24 March 2009
Hindi ako mahilig humingi ng tulong, hindi ako marunong humingi ng tulong. Ang alam ko ay kaya kong buhatin ang Balikbayan Box mag-isa, 'di mo ako kailangan tulungan. Kaya kong ikabit ang computer rack mag-isa, 'di mo ko kailangan tulungan, di ko kailangan ng tulong, kailangan ko man ay alalay lang, taga-hawak, taga-pinta, taga-abot ng gamit, ako ang gagawa, ako ang tatapos sa suliranin, ako ang magkakabit ng bumbilya, walang ibang may kaya, ako lang.
Tulong, Tulong, Tulong
Nalaman ko kamakailan kung bakit naimbento ang salitang iyon, hindi ito para isigaw ng naghihingalo, o ibigay ng nagpapakabayani.
Humingi ako ng tulong, pero hindi saklolo, hindi ako nagmakaawa, hindi ako nagmukhang kawawa, hindi nila pinaramdam sa akin na nanghihina ako at binibigyan nila ako ng gamot. Inabot sa akin ang tulong dahil sa wakas nagawa kong aminin sa sarili ko na kailangan ko nito, kahit na iniisip kong wala namang makakapagbigay nito. Sa wakas nasambit ng bibig ko, kahit pabulong lang, isang hiyang-hiyang 'tulong', parang pag-amin ng kahinaan. Pero ang bilis ng pagtulong, ng pagtulong na tinawag pero hindi inasahan, ay nagsabi sa akin na hindi kahinaan ang ginawa ko kundi tatak ng sapat na kagurangan ng isipan para matanggap sa sarili na kailangan na nga. Salamat, salamat sa tulong.
Tulong, Tulong, Tulong
Parang magic, salitang pag sinabi mo ay darating, kung humingi ako ng pagkain duda akong bibigyan ako, pag humiling ako ng pagtatanggol sa tingin ko'y magiging duguan tumpok ng laman na lang ako. Pero ang 'tulong', iba ang pag hingi ng tulong, isang panawagan ng nilalang sa kapwa nilalang na kailangan kong makahanap ng solusyon sa suliraning ito, humihiling akong gawin mo ang nais mo't kaya mo para maiahon ako sa kumunoy na ito, tulong.
Malamang ay matagal pa bago ako masanay humiling ng tulong at tumanggap na hindi ko kaya gawin lahat ng bagay mag-isa, pero sa ngayon ay sapat na sa akin ang alam ko na meron palang darating, dumating man ang panahong masambit ko, tulong.
3 things said:
kul.....
-----------------
kung kaya ba nung tutulong sayo, e. bakit hindi. :D
aba malay ko kung bakit hindi,
pero laking pasasalamat ko kung Oo.
sabagay...
wirdo ang pagiging unpredictable ng mundo.
nakaka--~___~.. @___@// O___O// T___T... *__*// #___#..
ewan. hawhawhaw
haha
Post a Comment