22 December 2007
Nakita nanaman kita, hindi kita binati, bakit ng ba hindi? Teka, kailangan pa ba? Dapat pa ba? Nakalimutan na kita. Pero kung nakalimutan na kita bakit pa ba ako namomroblema ng ganito?
Minsan minsan nagagawa mo akong padalan ng mga mensahe, mga korning love quote, mga mesage na kung sa iba nanggaling ay agad kong idedelete. Bakit nga ba hindi ko dinedelete kung galing sa iyo? Dahil siguro nangangarap ako, nangangarap na hindi ito mensaheng finorward mo sa lahat para lang masulit mo ang Unlimited mo, na hindi ito random message sa inbox mo na na tripan mo lang ipasa. Nangangarap pa siguro ako na para sa akin talaga ang mga iyon, na nagpaparamdam ka din ng nadarama mong sumasalamin sa nadama ko noon. Nakakatawa, nadama ko noon, sinong niloko ko? Kahit konti, kahit hindi na eksaktong tulad ng dati, kahit na itanggi ko pa, alam kong may nararamdaman parin ako para sa iyo. Pero tulad din ng dati ay hindi ko parin alam ang itatawag sa nadarama kong ito.
Naalala mo pa ba kung paano ito nag simula? Madalas pa nga tayong mag-away noon, naging mortal na mag kaaway pa nga yata. Siguro dahil insecure akong may singgaling na ako sa english, siguro dahil know-it-all ka talaga, siguro dahil trip ko lang talaga mang-away, ewan ko. Basta alam kong sa di nag tagal ay naging magkaibigan tayo, ikaw na bagong salta sa Eskwelahang matagal ko nang pinaghahari-harian, ikaw na nag hahanap ng nakakatandang kapatid at ako na nag hahanap ng tagahanga sa pag papantasyang magaling talaga ako. Hindi ba't hiniling mong tawagin akong Kuya? Sana'y noon pa lang ay alam ko na, sana'y alam kong iyon na ang palatandaan na hindi na ako dapat humiling pa ng higit doon.
Paano nga ba tayo nag kailangan? O nag kailangan nga ba? O ako lang ba ang nailang? Siguro nga, dahil hindi ko mapigilang mahalata na nila ang nadarama ko sa'yo. Hindi ko rin mapigilang mag paapekto sa mga kantyaw. Kay lupit talaga ng mga tao sa paligid, hindi ba pwera ako ang hangal na torpe, ang nerd, ang geek, ay gawin nang kakatawanan ang aking nararamdaman? Patawad, sinira ko ang pag kakaibigan natin, lumayo ako, naduwag ako, natakot ako na ikaw ang lumayo kaya ako ang lumayo.
Sana'y nasabi ko sa'yo ang lahat sa loob ng isang minutong langit na hawak ko ang iyong kamay at hawak mo ang aking balikat, noong sa ilalim ng sumasayaw na ilaw at tugtuging nadirinig ko lang sa mga plaka ng lola ko ay kaharap kita, sapagkat pinaunlakan mo ako, sa isang sayaw. Sana may nasabi ako sa'yo higit pa sa "Alam mo, antagal kong pinangarap ito" sana sinabi kong may nadarama ako para sa iyo, nadaramang walang pangalan. May engkanto yatang naninirahan sa iyong mga mata, na nilapatan ako ng sumpa ng katahimikan, May mahika yata ang iyong ngiti, na nag pa ngiti din sa akin hanggang sa hangganan ng isang minutong langit. Sana'y hindi kita binitawan. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, nais kitang isayaw muli. Kung parehong kaliwa ang aking paa ay mag susuot ako ng parehong kanan na sapatos. Kung walang dancefloor ay gagawin kong entablado ang EDSA. Kung walang musika ay aawitan kita sa boses na hindi sa akin ,kundi sa nadarama kong walang pangalan, "At tayo'y sumayaw ng parang hindi na tayo bibitaw, Hindi bibitaw..."
Matagal na pala, akalain mong nakita kita muli. Sana dumating ang pagkakataong makita pa kita, isang beses pa, para ipabasa ko sa iyo ito. Matapang na ako ngayon, kaya na kitang harapin, kaya ko nang tangkain pangalanan ang nararamdaman ko sa harap mo. Sana pag dumating ang pagkakataong iyon ay magawa na nating tawagin itong PAG-IBIG.
11 things said:
awww~ hehe
ang iko-comment ko sana e "ganyan talaga.. una-unahan lang 'yan" (sa pag-bitaw) kaya lang bigla nagbago kasi nag-iba 'yung ending.. sana nga magkita kayo at makapag-disco na kayo.. all-day-all-night..
woot! 'pag nagkita kayo, magpa-party ka!
ang korni ko ngayon nakantutsa, pogaball...
ang sweet! pramis.
Iba to bot. Sa lahat ng naisulat mo, dito lang tumaas ang balahibo ko habang nagbabasa.
Magaling, hindi lang dahil sa magaling ka na talaga pero nanggaling ito sa IYO, sa IYO lamang.
panalo itong linyang ito, bot. Nakakatunaw ng puso.
salamat bot,
minsan mahirap magsulat ng totoo dahil natatakot tayong mahusgahan,
Malaking katapangan para sa akin ang blog na ito.
salamat talaga bot. nakaka encourage
salamat talaga bot. nakaka encourage
sana may ganito ka laging sinusulat. Masarap basahin ang mga post na ganito. Nagbibigay kasi ito ng inspirasyon eh.. na parang huwag tumulad o gawin ang mga bagay na hindi nagawa ng manunlat. :D
napansin kong pasitib lahat ng koment kaya feeling ko dapat pastib din ang koment ko.
PERO
Hindi ako yung taong pasitib ang pagkokoment sa mga blag, saaaw... here it is...
pogaball nga at nagsulat ka ng ganito, pero ok lang dahil mukhang matapang.
Mas maganda siguro kung dito mababasa ni _______ itong sinulat mo, at hindi mo ipapabasa sa kanya
at higit sa lahat...
TRY MONG WAG MAGING TORPE!!! (tsk, isa pa pala kong torpe no? hahahaha!)
GAW BOT! =D
pasitib naman yung koment mo ah! Salamat bot! Hwahahahahahaha!
Taena, ang galing ko, ako ba talaga to?
Post a Comment