EXCLUSIVE TRIBUTE:100 somethingenth Blog Entry, Kelangan mo basahin ito, Pramis.

05 May 2008

Sa kasamaang palad hindi ko napansin na umabot na pala ako sa ika-100 ko na blog entry (tanong: bakit kapag tinayp ko ang "100" ay binabasa ito kadalasan bilang one hundred at hindi isandaan?) at nanghinayang ako, sana man lang ay nagawa kong eventful ang ika 100 kong blog entry, kaya bilang bawi ay gagawa ako ng konting review ng buhay ng blog ko na ito, itong multiply lang ha? Hindi counted yung mga secret at semi-secret blogs ko sa ibang blog site (grabe na ang pagka loser ko, andami kong blog). Marahil bilang simula tama lamang na sagutin ang katanungan na...

SINO BANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ITO?!

Paborito kong sinisisi si Ser Jun dito (refer to previous blog entries para mapurbahan ang pagsamba ko sa Taong ito, kahit tignan nyo na lang fron page ko), kasi sinabi n'ya sa klase namin noon "Blogging is a community of non-writers" (or something like that [wow, english]) mga nagpapanggap na writer na kinokomentan ng ibang nagpapanggap din na kritiko, yuckerboat... kadiri to tha maximum extent of the definition of the word kadiri (may mali dyan sa sentence na yan somwhere). Ayon, matapos nya sabihin yuon ay sinabi nyang mag blog kami (parang, baka naman inisip ko lang na sinabi n'ya), walangjo, lakas ng tama, pero dahil masugid akong apostol ay sinunod ko ang utos JunCruz Christ (BLASPHEMY!!! BURN IN HELL ANGELES-SAN!!!).

Kasalanan din ito ng mga TAE, alam nyo kung sino kayo, mga hayup kayo. Isang self-proclaimed psychotic, isang reyna ng letra sa gitna ng M at O (na ngayon ay level 68 Trance na sa RO, umilaw na kasi sya sa pagiging high priest nya, baka nga hindi na sya 68 e), at isang master ng taijutsu. Kung di kayo... heniwey baka nga hindi nyo pa mababasa ito kasi ngayon mas masipag na ako mag-blog sa kanila at abala sila sa O2 Jam at Ragnarok.

Sumunod na gusto kong talakayin ay kung ano ba ang pinag baBlog ko dito.

Ang unang-una kong blog entry ay tungkol sa dalawang butete na nahuli ni Tinek sa imburnal at nilagay ko sa bibig ko sa halagang isangdaang piso (kakain din ako ng papel kahit walang bayad, bigyan nyo lang ako ng papel). Sumunod ay nabaha ko na ito ng mga tula ko na marahil hindi ko na mapapapublish dahil previously published na sya in the internet via this blog. Dito ko din nilagay ang isa sa mga una kong lehitimong short story, ang aking favorite na Jammin Tanioka Series, eto yung links oh three parts yun eh, favorite entry yata ng marami ang journal entry number 14:

http://estongdakila.multiply.com/journal/item/13

http://estongdakila.multiply.com/journal/item/14

http://estongdakila.multiply.com/journal/item/15

ang shortest blog entry ko ay yung "Si Joan" ang longest (dahil sa dami ng nakasulat) yata ay "The Shoplifter in the Rye" na kasama sa mga kwentong pinasa ko noon kay Ser Jun. Ang longest naman dahil lang sa mahaba sya talaga ay yung "Lethargy", wala namang laman, lethargy lang. Madami din pala akong pagtatangka sa fiction sa aking mga blog entry. Sa blog ko lang din unang nailabas ang lab leter na ayoko talaga naman dapat ilabas, hanapin mo na lang.

Meron din akong mga pinagsisisihang blog na nailagay, ay, isa lang yata. Pero mabibitin kayo dito dahil hindi ko ikukwento at hindi mo na makikita kasi dinelete ko na.

Madami pang details na pwede akong ikwento tungkol sa mga blog ko, kaya nga umabot ng isandaan e, pero hindi ko na ikukwento, ine-encourage ko lang kayo na bisitahin ang journal ko, go guys! Salamat!

13 things said:

Trisha Torga said...

wahahaha.., magkaiba tayo ng paraan ng pag-celebrate ng ika-isandaang blog entry., ;]

_Stine Olivar said...

hawhawhaw... 100 post,, ang daming post... para kang anglesss ang galingg moooo

sang daaang post na tayooooo

hawhawhaw

rebyu ng paboritong gawa...

Ernest Angeles said...

para akong angles? di ba ako na nga si angles?

hehehe, advertisement ng mga paboritong gawa kamo.

_Stine Olivar said...

honga no,, labo ng koment ko @_@

Ernest Angeles said...

malabo ka naman per se

_Stine Olivar said...

per se?

Ernest Angeles said...

o sige, malabo ka naman talaga.

_Stine Olivar said...

aaahhh

sige di ko na tatanong yung per se,

next time naman

Ernest Angeles said...

washooooo,

_Stine Olivar said...

mali tong blog entry na to!!!!!!!!!!!!
mali!!!
woot!!!

hahahaha
kasi ang pinakamaikling post ay ang.. the emperors new blog entry..


ay.. naku... haba ng title,, mali din pala ko,,heniwey,, gusto ko lang i emphasize na walang laman yun wahahahahahaha

Ernest Angeles said...

ah, o nga no, kinontra pa ako ni ramz dun, killjoy!

mahaba sya kasi madami daming enter yata yun eh...

_Stine Olivar said...

sinong ramz?

Ernest Angeles said...

si final flash

kaklase ko noon sa soc sci 1 na mahilig sa dragon ball

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger