Ang Paskobligations at mga Ewan

24 December 2007

Madami akong obligations na may kinalaman sa pasko at sa gagawin naming selbrasyon dito. Iisa-isahin ko lang yung mga naaalala ko pa.

1. Bumili ng Pitsi-pitsi, at Sapin-sapin. Masarap kasi yung pitsi-pitsi sa Congressional, yung sa Arny-Dading's. Talagang masarap, lalo na kung keso ang Topping. Kung hindi nyo alam kung ano ang Pitsi-pitsi ay sabihin nyo sa akin at bibili ako at dadalhan ko kayo pag pasukan na. Yung Sapin-sapin binibili ko sa Dolor's Kakanin sa may Congressional din (malayo-layo), naknakan ng sarap kaya hanggang second floor nung restawran nila yung pila.

2. tumulong mag-luto, magluluto kasi si tita ng malupet na ispageti (na dinadayo pa ng mag kamag-anak) at fruit salad tsaka macaroni salad. Wala naman kaming ibang handa kasi alang ibang pera. Taga-hiwa lang ako ng bawang at sibuyas at seleri at kung ano-ano pa. Taga-ubos na din nung pagkain.

3. Bumili ng beer, isang kahang san mig light kasi ayaw ng tita ko mag red horse, ayoko din naman kasi nangangati ako sa red horse (literal).

4. Mag padala ng pera sa kamag anak sa Sorsogon. Utangna, ang haba ng pila sa M.Lhullier.

5. Mag-linis ng electric fan, kasi madumi at hatsing na ako ng hatsing.

 

Meron ding mga trip ko lang gawin, mas madami yata ito kaya nilista ko din.

1. Bumili ng CD ng Parokya ni Edgar, nakita ko lang bigla, di ko inasahang meron na pala silang bagong album. Dapat gagawin lang namin ng kapatid ko yung number 2 e nakita ko kaya ayun.

2. Bumili ng Regalo para kay Tita, kasi trip ko lang. Bumili kami ng kapatid ko ng 2 in 1 cd set nung compilations ni Kris Aquino. Kasi fan ang tita ko nun.

3. Umuwi ng Bulakan para lang gumala sa SM Marilao kasama si Popoy at Kiko. Alam naman siguro ninyo na nakatira ako sa likod lang ng SM North EDSA, kaya malaking kagaguhan na pumunta pa ako sa Marilao para mag SM, pero pumunta nga ako para makita ko naman sina Jeffrey at Juliet (oo, sila nga si Popoy at Kiko, ang wirdo ko talaga gumawa ng nickname)

4. Tapusin ang mga Kwentong pending, merong tungkol kay Tinek, merong tungkol sa Pulis, tungkol sa mag ateng Tibak, tungkol sa Pulis at tibak, merong tungkol sa org na namamatay na, merong tungkol sa estyudanteng schizophrenic, merong tungkol sa Amnesia, basta madami, at kelangan nang tapusin. Meron ding tungkol sa batng gusto manalo ng Palanca samantalang wala pa syang matapos tapos sa mga binalak nya ipasa.

5. Bumili ng Hawaiian Polo, para may distinct look na ako (Lito Atienza ba o Raul Roco? dehins, ESTONG DAKILA!!!) tsaka kasi madali humanap ng Hawaiian polo na kasya sa akin.

6. Tumambay sa UP sa pasko kahit mag-isa. Gusto ko mag pasko sa lugar na pinaka komportable ako, at dahil hindi ako maka uwi ng Bulakan para tumanga sa kwarto ko  dun na ako sa second most comfortable place for me, sa Sunken.

7. Manood ng Filmfest movies, namely BANAL ni Christoper De Leon, KATAS NG SAUDI ni Jinggoy, at SAKAL, SAKALI, SAKLOLO nina Juday at Ryan. Gusto ko yung SSS kasi maganda yung KKK at mataas ang expectations ko kay Joey Reyes (ulit). Yung BANAL naman ay tungkol sa pulis kaya trip ko din kasi Action. Yung KATAS NG SAUDI gusto ko kasi maganda yung ideya, nakakarelate dito ang maraming pinoy.

Wala na ako maaalala (at tinatamad na ako mag-type) babay. Merry Pasko

11 things said:

mohico presbitero said...

happy Christmas..
sa likod ka lang ng SM nakatira? Dun din minsan nakatira 'yung kaklase ko e, baka nagkasalubong na tayo one time (i mean two) na nagpunta ko sa kanila.. ano ba 'yung lugar nila.. bagong pag-asa ba 'yun.. di ko maalala (O_o)

Trisha Torga said...

waw!!!., andami mong ginawa!!!., nakakapagod din ang pasko noh!., :P
ayos tita mo ah!!., go Kris Aquino!!!., XD
and i wanna see that Hawaiian polo look!!!., :P

kathrina viloria said...

uy pabasa nung gngwa mong kwento ah..un estudyanteng schizophrenic, bka nmn naghahalucinate lang un dhil sa studies..
uwi kau dito punta kau dito sa bhay.....meri christmas ernest...regards sa lahat dyan...

kathrina viloria said...

penge sapin sapin ng dolor's

_Stine Olivar said...

ang dami mong kwento bot a O_o.. at meron ako! woot! hahahaha.. kasama ko sa line uP!

-hhahaha nag hiwa din ako ng sibuyyas,, nakakaiyak tae...

-pag pasko din napepressure ako e.. kasi medyo hayblad mode ang ermats ko pag pasko,, trabaho kasi siya ng trabaho e... e siyrempre bawal ang nakatihaya pag pagod na pagod siya kakaprepara,, patay ang mahuli niya,,

- natupad yung sanken a :))

Ernest Angeles said...

sa mga hindi nakaka alam, tiyahin ko po itong nag koment na ito

Ernest Angeles said...

nahuli ka rin ba ng ermats mo? hehehe

_Stine Olivar said...

di pa ko nahuhuli, nahuli na ko hahaha

Trisha Torga said...

dito sa amin..nagpaparinig lang naman., makokonsensya ka din., hahaha., :P

Ernest Angeles said...

fataaaaay... hehehe


sarap talaga ng pasko, umuulan ng fagalet.

Heniwey, masarap mag sunken.

_Stine Olivar said...

hahahahah,, buti na lang yung misa nung pari ang sabi,, "wag kayong mababadtrip sa pasko!" hahahah pinaalala ko na lang sa mama ko,.,, kahit sabi niya e... ayun! :))

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger