UP Culture Quiz (from Torga-san)

03 April 2008

1. Ano ang student number mo? Gusto mo ba ito?
→ 06-12130, gusto ko s'ya mula nuong hindi na ako first year (kasi hindi na issue kung 06 ka pa) galeng kasi, dali tandaan.

2. Magbigay ka ng tatlong course sa UP Diliman na hindi mo talaga alam kung ano ang pinag-aaralan nila. Pwedeng magbigay ng rason kung bakit.

→ Women Studies, tapos exclusive sa women, weird, dapat boys ang mag women studies...
Kapampangan, ano to? Language elective o history?
TEAM BUILDING, wala, hindi ko talaga alam kung para saan ito.

3. Meron ka bang araw na wala kang break? Anung technique ang ginagawa mo para makakain ka?
→ wala, pero kung meron edi hindi na ako kakain para mangayayat ako.

4. Alam mo ba kung saan ang Teletubby Land? [Yung totoo, bawal bumase sa pinagkuhanan ng survey na ito]
→ hinde, ano yun? kung sino me alam maki kwento naman,

5. Nakakita ka na ba ng nagpi-PDA? Sa AS? As in sa AS Entrance? In Broad Daylight? In front of many people? Ikaw ba yung gumagawa nun?
→ Oo, Oo, Hinde, Oo, Oo, hinde.

6. Naranasan mo na bang dumaan sa Beta Way? Kahit madilim na?
→ Oo, Oo, masaya, ginagawan ka ng disco song ng mga kuliglig.

7. Alam mo ba na may 4th Floor ang FC?
→ Dinala ako dun ni Tinek, mula noon nagsusulat na ako duon.

8. Within the UP Campus, ano na ang pinakamalayo mong nalakad?
→ er... Mula Philcoa hanggang sa Power-up gym sa tandang-sora, counted ba yun?

9. Nakakuha ka na ba ng Freshie Subject Combo Meal? [Geog1 + Comm3]
→ Geog1 lang, tapos sumunod na sem Kom1

10. Sa tingin mo, bakit concealed ang profs sa Math?
→ Tingin ko kasi ayaw nilang mamili ka.

11. Nakakuha ka na ba ng Math prof na out-of-this-world?
→ Oo, si Prof. Ocampo, sobrang bait, hindi sarcastic, kaya out of this world.

12. Natatakot ka ba sa tumutunog na kuryente sa tabi ng EEE building?
→ hinde, matapang ako. 

13. Ilang individual libraries na ang napuntahan mo within Up Diliman? Isa-isahin.
→ konti lang, Main Lib (Gen Ref, Filipiniana, Social Sciences, Foreign Serials, Filipiniana Serials, Theses), Cal, Econ Lib, yun lang, yun Econ dahil pa sa Group meeting, nakakafreak-out ang buong aura ng lugar.

14. Nakanood ka na ba ng Oblation Run? At namukhaan na isa doon ay kaklase mo?
→ hinde, wala akong balak. ano naman ikatutuwa ko duon?

15. Nakakita ka na ba ng Atenean na nakatambay sa UP Campus? At naki-sit in sa klase niyo?
→ nakatambay lang, angas angas, sinuot ko bigla yung pin ko, "I SEE DEAD EAGLES" para maangasan din sa akin.

16. Nakakita ka na ba ng artista na nag-aaral sa UP? Saan?
→ Si Jericho Rosales, nag-aaral mag-skate board

17. Sa tingin mo, ano ang pinakamahirap na subject sa UP?
→ Philo, Tangco. Walang tanong-tanong.

18. Alam mo ba na tumutunog ang Carillon?
→ oo, nuong hindi pa nakakabit yung bells pinapatunog ko din sila sa pamamagitan ng bato at patpat.

19. Nakapasok ka na ba sa College of Music? Kwento mo naman.
→ Oo, ayoko ikwento

20. Nagpapic ka na kay Oble? Kung oo, confident ka ba na gagraduate ka?
→ hinde, hindi parin.

21. May College Shirt ka ba? Anu design?
→ Walang kumakasya.

22. Naranasan mo na bang mag 1vs100 sa CRS?
→ Oo, panalo ang Mob.

23. Naglalaro ka ba ng Guess the Course/Spot that Freshie kapag wala kang magawa habang tumatambay sa AS? Isinasabay mo ba ang Girl/Boy Hunting sa larong ito?
→ Muahahahahahahaha! Oo naman, freshman pa lang ako nag iispot the freshie na ako. Seperate event yung girl watching, wala akong Hunting, si Jammin lang ang may stalker tendencies.

24. Nangungulekta ka ba ng Kule? Ano ang favorite section mo dito?
→ Yung mga kolumnista, tsaka EP

25. Sino ang pinakastriktong guard sa UP na nakilala mo? Yung hindi mo talaga matakasan na wala kang ID?
→ sa Math

26. Nakukulangan ka pa ba sa ruta ng Ikot at Toki Jeep? Anung gusto mong ibahin sa ruta nito?
→ sana hindi na sila nagteterminal sa math...

27. Natatakot ka ba sa mga tingin ng mga nangangampanya tuwing Elections? Bakit?
→ Hinde, natatawa ako, lalo na pag nakita mo kung paano nila sineset ang mood nila bago mag RTR

28. May bura ka na ba sa Form 5 mo? Anu yon?
→ dati, chineck ko OLD RETURNING, e CONTINUING pala ako.

29. Nagkaprof ka na ba na laging wala sa klase tapos tinadtad kayo ng make-up classes sa end ng sem? Sino?
→ er, meron yata, hindi ko na maalala, sa English yata, si Queano, kasi nagpunta sya New York.

30. Alam mo ba kung saan ginagawa ang Blue Book? Gusto mo bang magventure sa business na ito?
→ Alam ko UP Consumer's Coop ang gumagawa, kasi yuon ang nakaprint sa likod nung book. Gusto ko magpaprint ng Komiks para sa PsycA sa ganoon ka murang halaga...

7 things said:

Trisha Torga said...

philo!., tangco!., *tawa* *tawa ulit* XDDD

Ernest Angeles said...

tawa ka dyan, hehehe, mabait talaga sa akin si ser. Lalo na sa labas ng klasrum...

kristine rementilla said...

tangco is love-accdng to my philo orgmates

_Stine Olivar said...

hahahaha panalo ang mab..

nagsusulat ka pala dun sa 4th flr, di ka nainitan?
hahaha

romiena albano said...

im gonna miss UP. haha. uuuuy, sama ako sa sem planning ha? itext niyo naman kasi ako. gumagana na yung telepono ko eh. ha? kasama ako ha? dadalihin ko na lahat ng PSYCA stuff na nasa bahay eh. para lumuwag naman ang gubat sa ilalim ng kama ko. tenchoo. pag ako di niyo tinext, lagot kayo sakin talaga. tapos di ko alam ang pauwi at papunta sa bahay nila ging kaya kailangan may kasabay ako. haha. please?

Ernest Angeles said...

yes mother...

romiena albano said...

very well said from a good son! haha! :)

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger