14 December 2009
http://www.plurk.com/p/2z83jx
Isang Mabilis na ginawang fiction, presented sa format ng Plurk.
One Day I Found Myself in Diaspora
http://www.plurk.com/p/2z83jx
Isang Mabilis na ginawang fiction, presented sa format ng Plurk.
by Unknown at 2:58 AM 0 things said
Labels: anaknigod, fiction, hayskul, kamalasankontodo, kwentistainme, overdrama, plurk, watdapak, yosistory
strum-strum-strum
Sa kwarto ni Frisco, wala kang makitang pader, puro mga larawan ng mga nagtatawanang tao, mga poster ng mga concert ilang taon, buwan, linggo na ang nakakaraan ginanap, mga poster ng mga banda, mga album cover na pina-enlarge, mga drowing sa cartolina, mga leaflet, kung anu-ano. Hindi ka makakapag sindi ng posporo na wala kang nasisindihang papel, ganun ka puno, patong-patong pa, parang sumikip na nga yung kwarto dahil sa kapal nang mga tse-tseburetse sa pader.
Strum
Tumitipa si Frisco, sa bawat strum ay titigil at hihinga ng malalim, parang hinihigop mula sa hangin ang tunog na nalikha n'ya. Paulit-ulit, strum, tigil, strum, tigil, strum, tigil. Matapos maka ilang ulit ay nagtuloy-tuloy, nagkabit kabit ang mga pirapirasong musika n'ya, naging kanta. Naging parang kanta, basta, musika, ang galing, ultimo mga daga sa ding-ding ay napatigil sa pagngatngat ng kahoy, pumapalakpak ang tenga ng mga daga, ganun s'ya kagaling.
Tumigil si Frisco.
Umulit sa simula, ngayon naman ay kumakanta na s'ya, isang kantang parang isang libong karayom, napuno ang kwarto n'ya ng malamig na boses, malungkot na boses, malungkot na awit, kung titignan mong mabuti, mapapansin mong maluha-luha na sa poster n'ya si Kurt Cobain, nagheheadbang na ng konti si Rico Blanco, at parang nabubura ang mga ngiti sa mga larawan, parang gusto nang mamatay ng daga sa loob nung dingding. Parang sinusulat na ng boses ni Frisco sa hangin ang mismong mga salita, mababasa mo ang isang kwento ng pag-ibig, kay sayang pag-ibig, pag-ibig na hindi naman pala totoo, ilusyon, nagpapanggap.
Tumigil si Frisco, ngumiti, at nagsindi ng posporo.
by Unknown at 12:01 AM 5 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, cilva, fiction, kamalasankontodo, kwentistainme, labistori, watdapak, yosistory
The headhunters were after me, I dreamed, they ran after me in a mob, and more of them came out of every corner of a distorted version of Emerald Avenue., jumping out of buildings, wearing their suits, and blazers, holding their machetes and flailing a severed head of some Ancient Mayan tribesman. They trapped me in the corner of Commonwealth avenue and Shaw Boulevard (it said so on the street sign), and they jumped at me and ate every bit of flesh in my body, even the severed heads ripped flesh from my bones, and they took my bones and ripped me apart from the joints. They gnawed on my bones, and I could still feel them, I was still alive.
I got a job, and i'll be paid pretty well, I'm not dreaming of getting a car the first few months, but a pair of Tough Jeansmith jeans sound really tempting for first payday.
I waited in the holding area, in my dream, and I sit in a black plastic chair in the middle of a room filled with black plastic chairs exactly the same. On them sit men and women in ties and dress shirts and bussiness shirts and slacks and leather shoes, and blouses and sandals and more shoes. They were faceless and motionless and sat like they were being watched by some divine drill seargeant. The walls were covered in socks, black dress socks, and when I realized this the place a few inches above my ankle hurt, where my dress socks always seem to cut on my skin. I scratch it and I felt nothing I looked down to see I had no ankles, I had no feet, I had nothing from the knee down, it was already floor, like the floor was rising and erasing everything in it's path.
Do you ever get the feeling while waiting for some person to call you and pretend to be a caller from the UK for you to pretend that your a customer care representative in a pretend company with pretend rates and rules and policies that you are starting to be part of the furniture? It happens sometimes.
I signed the contract, I dreamed, and the HR girl laughed, it started as a giggle, then a laugh, then a hearty laugh, then an evil satanic laugh. She had demonic eyes, and purple skin, and her hair started changing to snakes. She grew claws from her green finger nails, and she grew great big red horns on her forehead and a red pointy tail, she looked like a diseased eggplant person, if not for the flames in the background. She laughs her evil laughs and the piece of paper changed to hadcuffs that was chained to a great metal ball half-buried in the burning steel floor I suddenly was standing on. She was laughing as she told me I had to pull it out of the steel, and I tried, it wouldn't budge, she still laughs and I tried again and again until the steel started to break like soil, and the steel ball broke from the steel soil and rose twenty feet into the air and fell on me. And she laughs some more as I twitched dying under the ball.
Now I have to deal with pre-employment paperwork. Bring it on.
by Unknown at 10:29 AM 6 things said
Labels: anaknigod, fiction, hadbentyur, kamalasankontodo, kwentistainme, nangiinis, sitel, watdapak, yosistory
Nuong Napagdesisyunan ko na na umaga ko na sasagutan ang number two ng Physics assignment ko at sisimulan ko na mag-review ng Psychodynamic Theories ay nadama ko na ang pagtatangkang i-demolish ang kwarto ko sa mga katok (kabog, suntok, hambalos, kung ano man ang tawag mo sa maingay na pagtama ng malaking kamao sa pinto), Si Nanay, pinagbuksan ko, matapang pala talaga tignan ang kombinasyon ng Daster at syanse.
"BAKIT NAKA LOCK KA?!" good evening din Inay.
"MAY TINATAGO KA BA? ANG GULO NG KWARTO MO!" may tinatago nga, tinatago kong magulo ang kwarto ko. Ikaw kasi, pumasok pasok ka pa dito. Duda ko nag walk-out na si Tatay matapos tamaan ng plato, ako na tuloy ang center of attention. Attention, according to a study, the average attention span of an adolescent is 20 minutes or less. So if nanay intends to lecture me the speech should be no longer than that, otherwise lilipad ang utak ko at wala na ako sa Earth.
Isa-isa n'yang pinapalipad mga gamit ko, nakakagulat kasi kinakaya ng maliit n'yang body built ang mga nakakalat na adobe sa kwarto ko. Bakit ba ang lakas ng fetish n'ya sa kalinisan? If you want to be Freudian about it, it may be because of of deficiencies in her anal stage of development where over-indulgence in potty training may lead to personalities with strong needs for cleanliness and organization to avoid, slash, lessen anxiety. Sabi naman ni Erikson, baka nag fail s'ya sa isa sa mga stages of development, most probably sa 'play age' kung saan shame and guilt ang main dillema nuong stage na 'yun, tama ba? Minental note ko na i-review ang eight stages of development mamaya.
"ANO TO?!" upos, ngayon ka lang ba nakakita ng upos? Huwag na mag salita, hindi ako dapat mag-salita, quiteness. Pero 'di ba silence means yes? Pero hindi naman answerable ng yes or no yung tanong kaya okey lang.
"NANINIGARILYO KA NA?!" bakit? Kala mo ikaw lang? Idol kasi kita, ay lab yu so mats dat ay wan tu bi layk yu. Sabi ni Bandura, maaring matuto ang mga bata sa nakikita lamang nilang reinforced behavior at hindi lamang sa pansariling trial and error. Dinuduro na ako ng inay habang sinusumbat ang ang pagbubuntis n'ya sa akin, ang laki ng diameter ng puke n'ya nung lumabas ako doon, pati pinakain n'ya sa akin at kung ano-ano pa. Naisip ko tuloy yung archetype ni Jung na Great Mother, meron itong life-giving at destructive qualities. Mukhang ito na yung destructive qualities.
"SINONG NAGTURO SA'YO NITO?!" According to Erikson, peer groups are the most powerful factor during adolescent stage. According to Fromm Relatedness is one of the five human needs so ibig sabihin need ang pakikirelate sa kaibigan at nakahanap lang naman ako ng madaling paraan. According to Freud, ito ay oral fixation na dulot ng maikling breast feeding period nuong infancy ko, maagang nawala ang pleasure source during the oral stage of development. Mabilis na inalis sa akin ang right to the nipple, normally ito ay dahil sa mabilis na kasunod na kapatid, pero wala naman akong mga kapatid, maaga paring pinagkait sa akin ang suso, so ibig sabihin, shit, teka, HOLY SHIT! Oo, alam ko na, everything is clear to me, now, ikaw ang dahilan kaya ako naninigarilyo! Its all your fault!
by Unknown at 1:57 AM 18 things said
Labels: anaknigod, fiction, hadbentyur, kamalasankontodo, kwentistainme, nangiinis, panpil, supot, watdapak, yosistory
[Yipee! Mail]
[Drafts/Unsent Items]
[sandyheaven@yipee.com]
Sa pagbagtas ko ng North Avenue kanina naalala ko ang pagbagtas natin sa sarili nating lansangan, tayong dalawa at ang ibang pasahero sa iisang jeepney. Naalala ko yuon, nakaupo tayo sa magkabilaang upuan ng jeep, sabi ko sa'yo "dito ka." tumabi ka sa akin, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na ganyan ang lapit mo sa akin. Hindi mo alam, walang malisya sa iyo, wala rin naman sa akin, saya lang ang meron.
Ang lapit mo, hindi ko na maalala ko kung saan ako bababa, kung saan ako sumakay, kung ano ang gagawin natin, kung saan tayo pupunta, kung bakit tayo magkasama, na may kasama pa pala tayong iba, ang alam ko lang kasama kita. Nakasampay ang kamay ko sa baras ng bintana ng jeep, sa likod mo, kung maari lang kitang akbayan ay ginawa ko na. Pero kaibigan kita, hindi dapat, kilala ko si Chino, mabait si Chino, mahal mo si Chino, mahal ka n'ya, kaya hindi dapat.
Parang pinipiga ng mga kadenang yelo ang puso ko, pero hindi masakit, hindi rin naman masarap, kakaibang pakiramdam, marahil ito na ang pinaka malapit na mararating ko para madanas ang sinasabi nilang masarap na bawal, ang malayong akbay.
Sana hayskul na lang ulit tayo, sana pwede ako gumising at malamang lahat ng anim na taong buhay ko ay panaginip lang ng isang first year highschool na ako. Sana pwede ko iwasan ang mga pagkakamali, sana maaari ko pang unahan si Chino. Pero hindi na, eto na, masaya na ako ng ganito. Masaya na ako dahil tanggap ko na, mahal kita, mahal ka nya, mahal mo sya, malinaw na sa akin ang papel ko, dito na lang ako. Dahan-dahan kong inurong ang kamay ko mula sa baras, dito lang ako.
by Unknown at 4:44 AM 5 things said
Labels: anaknigod, fiction, hadbentyur, kamalasankontodo, kwentistainme, labistori, nangiinis, supot, up, watdapak, yosistory
“Anong Problema?” tanong n’ya, masyado yata akong pa obvious. Siguro dahil napansin na n’ya na lima nang santo ang tinutumba ko’t nagbukas pa ako ng pang-anim. Baka naman dahil sa kumpol kumpol na upos ng sigarilyo ko na naitataktak ang sigarilyo ko dahil di na nasisinagan ng bumbilya ang ilalim ng ashtray. Baka dahil sa gitna na nang talasinsingan at hinliliit ko iniipit ang sigarilyong hinihithit ko para matakpan ko ang kalahati ng mukha ko tuwing hihithit ako. Pero malamang dahil hindi ko s’ya kinikibo kanina pa, ngayon lang na hiniga na sa banig sa sala si Chino tsaka lang ako nagsalita. Kung kelan kaming dalawa na lang at si San Miguel ang nagkukwentuhan.
“Wala,” sinong niloko ko? Meron, syempre, hindi ko lang masabi ng diretso dahil kasama s’ya sa kwento, at umaandar nanaman ang karuwagan ko, kung matatawag ngang karuwagan ang sobrang pag-iingat na magsabi ng sinasaloob. Binigyan ko ng huling hithit ang yosi at ‘di na ako nag-abalang i-iwas ang usok sa kanya. Nagulat naman akong hindi ko nakita (kahit sa gilid lang ng mga mata ko, gayong di ko sya tinitignan ng diretso) ang pagkunot ng noo n’ya sa usok, tulad ng dati, patunay lang na seryoso ang pagka-concerned n’ya, epekto na ‘din yata ng alcohol.
“Sabihin mo na.” hindi ko sasabihin, alam n’ya y’on. Sanay na din s’ya sa akin, alam n’ya na hindi ko kaya sabihin, na hindi ko kaya ipaliwanag ang mga sinasabi ko, pinatay ko ang yosi sa maong ko, sa tuhod, umaasang mapapaso ako, hindi naman ako binigo ng yosi ko. Alam na niya ito, kailangan n’ya akong tanungin para malaman ko kung paano ko sasabihin ang nasa loob ko, kung magawa ko mang sabihin. Baka naman tangkain n’ya ang ginagawa n’ya dati, na ibahin na lang ang topic at hingin ang opinion ko sa ibang bagay para sumaya ako. Pero kumuha na din s’ya ng sigarilyo sa kaha ko, inabot ko ang lighter sa kanya, kumuha ng sarili kong yosi, at nagsindi na din pagkasindi n’ya ng sa kanya, pinagsabay namin ang isang mahabang buga.
“Ano ang tingin mo kay Chino?”
by Unknown at 6:38 AM 12 things said
Labels: anaknigod, fiction, hadbentyur, kamalasankontodo, kwentistainme, labistori, pagmumukha, panpil, sorry, supot, up, watdapak, yosistory
by Unknown at 8:28 AM 5 things said
Labels: anaknigod, fiction, kalokohanlang, kwentistainme, mgaidol, pagmumukha, pangsayangoras, supot, up, watdapak, yosistory
Para sa PanPil. Ang orihinal na plano ay mag-film ng spoof, kaya gumawa ako ng script. Nuong nabasa na ay naisip na gawin na lang syang short story kasi parang mas maganda (tsaka para hindi masyado ma-effort), di ko pa tapos ang short story kaya pagtyagaan nyo muna ito.
BIG BROTHER SCRIPT
Setting: BIG BROTHER HOUSE Kuno, eviction night at araw pagkatapos ng eviction night.
Characters (with PBB-like titles):
ISAY: Half-Chinese Cebuana Cutie (ka love team ni Jonathan, Super arte, lahat ata ng edition may half-chinese na cebuana)
JONATHAN: half-American, half-Mongolian, half-Nigerian, Half-Martian PINOY Hunk (stereotype hunky foreigner housemate na di marunong mag-tagalog)
ESTONG: Young Man Comedian from Basilan (stereotype “mahirap sya kaya nakakaawa sya” at “hahaha, nakakatawa, housemate)
KIMMY: Blind Beauty from Bicol (stereotype na may kapansanan housemate, nakashades, laging tumatama sa pader pag naglalakad)
NESA: Rock Chick ng Baguio (stereotype housemate na pa-dark, pa-cool, maangas, confrontational at sabik sa yosi)
ROSA: Everybody’s Best friend from Batangas (everybody’s best friend, sya ang maeevict)
BIG BROTHER: Lalaking nakasuot ng paper bag mask na nangangausap sa confession room at malakas mag power trip.
BEGIN
Opening, mukha ng mga housemate plus mga title nila, isa-isa.
BLANK SCREEN, NAKA-FLASH “EVICTION NIGHT”
Nakatayo silang lahat at isa-isang niyayakap si Rosa, si Kimmy nangangapa sa ere hinahanap si Rosa.
BIG BROTHER: Rosa, maari ka nang lumabas ng aking bahay
Nagyayakapan pa sila nina Isay, lahat nakapaligid sa kanya, si Kimmy sa kabila papunta, hihilahin ni Nesa paharap sa tamang direksyon
ISAY: Never forget us ha?
