Fil20 Assignment: GEYLUV extended ending

03 December 2007

Ilusyonadang Bading


Ay Mariaaaaa! Kahit mag pisiilan na lang kami ng kamay to death wa' ako care. Pero masakit s'ya pumisil ha, naloka naman ako at kahit durug-durugin na n'ya ang lahat ng buto ko sa kamay ipapipisil ko pa rin sa kanya, pati yung kabilang kamay, dalawang paa, at fifth limb pisil-pisilin na n'ya. Hindi naman nakatiis ang lola n'yo at nakipisil na 'din, grabe nang kahalayan ito, ever!

At nagulat talaga ako dahil nag mamaalaala mo kaya ako sa may bintana ay may pagpisil talaga s'yang nalalaman dyan, entra nanaman ang ilusyanadang bading sa kaloob-looban ng pagkatao ko. Kung kelan naman ang pag-uwi sa Los Baños ang nasa isip ay extra naman ang Mike, hindi naman ako pumigil, nakipisil pa 'kanyo.

Hay naku, paano ba naman maieentra sa usapang hindi nagaganap ang pag-alok na i-share na lang namin yung apartment ko? Ang hirap talaga magsimula ng conversation, lalo na pag sa kanya, I can't risk to be misinterpreted again, not naman na na mis interpret n'ya ako nung inaylabyu ko s'ya kasi tama naman yung interpretation n'ya, kung ano man ang interpretation n'ya duon. Mag dadrama na lang ako dito, hintayin ko na lang na s'ya na ang mangati ang dila at manlamig ang laway para magsimula ng conversation, tsaka ko na lang ieentra itong apartment issue.

Pero hindi rin makatiis ang lola n'yo, freezing temperature na ang laway ko silent mode pa din ang Mike! Kakaloka, ako na nga, sige na nga, go na, bahala na ang Dyosa ng mga Bading.

“Mahal na talaga ng rent ngayon no?”

“Oo, nga e.”

“Parang half na lang nung rent sa apartment ang kaya ko bayaran”

“May iniimply ka ba?”

“Wala.”

“E kung hati na lang tayo sa rent mo?”

“ha?”

“Duon din naman ako natutuog e”

“Correction, duon ka natutulog pag-lasing ka.” at sa sobrang windang ko na s'ya na ang nag-suggest na maging roomies na kami nalimutan ko na yun din pala ang isasuggest ko. Ako pa ngayon ang kumokontra.

“Ayaw mo ba?”

“Hindi naman.”

“O, So what's the problem?”

The problem is naloloka na ako, to the maximum level na ang bading sa kaluluwa ko, ikaw Mike? May iniimply na ba ang salita mo na hindi mo kaya sabihin, o isipin man lang?

“Wala, walang problema”

At mag momove-in na nga daw s'ya, tango na lang ang drama ko, naubos na ang powers ko, sayang lang ang prepared speech ko para kumbinsihin s'ya kakaloka. No need for convincing pala!

At hindi s'ya bumibitiw sa kamay ko, kahit pawis na iyon, kahit para lang itong lantang gulay sa macho n'yang kamay. Hindi ko alam Mike, ilusyonada talaga ako, gusto ko na malaman, ayoko na ng puro lang implication, I want to hear it from you, kahit paano mo pa sabihin basta sabihin mo lang.

“Mike?”

“Hm?”

“Isa ba akong Ilusyonadang bading?”

“Ha?” at complete with shocked facial reation, parang binuhusan ng mainit na kape sa pantalon.

“Ilusyonadang bading.”

“What are you talking about Benjie?”

“Just answer the question Mike.” hindi answer para sa akin ang pag pisil mo, hindi pa action sa akin pag suggest mo na mag-move in, Mike, please, hindi ko na kayang ipaliwanag kung what am I talking about, sagutin mo na lang.

“well, isa kang bading, no doubt.”

“hindi yun yung tanong”

“Benjie, ano ka ba?”

“Ikaw ang tinatanong ko Mike.”

“Mukha ba akong Ilusyon sa'yo?”

6 things said:

Roxanne Delay said...

nice ernie, love the lingo used by benjie!


bading na bading! :D

_Stine Olivar said...

ang bading a,, adik ka,, mapakonyo mapabading,,,

gusto ko yung pasok ng last line,,

err.. di ko pa uli nababasa yung geyluv @_@... di ko maalala pero sa pagkaktanda ko,, medyo pormal tong dalawang to sa katayuan nila sa buhay @_@ tapos mag katrabaho sila? ?_? heh, basahin ko na lang uli ^_^

Ernest Angeles said...

Taena, ang ganda ng pagkakagawa ko nito a...

_Stine Olivar said...

aba,,, nag baback ek ek ka a :))

Ernest Angeles said...

oo, gusto ko kasi magsulat ulit e kaso hindi ako inspired, tae ang ganda nung iba, nakakatuwa

_Stine Olivar said...

buti nasulat mo :D

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger