30 October 2010
Being raised in the environment I have been, it's hard not to believe in a supreme being that is out there, a god if you will. But I must say that I cannot believe he actually gives a crap about what we do with our lives.
I can't live my life according to the teachings of some group of elders interpreting some book that was written by people who lived in places and times that are that different to mine. If I'm gonna live a life I must live according to multiple books, all books if possible. Not according to some code of rights and wrong but to the just and fair I learn a long the way.
My life is my bible, the world is my prophet, and I am my own messiah.
27 things said:
ayiki.
kasi yung libro na sinulat ng mga tao sa iba't ibang panahon, naisulat nila yun sa gabay ng Banal na Espiritu. At 'yung iba, nabigyan ng pribilehiyong makita ang mangyayari sa hinaharap, kaya maraming nakasulat na nagbibigay babala sa atin. At kung anuano pang kautusan.
At yan ay sinabi sa parehong libro na pinagtatanggol ng mga statement na yan. Napaka convenient ng Faith, lahat ng masasabi mo tungkol dito ay confirmation nito.
Faith? XD. Convenient? haw?
Bakit Ganun? "It was God's Will." Hindi makatarungan yun! "God has his plans."
depende kung pano mo tinitingnan ang God
Meh.
hindi nman lahat God's Will.Sa pagkakaintindi ko lang, hindi ibig sabihin na kapag nangyari ang isang bagay ay gusto iyong mangyari ng Diyos. Binibigyan lang tayo ng freedom na gawin ang gusto natin. Minsan nangyayari ang nangyayari dahil sa kagagawan ng tao. Consequence ng mga ginagawa ng mga tao.
halimbawa. may na-rape. God's will ba na may ma-rape? Sa tingin ko hindi, ang may gusto nun ay yung nang-rape.
God is just. Pero ang tao, nate-tempt at nagkakasala..
'"It's God's Will" - minsan ginagamit nalang to ng mga tao, para i-console ang sarili nila.
How then is god just? Why then does bad things happen to good people? If god is so powerful and good then why does evil exist at all?
if "It's god's will" is just another thing people say to themselves to make them feel better then maybe it is right to say that if there is a god, it has no will, no intention to meddle with our lives, it does not care. Which falls quite nicely with what I had to say on this entry.
Again, I do not believe the bible is all fact. But it is a wonderful piece of fiction, the best version of it would be the King James Bible with is superior use of language. It just seems silly to me to accept it with all its inconsistencies, unreasonable rules and preachings. Even sillier are the rules, standards and preachings of the Christian faith. Circumcision? Male only priests? Jesus was born in the Summer but it is celebrated in December to coincide and counter a Pagan celebration? There's just too much crap it just expects its believers to accept. "Believe then you will Understand" St. Thomas of Aquinas said, that's finding facts to fit theories instead of creating theories from the facts, that's crap.
If some people cannot function without a religion, then fine, follow the rules. If it makes them comfortable about themselves. But Religion doesn't work for me, believing that the god gives a damn doesn't work for me, morality is in no way based on religion. I am no way gonna be evil and unjust because I have no religion, it doesn't follow. If you like having faith then fine, I'm not telling you to quit your faith, I'm saying I think its unnecessary.
ok. :)
di ba sa huli, magkakaroon ng mundo na puro saya nalang. kasi yung mga "matutuwid" at "hindi matuwid" at paghihiwalayin. hinahayaan niya tayo na gawin ang mga ginagawa natin. Pero tayo ang mananagot nun sa huli. Dahil iju-judge tayo sa mga ginawa natin. At siya ang judge. Hindi naman siguro tayo iju-judge kung anong religion tayo nabibilang.
patuloy lang tayo magtanong, at maghanap ng katotohanan.
Faith before reason ay kay st anselm ata? @_@. ang kay thomas aquinas ay five ways to prove God's existence.
Define God, bearnest, at tuloy natin ang interesting na argument na ito :>. para, maglaro tayo sa isang language game.
regarding religion, _naniniwala_ ako na okei ang function niya as a social institution ay mag ayos ng morality, pero, naniniwala ako na superficial ito kapag society based ang religion ng isang tao. kailangan na maestablish ng isang tao ang isang personal religion na kung saan tunay niyang paninidigan at siyang pinaniniwalaan niya, di lang dahil sa kultura niya.
magandang usapan ang faith,,. :> padefine lang muna kung ano ang meaning mo ng faith at God. and lets go go go! XD
Or rather, wag na tayo magtanong. at malalaman natin ang mas salient na "truth" assuming na may faith ang naghahanap ng truth sa existence ng truth :D
Hindi ko alam kung totoo yan, parang Marx at Hegel lang ah, may absolute at ending na ang lahat, at papunta lang tayo dun. Di naman ako naniniwalang may ending na ang lahat. Hindi rin ako naniniwala sa paghuhusga, o sa pangangailangan ng isang panghuhusga. Para sa akin e stand alone ang morality, ang paggawa ng tama sa kahit na anong bagay. Kahit nga yung statement na "Hindi naman siguro tayo huhusgahan (ng diyos sa) kung anong relihiyon tayo nabibilang" ay problematic, kasi kung halimbawa nirereject ko ang claim na may diyos, o kung di naman e nirereject ko ang claim na may pakialam ito sa ginagawa natin, edi walang magagawa ang statement na iyon para sa akin.
At d'yan na natin tapusin ang diskusyon natin ukol dito. Wala naman akong balak kumbinsihin kang maging agnostic, at di mo rin naman ako makukumbinsi (o kinukumbinsi) maging Kristyano.
So agree to disagree.
Ang Philosophy nga ngayon daw sa panahon ngayon ay nasa argumento na ng language, "What do you mean by that?" na ang tanong, at natutuwa ako dun.
Sige, ang definition ko ng god sa argument na ito e isang superior at all-powerful being na nag cause ng creation. At ng faith bilang buong paniniwala sa isang tao, bagay o konsepto at hindi na umaasa sa logic o ebidensya.
waw humehegel x=. nosebleed. ano yung teorya ni hegel?
agnostic ka ernest? interesting. bakit?
@mohico: wel, ukol sa sinasabi ni Ernest na tungkol sa paghuhusga, sa palagay ko, mahirap gamitin ang limitadong isipang meron tayo kung paano nga ba ang 'paghuhusga' na magaganap. maaari kasi na dulot ng kultura at upbringing ay naiimagine ng mga tao na parang may korte at ieenumerate ang tama at mali. pero sa aking palagay, wala tayong ideya pagkat tayo'y hamak na mga earthling lamang :(, hahah. at kung sakali mang may judgment na magaganap, marahil ay sa salita nating mga tao ay ang pinakamalapit na dito ay "judgment" although beyond language naman talaga ito. sa aking palagay, ibang lebel ang Diyos, para maabot ng isipan at salita natin. Pero, naniniwala ako sa sinasbai mo na magkakaroon ng puro saya. Hindi ako believer ng future, pero pag nagiging bahagi ako ng Diyos, o nang Kalawakan, o lahat ng Bagay sa Mundo,... lumilinaw ang lahat. Nahihiwalay ang dumi at linis, pagkat nawawala ang human na paraan ng paglilimit at pag iinterpret ng mga bagay bagay. walang dumi, walang linis. Lahat iisa. Lahat makahulugan kahit walang kahulugan.. May pagkaka-isa.. at habang buhay na Kagandahan at Pagmamahal.. na sa Diyos lang talaga matatagpuan. ;)
So ang 'God' ay isang 'being' para sa'yo? Ano naman ang definition mo ng being? :D mahalaga lang din, para sa diskusyon. :)
Re Faith: Wait sandali, hindi ba't pag umaasa ka sa ebidensya ay may "faith" ka sa ebidenysa at lohika?
Well, oo, good point, umiikot yun ah. Faith in the evidence. Faith in how we think. Faith in our mental capacities. We have to give ourselves that much, yung sinasabi mo, uh, parang may theorist din na nagsabi ng ganyan, yung hindi natin magagawa pagkatiwalaan ang mga naiisip at napepercieve natin, dahil hanggang dun lang ang kapasidad natin at hindi tayo makakasiguro kung ang damo nga ba ay berde o tulad nun.
Being, life form, may buhay na bagay, may sentience at may logic.
yapper, kasi sabi nila ang science daw ay faith, ang pagsikat at paglubog ng araw. pano daw kung di sumunod sa science bigla? ang evidence ay faith in evidence... ayos lang ba kung idefine ko ang faith na paniniwala sa 'something'? errr.. or acceptance sa isang paniniwala bilang totoo? (whether through evidence or not?)
at...
bakit 'being' ang napili mong gamitin na category ng 'Diyos'? :D
Anong meh? haha. bakit? @_@
Tanong, relevant ba ang truth dito? May relevance ba ang truth sa knowledge o sa functioning man lang? Di ba't ang knowledge ay ginagamit natin para makapag predict lang ng possible futures (reaction to stimuli, possible effects etc.) so ang importante lang ay kung kaya nga nya mag predict ng results, hindi importante kung totoo nga ba yuon sa pangkalahatan. In this sense, dapat nating i-ignore kung totoo ba o hindi ang mga bagay kundi sa kakayahan nitong mag predict. Ngayon kung gagamitin natin ang Bible para mag predict ng behavior or ng possible effects of actions, inconsistent ito. Ang tanging mapepredict lang natin ay na eventually magkakaroon ng paghuhusga.
at
Kasi nag fall s'ya sa definition ko ng being. At wala akong maisip ng salita na mas magcacapture ng ideya ko sa kung ano ang god.
