Bagong Luma Series: Sanaysay noong Kom1

29 April 2008

Direksyon: Pumili ng isang tao sa classroom na nakakatawag ng iyong pansin. Ilarawan mo s'ya at ilahad kung bakit s'ya naiiba

 

Nakakatawa, ang taong hindi ko mapigilang mapuna ay ang hindi ko alam ang pangalan. Siguro dahil ang kapuna-puna sa kanya ay ang kanyang katahimikan, ang hina ng boses at ang kanyang pagsasalita, na tila bawat tunog na bibitawan ng labi n'ya ay maingat na pinipili ng kanyang isipan.

Dahil sa maingay ang klase, dahil sa pinipili ng ibang halos isigaw ang laman ng isip at minsa'y pati ang kawalan ng iniisip kaya't iba. Parang ligaw na nota sa piano ang tunog ng mahina at malamig n'yang boses.

Naalala ko tuloy ang isang karakter sa isang palabas sa telebisyon na kinagigiliwan ko noon, isang karakter na may kakayahang hindi mapuna ng iba pero napupuna n'ya ang lahat. Yung tipo bang kung hindi ka n'ya batukan ay mo pa s'ya mapapansin, perpektong espiya, mga nabubuhay na taong imbisibol kahit hindi naman. Para siyang isa sa mga uring ganito, pinipiling maging parte ng background, parang chameleon sa pader. 

Siguro ang hindi ko pagka-alala sa pangalan n'ya ay parte ng hiwaga ng kanyang pagkatao. Siya'y tila hanging nadarama lamang natin kapag dumaraan ngunit lagi namang nariyan, kahit di napupuna.

(ok, alam kong madami s'yang cliche at masyado matatas ang tagalog para sa istilo ko pero ganun ang ginamit ko kasi laging inaaway ni Prof. Antonio noon yung tagalog ko)

2 things said:

_Stine Olivar said...

heheheheh.. honga, medyo umilaw yung cliche. pero ayos lang, kasi kakaiba naman yung naparating, gusto ko rin yung ideya ng espiya..

Ernest Angeles said...

espiya, cool nga e no,

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger