14 May 2008
Malay mo naman hindi pala ganun, mali pala ako, masyado lang ako makulay mag-isip. Hindi na kasi kasing dali ng dati na pwede ko na kaagad sabihin sa sarili ko kung ayos na ba o hinde, iba na ngayon, mabilis naman pala ako matuto. Kala ko naman timang na timang talaga ako, hindi naman pala pero bakit pakiramdam ko timang na timang parin ako?
Patagalin pa natin, patagalin pa natin, baka naman sa simula lang ganito. Baka naman mali ang basa ko sa mga pangyayari, sa mga salita, baka naman Tagalog pala binasa kong Ingles, Ingles pala binasa kong Intsik.
Penge namang payo, sabi ko, sabi patagalin ko pa. Di uubra, masyadong sablay, ang sagwa, nawiwindang ako paano kung bakit ba pumasok sa isip ko ito. Malabo, mali ko yata ito, dapat hindi pinapansin, parang halaman, wag diligan, wag paarawan, mamamatay din mag-isa, mamatay ka... mamatay ka... para mo nang awa dalian mo naman mamatay.
Whatever Makes you Happy,
Whatever You want...
Weirdo nga yata ako, mas mahina pa kesa dati, labo ko... patagalin pa natin. Dapat hindi ko pinapansin, binigyan ko pa ng lupa, hinayaan kong diligan ng ulan, bahala na. Patagalin pa natin, bahala na ang panahon kung lalantahin o gagawing puno, bahala na.
16 things said:
Ha? @_@ anong sinasbai mo? @_@ di ko naintindihan...
(at waw! bago na pala piksyur mo, may buhok na @_@)
uh.. porke ba nagbago na yung drowing mo sa sarilimo may nagbabago @_@<, di ako makaisip ng malinaw na konteksto,,
haha.. at nakacomment na ko, sandali na lang,, kokomentan ko na lahat ng gawa mo =))
nakow, kaya ko nga ginagawang vague no! (kaya ko pala magsulat ng vague...)
isa yang maliit na tuldok sa loob ng bilog ko...
heheheh.. masarap naman mag pakavague.. lalo na kapag tingin mo hindi static ang bagay na kinavevaguan nito.. mas ligtas.. pero hindi nawawala yung gusto mong sabihin.
hindi naman pala karuwagan, so steady lang...
Ernest... pag pinapatagal, ang alam ko hinahayaan lang tumagal ang PANAHON; hindi pinapatagal kasabay ng panahon.
lalim.. @_@
ba't galit ka? Huahahahahahahahahaha!
hamo na, hamo na.
sabi ko sa'yo e, sumakit ulo ko, huahahahahahahaha!
ahmmm... pag nahulog ka talaga sa malalim ta's una ulo, masakit tlga sa ulo un.
haha
Pish Ernest, pish!
Hindi ko rin naintindihan,eh. haha
ohhh... ngayon ko lang napansin... kagets-gets pala 'tong post ni Ernest.
Just one word. hehe...
Di ako galit, nag-e-emphasize lang. haha
Bunutin ko isa-isa yang umuusbong na buhok sa ulo mo,eh. hehehehe
ikaw naman ang hindi ko ma-gets...
wachutokin about?
walang nahuhulog dito... ahehehehehe
di ko gets nung binasa ko,, tas biglang kagets gets? @_@ hawhawhaw...
maniwala ka, nagegets nya yan. Kung merong makakagets nyan sya na yun, hehehehe
Post a Comment