ROSA: Magpakabait kayo dito, Jon, ingatan mo si Isay ha?
JON: oo naman,
ROSA: Kimmy, wag ka na kung saan-saan naglalakad, baka mahulog ka nanaman sa pool.
KIMMY: Pag umalis ka, sino na ang aalalay sa akin?
ROSA: edi si Nesa!
NESA: ew…
BIG BROTHER: Rosa, lumabas ka na sa aking bahay, dalian mo na.
ROSA: O, Nesa, ang sigarilyo ha,
NESA: Wala na akong yosi kaya wala na yun.
ROSA: Estong, mamimiss kita, kayo na bahala dito ha?
ESTONG: Ikaw naman, para kang nanay, ano kami sanggol?
BIG BROTHER: ROSA! POTAAAAH!!! LUMABAS KA NA SA BAHAY KO! LIVE TAYO! SAYANG AIRTIME!!!
ROSA: Sige guys!
Lalabas na si Rosa.
BLANK SCREEN NAKA FLASH “DAY 94 9:54 AM”
Nakaupo si Isay katabi si Jonathan, nakasandal ang ulo ni Isay kay Jonathan, sa di malayo ay nakupo din si Estong katabi si Kimmy na naka tingin deretso sa harap, kinukulit ni Estong si Kimmy. Kay Isay at Jon muna ang atensyon. Lahat sila ay umiinom ng C2.
JON: I know its hard.
ISAY: I really like her kasi, she’s like, alam mo yun? My Best friend here in the Bahay. She’s sooo nice kasi, to all of us naman, not naman to me lang diba?
JON: Yeah, of course, she’s everyone’s ate isn’t she.
ISAY: But nobody cried for her, its not nice, that Nesa, she’s so feelingera.
JON: were just too used to evictions,
ISAY: I still don’t like Nesa.
JON: Don’t judge her, that’s not nice.
ISAY: She’s not nice. I hate her.
Tahimik lang si Jon, pan ang camera kina Estong at Kimmy
KIMMY: Estong! Di ka na nakakatuwa! Tama na!
ESTONG: Weh, ang korni naman nire, para binibiro lang.
KIMMY: Ano yon? May nadidinig akong paguumpog?
ESTONG: Si Nesa yun, nagdadabog nanaman.
Pan kay Nesa
NESA: WALA NA AKONG YOSIIIIIIII!!! BIG BROTHER GUSTO KO NG YOSI!!!
ESTONG: Huy, OA nito, para sigarilyo lang.
NESA: NAMPUTA ULITIN MO SINABI MO!!!
KIMMY: Oi wag kayo mag-away! (sinasaway sila pero ang layo ng tingin, bulag nga e)
NESA: NAMPUTA MANANAWAY NA LANG LIGAW PA! BULAG!
ISAY: HOW DARE YOU TALK TO KIMMY LIKE THAT!
NESA: NAMPUTA NAKIALAM PA ANG INGLISERONG BISAYANG INTSIK! HUMIHINGI LANG AKO NG YOSI SA DYOS-DYOSAN DITO UMEPAL NA KAYONG LAHAAAAAAAAAT!!!
JON: Nesa, calm down
ESTONG: Honga, calm down daw, (lilingon kay Kimmy) ano ba yung “calm down”?
NESA: PUTA! Wala namang naitutulong pumeperwisyo pa!
ISAY: Your sobra na ha! Why, your so selfish! You can live without your Yosi! You actually live better without it pa nga!
NESA: Potah, gusto mo ingglisan? Sige! Stop talking as if you understand cigarettes you will only embarrass yourself!
ISAY: Fuck YOU!
NESA: FUCK ME MORE!!!
JON: Stop this! Calm down both of you! Big Brother! Help us out! Put an end to this!
(Pinipigilan ni Jon si Nesa, si Estong si Isay)
KIMMY: Oo nga kuya!
BIG BROTHER: Mamaya na, kulang pa ang footage ko para sa primetime.
ESTONG: Aba komedyante ka rin pala e!
JON: BIG BROTHER!!!
BIG BROTHER: Sige na nga, Nesa, pumasok ka sa Confession room.
Pipiglas si Nesa kay Jon, at pupunta sa Confession Room, sa confession room ay hindi mauupo si Nesa. Kaharap lang nya si Big Brother na naka maskara lang.
BIG BROTHER: Maupo ka
NESA: Ayoko nga!
BIG BROTHER: Pag hindi ka umupo…
NESA: Di ako natatakot sa’yo!
BIG BROTHER: Pag di ka naupo bibigyan kita ng 100 seconds kasama ang NANAY MO!!!
NESA: Edi mauupo na! Kelangan mo ba manakot, nampotah…
BIG BROTHER: Ba’t ka nagwawala? Ano ba problema mo? Yosi?
NESA: Ba’t ka hindi nagpapakita ng pes? Ano ba problema mo? Acne?
BIG BROTHER: At sumasagot ka pa!
NESA: Hindi ako sumasagot nagtatanong ako!
BIG BROTHER: Talaga naman! Bibigyan kita ng task para makakuha ka ng Yosi!
NESA: Palabasin mo na lang ako bibili ako mag-isa!
BIG BROTHER: Hindi kita pwede palabasin, mataas ang ratings ko dahil sa’yo!
NESA: Bakit ba ang mahal-mahal ng yosi sa bahay mo?!
BIG BROTHER: E wala pa akong nakukuhang sponsor e, bawal na kasi mag endorse ng yosi sa TV.
NESA: Ano ba yung task ko? Kailangan ko ba talaga sundin yan dahil lang sa lalaki ka? At Nakakatanda ka? Ganun? Napaka Patriarchal ng show mo!
BIG BROTHER: Wag kang atribida nag-iisip pa mga writer ko!
Silence ng mga 10 seconds
NESA: Ano na?
BIG BROTHER: Kakain ka ng Chippy!
NESA: yun lang?
BIG BROTHER: Limampung Kilo ng Chippy!
NESA: Yun lang?
BIG BROTHER: Itatapon ko lahat nung Chippy sa pool tapos kakainin mo habang nag suswimming ng Breaststroke!
NESA: NAMPOTAH!
BIG BROTHER: Gawin mo na ngayon na!!!
Sa loob ng bahay,
BIG BROTHER: KIMMY pumasok ka sa loob ng confession room!
KIMMY: OPO!
Mababangga si Kimmy sa Pader sa tabi ng pinto papuntang confession room bago makapasok.
BIG BROTHER: Kimmy, kamusta ka na?
KIMMY: Masakit ulo ko.
BIG BROTHER: Talaga? Kung gayon dadalhin kita sa ospital, kapag within twenty-four hours ay hindi ka nakabalik…
KIMMY: Teka! Nauntog lang ako!
BIG BROTHER: Baka naman cancer na yang bukol mo?
KIMMY: hindi nga bumukol e!
BIG BROTHER: Anyways, what I mean to say is, tinatapos ko na ang task mo sa mga oras na ito. Hindi mo na kailangan magpanggap na Bulag.
KIMMY: Talaga? YES!!!
BIG BROTHER: Pero ikaw na bahala magsabi noon sa mga housemate mo! Hindi mo pwede abihin sa kanila na task lang ang lahat ng ito! BWAHAHAHAHAHAHA!
KIMMY: What?! Iyudiputa naman…
Sa labas ng confession room, nasabi na ni KIMMY kina Estong, Jon, at Isay ang katotohanan.
ISAY: WHAT?! You’ve been lying to us! HOW COULD YOU!!! (walk out)
JON: Isay? Isay wait-up! I think I understand Kimmy, even if you don’t say it.
ESTONG: Hindi ka bulag? Samantalang, ilang beses na akong nagbihis sa harap mo? Ibig sabihin... Nakita mo si…
KIMMY: ahihihi… Oo, ahihihihi…
ESTONG: NOOOOOOO!!!
BIG BROTHER: Housemates! Mag sama-sama kayo sa Living Room may sasabihin akong importante.
Nagsama-sama ang apat sa Living room, wala si Nesa.
BIG BROTHER: Housemates, kung mapapansin n’yo wala si Nesa, yuon ay dahil binigyan ko s’ya ng Task na kumain ng limampung kilong chippy habang nag bebreast stroke sa swimming pool.
ESTONG: Big brother! Pwede ko po ba sya tulungan?
BIG BROTHER: Dahil concerned ka? How sweet naman you!
ESTONG: Hindi po, patapos na po kasi ito, kelangan ko po pangalagaan ang image ko bilag mabait na housemate para ako ang maging Big Winner.
BIG BROTHER: Ganun ba? Kahit na, hindi pupwede. Katulad nga ng sinasabi ko bago ako istorbohin nang bading na supot na negrong unggoy, nalaman nyo na ang katotohanan tungkol kay Kimmy, at hindi man n’ya sinabi sa inyo ay isa itong task, para masubukan ko kung paano kayo tatawa tuwing nauuntog s’ya.
JON: I knew it! I knew it was a task!
BIG BROTHER: Jon,
JON: Kuya?
BIG BROTHER: Manahimik ka.
Tatahimik si Jon, yayakapin sya ni Isay for comfort.
BIG BROTHER: Sa punto ring ito ay tinatapos ko rin na ang lahat ng mga special task n’yo, ikaw Isay, hindi mo na kailangan magpanggap na Maarteng anak mayaman.
ISAY: Salamat Koya, naherapan na den ba aku e, napiga-piga ang enggelis ko ba!
JON: WHAT?! You’re not a rich inglisera?
ISAY: Dehins no! Nakakaburyong na nga dito naburyong pa ako sa kakaingles, galing ko no?
BIG BROTHER: At ikaw Jon, hindi mo na kailangan magpanggap na hindi marunong managalog.
JON: Ayun! Sa wakas! WHAAA!!! Nauto ko din kayo no!?
ESTONG: Hindi no! Halata ko naman sa’yo, mahina ka umacting, magaling ako dyan, matagal ko nang alam na task mo lang yan.
BIG BROTHER: At ikaw Estong, di mo na kelangan magpanggap na tunay na lalaki.
ESTONG: GAGO HINDI AKO BADING! SUPOT!
BIG BROTHER: TUMAHIMIK KA! Kayo ko kayo pinatawag ay para malaman n’yo na walang nominationg magaganap ngayon. Dahil si Nesa, ay lalabas na sa aking bahay.
KIMMY: Voluntary exit?
BIG BROTHER: hinde.
JON: Forced Eviction?
BIG BROTHER: Hindi rin.
ISAY: Sirit na!
BIGBROTHER: Nalunod kasi sya habang ginagawa ang kanyang task kaya s’ya ay patay na.
ESTONG: WHAAAAT?!
BIG BROTHER: Wag kayo mag-alala, ang mausoleum nya ay gawa ng Globe Asiatique.
END
by Unknown at 3:15 AM 11 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, fiction, hadbentyur, kalokohanlang, kamalasankontodo, kwentistainme, labistori, nangiinis, pangsayangoras, panpil, up, watdapak, yosistory
(uh... di ko na nagawa i-edit masyado na malapit ang deadline, hindi ko na din natapos ng maayos, fiction yan para sa PanPil17 ko)
Nakatayo ako sa ibabaw ng dyip ni Manong Temong, inaabot ng mga mata ko ang dulo ng dagat-dagatang pula, umaalon ang mga suntok sa umaapoy na hangin ng katanghalian Diliman, mga kamaong umaapoy din, hindi sa init kundi sa pagnanais. Ang sarili kong kamao ay humihigpit sa aking sandata, sandatang inilapit ko sa aking mga labi. At ang kulog at kidlat ng aking dila ay narinig ng dagat, naging bagyo ang alon ng mga kamao.
“Doy!”
Sumigaw ni Alan sa akin, pumunit sa ingay ang boses n’ya, lumingon ako sa direksyong tinuturo ng daliri n’ya, sa baybayin ng dagat-dagatang pula, isang news van at ang lente ay nakatutok sa akin. Hindi ako makakatigil sa gitna ng talumpati ko, kailangan kong tapusin. Nagpatuloy ako, at nagpatuloy ang mga kamao, pero parang natutulog ang sinusunog na gasolina sa dib-dib ko. Nang maisigaw ko ang huli kong sigaw, agad akong umiwas sa lente, inabot ang sandata ko kay Rain, sandata na n’ya ngayon, tinuloy n’ya ang pag papainit sa dagat. Dali-dali akong bumaba sa dyip ni Manong Temong. Tumatakbo, nanunulak, nagsusumiksik papunta sa akin si Alan.
“Pa’no na yan?”
Nakita ako, napanod ako sa TV, hindi maganda ito.
“I saw you on TV, Armando.”
Naghuhugas ng pinggan si Mama Inday, malamang mukha nanaman syang napuwing kahit nakatalikod s’ya sa akin. Hindi pa nakakatayo ulit yung mga germs na pinatumba ng bag kong initsa ko sa sulok, hindi pa nagsisimulang mag-init ang paa ko sa tsinelas na pambahay, hindi pa sumasayad ang puwit ko sa monobloc ay nagsimula na s’ya. Hindi naman sa hindi ko inaasahan, alam ko na namang si mama ang makakaunang luminis (sasabon) sa nanglilimahid kong balat, init kasi. Hindi na ako sumagot.
“What were you doing there?”
Hindi namin bahay itong lugar na dinederetsuhan ko pagkauwi ko galing eskwela (o rally, kung alin man) pero halos ganito na rin kalaki, ito ay dirty kitchen lang ng bahay ng mga Montemayor. Mga Montemayor na may-ari nung bahay na tinutuluyan namin, nag-papasweldo kay Mama at tatay, hindi ko alam kung magkano pero nabili na din yata nila ang kaluluwa nila, yung akin yata on-lease lang. Nakatalikod parin sa akin si Mama, gusto ko naman sana itanong kung paano n’ya ko napanood sa TV samantalang wala kaming TV, kahit alam ko naman ang sagot at asa harap ko nga, yung TV na lagi na yatang nakatutok sa ANC, yung TV sa kusina.
Sa katahimikan ko yata ay naisip ni Mama na utusan na lang ako imbis na awayin na naman n’ya ako, bumili daw ako ng suka, tunggain ko daw ng matauhan ako. Sa totoo lang hindi yun ang sionabi n’ya, ang sabi n’ya “I’m going to ask you to buy vinegar, you might want to think about drinking it straight to straighten your head Armando, know you’re priorities.” I know my priorities ma. Inaabot n’ya yung barya sa ibabaw nung ref ay nakita ko ang kamay n’ya, na may pamilyar na marka.
“Ma, minsan gusto ko makausap ng matino yang nanay ni ‘Nyor, hindi yata alam ang tamang pag gamit ng plantsa ay hindi sa tao, lalong hindi sa nanay ko.”
Kinuha ko ang pera habang binubuo ko sa isip ko kung paano ko paplantsahin lahat ng kulubot sa pagmumukha ni Misis. Naalala ko na may pasalubong nga pala ako kay nanay, kinuha ko muna sa bag ko at matunog (medyo padabog) kong nilagay sa lababo, sa tabi n’ya. Back-issues ng National Geographic na na-arbor ko kay Alan, mahilig si mama magpakamatalino, labing-walong taon na akong buhay hindi ko pa rin alam kung bakit sa dami ng talinong nilulunok n’ya araw-araw, napaka bobo parin n’ya.
“Tay, ba’t ba di tayo umalis dito?”
Hindi naman para sa akin, para kay mama, hindi ba nagagalit si tatay? Hindi rin ba nababatukan ang sarili nyang angas sa paghahardinero dito? Noon daw nasa Bulakan pa s’ya ay magsasaka s’ya, dito ay bonsai at birds of paradise lang ang nadadapuan ng kamay n’ya, hindi pa sa amin, hindi pa nakakain.
“Nakikita mo ba ito?”
Oo naman, nakaduldol na sa mukha ko e. Buto, hindi ko alam ng kung ano, hindi ko alam kung para saan, hindi ko alam kung bakit. May pagka pilosopo si itay, yung pilosopong matalino ha? Hindi yung mapang-inis. Alam ko na pag ganito sumagot si itay ay siguradong may ibang sagot, pero pinili n’ya yung malalim, yung biglaang pagkakataong makapagturo ng pilosopiya sa buhay.
“Dito, ang tinatanim, tumutubo.”
Pero paano si inay? Sasabihin mo nanaman bas a sarili mo na aksidente lang yun, na hindi sinasadya ni Misis na idikit ang plantsa sa kamay ni nanay? Paano yung mga hindi dahilan na dapat meron pa kayo? Yung mga dahilang hindi n’yo sinasabi sa akin? Nabuburyong na ang utak ko sa mga tanong na hindi mabitawan ng mga labi ko, namumuti na ang kamao ko sa paghihigpit, at naninigas na ang mata ko sa pag-pigil ng nagagalit na luha. Iniwan ko si itay, dinahilan ko si ‘Nyor, naisip ko na ding hanapin nga si ‘Nyor. Asan na ba yung walangyang yun?
“Ando!”
Ganyan ako tawagin ni ‘Nyor, s’ya lang ang tumatawag sa aking Ando, at ako lang ang tumatawag sa kanyang ‘Nyor, si Mama na yaya n’ya Jun-Jun ang tawag sa kanya, malapit na nga namin makalimutan ang pangalan n’ya kung di lang talaga s’ya Junior ni Boss Amo. Sabay na kami lumaki ng gagong ‘to e, palibhasa lahat ng utol n’ya e asa ‘Tate, s’ya lang ang dito pinag-aral.
“Tawag ka ni Dad.”
Hindi ko alam kung may iuutos si Boss Amo, hindi naman n’ya ako madalas utusan, mabait sa akin si Boss Amo, medyo ilag lang s’ya kay Mama, pero kahit kay tatay ay mabait s’ya, minsan nga sinama pa n’ya mag-golf, at talagang nag-golf naman si tatay, pag-uwi n’ya nag-away sila ni Mama, hindi ko alam kung bakit.
Kamukha talaga ni ‘Nyor ang tatay n’ya, yun nga lang wala pa sa kanya yung tinatawag ni Boss Amo na marka ng lahi, kasi lahat ng peynting ng mga matatandang Montemayor (na puro mga panginoong may-lupa) maitim ang buhok bukod sa maagang pumuputing mga buhok sa gilid, salt and pepper ba. Matagal na ding hinihintay ni ‘Nyor na mamuti na ang buhok n’ya para matuwa ang tatay n’ya. Ako nga sa tuwing pumuputi ang buhok ko natataranta si Mama na bunutin o ipatina, hindi ko naman s’ya pinapansin kasi sabi ni tatay ang puting buhok tatak ng matalino. At nakarating na nga kami sa lanai, andito si Boss Amo, nagkakape.
“Ah! Armando! Maupo ka.”
Kinamusta na n’ya lahat, eskwela, kilusan, barkada, lovelife (wala naman), humigop s’ya ng mahaba sa tasa n’ya bago s’ya nagtanong tungkol sa kilusan, at umubo naman s’ya ng makailang beses bago kinamusta si Mama. Tinanong n’ya kung mag-iilang taon na ba ako, naalala kong malapit na pala bertdey ko, nauna pa n’yang naalala bago ko maisip.
“Mag-bebente na po.”
Tumango s’ya, humigop ulit ng kape, tinignan ako ng malupit, bigla yatang kumati ang pisngi ni Boss Amo.
“Pumuputi na pala ang buhok mo Armando.”
by Unknown at 5:51 AM 7 things said
Labels: anaknigod, fiction, hadbentyur, happybirthday, kwentistainme, nangiinis, panpil, supot, up, watdapak
“I saw you on TV, Armando.”
Naghuhugas ng pinggan si Mama Inday, malamang mukha nanaman syang napuwing kahit nakatalikod s’ya sa akin. Hindi pa nakakatayo ulit yung mga germs na pinatumba ng bag kong initsa ko sa sulok, hindi pa nagsisimulang mag-init ang paa ko sa tsinelas na pambahay, hindi pa sumasayad ang puwit ko sa monobloc ay nagsimula na s’ya. Hindi naman sa hindi ko inaasahan, alam ko na namang si mama ang makakaunang luminis (sasabon) sa nanglilimahid kong balat, init kasi. Hindi na ako sumagot.
“What were you doing there?”
Hindi namin bahay itong lugar na dinederetsuhan ko pagkauwi ko galing eskwela (o rally, kung alin man) pero halos ganito na rin kalaki, ito ay dirty kitchen lang ng bahay ng mga Montemayor. Mga Montemayor na may-ari nung bahay na tinutuluyan namin, nag-papasweldo kay Mama at tatay, hindi ko alam kung magkano pero nabili na din yata nila ang kaluluwa nila, yung akin yata on-lease lang. Nakatalikod parin sa akin si Mama, gusto ko naman sana itanong kung paano n’ya ko napanood sa TV samantalang wala kaming TV, kahit alam ko naman ang sagot at asa harap ko nga, yung TV na lagi na yatang nakatutok sa ANC, yung TV sa kusina.
Sa katahimikan ko yata ay naisip ni Mama na utusan na lang ako imbis na awayin na naman n’ya ako, bumili daw ako ng suka, tunggain ko daw ng matauhan ako. Sa totoo lang hindi yun ang sionabi n’ya, ang sabi n’ya “I’m going to ask you to buy vinegar, you might want to think about drinking it straight to straighten your head Armando, know you’re priorities.” I know my priorities ma. Inaabot n’ya yung barya sa ibabaw nung ref ay nakita ko ang kamay n’ya, na may pamilyar na marka.
“Ma, minsan gusto ko makausap ng matino yang tatay ni ‘Nyor, hindi yata alam ang tamang pag gamit ng plantsa ay hindi sa tao, lalong hindi sa nanay ko.”
by Unknown at 7:02 AM 2 things said
Labels: anaknigod, fiction, kwentistainme, nangiinis, notmine, panpil, watdapak
(an experiment on trying to do an english story-like monolouge thing for a story idea in my head)
I have forgotten how to write, I remember them telling me to remember your life and you would not have to think about what to write about, but I forgot how to remember. I do recall things and they flash in my head like cable channels on a non-cable ready TV, but I have forgotten to choose what to recall, its like I have lost the remote control and someone else is switching channels. There are spaces in my memory, if I were to write my autobiography now it would be unchronological, and I would have to sit and wait until something would eventually come to mind and I would remember.
Perhaps it is a sign of age, when you finally shed the childish idea of wanting to forget, like young writers write in their love songs. Maybe it is a sign of age that you never want to forget, not even the most painful fall or most crushing defeat.
Perhaps I can blame it on age, that I finally can quit worrying about age. Maybe if you are old enough like me you just wake-up every morning and actually believe there is a god to thank that all the weaknesses of your body hasn't suceeded in killing you yet. At my age, I am happy counting my life down to the very last hour, happy in all my 97 years, 49 weeks and three days of a miserable writer's life. At my age you'd be happy you were miserable, that would mean you lived.
by Unknown at 6:51 AM 4 things said
Labels: anaknigod, enggelis, fiction, historylesson, kwentistainme, mgaidol, supot, watdapak
(excerpt from my short-story-in-the-raw "Paano ba binabasa ang KAIBIGAN?")
Matagal na talaga, matagal na mula nuong huling nangyari sa akin ito, nuong huli kong nadama ito. Mas matalino na ako kesa noon, mas marunong, hindi na ako mapapatid, alam ko na kung nasaan ang linya. Masyado na maraming galos ang mga tuhod ko para malimutan ko pa, masyado na marami para manatiling tanga.
Kailangan ko nang matandaan na iba ang pag-ibig sa pagkakaibigan, alin man doon ay hindi ko na natin mapagsasaluhan, kasalanan ko, alam ko. Huwag mo na itanggi, kaya ganyan ang sinasabi ng mg mata mo ay dahil alam mo din.
Hindi na, hindi na ako magpapauto sa mga ngiti na 'yan na mansanas na ginasgasan ng ahas. Hindi ko na kayang ibuwis ang paraisong pinaghirapan kong mabalikan. Kahit paraisong selda man ito, di bale na, selda na lang kesa bitay.
by Unknown at 7:44 AM 4 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, fiction, kamalasankontodo, kwentistainme, labistori, watdapak
She was dissing her boyfriend like hell, she never left my apartment since she came for the party. I pretty much had to appease her with offers of beer and my own versions of Jude insults. I had no idea what to do, though, when after the fifteenth beer she started crying. It sounded like it was half-laugh, whole-cry. She flung the beer bottle across the room, barely missing my microwave. She had her face buried in her hands while murmuring stuff that sounded like "Fuck you" in between sobs. I panicked then, I didn't know if I had to pat her on the back or something, but the enormity of patting Carrot's back, while she's wearing that tank-top, while she's braless, while I'm only pretending to drink so that I could (for some reason, it seemed prudent) keep my head clear and my dick would rise-up to the ocassion if needed. So I offered to smoke a joint or two, she looked up, she gave me a trembling nod (not even wondering why I kept on insisting that I had none earlier). I took out my stash taped underneath my kitchen sink, rolled up a joint, gave her one, and rolled myself another.
We were now fogging up the place with God-knows-what. So much for keeping my head clear, at least I'm not drunk. She's not crying anymore too, way better, now she's actually laughing. I handed her a beer, she took it, but perhaps it wasn't the best thing to do when the girl is so smashed. She fumbled with drinking it and spilled half the bottle on her top. Perhaps it actually IS the best thing to do when a girl is smashed. She ignored it, I didn't, couldn't, I was glued to the boob tube, the real boob tube. She downed the bottle before she decided to take notice of me, staring at her, then at her face. She looked surprised, then she smiled.
To be continued pa yata, hindi ko alam kung gagawa pa ako ng kasunod o tatapusin ko na dito, bahala na, tingin n'yo? Gawin ko pa yung kasunod?
by Unknown at 12:23 AM 2 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, enggelis, fiction, happybirthday, kalokohanlang, labistori, nangiinis, supot, watdapak, yosistory
"Nakatayo s'ya sa ibabaw ng jeep ni Manong Temong, ang mga mata n'ya pinaaabot n'ya sa dulo ng dagat-dagatang pula, umaalon ang mga kamong sumusuntok sa mainit na hangin ng katanghaliang Diliman, mga kamaong nag-iinit din, hindi sa araw, kundi sa pagnanais. Ang sarili niyang kamao ay humihigpit sa kanyng sandata, sandatang inilapit n'ya sa kanyang mga labi, at ang kulog at kidlat ng kanyang dila ay narinig ng dagat, naging bagyo ang mga alon ng kamao"
by Unknown at 8:46 AM 1 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, fiction, historylesson, kwentistainme, mgaidol, psyca, supot, up, watdapak
She was smoking hot that night, she was also smoking cigarettes like hell. We practically fogged the whole place up with nicotine infested smoke. I meant to calm her down, perhaps dooby might have done the job faster but I had to make do. My one month salary's worth of stash was ashed at the night before's rave, I still have some left over, but I'm not sharing. Lucky enough, I have beer left-over, no one drank much after we went farther than cloud nine. Anyway, there she was on my beanbag, her top was askew, her shorts were so damn short, she looked so hot. Dammit, I'm smashed.
There she goes, ranting about the greater of the sins of the night before. She was like the queen of my studio, asking for beer, asking for smokes, asking for weed, complaining that I had no weed to give. I even thought she'd blame me for what her boyfriend did, it was my party after all, but she wasn't that smashed. I myself believe that it was my fault (Yes, I was that smashed, have I not emphasized that enough?), perhaps partly my fault. I did provide the venue (my small apartment), the opportunity (the for-no-reason-at-all party), and the partial motivation (the booze and the weed) for the sin. Which was of course, her boyfriend fucking Demi in front of everyone. To be followed by Carrots seeing them both, her boyfriend (Jude) not giving a damn, Carrots locking herself in my room, and awkward silences galore that killed the party. Well, I'm not complaining much, I have her here.
To be continued
(Ipagpatawad ang pagiging bitin ng kwento, itutuloy kapag sinipag na ako mag tayp.)
by Unknown at 7:30 AM 2 things said
Labels: antifeminist, enggelis, fiction, kwentistainme, supot, watdapak, yosistory
Sarado ang pintuan, sarado din ang mga bintana, umiiling ang kurtina sa ano mang munting liwanag ang nais sumilip sa loob.
Hindi mo nakikita ang mga papel na kumukumot sa sahig at sumasapin sa munting kama. Hindi mo nababasa ang mga salitang nakasulat sa mga ito; ang galit, ang lungkot, ang mga panginginig ng kamay at pagkalat ng tinta sa ilang parteng napatakan ng luha. Hindi mo nakikita ng panginginig ng kamay ni Jun, isang kamay na may tangang bolpen, nakadikit sa kanyang dibdib, dibdib na tumitibok habang nakasandal sa malamig na pader ng madilim na sulok ng kwarto, sa nag-iisang kantong malayo sa kama. Hindi mo nakikita ang katabi nyang larawan, hindi mo nakikita na ang larawan na ito ay ni Jun, at ng isang babae. Hindi mo nakikita na walang mukha ang babae, o kung meron man, hindi mo parin makikita pagkat butas ang larawan ng sigarilyo.
Hindi mo nakikita si Jun, pero nakikita mo ang pagkilos ng kaliwang kamay nya paangat, pagkat nakikita mo ang baga ng sigarilyong hawak nito. Patungo sa kanyang labi, palayo muli, hindi mo nakikita ang usok na ibinubuga nya at ang usok na naibuga na nya kanina pa. Hindi mo nakikita ang mga yumaong sigarilyo sa paligid ng kinauupuan ni Jun. Pero alam mong yumao na din ang hawak nyang sigarilyo. Sapagkat nakita mo ang pagpaslang n'ya sa liwanag nito.
Nadidinig mo si Jun, ang kanyang mga hinga, hithit at buga. Nadidinig mo ang puso na patigil-tigil, minsan, parang nakakalimot tumibok. Nadidinig mo ang pagkilos ng mga hita nya sa sahig, sumasagi ng mga papel. Nadidinig mo ang iyak ni Jun, isang iyak lang, sapat. Nadidinig mo ang aray ni Jun, at ang tunog ng tusok na nauna dito.
Sa lahat ng nadinig mo at naamoy, sa lahat ng di mo nakikita, pinaka marami na sigurong mababasa sa hindi mo nakikitang paghahalo, ng dugo, ng luha, at ng tinta.
by Unknown at 2:10 AM 19 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, fiction, kamalasankontodo, kwentistainme, labistori, pangsayangoras, watdapak, yosistory
Nanghihinayang ako. Ang dami kong mga ideya na hindi ko na naaalala, hindi ko kasi nalista. Andami ko din gawa na hindi tapos, kaya bilang alay at paalala na tapusin ko ang mga ito ay ililista ko ang ilan dito. Ililista ko ang kanilang mga working title at ang dahilan na naisip ko sila.
by Unknown at 4:48 AM 5 things said
Labels: anaknigod, bloodgloriousblood, fiction, happybirthday, labistori, mgaidol, supot, up, watdapak, yosistory
Ilusyonadang Bading
Ay Mariaaaaa! Kahit mag pisiilan na lang kami ng kamay to death wa' ako care. Pero masakit s'ya pumisil ha, naloka naman ako at kahit durug-durugin na n'ya ang lahat ng buto ko sa kamay ipapipisil ko pa rin sa kanya, pati yung kabilang kamay, dalawang paa, at fifth limb pisil-pisilin na n'ya. Hindi naman nakatiis ang lola n'yo at nakipisil na 'din, grabe nang kahalayan ito, ever!
At nagulat talaga ako dahil nag mamaalaala mo kaya ako sa may bintana ay may pagpisil talaga s'yang nalalaman dyan, entra nanaman ang ilusyanadang bading sa kaloob-looban ng pagkatao ko. Kung kelan naman ang pag-uwi sa Los Baños ang nasa isip ay extra naman ang Mike, hindi naman ako pumigil, nakipisil pa 'kanyo.
