14 January 2008
May nahanap akong isang maikling essay na ginawa ko para sa Kom1, last sem pa ito, so counted na din sya sa luma. Gusto ko ito pahabain at gawing lehitimong essay, pro sa ngayon, eto na muna.
Maprinsipyo, Matatag, Malaya: Anghel na Walang Pugad
Hahawak ka, kakapit ka sa ilang bagay para sa maraming iba't-ibang dahilan. Maaaring pigilan ang sarili sa pagkahulog, o para mangapa ng sandata para sa labanang nais o di mo man nais ngunit kailangan harapin. Ngunit ako, minsan, kailangan kong kumapit sa lupa, at sa mga damong tumutubo dito para maalalang mas malapit ako sa lupa kaysa sa langit.
Prinsipyo, yan lang ang bagay na tinuro ko sa aking sarili, dapat parang lupang di titinag gayung uhaw na para sa ulan. Sa kabilang banda nama'y pinili kong maging isang mag-aaral na buhay dahon ng bulaklaking puno, magpapatangay 'pagkat 'di n'ya kayang mamuhay kasama ng bulaklak na umaasa sa kanya. Magpapatangay para lumaya, pero tulad ng maraming kabataan at mag-aaral nalimutan ko ring ang dahong wala sa puno ay hindi na dahon kundi basura. Minsan ako lang kinikilala kong otoridad sa sarili ko, pero mas madalas ko palang hinahanap ang gabay ng hangin para sa dahan-dahang pagbalik sa lupa. Ako'y dahon nga, ilalim ko'y lanta, ibabaw ko'y masaya.
7 things said:
ganda. ito yung tungkol sa dahon, sa basura. yung nabanggit mo.
waw dahon..
oo nga basura 'yung dahon pag wala na sa puno
naisip ko lang, nawawalan ang dahon ng purpose kapag wala sa puno, ang tao kaya? Kapag pinili nating lumaya at lumayo, Dahon din kaya tayo na wala sa puno?
honga, nakwento ko yata sa iyo ito, ganoon ako pag natuwa sa ideya ko, hehehe
may purpose pa rin siya, di nga lang pandahon,,, dahon ineexpect sa kanya,, dahon na susuporta sa puno.
pero dahon pa rin siyang pwedeng pangsiga, kainin, o dahon na nawala sa puno o kakayahan ng dahon na mahiwalay sa puno.
ang pechay bang nasa palengke basura?
good point, palakpak ako sa pag papalalim mo dun ah!
Post a Comment