sa kahit paano mo tignan ang god, hindi pa rin makatarungan ang "God has his plans" o "It is God's will". Hindi yung sapat na paliwanag sa kahit na ano.
di naman mahalaga ang truth o kung may truth,, mas usapin kung tinatanggap ng isang tao ang isang bagay as truth.. eniwi, problematic naman yun,, soo okie, so ang definition natin ng faith ay ang paniniwala mo sa 'something' na makapagpredict ng future (assuming na nag eexist ang future)... yung paniniwala mo sa 'something' na yon ay ang mas magbibigay ng greater probability sa mga posibleng mangyari?
ah , so posible para sayo ng kunwari all powerful darkmatter na nagstart ng bigbang ang diyos? or bunch ng compounds na kaya gumawa ng spontaneous reaction at nagcacatalyze ng pagkabuo ng kalawakan?
at ang kalawakan na pinag uusapan natin dito ay kalawakan na physical? physical universe?
thus, yun god na tinutukoy mo ay walang kinalaman sa emosyon, or sa beauty, or eniting?
kaya ko tinanong yung being kasi ang salita ay ang label na nagcocorrespond sa mga entity na nasa conceivable Universe. pero sa God, meron tayong konsepto ng "something" na gantoganyan kahit wala tayong basehan. gumagawa yung isip natin ng sariling criteria ng God,.. pero, abot ba talaga ng isipan, ng logic, ng perception natin ang God? conceivable ba talaga ng mind ang God? pwede tayo gumawa ng random words, mag assign ng description kung ano ito, tas sabihin natin na hindi naman nag eexist or mag ascribe pa ng iba pang predicate.
ang gulo ko magpaliwanag, hahah. pero para siyang pagsasabi na ang unicorn na pink ay mahilig manipa. wala pa tayong nakikitang unicorn, tas naging pink pa siya, tas naninipa pa siya. iba pang usapan na pwede nating sabihin na being ang unicorn,, pano kung hindi ito being,, nasa universe ba natin ito, o mayroon pa bang mga bagay na beyond sa universe or other 'universe'.
wag mo siyang ituri na may utak, dahil hindi naman natin alam kung may utak siya or pareho siya mag isip ng mga tao. sabi ni idolprof, hindi assertion ang ganitong mga statement, bagkus expression. para siyang pagsasabi na ang tubig ay langit at hindi ito metaphorical.
Ang easy way out naman nun, hindi abot ng isipan natin ang god, ang eksplenasyon sa kung ano ito ay wala sa universe natin, o baka wala nga talaga. Kung ganun ano ba pinag uusapan natin? Kung ano ang diyos? Hindi ba tayo nag seset ng definition para mula sa depinisyon na yun e malaman natin kung meron bang ganun o wala. Parang mesa, sabihin ko sayo kung ano ang mesa, ngayon sabihin mo sa akin kung may mesa ba sa bahay nyo. O unicorn, may konsepto ka kung ano ang unicorn, meron bang unicorn sa bahay nyo? Ngayon mula sa depinisyon ng Diyos na naestablish na, meron bang diyos? Kung meron, ano ang kwenta nun sa atiin?
Oo, tinatamad na lang talaga ako sa diskusyon ng mga depinisyon. Kung ano ang ano, alin ang alin, sino ang sino.
Ang something na makakapag bigay ng possible predictions ng future ay knowledge, ang paniniwala duon ay knowing~ ang faith may pangangailangan sa truth, ang knowledge at knowing wala.
Pasensya na, nabuburyong na ako sa mga depinisyon, hindi na nagkaroon ng diskusyon na may mga tanggap na na depinisyon o meron at wala o ano pa. Balik tayo ng balik sa "what do you mean?" na malamang naman kasalanan ko din dahil di ako nagpoprovide ng perpektong depinisyon.
Hindi yun sapat na paliwanag ng kahit ano sa kahit ano. May utak man o wala. At nararamdaman kong mahuhulog ulit tayo sa statement na hindi nga natin kasi maaarok ang meaning ng diyos, baka hindi pala abot ng isip natin. E kung ganun ano pa ang punto ng mga diskusyon na to? Bakit pa natin pinaguusapan? E kung kung ano mang "will" ng kung ano man tong diyos na to e hindi naman natin pala maiintindihan sa kabuoan? Kung may will man sya o wala e ano naitulong nuon sa pamumuhay natin? Kung ganun, may dyos man o wala, may ginagawa man ito o wala, may ginugusto man ito o wala, wala itong idadagdag o ibabawas sa buhay natin na kelangan pa para mabuhay ng matiwasay.
empirical psych studies na tingin ko ang sasagot dyan. spirituality (hindi religiosity) at longevity of life+state of well being.
o ito buteteng ice cream , kumalma ka hahaha
Post a Comment