PP17: Willie Revillame Song Analysis

04 May 2008

Gusto ko lang naman malaman mo
Na ang isipan ko’y gulong-gulo
Nagtatanong kung susundan ko sya
Dahil ang puso ko ay nabihag nya

Alam mo bang minamahal ko sya
At tunay ang aking nadarama
Kahit ako’y nagmumukhang tanga
Ay ayos lang basta kasama sya

Kahit sabihin pa nang iba
Nababaliw akong talaga
Kahit mayroong ibang nagchacha-cha
Nagru-rumba, nagsa-salsa.

Pwede bang sabihin nyo to sa kanya
Ang puso ko’y nahihirapan na
Ano pa ba ang pwede kong gawin
Nau-ubra para maakit sya

Refrain:

Palagay kaya ako ng tato,
Magpatubo ng balbas sa nguso,
Magpalaki ng masel sa braso,
Magpadagdag ng pwet kay Belo

Chorus:

Buksan mo, papasukin ako
Bulaklak para sayo
Ano bang gusto mong gawin ko para mahalin mo

Buksan mo, papasukin mo na,
May tsokolateng dala
Bigyan mo naman ng pag-asa ang puso ko sinta.

Alam mo bang walang kasing saya
Sa tuwing ika’y akin nakikita
Ngunit malaki din ang problema
Dahil hanggang ngayon sayo’y umaasa

Lagi nalang akong naghihintay
Ngunit iba lagi mong kasabay
Kahit madalas kang sumasablay
Ako sayo’y nka i-smile

Repeat: Chorus

Repeat: Refrain

Repeat: Chorus(2X)

Bigyan mo naman ng pag-asa ang puso ko sinta
Bigyan mo naman ng pag-asa ang puso ko sinta
Sabihin mo na ang totoong may mahal kang iba.!

 

Analysis:

Tulad ng madaming ibang kinanta ni Willie Revillame at sinulat ni Lito Camo, hindi ito straight-forward na love song. Marahil maaari kong sabihing nauna pa siguro naisip ang title at chorus bago nabuo ang kantang pinaligid dito pero circumstantial evidence lang ang meron ako kumbaga.

Sa refrain ay nabanggit ang mga naiisip n'yang baguhin sa sarili para matipuhan ng nililigawan ang mga ito ay mga stereotypical na tatak ng machong pinoy (bukod na lamang sa pagpapadag-dag ng pwet kay Belo na pop culture reference at western na ideya ng plastic surgery), representasyon ng patriarchal macho image.

Ang ideya din ng pangliligaw na sa isang banda ay pagbibigay ng lakas at karapatan sa babae ay binuo parin sa patriarchal na lipunan. Nandito rin ang medyo anti-female na ideya na nagpapa-asa ng lalaking manliligaw.

7 things said:

Trisha Torga said...

eeeek...ang pangit pakinggan!., :O
"BUKSAN MO.....PAPASUKIN AKO.."???????
hehehehe....kumakanta pala ng ganyang mga kanta si Willie Revillame?!?!., :))
(happy 100th blog entry., :))

Ernest Angeles said...

OO NGA!!! 100th na ito!!! Di man lang eventful... sana cinelebrate ko man lang ng korning korning blog tungkol sa pag-ibig at shit.

Matt Tuazon said...

Sarap mag-PanPil, ne?

Lahat ng kababawan may lalim pala. tsk... Nakaka-miss mag-aral. ~_~ Nakakabobong mag-trabaho.

Ernest Angeles said...

well... pagsabayin!

_Stine Olivar said...

weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee...

basagin ang palasak na ideolohiya,,

nakakatuwa.. di ko na mamasabing sexis ka bot!

Ernest Angeles said...

MUahahahahhahahahaha!

natuwa naman ako, hindi na ako masyado sexist (hindi ko pa masabing hindi kasi may mga bias pa ako pero ngayon consious na ako) ayun.

hindi lang palasak, pangit pa na dominanteng ideyolohiya!

panpil 17 mykel andrada said...

ano pa ang masasabi mo sa dominanteng konsumerismo at sexismo sa kanta? ipaliwanag pa nang mas malalim. score: 14 / 20.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger