22 September 2008
Naalala ko nung sinabi ko sa'yo ang tungkol sa pag-ibig ko sa gabi? Yuong tungkol sa romansang tinatago ng lansangan habnag tayo ay nakatayo sa bangketa at nanunuod ng mga lumilipad na liwanag ng mga nagdaraang jeepney na ayaw tayong isakay. hindi ka pala naniniwala sa pag-ibig sa gitna ng kadiliman, windang ako sa epekto ng lamig ng hangin, ng ilaw sa mga poste na kumikwintas sa dilim ng gabi, at sa iyo, hindi parin ako makapaniwalang kasama kitang naglalakad na papunta sa mas matinong sakayan ng jeep. Abala ka sa pagkukwento mo ng kaklase mong nagpapabadtrip sa'yo buong linggo, abala ako sa pagpapasalamat sa buwan sa isang magandang regalo sa aking kaarawan.
Ilaw, sa'yo ko nais maging totoo. Tulad mo ay tumatanggi rin akong maniwala sa mga kabulastugang inimbento para makabenta ng rosas at tsokolate, pero noon 'yon dahil natuto na ulit akong maniwala. Nauto nanaman ako dahil pumayag naman akong maging uto-uto para mapadali ang pagnamnam ng kaluluwa ko sa maliliit na kasiyahan, katulad ng makasama ka. Tunay, akala ko noon ay kwentong parlorista, tunay pala na may ibang epekto ang presensya ng isang tao sa kabuoang pinagmumulan ng saya. Sana, sana kung hindi pa ito totoo sa'yo hayaan mong ako ang magpatotoo.
Sa ilalim ng mga puno na umiihip ng mga sanggol na patak ng tubig, sabay sa mga nagsasayawang dahon, habang pumipikit pikit ang mga bituin sa langit, hanggang sa matapos ang paglalakbay ng buwan, hangga't hindi pa dumadating ang jeepney, hangga't hindi pa tayo natin nabibili ang pambura sa National Bookstore, hindi mabubura ang aking ngiti.
Sabayan mo ako, ilaw, ipahawak mo lang ang iyong kamay, hindi na kita bibitawan.
7 things said:
nahihirapan akong umintindi ng filipino...*lame*
yikee...inlove., :))
O_O
kaw ha.. wahahahahahahahhaahha friend ka ba dito sa moo?
hahahahha
heniwey,, gusto ko yung mga pinagsasasabi mo sa gawa mo =))
at pwede pwede -- pabasa mode naaa =)) english version naman :))
:)) hilarious,
sige inglisin natin minsan
dehins eh... huahahahaahaha
papabasa ko na to, pramis, walangya, masyado malakas ang tam ko, walangya talaga.
Mas gusto ko yung English. hahaha...
Naramdaman ko ung lamig ng gabi jan, ah? Ung basa-basang damo sa paa ko dahil sa hamog (o sa kakatapos na ulan), saka ung dilim ng gabi na may tuldok-tuldok ng liwanag mula sa magkakahiwalay na poste... Parang acad oval lang, ah sa gabi. hahahaha
exactly the image
Post a Comment