Wanted: Dead, Alive or Zombified (Wag ka Maniwala, Wala ka talagang Kwenta)

18 September 2007

Magiging Writer ka.
Sabi ko sa sarili ko 'yan, naniwala naman ako, utu-uto!
________________________________________________

Sige eto na, labas na ng insecurities, labas na ang pinaka pangit na baraha, tama na ang pagpapanggap na straight flush kahit na two pair lang naman talaga.
Hindi ako kasing galing ng kailangan ko maging, hindi rin ako kasing galing ng iniisip n'yong galing ko kasi wala naman talagang kwenta yung kwento ko, akala ko lang ang galing-galing ko. kasi kahit pano ko pilitin hanapin ang potensyal ko e hindi ako makagawa ng kwentong singanda ng tunay na kwento (o kahit man lang pede na itabi sa gawa) ng mga Idol ko. Huwag ka kumontra! hayaan mo munang mag paka insecure ako, para mo nang awa.

Kasi ganito nga, wala akong fall-back kasi wala akong ibang alam gawin kundi ito lang. At least kung magaling man lang ako maggitara pwede ako mag rockstar, o kaya kung anak mayaman ako e pede ako mag indie director, o kaya kung pogi ako e pede ako mag model, Kung maskulado ako pede din akong mag-call boy (call center Boy, ikaw ha!).

E kaso nga, hindi e, poseur lang ako.

Kailangan ko maging magaling, at mabilis. Nagmamadali ako, kasi dapat prodigy ako, kasi dapat bago ko magbente e nationally published na ako, dapat pag trenta ko e nomadic na ako at hinahanting na lang ako ng pubisher o editor ko para sa mga manuscript. Kailangan matuto na ako, kailangan kong tumanda ng twenty years within two years. Oo, alam ko hindi posible, alam ko sasabihin mo, wag ka magmadali darating din yan. Oo, alam ko ding sasabihin mong magaling naman ako e, wag nyo na kong bolahin, hugis bola na nga ako e. Pakshet.
_______________________________________________________

Kaya siguro hindi ako gumagaling kasi wala akong gawang tinatapos, tignan mo, open ended nanaman, sige, murahin mo na ko, perfect moment.
_______________________________________________________

By the way, Happy birthday to me.

3 things said:

Jammin Tanioka said...

heh, tangina mo! (yes nakamura din ng may permiso!!! ayos!) happy sad birthday to you pare!
onga, hindi ka naman talaga magaling e, sobrang walang kwenta yung mga kwento mo. tsk. hindi ko
nga malaman kung bakit naaapreciate ko yung mga gawa mo e. Siguro dahil kaibigan kita, at tanga lang
siguro ako sa pagkilatis ng mga kwento. Pero palagay ko hindi dahil dun, siguro naaapreciate ko yung
mga kwento mo kasi sa akin at sa akin lang (oo, inaangkin ko ang appreciation ko sa lahat ng bagay)
kapag may naintindihan ko kahit walang kwenta, kadalasan kikilatisin ko muna bago ko purihin, pero
alam ko naman sa kahit anong pagkilatis ko sa mga kwento mo, eh kwento mo yun, wala din siguro
akong mapapala kundi yung satisfaction na baka ma-falsify ko yung kwento mo. Kaya sasabihin ko nalang na
'ok lang' o kaya naman 'i like it'

ayun, moral ng istorya, ang "straight flush" ay dapat "straight flash".(eheheheheheh) ang pagsulat hindi para sa sarili mong
pangingilatis kundi sa pangingilatis ng taong makakabasa nito. Kung sa tingin mo pangit gawa mo, at kung inaakala mong
hindi ka magiging magaling na writer, conceited ka. yun lang. (ang haba e noh)

_Stine Olivar said...

happy berdei uli..

18 ka na,, matanda ka na, kailangan mo nang gumaling,,, tsss,, kaso di ka magaling,,
kaya wag ka na mag mps, wala ka ring fall back dyan e..
joke lang yan,,
i-elective mo na lang yan.
sayk ka na lang,

nyahahhaahhaahhahaahahahahaahaha

o kaya magdonate ka nalang ng atay, kidney o ngipin,, pera din yun..

o kaya, copywriter,,, tssss... aaawww.... aray.. matatanggap mo ba yun.

ay! pwede ka sa perya bot!


_______________________

okei,, sabi mo e,,

mohico presbitero said...

Happy birthday to you.. buti ka nga alam mo kung anong gusto mo e.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger