22 October 2007
Tumutugtog ang Eraserheads sa utak ko, "Minsan sa may Kalayaan tayo'y nagkatagpuan..."
Pero hindi kami sa Kalayaan nagkatagpuan, sa Assumpta, ang mga unang hibla ng maari kong tawaging kaibigan.
Si Anselmo, nag away kami ni Anselmo nung isang araw, bertdey nya, hindi ko naalala at ang lakas nya mangonsensya. Tsk, nag bago na nga yata ako, hindi na ako ang Ernest na kilala nila, hindi ko alam kung sa ikakabuti ba ang pagbabagong ito.
Kaklase ko sya nung second year at fourth year, tsaka mistah ko din sya nung COCC nung third year. Payatot sya at maliit lang, mapili sa salita. Kaibigan ko sya kasi kahit tarantado ako maangas at kung ano-ano ang napagtitripan e pinagtyatyagaan nya ako. Naalala ko nung naiputan sya ng ibon nung second year, nung gumagapang kami nung initiation nung third year at lahat ng piktyuran namin nina Regie at Jepoy nung retreat nung fourth year. Naalala ko din yung lakad namin isang pasko na inikot namin ang buong bulakan para puntahan lahat ng babae nya. heheheh, nakadami naman kami. tol, sori na, bati na tayo, libre kita beer.
Si Jepoy, hindi ko na maalala nung huli ko sya nakita, ang huli kong balita ay nag drop na sya sa pag-aaral at hindi ko na alam ang kasunod. Sayang kasi ito yung tarantadong ginawan ng formula yung Mind puzzle ko tungkol sa tatlong sabungan. Math Genius at Pilosopo, talagang pinakikinabangan nya ang utak nya kahit minsan mag divert sa common sense basta magkapagisip lang sya ng the most mind grueling way possible to solve a problem. Naging slang na nga namin nuon na ang extended method to solve a math problem e "The Jeffrey Way". Ako lang ata nagbansag sa kanya na jepoy, kasi Jeff, Jeffrey, Pondevida o kaya Ponde talaga ang tawag sa kanya pero ganun talaga e.
Naalala ko yung paborito ko sa isang milyong debate namin na pareho kaming hindi umaaming natalo (sa tingin ko panalo ako, sa tingin nya sya). Yung minsan asa SM Marilao kami, kung bakit e hindi ko maalala, kumakain ng french fries nung pinag awayan namin kung ano mas masarap, may catsup o walang catsup, sabi nya wala, sabi ko meron. Antagal naming nag aaway hanggang sa naubos na yung fries, hanggang ngayon hindi pa kami tapos mag debate. Tsk, tol, sabi ko sayo mag arkitekto ka.
Si Earl Ryan Napo, sabi ng madami e pogi daw sya, pero hindi ko nakikita yun, ang nakikita ko sa kanya e yung itim ng balat nya, talagang maitim, maitim pa sa itim. Sya yung perfect example ng tall, dark and merry christmas. Varsity sya sa Basketball pero mistah ko din sya, matibay na COCC ito, kasi siguro singkwenta porsyento ng mga opiser e crush sya, kasama yung mga bading na opiser. Lahat ng gelpren nya e inabot lang ng sampung buwan yata, ewan ko lang. Kasabay ko ito kumain tulad ni Selmo nung mga panahong kumakain na ako nga tanghalian (dati hindi din sya kumakain, mula nung nagkagelpren e kumakain na kasi nagagalit gelpren nya). Sya din yung tinatawag kong 'bro' kasi lagi ko nga kasama, parang nahahawa na nga ako sa kulay ng balat nya.
tsk, sabi nya nuon e nakasama sya sa pelikulang First day high, bilang dakilang extra. Kasama sya dun sa mga nice guy na naka blue, naisip ko na mas bagay sya sa rebel guys na black kasi hindi na nya kailangan magdamit, kahit hubo sya e itim naman talaga sya. Ewan ko kung buhay pa tong isang to, siguro nakita na ng tunay nyang magulang na taga Zimbabwe. Bro! pag artista ka na para mo nang awa mag pa exfoliate ka naman.
Hindi ko nga alam kung bat silang tatlo ang binida ko ngayon, e yung mga tropa kong si kiko, rod, regie, jhune, von, kado, alex at iba pa e hindi ko sinama, siguro dahil nabobore lang ako sa harap ng PC...
4 things said:
waw prends
awwww....."naiputan" din ako ng ibon dati nung second year ako., wala lang...nakarelate lang., :P ansaya ng CO neh?., :]
teka, ano ibig sabihin ng "mistah"???., o.O
mistah, kasama sa militar, kasabay nag training, kabatak na CO, ganun Mistah, parang kapatid
Mistah, pelikula ni Robin Padilla,
hahahahhahahaha, di ba Angles? meron nun? astigity rin yun a.
Post a Comment