27 September 2007
Originally ito ay para sa MPs10 at entitled na "Ang Burat ng Manunulat" inedit ko ng konti at tinanggal yung burat, titi, ihi at puke para maging katanggap tanggap sa Kom1, kaya ayan, yan yung mabait at maikling version nun.
Pinakapoging Manunulat sa Buong Mundo
Dati naiinis ako sa mga manunulat na nagsusulat tungkol sa pagsusulat, pakiramdam ko'y napaka self-centered naman nuon. Buti sana kung nagsusulat para turuan ka kung 'paano' magsulat, e ang kaso madalas walang 'paano' kundi puro 'gaano'; gaano kahirap, gaano kasaya, gaano karaming beses sila mag-edit, gaano katagal bago sila matapos ng isang gawa, gaano na kadami ang nagawa na nila at gaano ka taas ang ihi nila kesa sa ihi ko. Pero dahil ngayon e tumutulad na ako sa kanila nagdaadalawang-isip tulo'y ako. Gusto ko sapukin ang sarili ko kasi kinokontra ko sarili ko pero wala e, ok naman magsulat tungkol sa pagsusulat.
Nuong Hayskul ako tinawag ko ang sarili kong manunulat kasi madami na akong nagawang tula, kala ko ako na pinakagwapo sa lahat. Nuong pumasok ako ng UP e medyo pumangit ako kasi madami palang katulad kong nagpapanggap dito. Pero nuong nakilala ko si Prof. Jun Cruz Reyes e wala na, nagmukha na akong tsonggo at nawala ang kapogian ko, para akong ginulpi ni Superman, parang biktima ng hazing na sa mukha pinapaddle, parang tinapyas ang mukha ko tapois sinabit sa pader.
Paano ba maging writer? Madaming nagtangkang magturo n'yan (siguro dahil sa madami ding tulad kong makulit at gusto matuto), halimbawa ay isang writer na nagsabing madali lang naman daw, kelangan ko lang tumitig sa blankong papel hanggang sa may mga butil na ng dugo sa noo ko. Aba! Kung yun lang yun e simple nga! Eh kelangan lang tirisin ko mga taghiyawat ko e me dugo na sa noo ko, pati na din sa pisngi, ilong at baba ko, mukha nga lang akong stunt double ng Zombie sa Resident Evil:Extinction pero ok lang, kung yun ba magpapawriter sa akin e! E kaso hindi e, lintik naman yung nagsabi nun, nagpayo lang mali pa. Yun ang halimbawa ng maling payo sa kung paano naging manunulat.
Hirap pala maging manunulat kasi walang konkretong paraan, basta magsulat ka lang. Buti pa ang typewriter, simula't sapul na nalikha s'ya e may 'writer' na sa pangalan n'ya. Kelan kaya ako tatawaging “Ernest Angeles, writer” ? Sana hindi na magtagal.
E ano ba ang writer? Sabi ni Ser Jun, ang writer daw ay Tsismoso, Usisero, pakielamero at sinungaling. Akalain mo aalamin n'ya ang kwento ng kung sino-sino, pakikielaman nya mga buhay nuon at mag iimbento pa ng storya! Sabi ni Bob Ong, nuong sinulat daw n'ya yung “ICE 4 SALE” e propesyonal na s'ya kasi may bayad na. Kung tutuusin e hindi pa ako writer, propesyonal man o hindi kasi wala pa akong nauuto, at madam sa sinusulat ko e akin lang. Sabi din ni Ser Jun, “Kung ayaw mo ibigay ang sarili mo, walang aangkin sayo.” sa madaling salita hindi ka magiging writer.
Ayan, hindi pa ako manunulat. Pero huwag ka muna kumontra, kasi hindi pa. Hindi, pero may PA! Pwede PA! May Pag-asa PA! Ok? So hindi pa ako susuko may mauuto din akong maniniwalang writer na ako.
Basta ako, magsusulat nalang ako. Tungkol man sa lumulutang na isipan o sa lumulutang na tae sa kanal. Tungkol man sa ibong may layang lumipad o sa taong walang layang magsalita. Kahit ano, basta may nagtyatyaga pang bumasa. Paano maging manunulat? Hindi ko parin alam. Sino ang manunulat? Ang alam ko lang, hindi ako yun. Minsan iniisip ko tulo'y nagsasayang lang ako ng papel, pero sana naman kahit paano sa sulating ito e nakumbinsi kita na sa susunod na makita mo ako (ako yung matabang kalbo na laging namumutok ang bag sa gamit at nakatanga kung saan para mag panggap na writer) e bulyawan mo ako ng ganito: “HOY! TANGA!!! Huwag kang mag drama d'yan! Magsulat ka na lang at nang matuwa pa ako sa'yo!” ayun, salamat sa pagbabasa.
7 things said:
tine, nabasa mo na yung mas magandang version nito e.
hahahaha, "mas maganda" na version :))
kasi di censored =))
Unti-unti naman ay nakakapang-uto ka na rin ng "mambabasa" (haha! Ba't may quotation marks? wahaha! Questionable pati mambabasa mo. =D)
Reiterating...
o nga, reiti, er, reitire, er, raitira, err... ano nga ibig sabihin nyan?
ayos..
napaisip tuloy ako, bat ko nga ba sinesensor ito? hindi ako dapat nagsesensor.
Post a Comment