27 March 2008
Ako ang pinaka bagong Publicity Com head ng UP PsycA, matapos ang umaatikabong nominasyon (walang kalaban), pagkadaan ng mainit na palitan ng SPOA (sa sandbox ng village nina Ging), ang madugong eleksyon (sa paper bag ni ate Glenna), at ang nakakakabang bilangan (natapos in less than five minutes), ayun na nga ang nangyari.
Lahat ng bumoto ay binoto ako, may isa lang nag-abstain, ako yung nag abstain. Ayoko naman iboto sarili ko, baka manalo ako e.
Nakakatakot pala.
Ang ganda ng mga portfolio ng mga nagdaang pubcom head, syempre MASISIPAG SILA!
Putsa...
Meron na akong dalawang nagawa, una, ang komiks na tungkol kay kuya Mon, eto yung ideya, parang sa mga unang panels ay nakabihis s'ya bilang mage may hawak syang staff, nag aangas, sa second to the last panel ay kinausap s'ya bigla ng isang estyudante "kuya mon!" sa last panel hindi na sya mage, naka carebest clothes lang sya at mop na ang hawak nya, tapos sabi nila:
Estyudante: Natapunan namin ng pintura yung hagdan, peram ng mop.
Kuya Mon: er... sige, teka...
basta, maganda, natatawa ako...
Tapos may poster akong isang malupet...
8 things said:
hahahaha nakakatuwa yung pagbabagong anyo
ay schizo.tsk tsk
tsaka yung comment sa electionm=))
Oooh.. congratz.. kahit di ko naiintindihan.. hehehe
hm... yun na lang gagawin ko, mga taga psych ang nasa komiks imbes na karakter ko.
si kuya mon -mage
si kuya collins - gunner/sundalo/pulis
si kuya roman - rockstar
ang so on and so forth...
congrats anak! mahalin ang org nang higit pa sa binigay kong pagmamahal! magkita tayo soon dahil isosoli ko yung vcd mo ng umaaraw, umuulan. ang gwapo ni papa rye! haha.
Excellent photos!
Excellent photos!
Post a Comment