(Inosente Lang Ang Namamatay)

29 June 2008

Wala na ang yosi,

Wala na ang apoy,

Pero meron pang usok,

At meron pang amoy.

 

Payo ng Gobyerno,

Banta ng Gobyerno,

Nakamamatay, nakamamatay.

 

Payo ng Doktor,

Banta ng Heneral,

Nakasasama, nakasasama.

 

Hindi ako masama,

Hindi pa ako patay,

Wala akong pinapatay,

Ang masama ay ang pumatay.

 

Meron na ulit yosi,

Binuhay sa apoy,

Panibago nanamang usok,

Bangkay ko lang ang aamoy.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger