13 July 2008
Sumikat ang araw
Sinilang ang pinakabagong kahapon
Pinaslang mula sa isang kasalukuyan
Para sa bagong kasalukuyan
Napakadali naman
Mula sa altar
Tungo sa basura
Kung saan ang sampagita'y bulok
At ang tanging nagdarasal
Ay langaw, para sa masaganang pagkain.
Hindi naman kailangan sumikat ng araw,
Sa gitna ng paglubog ng kahapon,
Para lang hindi matapos
Ang sigaw ng kadiliman sa umagang nagpapanggap.
5 things said:
Ahheheheheeh,, di ko alam kung naintindihan ko..
ah... mahina kung ganoon.
de,, ayoko lang mag assume ahehehe
ah, mahina ka kung ganon... hehehe nanginis ba?
hahaha
Post a Comment