Yosi Balasi (Original Crappy Version)

02 October 2007

Yosi Balasi

 

          Ngayon lang ako lalabasan ng usok sa bibig. Ang tagal ko nang hawak-hawak ang yosing hindi ko pa sinisindihan. Mas matagal pa kesa dun sa oras na pag-iisip ko kung kukunin ko ba ito mula sa pakete ng kuya ko, mas matagal pa kesa sa panahong ginugol sa pag-aaral ng mga kalokohang tinuturo sa akin ng unibersidad at ng mundo. Pero nakumbinsi din ako ng demonyo sa kaliwang balikat ko, kahit na alam kong tatlo na sa pamilya ko ang namamatay sa kanser sa baga, wala akong pakialam.

         

          Nang matapos na ang mahabang salestalk ng demonyo at minumura na ako ng konsensya ko, sinidihan ko na. Hindi pantay ang pagkakasindi ko at kailangan ko itong sinindihan ng dalawang ulit pa. Unang hithit na, kumakapit sa lalamunan ko ang nikotina at pinagtatabuyan ng baga ko ang lason na pinabisita ko sa kanya, na ubo ako. Akala ko masarap, akala ko ito yung tipong unang hithit na sa sobrang sarap ay di ka na mapapatigil pa, dahil hindi ko nakitang binitawan ito ng tito ko, ng kuya ko, ng lolo ko at ng mga magulang ko hanggang sa filter na lang ang matira, asan yung hinahanap-hanap na sarap? Hinidi ako kumbinsidong ginawa ko ito ng tama. Merong mali sa hithit ko at sa nagmamadali kong unang buga. Dumura ako ng makailang ulit sa bangketa, pati dila ko’y umaayaw na.

 

          Bakit ko ba kasi sinimulan pa ito? Ang eksersays ko lang e ang pag nguya. Ang diyeta ko ay cholesterol diet, ang tulog ko ay labing dalawang oras isang araw, nag mamadali naman yata ako masyado mamatay.

 

          Habang tumatagal ay nag sisimula na akong magpanggap, Bruce Willis, Robin Padilla, John Constantine, at Popeye the Sailorman. Bawat buga muntik ko na isabay ang lalamunan ko, mainit pero malamig, hindi masarap, kaya hinahanap ko ang sarap.

 

          Ayokong maniwalang hindi ko matitigil pag nasimulan ko na, Ako ang hari ng yosing hinithit ko, tinitira ko to dahil sa kagustuhan ko, hindi ako inutusan ng sigarilyo, yun ang akala ko. Siguro dahil gusto ko pumiglas sa lahat ng nag nanais maging otoridad sa akin, na kahit ang sarili kong batas at prinsipyo na pinataw sinuway ko din. Nauubos na ang yosi ko, gusto kong isingit ang isang huling hithit pero napaso ang labi ko pag higop ng hangin, tinapon ko na ang nasusunog na filter ng Phillip Morris, deretso sa kanal na may tira-tirang tubig baha. Lumutang at namatay ang yosing natupad na ang tungkulin sa mundo, nagkalat ako, nagkalat sa tubig sa hangin at sa baga ko. Wala na akong pakialam sa sinasabi ng mga tao tungkol sa mga naninigarilyo, nosi balasi, sino ba sila? Pakiramdam ko mas mataas na ako ng antas na tao. Pero nagkakandarap ako papunta sa ebidensya, uuwi pa ako at ayokong dumanak ang dugo.

 

“Bok, pabili ngang kendi.”

1 things said:

_Stine Olivar said...

ito yung di pa nababalikbaliktad,, ?


sabi ko nga e,,....

original

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger