30 January 2008
Nanghihinayang ako. Ang dami kong mga ideya na hindi ko na naaalala, hindi ko kasi nalista. Andami ko din gawa na hindi tapos, kaya bilang alay at paalala na tapusin ko ang mga ito ay ililista ko ang ilan dito. Ililista ko ang kanilang mga working title at ang dahilan na naisip ko sila.
- Ang Mahabang Madaling Araw ni Christine Olivar - naisip ko ito mula sa mga kwento ni Tinek, at mga converstion na madaling araw. Tungkol sya sa pagbabago ng katauhan at pag labas ng natatagong laman ng isip nya kapag madaling araw. Isang eksperimento rin ito sa pag sulat ng panaginip.
- Si Megan - isang kwento na malapit ang paraan ng pagkwento sa Jammin Tanioka story (refer to previous blog entries). Tungkol sya sa kwento ng mga kaibigan ni Megan at sa pagkawindang nila sa mga nakakatuwang desisyon nya sa buhay. Actually, hindi sya comedy, madrama ito.
- An Old Writer - english monolouge ng isang matandang writer na nakakalimot na kung paano mag sulat.
- Being Jammin Tanioka - ang kwento na binase ko sa ilang parte ng script ng Being John Malcovitch. Plano ko noon na ilabas ito sa araw ng berdie ni Jammin pero nung binlog ko yung unang part ay nag glitch yung Multiply. Parang futuristic Jammin Tanioka.
- Si Ringo at ang Kudeta - ang original na kwento na sinulat ko para sa MPs10 activity, considered syang work in progress kasi ang laki pa ng igaganda nya.
- Daddy - kwento tungkol sa tatay ko. Nuff said.
- Isang Kumpletong Kwento ng Biyak na Pusong Hayskul - obyus ba?
- Timang - isang kwento tungkol sa timang na may girlfriend na maganda. Kung paano nya ineendure ang araw-araw na paghihirap at side-comments na "Pinatulan s'ya nun? hindi sila bagay!".
- Ibang Kulay Bukod sa Pula - kwento ng isang tibak na hindi alam ng magulang nya na tibak sya. Dahil alam nyang hindi sila papayag. Ipapakita ko rin dito ang pag hihirap ng mga tibak ngayon na sumisigaw ng walang nakikinig.
- Carrot Joots - ang kwento na tungkol sa babaeng ang pangalan ay Carrots at ang barkada nya. Tungkol ito sa Marijuana culture sa urban Pilipinas. Experimental story ito na bunga ng pagpapraktis ko sa Jammin Tanioka story.
5 things said:
ang dami mo palang kwento. Ako din eh, sandamakmak ang gusto kong isulat noong highskul. heh
aba! edi isulat mo!
yo. cge. para sa yo, tatapos ako ng isa. bigyan mo ko ng deadline! ;P hehe
ohh.. daming jammin tanioka a.. wahihihihi
laking expt. para sa akin yung AIIKNJT yun yung isa sa mga nag define ng imprimatur ko e
Post a Comment