Mahirap Magsulat ng Madilim

24 February 2008

Sarado ang pintuan, sarado din ang mga bintana, umiiling ang kurtina sa ano mang munting liwanag ang nais sumilip sa loob.

Hindi mo nakikita ang mga papel na kumukumot sa sahig at sumasapin sa munting kama. Hindi mo nababasa ang mga salitang nakasulat sa mga ito; ang galit, ang lungkot, ang mga panginginig ng kamay at pagkalat ng tinta sa ilang parteng napatakan ng luha. Hindi mo nakikita ng panginginig ng kamay ni Jun, isang kamay na may tangang bolpen, nakadikit sa kanyang dibdib, dibdib na tumitibok habang nakasandal sa malamig na pader ng madilim na sulok ng kwarto, sa nag-iisang kantong malayo sa kama. Hindi mo nakikita ang katabi nyang larawan, hindi mo nakikita na ang larawan na ito ay ni Jun, at ng isang babae. Hindi mo nakikita na walang mukha ang babae, o kung meron man, hindi mo parin makikita pagkat butas ang larawan ng sigarilyo.

Hindi mo nakikita si Jun, pero nakikita mo ang pagkilos ng kaliwang kamay nya paangat, pagkat nakikita mo ang baga ng sigarilyong hawak nito. Patungo sa kanyang labi, palayo muli, hindi mo nakikita ang usok na ibinubuga nya at ang usok na naibuga na nya kanina pa. Hindi mo nakikita ang mga yumaong sigarilyo sa paligid ng kinauupuan ni Jun. Pero alam mong yumao na din ang hawak nyang sigarilyo. Sapagkat nakita mo ang pagpaslang n'ya sa liwanag nito.

Nadidinig mo si Jun, ang kanyang mga hinga, hithit at buga. Nadidinig mo ang puso na patigil-tigil, minsan, parang nakakalimot tumibok. Nadidinig mo ang pagkilos ng mga hita nya sa sahig, sumasagi ng mga papel. Nadidinig mo ang iyak ni Jun, isang iyak lang, sapat. Nadidinig mo ang aray ni Jun, at ang tunog ng tusok na nauna dito.

Sa lahat ng nadinig mo at naamoy, sa lahat ng di mo nakikita, pinaka marami na sigurong mababasa sa hindi mo nakikitang paghahalo, ng dugo, ng luha, at ng tinta.

19 things said:

Ernest Angeles said...

sabi sa akin ng tito ko kani-kanina lang;

"hindi ba dapat 'mahirap magsulat pag madilim'?"

Sabi ko, ganyan talaga yan, tama yan.

mohico presbitero said...

medyo naintindihan ko 'yung sinulat mo dahil dyan..
----
ang galing nung mga description mo..

Ernest Angeles said...

naisip ko nga medyo mahirap pala intindihin. sinubukan ko lang kung kaya ko mag malalim pag logtaga...

mohico presbitero said...

maganda naman.. di ko nga lang kinaya sa isang basahan lang.. di ko nga alam kung naintindihan ko nga talaga e.. hehe pero maganda talaga 'yung pag describe mo sa mga kilos niya

Ernest Angeles said...

honga, hirap nga idescribe kais hindi ko makita.

_Stine Olivar said...

mahirap magsulat "nang" madilim yata?

_Stine Olivar said...

ganda ng detalye,, ang ganda ng ideya na nakikita mo ang hindi mo nakikita,, madilim kasi,, pero andun,, may larawang pinapahayag,, kumikilos,, at naririnig,,,


gusto ko rin yung pasokk,, madulas basahin,, dirediretso hanggang dulo..

hindi mo nakikita na ang larawan na ito ay ni Jun, at ng <--- naputol,, ina ba to?

medyo nahamps lang ako dito (parang sa kalsadang madulas,, pag may hamps,, heheheh)

Ernest Angeles said...

isang babae...

hamps ba? hmmm...

_Stine Olivar said...

aaaaaaah,, kasama ba yun? talagang blank? akala ko typo error,,

Ernest Angeles said...

kadugtong yun ah... ni Jun at ng isang babae.

_Stine Olivar said...

hindi mo nakikita na ang larawan na ito ay ni Jun

"ay ni Jun"? ?_?

Ernest Angeles said...

larawan ni Jun, picture of Jun...

_Stine Olivar said...

aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahh

hahaha hokei:)) bagal ko... di lang nasanay ^___^

Catherine Mae Olivar said...

bravo! bravo!

Ernest Angeles said...

thank you.

romiena albano said...

:D

Jammin Tanioka said...

ooooh, it's like i'm blind but i could see everything. ironic, okay, i get it, but i don't know if i really did. irony.

Michael Vicente said...

naman kasi. under those conditions, ba't ka magsusulat? iba dapat ang ginagawa pag ganyan... hehe.

Ernest Angeles said...

tama nga yan, na explain ko na.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger