07 December 2007
Ang Mga SSB, dakilang taga pag tanggol natin laban sa panganib ng holdaper, taga-habol sa kumakaripas na snatcher, nag babantay araw at gabi, SSB.
Oo, para silang power rangers, pero mas marami at iisa lang ang kulay. Nakakatuwa at nakakalungkot (oo, magkasabay talaga) na silang mga tinuturing kong tanging mapagkakatiwalaan sa oras ng panganib ay siya mismong aking kinatatakutan, kung hindi man ay kinaiinisan, basta iniiwasan lalo sa mga oras ng matinding pangangailangang mag labas ng sigarilyo, mag sindi, humithit.
Ang SSB, Saway Sigarilyo Boys ang bago kong taguri sa kanila. Hindi pa man nila ako nahihingan ng multa ay maka ilang beses na nila akong nasaway, sa parehong lugar, sa paborito kong puno. Lagi akong nakikipag debate sa kanila,
hindi bawal dito sa Sunken,
Bawal po sa buong UP,
saan pupwede?
Sa labas ng Campus.
Sa dulo ng bawat usapan ay iisa ang dulo, papatayin ko ang sigarilyo dahil ayoko silang mapahamak, trabaho ang sinusunod nila, bisyo ang sinusunod ko. Bagamat sila ay aking kaaway, hindi ko mapigilang isipin, sila ma'y apektado, siguradong marami sa kanila'y naninigarilyo din. Saka ko lang naisip, hindi kami mag kaaway, mga biktima lamang ng isang desisyong ginawa ng mga hindi nakakaintindi sa aming pangangailangan.
Kung tutuusin, magkakampi pala kami, AYOKO SA NO SMOKING RULE, naiintindihan kong ayaw nyo din sa aming usok pero may madali akong solusyon dyan WAG KAYONG HUMINGA, maraming salamat.
3 things said:
hahahaha. Takas ka na lang. Sa tingin ko, ganun din yung ginagawa. :D
saway sigarilyo boys hahahaha
wala namang rule rule e.. wag ka lang pahuli... ang parang pinakapinagbawal lang naman e ang magyosi ka sa paborito mong puno sa liwanag hehehehe
hahaha., tsk tsk., san na ang freedom ng UP???
Post a Comment