26 August 2007
Buo ang akala ko na ang Hayskul ay masaya at ang s'yang huhubog sa madami sa mga pipiliin mong paninindigan sa buhay, kung pipiliin mo mang manindigan. Pero tama lang pala ako sa kalahati, hindi laging masaya ang Hayskul, hindi para sa lahat.
Nalulungkot ako, madami din naman sa mga naganap sa Hayskul ko ay malungkot. Dahil siguro sa hindi ako talaga pala kaibigan o medyo weirdo at pakiramdam ko mas magaling ako sa kanilang lahat (mayabang, alam ko) kaya wala akong nabuo na lihitimong ikot ng mga kaibigan. Ume epal lang sa mga buong barkada na, at pakiramdam ko tropa ko na sila.
Pero hindi ko naisip ang mundo ng mga mas pinipiling kalimutan ang hayskul, ang mga naapi, naalipusta, o minsan pa nga e hindi talaga nag exist nuong hayskul. Maswerte ako at kilala ang apelyido ko sa paaralan dahil maganda ang record namin ng kuya ko sa paaralan namin. Maangas ako kasi kahit papano e matalino ako at may sinabi, kaya may angas pa akong hindi mag-aral, hindi mag pasa ng mga asayment, at kung ano ano pa kasi isa ako sa mga batang paborito. Paano yung sobrang average? Kahit sabihing basketbol lang alam mo kung magaling ka dun e panigurado hindi ka left out sa hayskul, kung matalino ka, kung magaling ka sa kahit isang bagay man lang o kung teacher's enemy number one ka pa, may buhay ka sa hayskul na pwedeng balikan.
Mahaba pa ang kumentaryo sa hayskul, pero hindi ko pa pwede tapusin ngayon, hihintayin ko pa mga reply nyo.
5 things said:
totoo, ako di ko nagustuhan high school ko, pero ok lang din naman kasi wala na akong magagawa. ahahaha
I like my freshman and sophomore years! They were so fun, less responsibility and more time to hang-out with friends.
3rd and 4th year? I'd rather not comment about it.
"That part of life that made me what I am today is what they call the "most fun part of everyone's life" and that was high school...And the society, which is cruel to ugly people like me, is threatening to take away my only last friend. And so it did. Because by second year, acne came appearing into every square inch of my face, and every second of the day people talk about my more horrifying appearance. And one day I realized I am now a loner, left alone to battle the cruel world that possess an invisible scourge that whips me and annihilates my existence, my life, my self-esteem....
Graduation was never a sorrowful phase in my life. It was a time to free myself from the bondage of cruel social typecasting and from the slavery of insulting. The moment the Aida march echoed thru the gymnasium signifying the exit of graduates, I promised myself that there would be a day of infamy for me when I will avenge myself..."
-excerpts from "Revenge of the High School Social Outcast",
by darkseraph84
hayskul.. wala lang.. nakalimutan ko na hayskul...
ako may mga parte langng hayskul ang kakalimutan, pero high school per se masaya.. (para sa'kin)
Post a Comment