Hanapan Batman

17 May 2009

(ginawa ko ito para sa Arkiyoloji 1, Salamat sa insipirasyon at kaalaman Prof. Paz)

 

Dahil nasa Quezon City Tayo: Ang Huling Icon

Nagpunta ako ng National Museum, nag-ikot ikot at naghanap ng kainspire-inspire na mga bagay. Syanga at napakaraming nakamamangha, nakaliligalig at ‘di kapanipaniwalang bagay sa loob ng museo, ngunit sa kasamaang palad wala sa milyun-milyong ideyang nabuo ko sa aking pag-iikot iikot ang aking huling sanaysay, ito’y isang huling pagtatangka na sa wakas makuha na ang pag gamit ng mga material na bagay bilang icon, yun lang naman siguro ang epekto ng pagsesenti kong ginawa habang nag-iisang nakatanga sa Luneta.

Ano ang bente? Sa Pilipinong konteksto, ito ay katumbas ng dalawampu, pero kadalasan ay ginagamit ang salitang ‘bente’ para tumukoy sa halagang dalawampung piso, sa bente pesos, sa papel na kahel na may mukha ni Manuel.  Ang perang ito ang pinakamaliit na na halagang pera na nasa papel pa, iyan ay kung di mo na binibilang yung mangilan-ngilang sampung pisong papel na nag-eexist pa. Hindi na siguro nalalayo ang panahon na pagkakasyahin na din ang mukha ni Manuel Quezon sa barya, magiging sideview pa, at mawawalan na ng basehan ang darating na kabataan sa kung ano ba ang itsura ng tinitirahan ng president nila. Sabi ay sinasabay lang naman ang pera sa buying power nito, aba, malakas pa ang buying power ng bente, sa tingin ko hangga’t sapat ka pa para pambili ng pananghalian ay ‘di ka pa pwede maging barya.

Bakit nga ba may mukha ang mga pera? Tulad din ba ito ng ginagawa ng mga illustrado na marka nila ng antas nila sa lipunan kaya naipapapinta na ang sarili? Oo at hindi, oo dahil tulad ng mga ilustrado mga matataas ang antas nila sa lipunan natin, politikal man o moral o, huwad man o tunay. Hindi dahil hindi naman nila pinili ipapinta ang sarili sa pera, bukod sa kaso ng dalawangdaang piso ang nag-iisang pera sa Pilipinas na nakapinta dun ang kasalukuyang presidente, ‘yun, malamang vanity nga ‘yun. Pininta sila dun, ginawa silang mascot ng pera dahil tingin ng lipunan (o ng Bangko Sentral) na importante sila, ilagay sa pedestal, importante ka, ilagay ka sa pera.

Sino ba talaga ang namimili kung sino ang importante? Lipunan ba? Ang mamamayan ba? Importante daw na matuto ang mga kabataan ng Ingles, importante nga ba? Siguro dahil ang natitira na lang na trabaho sa Pilipinas ay call center agent at pagiging OFW (na hindi naman pala trabaho sa Pilipinas) kaya importante, pero dahil kulang-kulang sa kalahati ng populasyon sa Pilipinas ay agrikultural pa rin ang pamumuhay, iniinglis mo pa ba talaga ang tindero ng abono? Sa mata siguro ng madaming Pilipino na wala sa Metro Manila ay hindi na nila kailangan ng Ingles para mabuhay, at yun na lang naman ang gusto ng lahat mang yari ‘di ba? Ang mabuhay.

 Pagkain, Tirahan, at Pananamit kadalasan ang pinaka-simple sa mga pangangailangan ng tao para mabuhay na binabanggit sa TV, kailangan daw ito ng mga evacuees, kaya ipadala natin sa estasyon nila tapos ipapadala naman nila sa kung saan mang sulok ng Pilipinas na ngayon mo lang nalaman na may ganoon palang lugar. Sa pag-usad ng panahon ay nagkakaroon na din ng mga dibersyon sa kung ano ba ang magiging kasali sa listahan ng mga basic needs, halimbawa, basic need na ang TV sa bahay, kailangan mo ng TV, pag wala kang TV mabuburyong ka at magiging gulay, kailangan mong mapanood si Willie Revillame (o ang TVJ, bahala ka kung alin gusto mo) habang nanananghalian ka. Naging basic need na din ang Selpon, kailangan mo ng selpon dahil biglang nagkaroon ng pangangailangan yung mga kamag-anak mo sa malayong lupalop na makausap ka. Basic need din naman ang maligo, mas simple pa ito sa TV at selpon, kung hindi ka naniniwala na basic need ang paliligo, tangkain mong huwag maligo ng matagal-tagal, magsusumigaw na ang mga skin cells mo ng “maligo ka na, maligo ka naaaaa...” . Ito, itong mga umuunlad na bagay na nagiging pangangailangan kahit hindi naman talaga (pwede ka naman mabuhay ng ‘di ka naliligo, makakapatay ka nga lang ng kapwa mo) ay ang importanteng pinipili ng mamamayan, ito yung sa tingin ng populasyon ay may mga kwentang bagay.

May karapatan nga ba tayong pumili para sa sarili natin?

 

20 things said:

_Stine Olivar said...

. . .

Roxanne Delay said...

babasahin ko to promise! after ng bio.

Joy Ann Malapit said...

huwaw. ganda ng konek

Ernest Angeles said...

Tenks!

Ernest Angeles said...

Sige, tatandaan ko yan

Ernest Angeles said...

great, I am wowed by your in-depth analysis! =))

_Stine Olivar said...

hahahahah syempre!!!

_Stine Olivar said...

freewill... choice...

. . .










pero,,, pag dinrowing ba kita ernest, property mo yung drowing ko.. wahahah, sige sige ,,
". . ." na lang nga ako,, :))

_Stine Olivar said...

tae, sandali nga,, bat ayaw mong lagyan ng comment box yung homepage mo,, di tuloy ako makacomment na bakit walang comment box, wala kasing comment box,,, hahahahaha

Ernest Angeles said...

ang irrelevant e, magcomment na lang sila sa mga gawa ko,

tsaka para malinis at pantay tignan, kinakain kasi nung listahan ng favorite blogs ko yung space.

Ernest Angeles said...

weh? wah? wachumin?

_Stine Olivar said...

irrelevant???????????????????????? watdabot, tanggap ko yung para pantay tingnan pero,, irrelevant????? wah! ilang beses na kasi ako nag attempt na mag iwan ng comment dun, pero laging walang box,, = =... heniwey,, usually nga naman ang updates ay nasa blogs, pesyurs, etc,, at may comment box naman dun, at yun naman ang kadalasang nakikita ng mga nag mumoo, dahil madalas ay di naman sila dumadalaw sa homepage,, at, okei, wahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahhaahhahahahahhahahahhahahahahahhaha

_Stine Olivar said...

wala lang, kasi sa bente,,, saan nga ba yung hangganan ng karapatan natin, o may karapatan ba tayo kung gagamitin ng iba yung mukha natin, wahahahahahahhaa

Ernest Angeles said...

uh, naimply ko ba yun?

Ernest Angeles said...

isa pa yun, tsaka ano ba kinokoment sa homepage? Tsaka dumudumi, ang serious-serious nung mga eklat ko dun tapos may koment na hindi serious :)) nakaksira ng porma =))

_Stine Olivar said...

WAHAHAHAHHAhAHAHAHha edi yun ang dahilan =))



sa homepage,, yung message sayo na hindi ka pm pm,,

Ernest Angeles said...

hindi naman laging iisa lang dahilan, :D

_Stine Olivar said...

hokey, pero di lahat, primary

Ernest Angeles said...

pero dahilan pa rin sila, kasali pa rin sila sa kung paano dumating ang bagay na yuon duon.

_Stine Olivar said...

okies :))

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger