Showing posts with label kwentistainme. Show all posts
Showing posts with label kwentistainme. Show all posts

Writer's Lurgy

30 January 2011

My name is Ernesto Dakila, I'm a writer. Well, sort of.


It's been a while, these past few weeks have taken a lot from me and I haven't gotten around writing something worth reading for the small population who think time is worth wasting reading whatever I come up with. It feels like I've been drained of things to say. Things have been happening and they've been keeping me busy, you'd think I'd be writing about it first chance I get. I didn't, I've been letting opportunities, ideas, and inspiration slip past me too often. Aside from the occasional want to rant about unrequited love and school and friends I have nothing, I avoid those rants for fear I come off as a fourteen year old emo kid.

Unlike fourteen year-olds though, we adults (legally) have alcohol and cigarettes. With the help of both I have been scribbling some pretty interesting stuff, I hope to share them with you some time. But in the meantime this is what you get, a writer going on and on about not writing enough.

I started writing this entry some time around half past eight, it is now half past midnight, I've been distracted by social networking, e-mails, movies, news, and lots of other things the internet has to offer. I'm not very good at the whole "close yourself from the world and get to writing" thing. Even if I do it long hand, I pause, I look around, I eat, I smoke, I talk to people. then I write again.

I'm a writer in bursts. Which perhaps, isn't helping me become a very good one.

My use of the language isn't elevated, my diction isn't noble, I must learn these things. I have to be better at this. But first, I must write.

(Oh look at how I ended this blog entry, just making a quick escape, not even giving proper support for my end statement, I'm really really tired.)

Listahan

28 December 2010

1.

Lista ng mga bagay na malalamig: bagyo, beer, bentilador, boses ni Armi, bote, bughaw, hangin, kama, kanin, kwarto, pasko, puso, sigarilyo, sorbetes, ulam, ulan, unan.

2.
Nagbabasa ako ng libro mula sa ibabaw ng balikat ng katabi ko sa bus, ang libro ay may kwento tungkol sa pag-ibig. Ako rin.

3.
Sabihin na nating ang mga bote ng beer na gumugulong sa sahig ng kwarto ko ay marka na ako ay mag-aalaga ng pusa sa mga susunod na araw. 

4.
Ang mga isda sa palengke ay laging nasa palengke, ang isda sa dagat ay hindi mas masarap kainin pero may kasamang paghihirap ng paghuli. Ang isda sa palengke na pinalaki pa sa palaisdaan ay nakakatamad na isda.

5.
Mga Kailangan ko na nagsisimula sa Pa-: Palabas, Palaso, Pandesal, Panulat, Papel, Parabula, Parachute

6.
Karatula sa Hong Kong:
"No Smoking I Will Crazy"

7.
Kapag ang buwan ng sintu-sintong pagsasaya ay naging buwan ng pagkahulog ng himpapawid patungo sa akin, magugunaw na ang mundo.

8.
Takot ako sa dilim.

9.
Sa mga pagkakataong hindi ka matulungan ni John Lloyd, o ni John Cusack, o ni John Mayer. Mabuti pang kumunsulta kay Johnny Walker.

10.
Listahan ng laman ng entri na ito: Isang lista ng mga bagay na malalamig, isang inimbentong kwento, isang propesiya, isang isda, isang listahan na may nawawala, isang karatulang hindi sinusunod, isang sintu-sintong propesiya, isang katotohanan, isang payong pang kaibigan, isang listahan ng laman ng entri na ito.

Your Mom is Looking for Comic Book Artists!

04 October 2010

YOUR MOM'S KOMIKS is a newly established group of young new Komiks writers looking for artists to collaborate with in a number of projects we have in line.


Munting samahan lang naman ng mga komikerong naghahanap din ng komikero na gusto gumawa kasama namin. Madaming titles na nakapila, may mga writer kasi kaming walang kakayahan i-drowing ang sarili nilang mga kwento kaya naghahanap kami ng mga gustong sumali sa amin!

Kung mahilig ka sa komiks, marunong ka magdrowing ng komiks, nakakaintindi ka ng comic script aba kontakin mo kaagad ako! Kelangan kita!

Plano naming matapos ang aming mga proyekto at mailabas ang unang anthology sa Summer Komikon sa Mayo.

Kontakin mo ako!
E-mail : estongdakila@live.com

Kung may kilala kang tingin mo gusto din gumawa ng komiks pakilala mo sa akin! Salamat!

Don't Eat That

23 August 2010

(This is the first draft of an essay I wrote for my Food Writing Class, my interest in non-genre writing has produced this, a Food Memoir on my experiences with non-food.)


Don’t Eat That

The essential feature of Pica is the eating of one or more nonnutritive substances on a persistent basis for a period. of at least 1 month. The typical substances ingested tend to vary with age. Infants and younger children typically eat paint, pIaster, string, hair, or cloth. Older children may eat animal droppings, sand, insects, leaves, or pebbles. Adolescents and adults may consume clay or soil. There is no aversion to food. (American Psychiatric Association 103)

 My name is Ernie, I have an eating disorder.

You’d be surprised at the things they have support groups of, even this thing I do, others like me all over the world are sharing their experiences on eating the non-nutritive. I’d join these support groups, but that would mean I WANT to get rid of my Pica, or that I see it as a problem. I don’t believe eating paper, wood, tiny rocks, plastic, dirt (not soil, that’s disgusting), hair, pus, that sticky stuff that gets left behind when you peel off sticky tape, rubber, and I’m getting a bit carried away, is all that bad. I do recognize that it’s not exactly health food, but if you ignore the fact that these things aren’t really food, these are actually Vegan!

It started as a kid, as it usually does, when I would press my finger between those cracks in the walls and floor of our old home and nibble on the tiny concrete crumbs that stick to my fingertips, crunchy. I’d gnaw on the feet and hands of my sister’s Barbies, leaving them looking like victims of a zombie attack. I actually believed it was cool to be eating paper, little did I know that my so ‘friends’ back in grade school we’re charging people to see me eat an entire sheet of paper. It took me sometime to realize that it was socially unacceptable to eat these things, not that I cared.

I have been queried lots of times about what paper (the most common of my non-nutritive snacks) tastes like, and my answer has always been ‘it depends’. See, paper is like any other food, it varies. Table napkins have no taste, but some types do have that powdery feel on your tongue and as if you can smell baby powder from inside your mouth. Typical white paper has no taste too, but they stick to the top of your mouth and roll into balls real quick, but that’s not necessarily a bad thing because they get chewy. This happens to most paper but much more often to white paper for some reason. Mimeograph paper is tougher to chew but has a peculiar bitter taste, newsprint is bittersweet, and if I consciously avoid eating yellow paper because it tastes like ink. The best paper, and I’m not just saying this to gross you out, is a bus ticket, those punched bus tickets, that you have kept in you jeans pocket for at least a day, a nice mix of salt and bitterness. The worst is ATM receipts, has some sort of plastic film that makes it gummy and too bitter it actually feels like poison.

I’ve never been properly diagnosed, the closest thing to an actual diagnosis was when I confessed to my Professor in Abnormal Psychology that I think I have Pica, and that I consciously partake in non-nutritive snacking (she didn’t act shocked then but I found out that she started telling my story to her other classes). But in my totally biased views of the DSM-IV-TR criterion (105) I fit four of the four conditions for Pica. Pica is commonly diagnosed to children, there are very few adult, or even adolescent, cases of it. I’m one of them. It’s hard to say how you get Pica, it is mostly related to Mental retardation but I wouldn’t believe myself retarded. I mean, how would’ve I gotten to this premiere university? There are no specific biological patterns among us who have it, but in some instances zinc deficiency is observed, not that I know what that would mean.

I don’t know about other people with my condition but aside from paper, I’m not meticulous how these things taste. The closest thing to paying attention when I eat them is the particular sensations in the mouth I get. The brittle crunch of tiny rocks, the satisfaction of flattening bits of plastic pen caps with my teeth, the feel of balling up thread with your tongue, and sometimes it even goes less that the sensations, just the wanting, like I’ve been eyeing this line of ants on the wall by my desk, crushing them against the wall then eating those that get stuck on my finger.

Other things normal people wouldn’t think of eating; plastic bags, when you chew on a plastic grocery bag (or even those types you get from the market) long enough you get a white string like jumble of plastic, it doesn’t matter what color it was in the first place, it turns white. Nails, I also bite my nails, even my nail clippings I pick off and eat, snapping satisfyingly as I clench on them with my molars, the nails clippings from the smallest toe is always softer than any other nail, for some reason they don’t snap too, they fold. Those price label stickers commonly found on notebooks and other stuff you buy at stationary stores, double the satisfaction of peeling the damn things of in one piece and folding them so the sticky part stays in and doesn’t touch the inside of my mouth.

I’ve gotten all sorts or reactions too, from the expected disgust to amazement to mockery (the ‘yeah right, of course you do’), admittedly I sometimes do it to see the reactions I cause. Like a Filipino would describe balut to a foreigner to see him grossed out and then insist “No, no, it’s good food! Helps with the arthritis!” half laughing.

I do get concerned about how this affects my health, I’ve done research (watched TV shows and searched the internet) about bezoars, and how they form inside your stomach because of stuff you couldn’t digest. I read about lead poisoning, and wood splinters getting stuck in my throat, but the threat is as big as the threat of fish bones getting stuck in my throat so nothing to worry about, I’m fine. Come to think of it, how different am I from people who eat copious amounts of cholesterol laden food or rare meat or carcinogenic barbecue? How different is wood, rubber and plastic from the hamburgers you get from McDonald’s, the processed foods they sell on the streets and the junk they sell at Pre-school cafeterias?

Sure, I worship bacon like any other guy, I enjoy a good burger and French fries combo, I don’t know what the deal is with blue cheese, it just so happens I have other stuff on my palette too. Who gets to declare what is food anyway?

 

Works Cited:

American Psychiatric Association. Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders. Fourth ed. Text Revision. Washington DC: American Psychiatric Association, 2000. Print

Textual Photography

11 August 2010

(Around a month or two ago I was introduced to Michael David Murphy's unphotographable.com and his concept of photography using words. I tried it out on my own, and it's pretty cool and useful as an exercise especially for describing settings in fiction and non-fiction and in detailing panels to an artist in comic book writing, here are some of what I came up with.)


This is a picture I did not take of a girl walking in the middle of the street as a light drizzle falls from the night sky. The curving street was lined and illuminated by deep yellow light from street lamp after street lamp. Her face glows at is passes the each lamp post, her hair sways with the falling leaves, and perhaps in recognition of the humming music of wind and drizzle to the asphalt, she twirls at the balls of her feet.

This is a picture I did not take of a boy checking his cellphone with his back turned to the bulletin board of Palma Hall Lobby at the University of the Philippines. His yellow shirt drooping over his shoulders and his jeans spilling on his white sneakers, his backpack hanging heavily on one shoulder, his glasses reflect the flourescent bulbs of the Palma Hall Lobby, masking his eyes. Behind him is a recruitment poster of some student org, featuring lovers holding hands.

This is a picture I did not take of a cockroach inside my black canvas school bag. Which I found on my yellow notebook as I pulled it out before my Creative Writing class starts. Smaller than the average roach and not the usual brown color, it's abdomen was striped black and white. It's head tilted towards me as I stared back at it, not with disgust, not with surprise, not with fear, but a mutual amazement.

Insert Korning Title or Para sa mga Kaibigan Kong Piniling Umibig

22 May 2010

('Ano nanamang kalokohan to Ernie?' Sasabihin n'yo)


Una sa lahat, nais kong mag-alay ng papuri, pagbubunyi, paghanga, pagkawindang, chocolate chip cookies, at buhay na manok para sa inyo (o sa atin, waterbear). Palakpakan para sa mga sira-ulong pinili pa ring umibig kahit ano pang pagkadurog ng puso, pagkapaminta ng pagkatao, ay pagka abo ng kaluluwa na nakikita natin sa TV at sinehan (o illegally downloaded sa computer), na talaga namang negatively reinforcing. Mabuhay ang mga sira-ulong walang pakielam sa lahat ng kabulastugang yuon at tumutunganga lang para sa happy ending. Matapang ka, sabihin mo mang hindi mo pinili maramdaman ang nararamdaman mo ay, oh well, nandyan pa rin yan. Aminin mo man o hindi ginusto mo yan, umibig ka at hindi mo ginawa ang mga pwede namang gawing pag-iwas o paglublob ng puso sa liquid nitrogen.

Hirit ng nagmamarunong na takot naman sa mga terminolohiya o ng nahihiyang gumamit ng salitang 'pag-ibig' kasi wow pare ang lalim o di kaya'y ew tsong baduy; Hindi ako umiibig/hindi pa ito pag-ibig/hindi ako naniniwala sa pag-ibig, I'm just fond of her ('at ganun din s'ya sa akin' optional). The hell, ano ba ang problema ng iba sa atin sa terms? Salita lang ito kaibigan, ang ibig sabihin sa ingles ay 'like'. Ibig, ibig, ibig, 'pag-ibig', 'umiibig', 'mag ibig ka ng tubig pampaligo ng ate mo'. Salita lang ito kaibigan, walang dahilan matakot sa salita, tao ang nagluluwa ng salita (pamisa'y kinakain pa nga, ew). Salita mo yan, labo naman matakot.

So anyway, ayun nga, congrats, magaling, mahusay. Medyo mabigat lang yung feeling n'yan sa simula pero biglang gagaan na lumilipad ka na tapos bibigat ulit kaya mahuhulog ka. Kasamaang palad lang talaga at walang sasalo sa'yo. Ganito ang tingin ko sa pag-ibig; Parang pagkahulog sa bangin, sobrang lalim na bangin na parang yung bangin na kinahulugan ni Alice sa Alice in Wonderland nung sinundan n'ya yung nagsasalitang kuneho. Sa simula ng pagkahulog mo'y natatakot ka, habang tumatagal nalilimutan mo na ang tungkol sa pagkahulog at nagiging masaya ka, ineenjoy mo ang experience, sinimulan mo itong tawaging pag lipad at hindi pagkahulog. Tapos maiinip ka, wala ka nang magawa, hindi mo na ma-enjoy, wala nang bago. Hindi na dramatic, romantic, o metaphoric yung nangyayari kundi pathetic na lang. Nahuhulog ka na lang talaga, at babalik yung takot, dahil naalala mong walang nahuhulog, na hindi bumabagsak. Malulungkot kang hindi mo mapigilan ang pagdating ng sakit, naiinis ka, pero mas namamayani yung lungkot.

Ang pag-ibig, yung tunay, ay yuong nabubuhay pa pagkatapos ng pagkahulog sa lupa, bumangon sa pagkakasalampak sa sahig, tinanggap na putsa ang sakit ng buong katawan ko buti na lang imortal ako. At habang masakit pa, habang nagsisimula pa lang maghilom, ay sinimulan nang akyatin yung bangin na kinahulugan, dahan-dahan. Ang tunay na pag-ibig yung aakyat at tatalon at aakyat at tatalon ng paulit-ulit. Hanggang sa maging magkasing saya ang pagkahulog at ang pagakyat, kahit na ang ibig sabihin nuon ay hindi na ito aabot sa dating all-time high ng kasiyahan. Hanggang sa malimutan mo na ang tungkol sa pagbagsak, pagtama sa lupa, at maging tungkol na lang ito sa pagkahulog, sa pagpapaubaya sa mundo na hilahin ka, tapos ipahiya ito sa pamamagitan ng pagbangon at pag angat. Di bale na yung sakit, di bale na yung mga sugat.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi yung sa exciting na parte, ang tunay na pag-ibig yung nabubuhay sa monotonous. Yung hindi na importante sa'yo kung di ka na dinadalhan ng bulaklak o minamasahe. Hindi na importante kung nababawasan ang oras n'ya para sa iyo. Hindi na importante sa'yo na magpakita pa ng affection, at hindi ka na rin naghihintay noon, sapat na sa'yo ang bagay na kayo ang magkasama. Na pinili n'yo ang isa't isa bilang patunay na nagmamahalan nga kayo. Yuong parte na s'ya ng paulit-ulit at boring mong buhay, hindi lang parang birthday party na one-time big time. Ang tunay na pag-ibig wala nang pakielam sa pag-ibig, ang tunay na pag-ibig nasasanay, at wala nang alam na ibang pamamaraan ng pamumuhay kundi ang magmahal. Wow ang korni na.

(Sabi nila experience is the greatest teacher, sabi ko naman, it's not the only teacher. Mula sa kasanayan ko sa kakapanhik sa iba't ibang bangin, hanggang sa mas naeenjoy ko na yung pag tama sa lupa kesa sa pagkahulog. Kaya ko lang naman sinulat to dahil kinikilig ako sa pag-ibig ng mga iba d'yan, pero iniisip ko ding mas maganda kung kahit wala na yung kilig, nandoon pa rin yung pag-ibig)

(Hindi ko alam kung may sense yun)

Uwian na: Excerpt

25 April 2010

Maagang pinauwi sina Jun mula sa paaralan, tanghali pa lang ay sakay na s’ya ng serbis ng paaralan papunta sa kani-kanilang bahay. Walang takdang-araling binigay ang kanyang mga guro at tulad ng karaniwang bata sa greyd por ay pinaplano na n’ya ang mga paglalarong gagawin n’ya pagkauwi at ang mga palabas sa telebisyon na mapapanood n’ya dahil pinauwi sila ng maaga. Isang bulalakaw kasi ang bumulusok mula sa kalawakan papasok ng bintana ng kanilang silid at pumaslang sa kanilang guro sa Filipino, magiging abala ang mga dyanitor at karpintero ng paaralan sa paglilinis ng nabasag na bintana, pagtatanggal ng mga bakas ng pagkasunog at dugo sa mga ding-ding at kisame at pagpapalit ng salamin ng silid. Magiging abala din ang mga guro sa pagdadala ng katawan ni Gng. Pagtalunan sa morge at pagpapaliwanag sa pamilya nito sa kalunos-lunos na aksidenteng naganap. Kaya’t maaga silang pinauwi.

