01 June 2009
Akala mo ba madali? Malaking event sa buhay ko tuwing pipili ako ng brief na isusuot ko.
Nakakategorya ang mga brief sa tatlo; Briefs, boxer briefs, at boxers.
Sa ilalim ng Briefs ay nanduon ang Black, Gray, at Blue na comfortable briefs at ang traditional Tighty-Whities (self-explanatory na siguro kung bakit ganun ang nickname nun). Ang Tighty-Whitie ang pinaka marami kong brief. At meron talaga akong isang pulang brief, for special occasions.
Sa ilalim ng Boxer Briefs ay nanduon ang Black (dalawa lang ang Boxer Brief ko na black), at ang mga Puti (tatlo lang ata yung ganito ko). Sa hindi nakaka-alam ang boxer brief ay brief na mahaba, yung tipong lalagpas naman sa singit.
Sa Boxers naman ay mas madali ang classes, hindi by kulay kundi by quality, yung butas at yung hindi butas. Pare-pareho naman kasing Checkered ang Boxers ko, iba-iba lang kulay, although may isa akong Scooby-doo na boxers.
Okey, ang pinaka komportable sa lahat ay ang mga Boxer Briefs, sa kasamaang palad, kakaunti lang ang ganito ko, madalas kasi ay hindi ko mahanap sa kalaliman ng mala-ukay-ukay kong kabinet. Ganoon pa man, may isang itim na boxer brief na hindi ko isusuot unless wala talagang ibang boxer briefs na mamataan. Hindi kasi ito komportable at nagiipit ang legs ko, pumipilipit hanggang singit, it's a wrong.
Sumunod ay ang Briefs, mas madalas ako mag-brief kesa kahit ano pa man kasi yun ang pinaka madaling makita. Safe-option kumbaga, okey lang, at lumawlaw man ang pantalon ko okey lang kasi normally yung dark colors na brief ang suot ko.Nag-susuot lang ako ng puti kapag wala akong choice (tinamad ako maglaba) o naka-maong naman ako at sigurado akong hindi lalawlaw.
Ayoko talaga ng boxers, dati nung hayskul gusto ko yung boxers pero ngayon ayoko na. Feeling ko nakahubo ako at kumakalembang ang mga bayag ko. Nararamdaman ko din pag pinagpapawisan na ako duon. Hindi naman ako kasi ang bumili ng boxers ko, binili lang ng family.
Meron yan, special considerations for special events, meron din akong lucky underwear, yung gray ko na boxer briefs (na nawawala), hindi ko na ginagamit kasi nabutas dahil sa zonrox.
Mahabang usapan pa ito, pero mula naman siguro d'yan, mapapansin n'yo na pinag-iisipan ko talaga ang bawat bagay na gagawin ko sa buhay ko, hanggang sa brief.
24 things said:
ahahahahhahahahahahaha
at
skubidubidu ahahhaah kul,, :D
nakakatawa. :)) may pagkavain ka rin pala ernie!
waw. anong okasyon naman ang magsusuot ka ng pulang brief? valentines day? T_T
go godfather!
wah, vain na vain nga tingin ko sa kanya e @_@
Vain, may image akong pinangangalagaan, oo na, Vain na nga, just not in the metrosexual sort of way, Muahahahahahahaha!!!!
Dapat spongebob yung bibigay sa akin, pero yung scooby doo yung pinili ko, mas kewl.
Mahirap kaya mamili ng brief!!! Iisipin mo syempre kung ano ang itinerary for the day, pag reporting, boxer briefs, kasi dapat relax at comfortable, kapag may outing ganoon din, kapag normal day kahit brief lang, kapag masama timpla ng tyan ko yung masikip na brief na papatungan pa ng boxers Muahahahahahahahahaha!!!
Kapag Red Shirt day, o kaya kapag Birthdays, parang ganyan...
hahahahahahahahahahaha,, oo, agri!, sa iba lang paraan, :D
oo, :D mas kul si dubidu :D
hanggang loob pulala >
Minsan brief lang, para hindi halata na may ispeysyal hevents
Tineterno ko pa nga yung bag ko sa porma ko, yung jacket pinagiisipan ko pa, yung sumbrero, yung medyas, kelangan yung kulay ng medyas medyo middle ground ng kulay ng pantalon at ng sapatos.
adik na tunay
HAHAHAHA! ISKOLAR NG BAYAN NGAYON AY LUMALABAN!!!
wahahah! pwedeng pang rally!!
hahahahhahahahhahhahahahaahh!!!!!
hahahahahahahahahaha, natatawa ako sa pagkakakoment mo wahahahahahahahahaha
may kaartehan ang lahat ng tao, proud lang ako (ngayon) sa kaartehan ko,
Yapper! Nagsimula lang yan nung nakatsamba ako na red shirt day sakto na suot ko yung pula ko, ayun, pinalagi ko na.
waw. nagrerebolusyon ka pala from inside
ahaha,,,,, lahat? ahaha,, di naman siguro ol da taym,,,,,,
lolx
ayaw mo nga pala ng 'lahat' pero oo, lahat, parang sinabi ko na lahat ng tao ay may cells, laaahaaaat.
parang LBM yun a
ahahahahahahaahah okei, ahahahahahahahaha
Post a Comment