Ano Nanamang Ka-Emohan 'To?

15 July 2010

Nalulungkot ako, wow, astig, mind-boggling news.


Masaya naman ang buhay ko, nageenjoy ako sa mga klase ko kahit na di hamak na mas maraming babasahin kesa sa mga ibang taon ko sa UP (siguro dahil binabasa ko na talaga ang mga babasahin). Nagsusulat ako ng prosa sa wikang mas mabilis ako magsulat (ingles, masakit mang aminin napakabagal at masalimuot ko magsulat sa Filipino), magagaling ang mga propesor ko at madami akong natututunan na dati rati'y nadidinig ko na pero wala akong interes noon. Nakakapagsulat ulit ako, ng madami, at nakakapag palitan ako ng pananaw, hinuha at pagkakaintindi sa mga matatalinong kaklase at propesor. Masaya maging estyudante ulit.

Hindi ako binabagabag ng mga problema tungkol sa sweldo, sa trabaho, sa mga sablay na ginagawa sa opisina, sa pagbabudget ng sweldo, sa pagbabayad ng sarili kong kinakain at tinitirhan, regular ang koneksyon ko sa internet. Nagpapakasasa nanaman ako sa pera ng magulang ko. Kahit na nahihiya na ako sa ganitong kalagayan, aaminin kong mas konbinyente nga ito at dapat lang na maging masaya ako dahil dito.

Ang mga kaibigan ko ay nariyan lang, kahit na madami ay nasa Med School na, nag-tatrabaho na, o basta gradweyt na e hindi naman talaga sila nawawala. Si Jammin at Roxanne ay sumusulpot pa rin paminsan-minsan sa Peyups (at si 633 nga e natanggap pa sa PNG habang nakatambay doon, sa sobrang invested ko sa paghahanap n'ya ng trabaho e lehitimong pagkatuwa ang naramdaman ko din noon). Si Tinek naman e alam ko naman kung nasaan lang, minsan parang naiisipan kong sugurin sa tinitirhan n'ya, alam kong pwede ko gawin yun. Kapag tinext ko sila nagrereply naman, ganun din ang iba pang parte ng barkadang wala na sa Diliman.

Ang barkada naman sa Diliman ay medyo mas lumalalim ang masayang pagsasama, sina Froilan, Zion, Nigel, Mark, Melgar atbp, na parang hiwalay na grupong pareho lang ng tambayan ay mas lalo pang nakikilala bilang mga totoong tao (minsan parang hindi pa rin sila tao, pero medyo mas tao na sila), na hindi naman puro gaguhan lang. Syempre mas madaming gaguhan pero may maayos, malalim, at masasayang pag-uusap tungkol sa mga bagay na sa dulo't dulo ay naiisip kong sila lang ang pwede ko makausap tungkol.

Sa bahay naman ay wala lang, ganun pa rin. Wala namang malaking malabong gulo na magdudulot ng anumang grabeng lungkot. Maayos ang pakikisama sa isa't isa kahit nga sa kuya ko, kahit papano. Patuloy akong natutuwa sa mga kwento ng bunso namin tungkol sa pag-aaral n'ya at sa mga pagkakampihan namin sa mga laro sa facebook. Kahit na bigayan man lang ng servings sa Baking life o ng Luxuries sa Hotel City.

Pero dahil wala akong kwentang nilalang at emo (daw) ako, malungkot ako. Kung isa akong stereotypical na emo ay yayaman ang Gilette sa akin.

Minsan nakasakay ako sa bus at nag-iimagine pa rin ako, naghahanap ng mga bagay na hindi ko naman ine-effortan makuha, hindi dahil sa tinatamad ako (ang karaniwang dahilan) kundi dahil hindi ko alam kung paano, tsaka natatakot na din, nanaman, eto nanaman. Kahit ako nagsasawa na sa paulit-ulit na kakornihang hindi sinosolusyonan.

Sadya lang yatang pinapakorni ko ang masaya ko namang mundo, pero naiingit ako, nalulungkot ako, nanghihinayang ako at naghahanap ako. Wala e, ganun yata talaga kapritso ko. Hindi ko nga alam bakit ginagawa ko pang vague ang mga statement ko, kunwari ba naman hindi n'yo pa alam. Ang labo ko talaga, walangya.

19 things said:

Matt Tuazon said...

Nakalimutan mo isulat sa taas: "Dear Diary,". hahahaha!
Gus2 ko sanang isulat "p*tch@" kaso iniiwasan ko na ang pagmumura, verbal and in written form. Pero naman... haha... diary entry 'to, pare. wahahaha

Ernest Angeles said...

Sige lang, ikiskis mo. Nagsalita ang hindi overdramatic.

Jammin Tanioka said...

waw! masayang emo! woot! or emo na masaya? labo hahaha! punta ko UP next week, baka martes, mga 4 hahaha! tumambay ka ungas :))

advise: isipin mong malungkot ka...baka maisip mo masaya ka pala talaga... (binaliktad ko lang :)) iniisip mong masaya ka e, kaya nagmimistulang malungkot ka! hahahah labo)


ge

Ernest Angeles said...

Ah the enormity of an event your UP visits have, hehehe

Hmmm, sige subukan ko mamaya.

ge ka rin!

Jammin Tanioka said...

hmmmn, ano kaya masusunog this time hahahaha! :))

yon susubukan mong lokohin sarili mo once again woye :))

ge ulit

_Stine Olivar said...

nays sahestiyon hammin

@angles: hellow. :D

Ernest Angeles said...

Aba, buhay ka pa pala

_Stine Olivar said...

aba, oo. mukha ba kong patay? o_o

Ernest Angeles said...

Ewan ko, hindi ko nakikita mukha mo e :))

_Stine Olivar said...

:o) <-- dis is may pes :D, naw jads... haw haw haw. XD

Ernest Angeles said...

Mukha kang Clown na tagilid

_Stine Olivar said...

na buhay? :D

Ernest Angeles said...

naaaa~ tagilid,

_Stine Olivar said...

lahat kayo tagilid,ako lang ang nasa tamang posisyon :D wahawhawhaw

Ernest Angeles said...

But you can never really know!

S'yanga pala, dahil Philosophy Major si Froilan at ako ang praktisan nya ng mga report nya e natututo ako indirectly ng Philo! It's fun!

_Stine Olivar said...

Tama! XD Its pan! XD

Ernest Angeles said...

Parang De Coco! It's Pan!

_Stine Olivar said...

yapperkawali :D

_Stine Olivar said...

XD

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger