23 August 2007
Ang kwentong ito ay Fiction at walang kinalaman sa tunay na Jammin Tanioka, hindi ko pa pinopost ang next two parts kasi mahaba at tinatamad na ako mag-type. kaya ko piniling gwing bida si Jammin Tanioka kasi ang ganda pakinggan ng pangalan n'ya para sa title, yun lang. Aylabyuol, tenkyuberimats.
‘Tol! Musta na? Eto, eto andito, ikaw andyan ka? Hehehehe Ulol! Musta na ba Pol Sci? Ha? Ha? Sus! Mahirap daw ba! Pakyu! Mag-aral ka kasing tang-ina ka! Shift-shift pa kasi ganun din naman pala! Balik ka na sa Sayk, iniwan mo pa ako, gago ka.
Oy ‘tol, na ano mo si Jammin? Oo, naalala mo? Yung hapon apelyido kasi half-half s’ya, kalahati tao! Niahahahahaha! Ano nga ulit apelyido nun? Himura ‘ata eh, ‘di ba? Ha? Sa Animè ba yung Himura? Ah oo si Kenshin! Sori lang! Hehehehe, ano nga apelyido? Tanioka nga yata yun, pa’no nga, naalala mo?
Oo ‘tol yung maangas yung dating pare, yung parang gago, yun pare! Pa yosi-yosi pa dun sa may sunken, o kaya sa may jipster, JIPSTER! Yung abangan ng jeep! Jipster nga! E ano gusto mong itawag ko dun? Basta dun! Me eksibisyon pa s’yang pinapa-uso sa usok e! Bilog-bilog! Yung usok pare! Galeng! Kung hindi lang s’ya gago bibilib sana ako! Pero ang laki nga nyang joke, grabe, sinlaki, ng building na’to! Pero ‘di lang basta joke, corny na joke, pero di nga yun ang kwento ko e!
May balita kasing ano pare e, ha? Oo mayaman yun! Nakita mo na ba selepono nun? N93 pare! Yung selpon na parang laptop na may videocam na may twist feature na pede mag MP4 na laser beam at force field na lang ang kulang Mazinger Z na! Ta’s may isa pa syang selepono pare, malupet na humahagupet! Yung gawa nung gumawa nung Mac ‘tol? Apple! Apple iPhone pare! Ano yun, iPod slash Selpon slash Kompyuter slash Kamera slash swiss knife slash Laser beam slash force field pare! Oo nga! Para naman ‘tong laging pinagloloko e! Ta’s may Laptap pa na maliet, ta’s kelangan nun ng fingerprint para magamet pare! Hari ‘ata ng Earth tatay nun e! Nung nag report yun nung isang kase naming kay Onglauts, Ha? Onglautco pare. Yun nga pare! Nag report sila ta’s dala n’ya lahat pare! Pate projector pate ispiker pate animation nung power point pate langit lupa impyerno asa kanya na e! O nga! Kulet nire!
Hapon tatay nun, hindi ba? O nga, kaya nga Tanioka e, hehehe, baket? Malay mo yung tatay Pinoy pero apelyido nung nanay ginagamet, malay mo? E uso nay un ngayon ‘di ba? Si Kris Aquino nga e ganun ginawa ke Baby James nya! E ako nga din dapat ganun kaso nanay ko apelyido e “Bagong Gahasa”, O nga! Ire naman parang laging pinagloloko e! O e hindi ngayon ang kukwento ko e!
E ‘di mo pa ba alam balita na, ha? E kasi nga joke s’ya! Laking joke! Joke na tinubuan ng paa, kamay, paa ulet, ta’s isa pang kamay, ta’s mata, ilong, bibeg, tenga, buhok, isa pang mata, ta’s isa pang tenga, ta’s etits at dalawang yagbols pare! Pero eto nga yung balita pare! Bakla daw yun! Ha? Nabalitaan mo na? E panis ako, pero yung tropa ba nu’n kilala mo? Yung isang chick na mapuwet? Tsaka yung isang parang ewan, babae pare, yung tawa lang ng tawa? Oo pare! Pero cute yun e. Tsaka yung isang mataba na lalake? Malaking bulas! Yung nadulas sa hagdan ta’s gumuho ang PHAN? Hehehehe Oo!
10 things said:
mas pangasar ung pangalawang parte, lintek, hahahaha!
hahahahahahahhahahahahahahahahahahahahaha
natatawa pa rin ako, kahit pangalawang basaa =)) :)) =))
naririnig ko talaga yung...
"u-LuuUuuuL!!!"
(anong walang kinalaman sa tunay na jammin.. ang laki ng kinalaman sa tunay na jammiN! wahahahahah)
ay dagdag,, nakakatawa yung force field wahahahahahahahahahha ang dami pang nakakatawa e, kaso, di ko na maalala, ang naalala ko na lang, nakakatawa wahahahahhahahahaahaha
nyahahaha - buong baranggay ko natawa :P pati aso ko.
hmm, mukhang hindi siya fiction... (ehehe, pasintabi lang)
Nice... kakatuwa talaga...
hindi joke itong gawa mo! Maipagmamalaking tunay!
LOL!!! ROFL!!!
kala ko ba ayaw mo yung word na "ulol?"
nung last time na tinext kita na may ulol pinagalitan mo ako eh.
nga pala.
nadugas na ung cellphone ka na un.
gago kasi ung laglag barya gang eh. sarap i-castrate tapos ipakain sa kanila ung ari nila. hehe.
sun cellular na ako ngayon eh.
Haha! Ang galing, siyang -siya. Sana magawan mo rin ako ng ganito kapag nakakilala na tayo... hehehe... joke
Be careful what you wish for... Muahahahahaha! basahin mo pa yung ibang parts, (favorite ata ng madami yung part two)
tinatakot mo naman ako. Haha! pero nakakathrill.. paano kaya bibigyang buhay ni estong dakila ang personalidad ko, HAHAHAHAH! Anyway, nabasa ko na rin yung iba, ang ganda, para talagang point of view ng iba, cool , hehehe
nakapagshift ka na ba?welcome na welcome ka na.the next norman wilwayco ka.sheet.laking karangalang tawagin kitang ganun.hahahaha.:))
talaga? malaking karanglan ba? ang galing ko talaga, muahahahahahaha!
Post a Comment