Binaba siya sa harap ng kanilang bahay ng mabait at palangiting drayber ng serbis ng paaralan, pag-pasok n’ya sa bahay ay inabutan n’yang nakatayo sa kisame ang kanyang ina at abalang binabakyum ang paligid ng bumbilya ng kanilang sala. Hindi agad napansin ng kanyang ina na nasa loob na s’ya ng bahay, marahil dahil sa ingay na nililikha ng bakyum kliner nila. Tumingkayad si Jun para kalabitin ang bumbunan ng ina, na agad namang tumingala.

“Aba, maaga ka yata ngayon.” Sabi ng ina,

“Hindi kita madinig, patayin mo muna ang bakyum, ma.” Sabi ni Jun, nakatingala sila sa isa’t isa

“Ano anak? Hindi kita madinig, papatayin ko muna itong bakyum.” Pinatay ng ina ni Jun ang bakyum cleaner. “Bakit maaga ka pinauwi ngayon?”

“May bulalakaw na pumasok sa bintana at tinamaan si Gng, Pagtalunan, patay na s’ya kaya pinauwi na kami.” Sabi ni Jun.

“Si Gng. Pagtalunan? Mabait na guro iyon, nakakalungkot naman.” Umiiling-iling ang ina ni Jun ng muling buksan ang bakyum at nagpatuloy sa paglilinis.

Indiana Jones and the Room of the PackRat GeekBum!

16 February 2010

Geez, I just realized how much stuff I have lying around. I actually fear snakes might be living under my bed. Boxes upon boxes of books and sheets of paper and old notebooks and documents and photocopied readings and doodles and manuals and magazines and comics and stuff. Not to mention my toys and art tools and CDs and DVDs and dirty cotton buds and bloody laundry. Now there are cables and cords for the scanner, chargers for my handhelds, old game catridges, packs of cards, beer bottles, posters, old bags, a remote controlled car, old lamps, boxes with unknown content, empty cigarette boxes, robot exoskeletons, dead prostitutes, and the Holy Grail.


I do try to get stuff organized. Every time I do, I get sneezing fits and itch all over because I am allergic to dust (considering the amount of dust in my room, I should be dead by now). That is part of the reason that most of the stuff are in boxes and in drawers now (my only cabinet is reserved for clothes and I do not have shelves). I try my best to throw stuff out whenever I clean up, but the problem is the "throw-out" box, always end up being declared "Hey-I-could-use-this-for-some-crafts" box or "this-stuff-will-be-interesting-to-read-one-day" box and the like.

I would like to finish this blog entry and stuff, but I'm kinda in the middle of trying to organize and failing miserably at it, so there you go.

A conversation (Flash Fiction)

14 December 2009

http://www.plurk.com/p/2z83jx
Isang Mabilis na ginawang fiction, presented sa format ng Plurk.

Gising tungo sa Bangungot

06 October 2009

Gising na yata ang mga mata ko sa dib-dib, isa isang tatanggalan ng muta, manu-manong bubuksan ang mga talukap. Oras na ng pagdungaw sa bangin, habang may hawak na payong at malakas ang hangin. Kailangan makita ng lahat ko ang bangin, at ang unti unting pagkahulog ng lupa patungo roon.


Sa paglalakad patungo sa bangin sinusugatan ako ng yelong lamig ng mga pinaslang, dulot ng pag aagawan sa iisang lupang pareho namang kanila, dulot ng pag aagawan sa mga bagay na kapwa hindi nila kailangan. Tumpok tumpok ng nabubulok na tao, namatay para sa rasong hindi katanggap tanggap sa mga mata sa aking dib-dib.

Sa paglalakad patungo sa bangin sinusunog ako ng apoy ng gutom at sakit, ng paghihirap at pagdurusa, ng mga alipin, mga biktima, mga sugatan, luhaan, at kapwa ko sinisilaban. Tumpok-tumpok ng nabubulok na buhay, tumataghoy sa mga bagay na pupwede namang hindi mangyari, sa mga sakit na sanay di na lang nadanas.

At Pagdating ko sa bangin idinungaw ko ang aking sugatang sunog na dib-dib, at pinamasid sa mga mata ko rito ang banging kumakain sa lupa, at habang ako'y nakadungaw, malakas ang hangin at may hawak na payong, paatras akong naglalakad na rin pagkat kinakain ang lupa kong kinatatayuan, isang banging parang bunganga ng impyerno, na lumalamon sa mundo. Habang sa paligid ko ang mga tao'y tinatapon ang isa't isa huwag lang mahulog. At tuwing lumalapit nang mapuno ang bangin ay lumalalim ito't lumalaki, tila nais gawing bangin ang buong mundo.

Tumpok-tumpok ng nabubulok na puso ang sumisingaw sa mundo, parang lason. Nagising ako sa bangungot ng tumpok tumpok na nabubulok na kung ano-ano, at pagising ko ang nakita ko'y ganung ganun pa rin. Bangungot ang mundo kong isinilangan.

Frisco 1

08 August 2009

strum-strum-strum

Sa kwarto ni Frisco, wala kang makitang pader, puro mga larawan ng mga nagtatawanang tao, mga poster ng mga concert ilang taon, buwan, linggo na ang nakakaraan ginanap, mga poster ng mga banda, mga album cover na pina-enlarge, mga drowing sa cartolina, mga leaflet, kung anu-ano. Hindi ka makakapag sindi ng posporo na wala kang nasisindihang papel, ganun ka puno, patong-patong pa, parang sumikip na nga yung kwarto dahil sa kapal nang mga tse-tseburetse sa pader.

Strum

Tumitipa si Frisco, sa bawat strum ay titigil at hihinga ng malalim, parang hinihigop mula sa hangin ang tunog na nalikha n'ya. Paulit-ulit, strum, tigil, strum, tigil, strum, tigil. Matapos maka ilang ulit ay nagtuloy-tuloy, nagkabit kabit ang mga pirapirasong musika n'ya, naging kanta. Naging parang kanta, basta, musika, ang galing, ultimo mga daga sa ding-ding ay napatigil sa pagngatngat ng kahoy, pumapalakpak ang tenga ng mga daga, ganun s'ya kagaling.

Tumigil si Frisco.

Umulit sa simula, ngayon naman ay kumakanta na s'ya, isang kantang parang isang libong karayom, napuno ang kwarto n'ya ng malamig na boses, malungkot na boses, malungkot na awit, kung titignan mong mabuti, mapapansin mong maluha-luha na sa poster n'ya si Kurt Cobain, nagheheadbang na ng konti si Rico Blanco, at parang nabubura ang mga ngiti sa mga larawan, parang gusto nang mamatay ng daga sa loob nung dingding. Parang sinusulat na ng boses ni Frisco sa hangin ang mismong mga salita, mababasa mo ang isang kwento ng pag-ibig, kay sayang pag-ibig, pag-ibig na hindi naman pala totoo, ilusyon, nagpapanggap.

Tumigil si Frisco, ngumiti, at nagsindi ng posporo.

Para sa Kaibigan Kong Tahimik

28 June 2009

Hindi ko alam, pero tingin ko ay paraan mo iyan, ang pag-iisip na may ibang tao sa loob ng isipan mo, ibang nag-iisip bukod sa sarili mo, para ilayo ang sarili mo, para ipagtanggol ang sarili mo, para umiwas masaktan. O sa kaso sigurong ito, masaktan pa ng higit sa sakit na dinaranass mo na. Hindi sa pinabababa ko ang halaga ng isa mong katauhan, alam mo namang ikaw din iyan, kilala mo si'ya, sabay kayong lumaki, at pag nasasaktan ka ay s'ya ang umiiyak, iba naman ang tatawa, ang sisigaw, ang magagalit para sa iyo, may mga iba. Pero ikaw lahat sila, hindi sila mga anino o pekeng tao na inimbento mo, dahil hindi naman yata posibleng maimbento ng isang tao ang sarili nya, at sa kaso mo paulit-ulit pa.


Patawad sa pagdag-dag ko sa dahilan ng kalungkutan mo, pero ang mga bagay kapag masyado nating iniisip ay nakakalungkot lang ang ending parati, kapag masyado mo iniisip ay laging may nawala, laging iba ang ngayon, dahil ganoon naman talaga dapat, iba ang ngayon, ako man ay nahihirapang tanggapin iyon. Hindi ko sinasabing hindi mo alam ang mga ito, pero baka lang naman sa dami ng salitang bibitawan ko ay may isa man lang na makapag sabi ng tama.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko sabihin sa iyo ang mga ito, siguro dahil nadadama ko pa rin ang lungkot, ang paghahanap, ang inis at irita mo sa mga nangyari, at sa hindi nangyari. Alam kong ayaw mo ng tali sa nakaraan, pero ang tali ay nariyan pa rin, hindi nawawala ang mga bagay dahil lang hindi na tayo naniniwala dito.

Nawalan ka ba ng paniniwala? Paniniwala sa mga pangalang tinatawag sa sama-samang bagay tulad ng kakwentuhan, kalokohan, tawanan, bigayan ng payo, pinagsamahan at iba pa. Paniniwala na pag-dumaan ka ay nandun din ako para sa'yo, tulad ng pagdaan mo para sa akin, o sa amin.

Alam mo ang pangunahing pinagkaiba natin? Ako ay mahilig sa mga pangalan, mga bansag, mga depinisyon, ikaw ay sa pagkakaroon ng madaming depinisyon ng iisang bagay. Ako sa mga salitang habambuhay, palagi, lahat, Ikaw sa kawalan ng bagay na hindi magbabago.

Ititigil ko na nga ang panghuhula sa kung ano ang pinaniniwalaan mo, basta naniniwala akong natatakot ka lang sa katapusan ng mga bagay na nagugustuhan mong nariyan. kahit sino naman e, iba lang ang pagdadala mo sa takot. Ngayon, ako man ay natatakot, natatakot akong tinatakot kita, natatakot ako na maging dahilan para matakot ka pa lalo sa mga bagay na kinakatakutan mo.

Eto nanaman ako't ginagawang importante ang sarili ko.

Huwag kang makinig sa sarili mo, hindi pa tapos ang mundo, at hindi ka pa baliw. Yaang kapit mo sa katotohanan ang dahilan kaya mo naiisip ang mga iyan, isang pag aanalisa ng mundo, ng mga kaganapan, ng mga tao sa paligid ang nagbibigay sa'yo ng ilusyong nababaliw ka na. Pero matatawa ka dahil alam mong hindi ka pa nababaliw, dahil totoo naman ang nakikita mo, yun nga lang, duon ka nakatutok sa malaking wrecking ball na papunta sa'yo at hindi sa maliit na butas sa ilalim na pede mong patihulugan para di ka tamaan.

Hindi ko alam kung may nasabi akong matino, pero may nasabi ako, yuon ang importante, kaya ikaw, magsasabi ka, dahil kung di mo makita ay ituturo ko sa'yo.

Never

30 May 2009

Malabo to, ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na mag-iiskwigli eyed moment kayo habang binabasa at pagkatapos n'yo basahin ito.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng bus, inuunat at sinasara ko ang kaliwang kamay ko, nagpapanggap na may nakahawak dito. Lilingon ako sa tabi ko at ngingitian ang hangin, parang baliw na nakakakita ng kung ano, kung sino, parang bata na naglalaro ng pagkukunwari.

Ang dali para sa akin na gambalain ang pananaginip ng ilang pilas-pilas na katotohanan. Kaya kong magsimula mag-isip na mayroong nandiyan lang, mayroong dumarating, mayroong panibagong dahilan para magsulat ng ganitong pagsusulat, pero sa bandang huli ay mahuhulog lang ako sa katotohanan na wala naman talaga. Tuloy sa pagbagsak sa katotohanang malayo na ang alitaptap sa aking mga kamay. Kaya't magbabalik na lang ulit sa pananaginip.

May sarili s'yang mundo habang ako'y nasa mundo ng panaginip. May sarili s'yang alitaptap na gustong habulin, may sarili s'yang pagkukunwari, may sariling pagkumbinsi sa sarili, at yuon ang s'yang nagpapayelo sa alab ng sigarilyo ko, patuloy pa ring lumiliyab, ngunit lumiliyab na yelo na.

Kaya ko pa pala, kahit sa mundo ko ng pagkukunwari, kaya ko palang masaktan.

Hanapan Batman

17 May 2009

(ginawa ko ito para sa Arkiyoloji 1, Salamat sa insipirasyon at kaalaman Prof. Paz)

 

Dahil nasa Quezon City Tayo: Ang Huling Icon

Nagpunta ako ng National Museum, nag-ikot ikot at naghanap ng kainspire-inspire na mga bagay. Syanga at napakaraming nakamamangha, nakaliligalig at ‘di kapanipaniwalang bagay sa loob ng museo, ngunit sa kasamaang palad wala sa milyun-milyong ideyang nabuo ko sa aking pag-iikot iikot ang aking huling sanaysay, ito’y isang huling pagtatangka na sa wakas makuha na ang pag gamit ng mga material na bagay bilang icon, yun lang naman siguro ang epekto ng pagsesenti kong ginawa habang nag-iisang nakatanga sa Luneta.

Ano ang bente? Sa Pilipinong konteksto, ito ay katumbas ng dalawampu, pero kadalasan ay ginagamit ang salitang ‘bente’ para tumukoy sa halagang dalawampung piso, sa bente pesos, sa papel na kahel na may mukha ni Manuel.  Ang perang ito ang pinakamaliit na na halagang pera na nasa papel pa, iyan ay kung di mo na binibilang yung mangilan-ngilang sampung pisong papel na nag-eexist pa. Hindi na siguro nalalayo ang panahon na pagkakasyahin na din ang mukha ni Manuel Quezon sa barya, magiging sideview pa, at mawawalan na ng basehan ang darating na kabataan sa kung ano ba ang itsura ng tinitirahan ng president nila. Sabi ay sinasabay lang naman ang pera sa buying power nito, aba, malakas pa ang buying power ng bente, sa tingin ko hangga’t sapat ka pa para pambili ng pananghalian ay ‘di ka pa pwede maging barya.

Bakit nga ba may mukha ang mga pera? Tulad din ba ito ng ginagawa ng mga illustrado na marka nila ng antas nila sa lipunan kaya naipapapinta na ang sarili? Oo at hindi, oo dahil tulad ng mga ilustrado mga matataas ang antas nila sa lipunan natin, politikal man o moral o, huwad man o tunay. Hindi dahil hindi naman nila pinili ipapinta ang sarili sa pera, bukod sa kaso ng dalawangdaang piso ang nag-iisang pera sa Pilipinas na nakapinta dun ang kasalukuyang presidente, ‘yun, malamang vanity nga ‘yun. Pininta sila dun, ginawa silang mascot ng pera dahil tingin ng lipunan (o ng Bangko Sentral) na importante sila, ilagay sa pedestal, importante ka, ilagay ka sa pera.

Sino ba talaga ang namimili kung sino ang importante? Lipunan ba? Ang mamamayan ba? Importante daw na matuto ang mga kabataan ng Ingles, importante nga ba? Siguro dahil ang natitira na lang na trabaho sa Pilipinas ay call center agent at pagiging OFW (na hindi naman pala trabaho sa Pilipinas) kaya importante, pero dahil kulang-kulang sa kalahati ng populasyon sa Pilipinas ay agrikultural pa rin ang pamumuhay, iniinglis mo pa ba talaga ang tindero ng abono? Sa mata siguro ng madaming Pilipino na wala sa Metro Manila ay hindi na nila kailangan ng Ingles para mabuhay, at yun na lang naman ang gusto ng lahat mang yari ‘di ba? Ang mabuhay.

 Pagkain, Tirahan, at Pananamit kadalasan ang pinaka-simple sa mga pangangailangan ng tao para mabuhay na binabanggit sa TV, kailangan daw ito ng mga evacuees, kaya ipadala natin sa estasyon nila tapos ipapadala naman nila sa kung saan mang sulok ng Pilipinas na ngayon mo lang nalaman na may ganoon palang lugar. Sa pag-usad ng panahon ay nagkakaroon na din ng mga dibersyon sa kung ano ba ang magiging kasali sa listahan ng mga basic needs, halimbawa, basic need na ang TV sa bahay, kailangan mo ng TV, pag wala kang TV mabuburyong ka at magiging gulay, kailangan mong mapanood si Willie Revillame (o ang TVJ, bahala ka kung alin gusto mo) habang nanananghalian ka. Naging basic need na din ang Selpon, kailangan mo ng selpon dahil biglang nagkaroon ng pangangailangan yung mga kamag-anak mo sa malayong lupalop na makausap ka. Basic need din naman ang maligo, mas simple pa ito sa TV at selpon, kung hindi ka naniniwala na basic need ang paliligo, tangkain mong huwag maligo ng matagal-tagal, magsusumigaw na ang mga skin cells mo ng “maligo ka na, maligo ka naaaaa...” . Ito, itong mga umuunlad na bagay na nagiging pangangailangan kahit hindi naman talaga (pwede ka naman mabuhay ng ‘di ka naliligo, makakapatay ka nga lang ng kapwa mo) ay ang importanteng pinipili ng mamamayan, ito yung sa tingin ng populasyon ay may mga kwentang bagay.

