Mahusay, magaling, graduating na kayo, you made it this far, you deserve applause, give it yourselves. Mahirap ang pinagdaanan n'yo, nagawa n'yong lagpasan ang mga hirap na yun dahil talaga namang binuhusan nyo ng timba-timbang pagod, balde-baldeng puyat, sangkatutak na pagtitiis ang lahat. Magaling, mauuna na ako sa mga babati sa inyo sa Marso, congratulations.
Ang aga mo naman bumati Ernie, sasabihin n'yo, maaga ako bumati kasi alam ko namang matatapos nyo itong dadaan na semestre, at matatapos nyo ng may lupit na humahagupit. Makukuha nyo yung bwakanang inang passport nyo sa mata ng mga recruitment officer ng iba't ibang kumpanya, UP Diploma. Alam ko, kahit hindi nyo man makumpleto lahat ng subject nyo itong semestreng to, kahit na may maiwan ka pa para sa susunod na sem o sa summer, matatapos mo din yan at medyo mas maaga lang ng kaunti para sa iyo ang pabati ko. Pero ikaw naman, ano ba namang depirensya nun? Gumradweyt ka, medyo nagkaaberya lang, naubusan ka lang siguro ng gasolina sa daan, naflatan ng gulong, o baka nasira stereo mo pero darating ka rin dun. Makakarating ka rin dun.
Natutuwa ako para sa inyo dahil itong semestreng paghihirapan nyo, bawat minutong pinuyat mo sa sem na to, isipin mo, konti na lang. Bawat salitang tinatayp mo para sa mga paper mo, isipin mo, konti na lang. Bawat paglabas mo ng school para magfieldwork, pag hahalungkat sa library, paghahanap ng sasagot sa survey, pakikipag diskusyon sa prof, pagdadala ng mabibigat na text book, pagkokompyut ng problem na dapat nang idemanda sa sobrang hindi makatarungan, tandaan mo, konti na lang. Konting-konti na lang, kayang-kaya nyo na yan.
Hindi mo alam sinasabi mo Ernie, siguro nga, sinukuan ko yan e. Pero natutuwa ako para sa inyo. Patunay ko sa sarili ko na hindi peer pressure ang dahilan kaya ako nagloko, ang sisipag nyo e. Whoops, walang kokontra, masipag kayo. Wag mo sabihin sa aking nag-slack off ka last sem kasi may mga gabing kinumpleto mo tulog mo. Walangya ka, maawa ka sa sarili mo, kinailangan mo naman yun. Kung kinulang kayo sa sinakripisyo, hindi na yun kakulangan bilang mag-aaral, ang dami nyo na ngang kinakalimutang basic necessities, pumapasok na nga kayo ng eskwela ng hindi naliligo. Nalilimutan na nga ng katawan nyong magutom kasi masyado na itong abala mapagod. Appreciate nyo yung pinaghirapan nyo, andito na kayo, ayan na, dulo na to, game na.
Hahaha, siguro nga gusto ko lang mauna bumati ng congratulations, pero tingin ko naman hindi naman ito sobrang agang pabati. Tama lang naman, hindi ko naman kayo kinokongratulate dahil makakakuha na kayo ng degree at diploma e. Binabati ko kayo kasi napaghirapan nyo na yung degree na yan, naalayan nyo na ng dugo, pawis, luha, laway, sipon, tinga, tutule, nana, libag, kalyo, patay na kuko, eyebag, hairfall, wrinkles, at taghiyawat yang degree na yan. Okay na, solb na, konti na lang para marealize na din ng eskwelahan na okay ka na nga. Sige na, aral na kayo.
Di n'yo na kelangan ng goodluck, kaya nyo na naman yan e. Apir.