Hay naku, paano ba naman maieentra sa usapang hindi nagaganap ang pag-alok na i-share na lang namin yung apartment ko? Ang hirap talaga magsimula ng conversation, lalo na pag sa kanya, I can't risk to be misinterpreted again, not naman na na mis interpret n'ya ako nung inaylabyu ko s'ya kasi tama naman yung interpretation n'ya, kung ano man ang interpretation n'ya duon. Mag dadrama na lang ako dito, hintayin ko na lang na s'ya na ang mangati ang dila at manlamig ang laway para magsimula ng conversation, tsaka ko na lang ieentra itong apartment issue.
Pero hindi rin makatiis ang lola n'yo, freezing temperature na ang laway ko silent mode pa din ang Mike! Kakaloka, ako na nga, sige na nga, go na, bahala na ang Dyosa ng mga Bading.
“Mahal na talaga ng rent ngayon no?”
“Oo, nga e.”
“Parang half na lang nung rent sa apartment ang kaya ko bayaran”
“May iniimply ka ba?”
“Wala.”
“E kung hati na lang tayo sa rent mo?”
“ha?”
“Duon din naman ako natutuog e”
“Correction, duon ka natutulog pag-lasing ka.” at sa sobrang windang ko na s'ya na ang nag-suggest na maging roomies na kami nalimutan ko na yun din pala ang isasuggest ko. Ako pa ngayon ang kumokontra.
“Ayaw mo ba?”
“Hindi naman.”
“O, So what's the problem?”
The problem is naloloka na ako, to the maximum level na ang bading sa kaluluwa ko, ikaw Mike? May iniimply na ba ang salita mo na hindi mo kaya sabihin, o isipin man lang?
“Wala, walang problema”
At mag momove-in na nga daw s'ya, tango na lang ang drama ko, naubos na ang powers ko, sayang lang ang prepared speech ko para kumbinsihin s'ya kakaloka. No need for convincing pala!
At hindi s'ya bumibitiw sa kamay ko, kahit pawis na iyon, kahit para lang itong lantang gulay sa macho n'yang kamay. Hindi ko alam Mike, ilusyonada talaga ako, gusto ko na malaman, ayoko na ng puro lang implication, I want to hear it from you, kahit paano mo pa sabihin basta sabihin mo lang.
“Mike?”
“Hm?”
“Isa ba akong Ilusyonadang bading?”
“Ha?” at complete with shocked facial reation, parang binuhusan ng mainit na kape sa pantalon.
“Ilusyonadang bading.”
“What are you talking about Benjie?”
“Just answer the question Mike.” hindi answer para sa akin ang pag pisil mo, hindi pa action sa akin pag suggest mo na mag-move in, Mike, please, hindi ko na kayang ipaliwanag kung what am I talking about, sagutin mo na lang.
“well, isa kang bading, no doubt.”
“hindi yun yung tanong”
“Benjie, ano ka ba?”
“Ikaw ang tinatanong ko Mike.”
“Mukha ba akong Ilusyon sa'yo?”
by Unknown at 4:24 PM 6 things said
Labels: anaknigod, fiction, kwentistainme, labistori, watdapak
Yosi Balasi
Ngayon lang ako lalabasan ng usok sa bibig. Ang tagal ko nang hawak-hawak ang yosing hindi ko pa sinisindihan. Mas matagal pa kesa dun sa oras na pag-iisip ko kung kukunin ko ba ito mula sa pakete ng kuya ko, mas matagal pa kesa sa panahong ginugol sa pag-aaral ng mga kalokohang tinuturo sa akin ng unibersidad at ng mundo. Pero nakumbinsi din ako ng demonyo sa kaliwang balikat ko, kahit na alam kong tatlo na sa pamilya ko ang namamatay sa kanser sa baga, wala akong pakialam.
Nang matapos na ang mahabang salestalk ng demonyo at minumura na ako ng konsensya ko, sinidihan ko na. Hindi pantay ang pagkakasindi ko at kailangan ko itong sinindihan ng dalawang ulit pa. Unang hithit na, kumakapit sa lalamunan ko ang nikotina at pinagtatabuyan ng baga ko ang lason na pinabisita ko sa kanya, na ubo ako. Akala ko masarap, akala ko ito yung tipong unang hithit na sa sobrang sarap ay di ka na mapapatigil pa, dahil hindi ko nakitang binitawan ito ng tito ko, ng kuya ko, ng lolo ko at ng mga magulang ko hanggang sa filter na lang ang matira, asan yung hinahanap-hanap na sarap? Hinidi ako kumbinsidong ginawa ko ito ng tama. Merong
Bakit ko ba kasi sinimulan pa ito? Ang eksersays ko lang e ang pag nguya. Ang diyeta ko ay cholesterol diet, ang tulog ko ay labing dalawang oras isang araw, nag mamadali naman yata ako masyado mamatay.
Habang tumatagal ay nag sisimula na akong magpanggap, Bruce Willis, Robin Padilla, John Constantine, at Popeye the Sailorman. Bawat buga muntik ko na isabay ang lalamunan ko, mainit pero malamig, hindi masarap, kaya hinahanap ko ang sarap.
Ayokong maniwalang hindi ko matitigil pag nasimulan ko na, Ako ang hari ng yosing hinithit ko, tinitira ko to dahil sa kagustuhan ko, hindi ako inutusan ng sigarilyo, yun ang akala ko. Siguro dahil gusto ko pumiglas sa lahat ng nag nanais maging otoridad sa akin, na kahit ang sarili kong batas at prinsipyo na pinataw sinuway ko din. Nauubos na ang yosi ko, gusto kong isingit ang isang huling hithit pero napaso ang labi ko pag higop ng hangin, tinapon ko na ang nasusunog na filter ng Phillip Morris, deretso sa kanal na may tira-tirang tubig baha. Lumutang at namatay ang yosing natupad na ang tungkulin sa mundo, nagkalat ako, nagkalat sa tubig sa hangin at sa baga ko. Wala na akong pakialam sa sinasabi ng mga tao tungkol sa mga naninigarilyo, nosi balasi, sino ba sila? Pakiramdam ko mas mataas na ako ng antas na tao. Pero nagkakandarap ako papunta sa ebidensya, uuwi pa ako at ayokong dumanak ang dugo.
“Bok, pabili ngang kendi.”
by Unknown at 7:26 AM 1 things said
Labels: fiction, kwentistainme, watdapak
The Shoplifter in the
Ni Ernest Jean Angeles
Natapos ko na basahin ang “The Catcher in the
Ganito kasi yun, nasa National Bookstore SM
Pero ayun nga, may nakakatuwa pa palang nangyari pag pasok ko, nag beep yung detector nila! Pero hindi ako yung may kasalanan kasi hindi pa naman ako nakatapat dun sa detector nila nung nag beep yung detector nila. Kasi nga yung isang miss na kabibili lang dun sa isang cashier na hindi diretso palabas pagkabayad. Meron yatang dalawampung cashier na deretso ka palabas pero hindi nga s’ya dun nagbayad, dun s’ya dun sa isa sa tatlong cashier na hindi ka deretso palabas pagkabayad. Hindi naman puno yung National Bookstore SM North EDSA branch kaya hindi naman mahaba yung pila sa mga cashier na deretso ka sa labas pero tingin ko lang e kaya s’ya dun sa isa sa mga cashier na hindi deretso palabas nagbayad e kasi mas malapit yun dun sa pinagkunan n’ya nung mga binili n’ya, yun. Pero ayun nga, pag palabas nung miss e nag beep yung detector kaya tinigil s’ya nung gwardyang mukhang hoodlum, ta’s pinalbas n’ya yung lahat nung laman nung plastic bag nung miss na maganda pala, napansin kong maganda s’ya kasi cooperative s’ya dun kay hoodlum ta’s ambait ng mukha n’ya. Ta’s ayun nga, nilabas n’ya yung laman nung plastic n’ya, krayola lang nakita ko pero meron pa ata iba. Inisip ko kung kakapkapan ba s’ya ni hoodlum e kasi kung ako si hoodlum e kakapkapan ko si miss kasi ang cute ng pwit n’ya ta’s ang seksi pa n’ya kaso baka kasuhan ako nun kaya buti na lang hindi ako si hoodlum. Hindi naman s’ya kinapkapan pa, mas hoodlum pa yata ako kay hoodlum. Hindi ko pa ninanakaw yung “The Catcher in the
Ayun nga, asa loob ako ng National Bookstore SM
E kaya naman ako nandun kasi naghihintay pa ako ng alas-otso, kasi may pinagawa ako sa computer repair center sa SM, malamang kompyuter yung pinaayos ko. Kayak o pinagawa e kasi sira, kaya sira e kasi may virus, e hindi ko matanggal yung virus gamit yung meron na ako kaya pinaayos ko na lang. Nakakatawa nga sana yung Virus kung hindi lang nakakainis e. Galing sa flash drive ng kapatid ko yun e, sinaksak n’ya sa kompyuter, nahawa yung kompyuter, ayun kumalat na, hindi ko na magamit., pero hindi ito yung nakakatawa, ito yung nakakainis. Yung nakakatawa e yung biglang may lalabas sa screen na window na ang sabi e “DESTRUKTO: Sampung Utos ng Manginginom” ta’s nakalista sa baba nun yung sampung utos ng manginginom ayon sa konyong kabataang natuto lang uminom e pakiramdam n’ya siga na s’ya samantalang supot naman. Kaya ko sinabing ayon sa konyong kabataang natuto lang uminom e pakiramdam n’ya siga na s’ya samantalang supot naman e kasi may mga utos na tungkol sa selpon, kotse at gelpren o boypren. E kung yung manginginom sa kanto ng mga kalyeng Panggasinan at
Ayun na nga andun ako at gusto ko magsunog ng oras, nagiikot-ikot ako sa mga shelf, ta’s naisip kong pumunta sa mga Pilipinong otor. Ta’s napunta nga ako dun sa shelf nung mga Pilipino na otor (shelf kasi hindi shelves, kasi isa lang talaga yung shelf na para sa mga Pinoy) ta’s hinanap ko sina Edgardo Reyes, Joey Baquiran, mga ganun pero wala, lagi naming wala, ewan ko nga ba kung ba’t nag abala pa ako tignan e tuwing pumupunta naman ako dun e wala. Puro Bob Ong, Jessica Zafra at F. Sionil Jose lang ang nandun, lintek. May mga librong pang kabaklaan, may mga joke book, may mga akala mo joke book, may mga hindi joke book pero ang laking joke nung laman, pero ala nga yung mga librong trip ko. Siguro kung hindi ka si Bob Ong, Jessica Zafra o F. Sionil Jose kelangan pag gagawa ka ng libro e puro kabaklaan, o kaya puro kalokohan, o kaya tungkol sa kung paano mag kakapera ng mabilis, kung desperado ka e pwede ka naman gumawa ng cookbook ng pulutan. Pero ayun nga, hindi ko nakita yung mga librong trip ko kaya nag ikot-ikot uli ako. Naisip kong hanapin yung Art of War na sinulat nung isang chekwa pero bago ko pa masimulan hanapin yung Art of War na sinulat nung chekwa e nakita ko yung isang libro ni Robert Ludlum, yung sumulat nung The Bourne ewan-ewan. Kaso hindi pala talaga s’ya yung otor nung nakita ko, kunwari lang. Yung libro e “The Bourne Legacy” ta’s iba naman ang sumulat, ginamit lang yung pangalan ni Ludlum, ganito nakalagay; “Robert Ludlum’s The Bourne Legacy” pero hindi talaga s’ya yung sumulat ginamit lang yung character ni Jason Bourne matapos mag paalam (bayaran?) si Ludlum. Nainis tuloy ako kasi para silang nakakaloko.
Ta’s napunta ako dun sa area nila na dating area ng Tower records ta’s binili ata nila ta’s ginawa nilang extension ng National Bookstore SM
Eto na nga, edi binabasa ko nga yung “the Catcher in the Rye” ni J.D. Salinger ta’s nung asa page three pa lang ako e na banas na ako, hindi naman dahil sa nakakabanas yung libro, dahil lang sa gusto ko lang basahin na lang yung libro sa bahay, kaso hindi ko mabili kasi nga walang pera. Habang iniisip ko ang gagawin ko e pinalilipad ko yung mga pahina nung libro, ta’s may napansin ako sa back cover.
Ayun, nakita ko yung sticker na may bakal na parang naka coil na nagpapa-alarm nung detector. Hindi ako ganun kasigurado pero parang ganun e kaya yun na yung inisip ko. Ayun, nito ko lang naisip itakbo na itong libro pero syempre hindi literal kasi kung itatakbo ko ‘to edi masyado halata. Kaya dahan-dahan ko muna tinanggal yung istiker na nagpapa-alarm, medyo palinga-linga pa ako kasi may mga dumadaan na staff nung National Bookstore. Natanggal ko naman din, pero naiwan pa yung dikit tsaka medyo bakat pa yung mga tira nung bakal na istiker na sensor ata. Napapraning na talaga ako nung mga oras na yun.
Ayun praning na talaga ako, kimupol kumpol ko na yung istiker islash sensor islash bakal na bagay sa kamay ko, sa totoo lang trip ko nga ihulog dun sa backpack nung isang mukhang tanga dun para mag beep pag labas n’ya tas tignan ko lang kung kakapkapan ba ni hoodlum kung lalaki yung dumaan ta’s nag beep. Pero hindi ko hinulog kasi sapat na ang isang kasamaan isang araw. Basta napapraning ako, e kasi hindi pa masyado buo yung kisame nung extension ng National Bookstore kaya kita mo pa yung airducts pero pakiramdam ko andaming mga security camera sa paligid, Buti na lang e madami akong alam sa security camera kasi hindi n’yo naitatanong mahilig ako sa mga me kinalaman sa pag-eespiya kasi idol ko si Jason Bourne kaya nadetermine ko na na ang lahat ng security camera ng National Bookstore ay nasa entrance/exit nasa may cashiers at wala na. Kahit na napapraning na ako e naisip ko pa yun.
Pero ganun ata talaga pag alam mong may gagawin kang kasalanang malupit, nakakapraning. Hindi parin ako mapakaling isipin na baka mag alarm pa din kahit natanggal ko na yung istiker, kasi sa sobrang kapraningan ko e tinignan ko yung ibang libro kung may istiker din sila tulad nung sa “The Cathcer in the Rye” e wala, inisip ko tuloy ulit yung buong plano. Ta’s ayun, sa kapraningan ko e pinunit ko yung back cover nung libro para sigurado na na hindi mag-aalarm kahit sa remnants na lang nung stiker. Andun pa yung price nung libro, P169.50. Lintek, ito na ba ang halaga na magagawa kong ipagpalit ang dangal ko? Ang madaling sagot dun ay “oo!” kelangan talaga may exclamation point. Ta’s sinaksak ko yung back cover nung libro sa libro dun ng 75 Greatest PBA Players of All-Time, hindi ko nga maalala kung seventy-five nga ba, basta inipit ko yung cover dun sa page ni Samboy Lim.
Ayun, may problema pa ako, hindi ko alam kung saan ko itatago yung libro, hindi naman ako naka-six pocket nung araw na yun, yung shorts ko lang na maong na generic ang suot ko, wala pa akong bag. Hindi ko naman pede itago sa t-shirt, mas lalo namang hindi pwedeng hindi ko itago. Ta’s napansin ko bukas pala zipper ko, kanina pa pala ‘to, lintek nahiya ako nun bigla. Ta’s nakita ko yung blessing na ideya, ang husay talaga ni God, nagawan n’ya ng paraan kung paano ko mananakaw yung libro. Kaya shinoot ko yung libro sa zipper ko at inipit ko sa brip ko. Ayun, solb ako dun..
Ta’s eto na, game na, kelangan ko na ilabas sa National bookstore SM
Wala na ko problema dun, nabasa ko na nga si Salinger at natuwa naman ako. Parang gusto ko nga lang batukan yung kung sino man ang nagsabi na parang ako daw yung bata dun sa “The Catcher in the
by Unknown at 7:24 AM 2 things said
Labels: fiction, kalokohanlang, kwentistainme, pangsayangoras, watdapak