May karapatan nga ba tayong pumili para sa sarili natin?

 

Tunay

29 April 2009

Naramdaman mo na ba yung parang gusto mo na ilabas sa buong mundo kung sino ang buong ikaw, lahat ng mali mo, lahat ng sugat mo, ultimo pimples sa pwit mo, kahit tae na pinapahid mo sa tuhod mo gusto mo na sabihin sa mundo. Wala na lang silang masabi na nagpapanggap ka, na may tinatago ka. Para maintindihan nila kung bakit ka ganyan, kung bakit ka kinikilig sa pelikula ni John Llyod at Bea, kung bakit ka natatakot umuwi sa sariling bahay, kung bakit ka pumupunta sa top floor ng carpark ng mga mall para lang umiyak.

Tapos maiisip mo na hindi mo pala kaya ilabas, hindi dahil may gusto ko pa itago kundi dahil talagang hindi naman posible ilabas, hindi pwede isalin sa salita ang lahat ng bakit, ano, paano at gaano ng buhay mo. Hindi mo din kaya ipaliwanag kung bakit ka nahihiya kumain kasama ang pamilya ng iba at nalulungkot kumain mag-isa. Kung bakit ayaw mo na pumasok sa iskwelahan at kung bakit nagmamadali ka tumanda. Wala kang maibigay na eksplenasyon sa mga maliliit at malalaki mong kaartehan, kalibugan, kagaguhan at kapraningan. Wala ka pa lang alam tungkol sa sarili mo, o kung meron man e wala kang kakayahan sabihin ito sa iba.

At nung malaman mo yun ay mababadtrip ka dahil babagsak na sa'yo na ikaw lang talaga ang pwede magdala ng sarili mo, hindi mo pwede ipaintindi sa iba dahil iniintindi din nila ang mga sarili nila. Maiintindihan mo, pero ikababanas mo pa rin na walang totoong makaka alam kung bakit ka ganyan, hindi ka matatanggap ng kahit sino dahil sa alam nila kung bakit, tinatanggap ka na lang nila kahit di nila alam. At maiiyak ka sa ideya na ang mga hindi makatanggap sa iyo ay hindi ka man lang maiintindihan. Hindi man lang nila masasabi sa sarili nila na "Kaya s'ya ganyan kasi ganito, pero ayoko pa rin sa kanya.". Bubuo na lang sila ng mga maling dahilan sa kung bakit ka ganyan, hindi mo man alam kung ano ang tamang dahilan maiinis ka dahil alam mong hindi iyon yun.

Tapos mapapaiyak ka ulit hanggang sa hindi mo na alam kung ano gagawin mo, gusto mo malaman nila kung sino ka, gusto mo malaman kung sino ka. Gusto mo ilagay yuon sa isang flash drive at ilagay na lang sa mga PC ng mga tao para ma-gets na nila kung sino ka, para gawing paliwanag yuon sa mga pagkakamali mo, para hindi ka na titingin sa kamatayan bilang isang perpektong paraan para matapos ang paghahanap sa pagintindi. Tapos marerealize mo na ang emo mo dahil tingin mo walang nakakaintindi sa'yo, pero babalik ka ulit sa ideya na wala naman talagang kaya umintindi kahit kanino, nagkataon lang na gusto mong maintindihan ka.

Hanggang sa ang mga tawanan ay hindi na sapat para mapasaya ka, hanggang sa ang iyakan ay hindi na sapat na labasan ng lungkot, hanggang sa kahit madurog mo na ang mga pader ay hindi pa sapat iyon na paglalabas ng muhi, ng suklam, ng galit sa sarili at sa mundo. Hanggang sa umulit ka na lang, paulit-ulit ka lang, sa pagiyak, pag muhi, pag tawa, pag iyak at pag muhi. Paulit-ulit na pangangailangan sa pagintindi na paulit-ulit mong nalilimutan na hindi naman darating.

 

Naramdaman mo na ba yun?

(T/H)ired

24 April 2009

The headhunters were after me, I dreamed, they ran after me in a mob, and more of them came out of every corner of a distorted version of Emerald Avenue., jumping out of buildings, wearing their suits, and blazers, holding their machetes and flailing a severed head of some Ancient Mayan tribesman. They trapped me in the corner of Commonwealth avenue and Shaw Boulevard (it said so on the street sign), and they jumped at me and ate every bit of flesh in my body, even the severed heads ripped flesh from my bones, and they took my bones and ripped me apart from the joints. They gnawed on my bones, and I could still feel them, I was still alive.

I got a job, and i'll be paid pretty well, I'm not dreaming of getting a car the first few months, but a pair of Tough Jeansmith jeans sound really tempting for first payday.

I waited in the holding area, in my dream, and I sit in a black plastic chair in the middle of a room filled with black plastic chairs exactly the same. On them sit men and women in ties and dress shirts and bussiness shirts and slacks and leather shoes, and blouses and sandals and more shoes. They were faceless and motionless and sat like they were being watched by some divine drill seargeant. The walls were covered in socks, black dress socks, and when I realized this the place a few inches above my ankle hurt, where my dress socks always seem to cut on my skin.  I scratch it and I felt nothing I looked down to see I had no ankles, I had no feet, I had nothing from the knee down, it was already floor, like the floor was rising and erasing everything in it's path.

Do you ever get the feeling while waiting for some person to call you and pretend to be a caller from the UK for you to pretend that your a customer care representative in a pretend company with pretend rates and rules and policies that you are starting to be part of the furniture? It happens sometimes.

I signed the contract, I dreamed, and the HR girl laughed, it started as a giggle, then a laugh, then a hearty laugh, then an evil satanic laugh. She had demonic eyes, and purple skin, and her hair started changing to snakes. She grew claws from her green finger nails, and she grew great big red horns on her forehead and a red pointy tail, she looked like a diseased eggplant person, if not for the flames in the background. She laughs her evil laughs and the piece of paper changed to hadcuffs that was chained to a great metal ball half-buried in the burning steel floor I suddenly was standing on. She was laughing as she told me I had to pull it out of the steel, and I tried, it wouldn't budge, she still laughs and I tried again and again until the steel started to break like soil, and the steel ball broke from the steel soil and rose twenty feet into the air and fell on me. And she laughs some more as I twitched dying under the ball.

Now I have to deal with pre-employment paperwork. Bring it on.

No One Had To Die

03 April 2009

I was planning to write something about the Columbine Highschool Massacre that happened 10 years ago after I read about it as I browsed old time magazines I had, I was waiting for April 20, 2009, to time it with the exact date they did what they did, but the Binghamton massacre made me do it earlier

 

13 innocent deaths on an April day, I thought the last time I would read about that is when I read about the Columbine Massacre, 4:20:1999.

4:20:1889 a man who would grow-up to kill in a more massive scale was born, Adolf Hitler.

I was suppposed to write something about kids, about how the society of highschools and the influences of media and the bazaar of options, to kids my age and younger, are confusing us. Making us make the wrong choices, realizing it too late or never realizing at all.

How you start associating yourself to things of power and mystery, losing your individual and falling into a type, a class, a group, a costumed pack. Guns, Hitler, Trenchcoats, those were supposed to be my accesories to a topic about Teens, Angst, and Life.

Now there is only one topic left to talk about and it is a topic I don't like,

Death.

 

Tulong

24 March 2009

Hindi ako mahilig humingi ng tulong, hindi ako marunong humingi ng tulong. Ang alam ko ay kaya kong buhatin ang Balikbayan Box mag-isa, 'di mo ako kailangan tulungan. Kaya kong ikabit ang computer rack mag-isa, 'di mo ko kailangan tulungan, di ko kailangan ng tulong, kailangan ko man ay alalay lang, taga-hawak, taga-pinta, taga-abot ng gamit, ako ang gagawa, ako ang tatapos sa suliranin, ako ang magkakabit ng bumbilya, walang ibang may kaya, ako lang.

Tulong, Tulong, Tulong

Nalaman ko kamakailan kung bakit naimbento ang salitang iyon, hindi ito para isigaw ng naghihingalo, o ibigay ng nagpapakabayani.

Humingi ako ng tulong, pero hindi saklolo, hindi ako nagmakaawa, hindi ako nagmukhang kawawa, hindi nila pinaramdam sa akin na nanghihina ako at binibigyan nila ako ng gamot. Inabot sa akin ang tulong dahil sa wakas nagawa kong aminin sa sarili ko na kailangan ko nito, kahit na iniisip kong wala namang makakapagbigay nito. Sa wakas nasambit ng bibig ko, kahit pabulong lang, isang hiyang-hiyang 'tulong', parang pag-amin ng kahinaan. Pero ang bilis ng pagtulong, ng pagtulong na tinawag pero hindi inasahan, ay nagsabi sa akin na hindi kahinaan ang ginawa ko kundi tatak ng sapat na kagurangan ng isipan para matanggap sa sarili na kailangan na nga. Salamat, salamat sa tulong.

Tulong, Tulong, Tulong

Parang magic, salitang pag sinabi mo ay darating, kung humingi ako ng pagkain duda akong bibigyan ako, pag humiling ako ng pagtatanggol sa tingin ko'y magiging duguan tumpok ng laman na lang ako. Pero ang 'tulong', iba ang pag hingi ng tulong, isang panawagan ng nilalang sa kapwa nilalang na kailangan kong makahanap ng solusyon sa suliraning ito, humihiling akong gawin mo ang nais mo't kaya mo para maiahon ako sa kumunoy na ito, tulong.

 

Malamang ay matagal pa bago ako masanay humiling ng tulong at tumanggap na hindi ko kaya gawin lahat ng bagay mag-isa, pero sa ngayon ay sapat na sa akin ang alam ko na meron palang darating, dumating man ang panahong masambit ko, tulong.

 

Free

15 March 2009

*sigh*

 

I don't know where my yellow notebook is, this is the second time I lost a yellow notebook. I will never buy a yellow notebook ever again, unless its really cool, or really cheap.

 

the best things in life are free, free, free, free, freeeeeeeee. I am falling out of the sky, I am a piece of cloud, torn of my mother cloud like cotton candy, I fall to the earth, I feel free. Its the best thing that has ever happened to me.

 

The beer doesn't taste right, it tastes like beer, but it tastes like wrong beer, you know what I mean? Drink beer alone, drink beer with my dog, drink beer before sleeping, I want to be drunk, I need to be, I am trapped and escaping.

 

This doesn't make much sense, does it?

 

I guess its not as easy as it looks, and it looks like hell on earth.

 

Funny, I never thought of it that way. Well, I never gave anything much thought for,  I don't know, two years? Its been a long long long long long long time, I miss thinking, maybe that's all that has been missing in my life all this time.

 

Fuck you, that was uncalled for, fuck you, fuck you, just because I'm better at it than you are you have to throw a low blow, fuck you.

 

Hey there friend, missed me have you?

 

The best things in life are free, i'm free, the best thing in life is me.

Cardiac Arson by the Hedonistic Hubris of a Serendipitous Pornographer

25 February 2009

All I want to say is that I'm back, Yes, I'm back from a few weeks' (maybe a month's) worth of absence from blogging. Not that I was busy or anything, lazy is better word for it.

You might be wondering about the long blog title,

I was reading the dictionary (yes, some people actually read it) just because I was too bored to play cards early in the morning (yes, some people do it for fun) and I was also searching for a cool title to fit my cool writing project of writing a cool story based on conversations I had with Dwight and Paolo and other musician friends. I was looking for words that sound nice and flow in a long phrase that made no sense but kinda pretends to make sense, so I encountered the words tumult, and hubris and Hedonist, although hedonist is a word I already know.

So I intergated those words with a few of my favorite words and made a nice title,

I just love the wordplay, even if I do wordplay differently.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger