15 January 2008
Hindi ko inaasahan na gagawin ko itong ginagawa ko ngayon, pero siguro nga ginagawa ko ito dahil gusto ko na lang tapusin ang lahat, o tanggap ko na na wala namang kailangan tapusin kasi wala namang simula. Na ako lang naman ang nagpapahaba ng kwentong walang conflict kasi walang rising action, puro falling action, puro climax kahit walang conflict.
Pero eto na nga, ipinopost ko ang sulat at tula na binigay sa akin ni Cindy noong Third year highschool na ginawa nya bilang response sa compilation ng mga tula na binigay ko sa kanya noong 2nd year highschool, matapos nya kunin ang puso ko, ipanguya sa kalabaw, ipadura sa kalabaw, patapakan sa kalabaw, tapos ipadigest sa kalabaw. Basta, ito ang favorite Christmas gift ko of all, kasi para sa akin talaga. Andami ko pang sinasabi hindi naman ito yung gusto no mabasa, heniwey eto na. (Sa mga hindi makarelate, may earlier posts yata ako tungkol sa kwentong ito) Hindi ko alam kung kabastusan bang i-post ko ang isang bagay na dapat sa aming dalawa lang, pero tingin ko habang tinatago ko pa ito ay masyado pa akong umaaasa na baka mag ka happy ending pa, hindi ko na dapat itago, labas na ang kwento. Mga Kaibigan ko, ang kwento ko ay kwento na ninyo. (Medyo tiniis ko na din na hindi ayusin ang grammar nya sa madaming parte tulad dun sa tamang pag gamit ng "nang" at "ng" lalo na sa tula, pero minsan hindi na ako nakatiis na hindi ayusin ang punctuation sa ilang parte dahil baka maiba na ang pagkabasa nyo.)
Yung SULAT muna, (nakasulat sa blue na stationary, hindi scented awa ng dyos,) yung first two lines ay kinowt nya mula sa first page nung bigay ko sa kanya.
Isang taong pagkikimkim...
"Then let it not be true love, let it be a feeling of sadness that my soul cannot resist"
-Silva (silva pa ang ginagamit kong psuedonym noon)
Nakakakonsensya naman front page pa lang kinokonsensya mo na'ko... As I read your thoughts about me I realized na nagkamali pala ako! Dapat hindi ako nagbitiw ng mga salita na maaaring makasakit sa damdamin ng ng isang tao gaya ng sinabi ko sa'yo.
I'm really sorry about that... alam mo I do appreciate your thoughts... I thank God na maraming nag mamahal sa akin!!!
Hindi ko man masuklian lahat ng pagmamahal na 'yon andito namana ako bilang isang KAIBIGAN (sya ang nag all caps nyan, hindi ako) siguro naiintindihan mo naman na friendship/my friendship is the only thing I could offer... Promise I would be a very good good friend of yours
Sorry for the times na parang I hated U so much ha...
thanks ulit...
I will keep that!!! Silva
-Pretty Woman-
friend you can count on...
1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9 & 10
Yung TULA naman (nakasulat sa Oslo, may drowing na babae sa likod, chibi, tapos may nakalettering na THANK (vertical) sa left side at YOU (vertical pa din) sa right side.)
Hindi ko man masuklian
Ang pag-ibig mong tanan
Nandito naman ako handa kang tulungan
Sapagkat ako ngayo'y iyo ng kaibigan
Salamat sa Lahat ng iyong ginawa
Sa bawat pagmamahal at pagkalinga
Sa lahat ng alay mong tula
Salamat, hindi mo lang alam, ako'y natuwa
Patawad sa sakit na akong nabigay
Nasakan kita ng walang kapantay
Sobra-sobra ang pasakit na naidulot
Alam kong kahit paano'y puso'y may puot
Marahil ito na ang panahon
Para tayo'y mag "move-on"
Mga bakas ng kahapon dapat ng itapon
Dahil hindi naging maganda ang nagdaang panahon
Andito lang ako bilang kaibigan
Walang problema sa akin yan
As long as makakaya ko na ika'y matulungan
I will do my best basta wala nang ilangan
Back to normal na po tayo
Matagal-tagal na rin po
May ilan taon na po ba?
Aay, basta ang mahalaga tayo'y magkaibigan na.
Don't drive your stakes too deep-
We're moving in the morning.
-Kurama
Kaibigan? Ewan, dito ko yata nakumpleto ang anatomiya ng isang Timang.
10 things said:
Kurama?Shuichi Minamino? Si Dennis? oohh... heniwey,, sa tula...
friends daw, ano bang pinagkaiba iba nun? hmmn,, timang? ngayon, i-define mo ang timang//
wow, galeng, friends na kami, husay. Saka ko na dedefine ang timang, kapag tapos na report ko sa Fil20, lintek.
:)) ikaw lang pala nagbasa nito, ever. ang cool.
baka natabunan nung time na yun,,,, ito,, baka umakyat uli sa updates nila
i doubt it, kung di mo binasa kasi hindi sya aangat sa updates
ha? @_@
kapag kasi hindi mo binuksan yung entry, hindi na sya mag papakitang muli sa updates mo.
buksan? or komentan? @_@
wala namang nagbukas nito, ikaw lang, ikaw lang ang nasa viewed this page.
aah.
Post a Comment