29 October 2007
Panimula sa Simula (alanganamang sa huli, tek)
Sa wakas nahanap ko na yung material na para sa akin, pati na din yung imprimatur na ginagamit ko pala. Sabi ni Ser Jun (babanggitin ko sya ng paulit-ulit sa madami kong essay tungkol sa pagsusulat kaya masanay ka na) e hanapin ko daw ang aking material, ibig sabihin yung laman ng sinusulat ko. Lintek, akala ko tinago nya yung bolpen ko't papel at naglalaro kami ng hanapan gamit pero syempre joke lang (syempre alam mong joke lang bukod na lang kung isinilang ka sa kagubatan ng ina mong Chimpanzee). Tang na, eto na nga yata yun, pati na yung imprimatur o sariling istilo ko nahanap ko na.
Ang nakita kong posibleng material ko e ang mga timang na tulad ko, yung tineydyer na nagmamadali tumanda at paimportante. Yung tipo bang akala nya abot na ng titi nya pwit nya (SEXIST!!! alam ko, naunahan na kita) pero totoo lang e hindi pa naman lumalagpas sa bayag nya, gets? (Kung wala kang tite at bayag e maiintindihan ko kasi baka babae ka o kaya trip mo lang wala kang bayag o ano, o baka asexual monster ka, o baka naaksidente ka nung kabataan mo at naipagkait sayo ang ligaya ng pagkakaroon ng genitalia. Kung wala kang puwet e baka naman may sakit ka at colostomy bag ka. Ang haba naman nitong naka parentheses na ito, isang paragraph na) Kung hindi e humanap ka muna ng picture nun para maintindihan mo yung metaphor. Okay na? Good, so ayun na nga yung material ko (yung tineydyer hindi yung pwet) kasi nga yuon ako. Tipo bang nag eexplore ng lahat ng uri ng kagaguhan, nagrerebelde, nasasakal, nananakal, nagbabakal, nangtatakal, nagkakalakal at nagkakalkal. Yun ako e, kung tatanungin mo tita ko sasabihin nyang ako ay trying hard magpaka Bad Boy, at hindi sya nagbibiro galit nya sinasabi yan nagpaparinig, nangungutya, nanakit, wala kasi syang pakielam kung paano nya sabihin, kahit na nakakapanapak ng angas (ego), na o-offend ako dun, pero tang-na hindi ka pwede sumagot na nakatatanda, pigilin hangga't kaya, yun ang kwento ko, yun ang kinukwento ko
E yung istilo ko? Sows ginoo ang simple lang tol. Tignan mo yan [insert-arrow-pointing-up-here] yang lahat ng yan, basahin mo a? Ganyan ako, redundant, kalat-kalat, sobra sobra gumamit ng eksampol at metaphor, biglang magbibiro out of the blue, puro kumento sa parentheses at laging supot.
1 things said:
hahahhahahah natawa ako sa mga sinisingit mo a.. hahahhaahaha
tae.. wala pa kong sinasabing sexist sinabi mo na,, ok sige nag imply ako na ako yun wahahahhahahahahaha pero di ko ibabanat yung dun sa statement mowwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww,, di naman mukang sexis eeee ~_~
Post a Comment