Pramis

02 January 2008

Mga Pramis ko para sa taong ito.

Pramis, hindi na ako maninigarilyo pag nauusukan ang mga Tropa ko, kahit si Jammin (kase titigil na daw sya *ubo*). Yuon ay hindi dahil iniisip ko ang kapakanan ninyo, yuon ay dahil sa gusto kong ako lang ang unang mamatay para ako yung mangmumulto sa inyong mga tarantado kayo.

Sumunod, seryoso naman, hindi na ako mangliligaw ng tropa. Badnews e, (Pangako ko rin ito four years ago, tsaka, 3 years ago, at lahat ng taon pagkatapos nun)

Hindi na ako manonood ng porn Eight times a week, mga once a month na lang, pramis.

Hindi na ako kakain ng papel dahil sa trip ko lang. kakain na lang ako ng papel kapag tsinatsalends ako ng "Kumakain ka ng papel? Talaga?"

Aasikasuhin ko na pag-shishift ako, para makalayas na ako sa department na ito. Gusto ko na gumaan ang kalooban ko.

Hindi na ako magdadrop every sem, every other sem na lang. o kaya every other year.

Hindi na ako mang-iinis ng mga Graduating. Uubo na lang ako.

Tatapusin ko na ang mga sinusulat ko. Hahanapin ko na talaga si Ser Jun at mag papabasa ako ng gawa. Sasali na ako sa Palanca, mag papasa na ako ng manuscript sa publisher kahit na hindi nila tanggapin basta magsisimula na ako mag pasa.

Dadalasan ko na ang pagtetext sa mga tropa ko nung Hayskul.

Lalabhan ko na yung hamburger ko na lalagyan ng CD, tatanggalin ko muna yung CDs bago ko labhan.

Bibili na ako ng regalo, hindi na ako gagawa lang dahil nahihirapan mag-isip ng bibilhin.

Hindi na ako mag mumura sa loob ng bahay.

Gagawa pa ako ng madami pang pramis

Tutupad na ako ng pramis ko, pramis.

7 things said:

ging paguntalan said...

Hindi na ako kakain ng papel dahil sa trip ko lang. kakain na lang ako ng papel kapag tsinatsalends ako ng "Kumakain ka ng papel? Talaga?"

Matutuwa si Ate Romie :))

paul gallegos said...

hehe... not all the times e matutupad mo lahat yan...

may lulusot pa rin dyan... ;)

Jammin Tanioka said...

HAIRNESSt!?! ikaw? yang mukhang yan? nagpapramis?! ah ulul! =))=)):))=))=))
joke lang! weee!

Trisha Torga said...

gust ko ding sumali sa palanca!!!!., XD

sana nga matupad ang pramises mo!!!., :D

_Stine Olivar said...

yuon ay dahil sa gusto kong ako lang ang unang mamatay para ako yung mangmumulto sa inyong mga tarantado kayo.

-hahhaahaha unahan palang mamatay :)) =)),,, ready set go! lolx

Badnews e, (Pangako ko rin ito four years ago, tsaka, 3 years ago, at lahat ng taon pagkatapos nun)
-bakit badnews? :))

Hindi na ako manonood ng porn Eight times a week, mga once a month na lang, pramis.
-8 times a week? mas magaling ka pa pala pumuslit ng porno kesa pumuslit mag internet a,, hahaha,, o.. mas pinapayagan kang manood ng porno kesa mag internet O_O

Hindi na ako kakain ng papel dahil sa trip ko lang. kakain na lang ako ng papel kapag tsinatsalends ako ng "Kumakain ka ng papel? Talaga?"
-woshoo,, andyan ang siopao at cupcake,, tinutukso ka :)) para kang nagtatakip ng mata habang may bold =))

Tatapusin ko na ang mga sinusulat ko. Hahanapin ko na talaga si Ser Jun at mag papabasa ako ng gawa. Sasali na ako sa Palanca, mag papasa na ako ng manuscript sa publisher kahit na hindi nila tanggapin basta magsisimula na ako mag pasa.
-GAW BOT!

Lalabhan ko na yung hamburger ko na lalagyan ng CD, tatanggalin ko muna yung CDs bago ko labhan.
-hahahahahaha, ang kuyut nga niyang burger na yan,, kaso may connotation ako sa word na "burger",, heniwey,, maganda yat may bago ka nang pagdidiskitahang kainin

Bibili na ako ng regalo, hindi na ako gagawa lang dahil nahihirapan mag-isip ng bibilhin.
-woshooo,,, pag walang pera gagawat gagawa ka pa rin hahahaha,, kaso mayaman ka nga pala,,, kunwari ka pa, ganda ganda ng bahay niyo =))

Gagawa pa ako ng madami pang pramis

Tutupad na ako ng pramis ko, pramis.


-isama mo na sa gagawin mong pramis yung di mo pagtupad sa ilang pramis, hahahahah,, para hapi, :)) =)) di ka masasakal wahahahahahah

Roxanne Delay said...

nanood ka ng porn 8 times a week??? :D

go ernie! sa na matupad lahat!

Ernest Angeles said...

Wala pa ako na be break! sa mga pramis ko! Umabot ako ng Anim na Araw!

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger