03 May 2008
(uh... di ko na nagawa i-edit masyado na malapit ang deadline, hindi ko na din natapos ng maayos, fiction yan para sa PanPil17 ko)
Nakatayo ako sa ibabaw ng dyip ni Manong Temong, inaabot ng mga mata ko ang dulo ng dagat-dagatang pula, umaalon ang mga suntok sa umaapoy na hangin ng katanghalian Diliman, mga kamaong umaapoy din, hindi sa init kundi sa pagnanais. Ang sarili kong kamao ay humihigpit sa aking sandata, sandatang inilapit ko sa aking mga labi. At ang kulog at kidlat ng aking dila ay narinig ng dagat, naging bagyo ang alon ng mga kamao.
“Doy!”
Sumigaw ni Alan sa akin, pumunit sa ingay ang boses n’ya, lumingon ako sa direksyong tinuturo ng daliri n’ya, sa baybayin ng dagat-dagatang pula, isang news van at ang lente ay nakatutok sa akin. Hindi ako makakatigil sa gitna ng talumpati ko, kailangan kong tapusin. Nagpatuloy ako, at nagpatuloy ang mga kamao, pero parang natutulog ang sinusunog na gasolina sa dib-dib ko. Nang maisigaw ko ang huli kong sigaw, agad akong umiwas sa lente, inabot ang sandata ko kay Rain, sandata na n’ya ngayon, tinuloy n’ya ang pag papainit sa dagat. Dali-dali akong bumaba sa dyip ni Manong Temong. Tumatakbo, nanunulak, nagsusumiksik papunta sa akin si Alan.
“Pa’no na yan?”
Nakita ako, napanod ako sa TV, hindi maganda ito.
“I saw you on TV, Armando.”
Naghuhugas ng pinggan si Mama Inday, malamang mukha nanaman syang napuwing kahit nakatalikod s’ya sa akin. Hindi pa nakakatayo ulit yung mga germs na pinatumba ng bag kong initsa ko sa sulok, hindi pa nagsisimulang mag-init ang paa ko sa tsinelas na pambahay, hindi pa sumasayad ang puwit ko sa monobloc ay nagsimula na s’ya. Hindi naman sa hindi ko inaasahan, alam ko na namang si mama ang makakaunang luminis (sasabon) sa nanglilimahid kong balat, init kasi. Hindi na ako sumagot.
“What were you doing there?”
Hindi namin bahay itong lugar na dinederetsuhan ko pagkauwi ko galing eskwela (o rally, kung alin man) pero halos ganito na rin kalaki, ito ay dirty kitchen lang ng bahay ng mga Montemayor. Mga Montemayor na may-ari nung bahay na tinutuluyan namin, nag-papasweldo kay Mama at tatay, hindi ko alam kung magkano pero nabili na din yata nila ang kaluluwa nila, yung akin yata on-lease lang. Nakatalikod parin sa akin si Mama, gusto ko naman sana itanong kung paano n’ya ko napanood sa TV samantalang wala kaming TV, kahit alam ko naman ang sagot at asa harap ko nga, yung TV na lagi na yatang nakatutok sa ANC, yung TV sa kusina.
Sa katahimikan ko yata ay naisip ni Mama na utusan na lang ako imbis na awayin na naman n’ya ako, bumili daw ako ng suka, tunggain ko daw ng matauhan ako. Sa totoo lang hindi yun ang sionabi n’ya, ang sabi n’ya “I’m going to ask you to buy vinegar, you might want to think about drinking it straight to straighten your head Armando, know you’re priorities.” I know my priorities ma. Inaabot n’ya yung barya sa ibabaw nung ref ay nakita ko ang kamay n’ya, na may pamilyar na marka.
“Ma, minsan gusto ko makausap ng matino yang nanay ni ‘Nyor, hindi yata alam ang tamang pag gamit ng plantsa ay hindi sa tao, lalong hindi sa nanay ko.”
Kinuha ko ang pera habang binubuo ko sa isip ko kung paano ko paplantsahin lahat ng kulubot sa pagmumukha ni Misis. Naalala ko na may pasalubong nga pala ako kay nanay, kinuha ko muna sa bag ko at matunog (medyo padabog) kong nilagay sa lababo, sa tabi n’ya. Back-issues ng National Geographic na na-arbor ko kay Alan, mahilig si mama magpakamatalino, labing-walong taon na akong buhay hindi ko pa rin alam kung bakit sa dami ng talinong nilulunok n’ya araw-araw, napaka bobo parin n’ya.
“Tay, ba’t ba di tayo umalis dito?”
Hindi naman para sa akin, para kay mama, hindi ba nagagalit si tatay? Hindi rin ba nababatukan ang sarili nyang angas sa paghahardinero dito? Noon daw nasa Bulakan pa s’ya ay magsasaka s’ya, dito ay bonsai at birds of paradise lang ang nadadapuan ng kamay n’ya, hindi pa sa amin, hindi pa nakakain.
“Nakikita mo ba ito?”
Oo naman, nakaduldol na sa mukha ko e. Buto, hindi ko alam ng kung ano, hindi ko alam kung para saan, hindi ko alam kung bakit. May pagka pilosopo si itay, yung pilosopong matalino ha? Hindi yung mapang-inis. Alam ko na pag ganito sumagot si itay ay siguradong may ibang sagot, pero pinili n’ya yung malalim, yung biglaang pagkakataong makapagturo ng pilosopiya sa buhay.
“Dito, ang tinatanim, tumutubo.”
Pero paano si inay? Sasabihin mo nanaman bas a sarili mo na aksidente lang yun, na hindi sinasadya ni Misis na idikit ang plantsa sa kamay ni nanay? Paano yung mga hindi dahilan na dapat meron pa kayo? Yung mga dahilang hindi n’yo sinasabi sa akin? Nabuburyong na ang utak ko sa mga tanong na hindi mabitawan ng mga labi ko, namumuti na ang kamao ko sa paghihigpit, at naninigas na ang mata ko sa pag-pigil ng nagagalit na luha. Iniwan ko si itay, dinahilan ko si ‘Nyor, naisip ko na ding hanapin nga si ‘Nyor. Asan na ba yung walangyang yun?
“Ando!”
Ganyan ako tawagin ni ‘Nyor, s’ya lang ang tumatawag sa aking Ando, at ako lang ang tumatawag sa kanyang ‘Nyor, si Mama na yaya n’ya Jun-Jun ang tawag sa kanya, malapit na nga namin makalimutan ang pangalan n’ya kung di lang talaga s’ya Junior ni Boss Amo. Sabay na kami lumaki ng gagong ‘to e, palibhasa lahat ng utol n’ya e asa ‘Tate, s’ya lang ang dito pinag-aral.
“Tawag ka ni Dad.”
Hindi ko alam kung may iuutos si Boss Amo, hindi naman n’ya ako madalas utusan, mabait sa akin si Boss Amo, medyo ilag lang s’ya kay Mama, pero kahit kay tatay ay mabait s’ya, minsan nga sinama pa n’ya mag-golf, at talagang nag-golf naman si tatay, pag-uwi n’ya nag-away sila ni Mama, hindi ko alam kung bakit.
Kamukha talaga ni ‘Nyor ang tatay n’ya, yun nga lang wala pa sa kanya yung tinatawag ni Boss Amo na marka ng lahi, kasi lahat ng peynting ng mga matatandang Montemayor (na puro mga panginoong may-lupa) maitim ang buhok bukod sa maagang pumuputing mga buhok sa gilid, salt and pepper ba. Matagal na ding hinihintay ni ‘Nyor na mamuti na ang buhok n’ya para matuwa ang tatay n’ya. Ako nga sa tuwing pumuputi ang buhok ko natataranta si Mama na bunutin o ipatina, hindi ko naman s’ya pinapansin kasi sabi ni tatay ang puting buhok tatak ng matalino. At nakarating na nga kami sa lanai, andito si Boss Amo, nagkakape.
“Ah! Armando! Maupo ka.”
Kinamusta na n’ya lahat, eskwela, kilusan, barkada, lovelife (wala naman), humigop s’ya ng mahaba sa tasa n’ya bago s’ya nagtanong tungkol sa kilusan, at umubo naman s’ya ng makailang beses bago kinamusta si Mama. Tinanong n’ya kung mag-iilang taon na ba ako, naalala kong malapit na pala bertdey ko, nauna pa n’yang naalala bago ko maisip.
“Mag-bebente na po.”
Tumango s’ya, humigop ulit ng kape, tinignan ako ng malupit, bigla yatang kumati ang pisngi ni Boss Amo.
“Pumuputi na pala ang buhok mo Armando.”
7 things said:
does this mean na si Boss Amo ang tunay na ama ni Armando?!?!
sorry ang slow ko., grabe..ang ganda ng pagakakasulat., naintindihan ko kahit Filipino., ehehe., :D
salamat naman, hindi pa kasi talaga handa itong kwentong ito e, kaso may deadline eh, hehehehe
@_@,, slow mode na naman ata ako,, di ko naintindihan @_@,,,
comments ko sa kwento kahit di ko naintindihan (dahil di ko naman naintindihan,, wag mo na rin masyado pansinin): parang nag iba yung istilo ng pagsulat,, nung una,, seryoso,, tapos biglang naging medyo kolokyal,, medyo nakakahilo yung dating,, tas minsan din ko magets kung ano yung dinidescribe,, sa unang pasok di ko nagegets kung ano yung sandata,, @_@ megaphone? o watawat? tas,, ang dating ng dagat-dagatan parang yung lugar sa navotas,, pero ayos lang kasi maganda yung pagkakasuporta nung pula sa dagat-dagatan kaya ang tunay na dating ng dagatdagatan na pula sakiin sa kabuuan ay maraming maraming watawat na pula,, isangmalaking malaking rally,, parang kapantay ng edsa rev.. iniisip ko kung hindi ako masyadong nag iisip tungkol sa rally,, baka di ko nakuha,, ayun,, tas di ko nagets yung pagdating sa bahay, tsaka yung mga detalye,, hindi natutumbok ng mabagal kong utak hehehehe.. di mabuo yung obj/action of description sa utak ko,, ayun,, ay,, tas ano pala,, nakakataka yung may mga parenthesis,, bat may parenthesis yung ibang part,,@_@<, parang isip sa loob ng isip,, pero parang pwede naman na kahit nasa teksto na.. ayun,,
heheheh, sori,, kung di ko nagets, @_@,, slow lang,, waaah si torga nakuha e ^___^
napaisip ako dito ah,
concern ko din nung una yun, na masyado mabigat ang shift ng tono nung kwento, pero hinayaan ko lang. siguro kelangan pa nito ng mabigat na editing o di kaya i-shelve ko muna.
Hindi ba malinaw yung mga metapora sa unang talata? akala ko staedy lang.
napapangitan ka yata :)) okey lang naman, to each his own.
-metapores... uhh. sakin,, di ganong naging malinaw,,
-hidni ko pa masabi kung napangitan ako, kasi di ko nagets masyado... :D
masyado pa siguro ambisyoso itong gawang ito, sama muna sya sa bitin na gawa series: SHELVED
hindi ka napapangitan? nasasagwaan ako sa ibang part nya, (buti nga may natutuwa) hindi ko lang alam ba't malabo sa'yo yung mga metapora, parang ang linaw na naman...
score: 17 / 20.
Post a Comment