit ko na yung tinayp ko from this point upward)
  13. Kingbastard - Fuck-up (medyo balik na sa paper mode, pero binabasa na ng mabuti ang tinatayp dito na ako bumabagal at nagpapahinga kahit nagtatayp parin)
  14. Dong Abay - Gusto (wala, gusto ko lang)
  15. Noel Cabangon - Kanlungan (linis ng paper mode)
  16. Noel Cabangon - Hari ng Kalye (para ihanda ang sarili sa pag-reset ng playlist at para makapagtuloy-tuloy na ulit ng typing, tapos ulit na ulit ng playlist, bugso-bugso mode)

 

Ayan, ewan ko kung interesting yan, basta gusto ko i-blog, blog nyo rin yung senyo, ayos ba? AYOS!

Ang Pinaka Magagaling sa PBA

26 July 2008

Eto naman ay ayon lang sa akin, pangarap ko naman talaga bumuo ng dream team.

Coach: Yeng Guiao

Ok, kaya ko talaga gusto ang Red Bull dahil kay vice gov, magaling sya mag motivate ng players at napapahusay nya ang mga no name na manlalaro. Sinong coach ang gustong magsayang ng draft pick kay Fonacier nung first round nuong pumasok ito sa draft? Sinong coach ang nawalan na ng madaming star players (Miller, Tugade, Villanueva, Fonacier, Valenzuela) pero asa semis parin? Kaninong team ang pinaka pangit tignan sa stats pero pinaka nakakatakot sa court? Yung kay Guiao lang. Tsaka maganda ang style nya ng laro, nag-aadjust sya sa kung anong meron sya, di n'ya binabago yung player, kinukuha nya yung galing ng player at bumubuo ng istilo mula doon, the best!

syempre may mga runner-up, si Ryan Gregorio kasi magaling talaga sya pag mahabang series, marunong mag-adjust. Si Chot Reyes kasi marunong maghanap ng role players.

 

Eto na, first five ko.

Guard: Jimmy 'Mighty Mouse' Alapag

Sa kasalukuyan ay ang pinaka magaling na offensive point guard (aawayin ako ng fans ni Helterbrand), The Mighty Mouse does it all, score, pass, defend, score, score, and has great court vision too. Not as good as Olsen Racela sa larangan ng pagiging court leader pero bata pa naman e, pwede pa matuto, si Racela kasi ayaw lang naman mag retire pero gurang na talaga, pero sya naman talaga ang paborito kong sa point, lalo na pag kumukuha ng foul habang nagbabantay, artista talaga si Racela. Si Jimmy ang pinili ko kasi mabilis talaga, sobra, kahit sobrang liit, iniiwan nya lang yung malalaki nyang bantay nung Phillipine Team pa s'ya.

runner-ups! Jay-Jay Helterbrand kasi mapanira ng laro ng kalaban to, kala mo panalo ka na tapos BEHM! durog ka kay 'The Fast'. Tsaka si Olsen 'Rah-Rah!' Racela, dahil sa Olsen Racela technique of "paano mag-panggap na na-foul" at sa court vision nya na nagpapalaos sa kahit sinong batang point guard, pag nasa court ito, lahat ng teammate nya pwede makatira.

Guard: Mark 'The Spark' Caguioa

Nakanantutsa, ang galing ng batang to, kahit Red Bull pa ako mapapapalakpak talaga ako sa teardrop n'ya. Eto ang isa sa mga tunay na star player kasi marunong mag laro para sa team kapag kelangang kelangan na. Tunay naman s'ya sa kanyang moniker na 'The Spark' na pag maayos ang laro ni Mark, bilangin nyo na yung laban bilang panalo. Napapagaling n'ya yung mga kasama n'ya dahil sa aura n'ya (nagmumula yata sa dilaw na buhok). May presence of mind pa at mataas ang offensive at defensive awareness, basketball I.Q. baga. Pero ang dahilan ko lang naman kaya s'ya nandito ay dahil apat na sunod-sunod na vowel ang meron sa apelyido n'ya, ang sarap pa ulit-ulitin, Caguioa, caGUIoa, caguiOA, saya...

Hmmm... Dapat si Lordy Tugade lalagay ko kaso forward din s'ya madalas e, tska hindi na s'ya nabibigyan ng playing time ngayon unless injured si Seigle. Tsaka, wala talagang katapat si Spark, kahit si Cyrus Baguio, wala!

Forward: "Big Game" James Yap

Sus, mas sikat pa s'ya dahil asawa s'ya ni Kris Aquino, pero itong sigang ito ng UE ang isa sa pinakamaduduming Star Player sa kasalukuyang era ng basketball, ang bayolente mag laro! Pero bukod dun, sa kanya naman talaga dapat ang titulong "the man with a million moves" kasi hindi sya predictable tulad ni Joseph Yeo (at Joshua Webb, at Martin Reyes). Hindi rin s'ya masyado flashy tulad ni Marc Cardona. May Leadership na din ang lolo mo, consistent naman, nga lang hindi consistent sa bawat conference ang pagiging consistent. Ang bad news pa sa kanya e naniniwala sya sa pamahiin (pag natatalo, nagpapagupit), pero ang tunay lang naman na dahilan na nandito s'ya sa listahang ito ay dahil matapang s'ya at naninipa ng higanteng import.

Kinonsider ko din si Willie Miller o si Mac Cardona para dito, pero wala, Si James talaga the best. Si Seigle sana kaso opensa lang ang meron yun, lagi pang injured, tsaka mas power forward naman ang laki nun e.

Forward: Marc Pingris

Bakit si Pingris? hindi n'yo naitatanong nung Purefoods pa itong si Pingris ay s'ya ang pinaka ayaw kong player, sa simpleng dahilan na pag lamang na lamang na ang Red Bull ko ay biglang hahabol ang Purefoods, sa pamamagitan ng isang player lang, si Pingris yun. Ito ang pangalawa sa pinaka masipag na player na nakita ko sa PBA (una si Topex Robinson), asahan mo na sa rebound at sa pag kuha ng loose ball, sa pag kuha ng points at sa pag kuha ng foul. The best, nambubutata rin ito, pero hindi masyado. Tsaka mas magaling talaga si Pingris kapag nanonood si Vic Sotto ng Live.

PF? Si Danny Ildefonso ay talagang defense-man at maasahan sa ilalim, handa pang makipag suntukan kung kelangan. Si Rich Alvarez naman ay special mention dahil sa laki ng potential na maging Nic Belasco pag dating ng araw, pareho pati silang kalbo.

Center: Asi "The Rock" Taulava

Rock nga e, ang bumangga, giba. Sa pagtanda ni Asi ay tumalino rin ang kanyang paglalaro, at hanggang ngayon asahan mong hahalik ka sa hardwood pagkatapos mong makausap ang kanyang braso. O sige, wala kay Asi ang mga marka ng bagong center, may three points, may mid-range, hindi lang basta post-up. Si Asi, post-up lang talaga, pero meron ba, dito sa pinas, meron bang local na kaya syang bantayan ng one-on-one sa poste? Kahit si Ali 'Man-Mountain' Peek hindi kaya.

Sige, runner-up si Kerby Raymundo dahil sa pagiging versatile na center, hindi pa nagpapabaya kahit may import na.

 

hmmm... parang kulang ah, sige, next time ilalagay ko na ang dream team ko. babayu!

Para sa mga Pumaslang sa Pinaka Malapit na Kahapon

13 July 2008

Sumikat ang araw

Sinilang ang pinakabagong kahapon

Pinaslang mula sa isang kasalukuyan

Para sa bagong kasalukuyan

 

Napakadali naman

Mula sa altar

Tungo sa basura

Kung saan ang sampagita'y bulok

At ang tanging nagdarasal

Ay langaw, para sa masaganang pagkain.

 

Hindi naman kailangan sumikat ng araw,

Sa gitna ng paglubog ng kahapon,

Para lang hindi matapos

Ang sigaw ng kadiliman sa umagang nagpapanggap.

Isa Na! NU, tinambakan ng UP Fighting Maroons!

06 July 2008

Asa Araneta ako kanina, katabi ng pep squad drummers, kasama ko ang utol kong taga-FEU. Gen Ad, binalak ko mag pa-upgrade to Upper Box B. Wala na palang upuan, sayang, kaya gen ad na kami, katabi ng pep squad, nakakainis ang mga taga-la salle kasi daan ng daan sa harap ng inuupuan namin, tangnang mga rich kid, nagdala pa ng mga mat para hindi maupo sa semento ng gen ad bleachers (so yucky the floor) walangya.

Nagsimula ang laban, mahusay ang pinapakita ng NU, mukhang naihirapan pa ang UP lalo na sa pagkuha ng rebound. lamang ang NU ng matapos ang unang quarter. Tuloy ang ingay ng UP crowd bagamat lamang ng siyam ang kalaban bago tumunog ang buzzer. Hindi pa nga tapos ang quarter ay pinapaos na ako, ang utol ko naman ay tili na lang ng tili dahil wala syng alam na UP chant. Minumura ko na sa isip ko ang number 6 ng kabilang team.

sa ikalawang quarter ay nahanap ng UP ang ritmo, humabol at lumamang pa nga ang mga iskolar ng bayan. Palakpak ang pabuya ko kay number 6 ng Up, magaling sya at masipag na defender, kahit hindi sya ang first option sa scoring ay marunong sya magpatakbo ng opensa. Natapos ang quarter ng lamang ng sampu, ata, di ko na maalala.

Akala ko hahabol pa ang NU, kaso napanis sila kina number 14, maganda ang depensa ng maliliit at mahusay sila sa agawan buko. Nakakatuwa na mula first quarter ay madalas nangyayari na mag mimintis ang UP sa free throw pero makukuha pa ng mismong nag free throw ang off. rebound para maka iskor pa ng dalawa o tatlong puntos pa nga minsan. Lamang na lamang parin natapos ang quarter.

At dito, wala nang binatbat ang NU, ayaw na nga yata nila mag chant, na adapt na ng UP ang Bedan wave (madalas kasi gawin ng mga bedista ang wave). Nagkaboses na ulit ako, umaabot na ng dose, katorse ang lamang, at dama na ng lahat na sa last two minutes ay wala nang habol ang NU, pero hindi naman nagpabaya sa depensa ang UP kahit sa dulo, (bagamat naknakan ng dami ang turnover). Panalo, 86-72 yata, kung tama ang alala ko. basta katorse lamang. Pinaos ko ulit ang sarili ko.

Panalo tayo mga P're, mukhang hindi na ganoon ka imposible.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger