Ang Pinaka Magagaling sa PBA

26 July 2008

Eto naman ay ayon lang sa akin, pangarap ko naman talaga bumuo ng dream team.

Coach: Yeng Guiao

Ok, kaya ko talaga gusto ang Red Bull dahil kay vice gov, magaling sya mag motivate ng players at napapahusay nya ang mga no name na manlalaro. Sinong coach ang gustong magsayang ng draft pick kay Fonacier nung first round nuong pumasok ito sa draft? Sinong coach ang nawalan na ng madaming star players (Miller, Tugade, Villanueva, Fonacier, Valenzuela) pero asa semis parin? Kaninong team ang pinaka pangit tignan sa stats pero pinaka nakakatakot sa court? Yung kay Guiao lang. Tsaka maganda ang style nya ng laro, nag-aadjust sya sa kung anong meron sya, di n'ya binabago yung player, kinukuha nya yung galing ng player at bumubuo ng istilo mula doon, the best!

syempre may mga runner-up, si Ryan Gregorio kasi magaling talaga sya pag mahabang series, marunong mag-adjust. Si Chot Reyes kasi marunong maghanap ng role players.

 

Eto na, first five ko.

Guard: Jimmy 'Mighty Mouse' Alapag

Sa kasalukuyan ay ang pinaka magaling na offensive point guard (aawayin ako ng fans ni Helterbrand), The Mighty Mouse does it all, score, pass, defend, score, score, and has great court vision too. Not as good as Olsen Racela sa larangan ng pagiging court leader pero bata pa naman e, pwede pa matuto, si Racela kasi ayaw lang naman mag retire pero gurang na talaga, pero sya naman talaga ang paborito kong sa point, lalo na pag kumukuha ng foul habang nagbabantay, artista talaga si Racela. Si Jimmy ang pinili ko kasi mabilis talaga, sobra, kahit sobrang liit, iniiwan nya lang yung malalaki nyang bantay nung Phillipine Team pa s'ya.

runner-ups! Jay-Jay Helterbrand kasi mapanira ng laro ng kalaban to, kala mo panalo ka na tapos BEHM! durog ka kay 'The Fast'. Tsaka si Olsen 'Rah-Rah!' Racela, dahil sa Olsen Racela technique of "paano mag-panggap na na-foul" at sa court vision nya na nagpapalaos sa kahit sinong batang point guard, pag nasa court ito, lahat ng teammate nya pwede makatira.

Guard: Mark 'The Spark' Caguioa

Nakanantutsa, ang galing ng batang to, kahit Red Bull pa ako mapapapalakpak talaga ako sa teardrop n'ya. Eto ang isa sa mga tunay na star player kasi marunong mag laro para sa team kapag kelangang kelangan na. Tunay naman s'ya sa kanyang moniker na 'The Spark' na pag maayos ang laro ni Mark, bilangin nyo na yung laban bilang panalo. Napapagaling n'ya yung mga kasama n'ya dahil sa aura n'ya (nagmumula yata sa dilaw na buhok). May presence of mind pa at mataas ang offensive at defensive awareness, basketball I.Q. baga. Pero ang dahilan ko lang naman kaya s'ya nandito ay dahil apat na sunod-sunod na vowel ang meron sa apelyido n'ya, ang sarap pa ulit-ulitin, Caguioa, caGUIoa, caguiOA, saya...

Hmmm... Dapat si Lordy Tugade lalagay ko kaso forward din s'ya madalas e, tska hindi na s'ya nabibigyan ng playing time ngayon unless injured si Seigle. Tsaka, wala talagang katapat si Spark, kahit si Cyrus Baguio, wala!

Forward: "Big Game" James Yap

Sus, mas sikat pa s'ya dahil asawa s'ya ni Kris Aquino, pero itong sigang ito ng UE ang isa sa pinakamaduduming Star Player sa kasalukuyang era ng basketball, ang bayolente mag laro! Pero bukod dun, sa kanya naman talaga dapat ang titulong "the man with a million moves" kasi hindi sya predictable tulad ni Joseph Yeo (at Joshua Webb, at Martin Reyes). Hindi rin s'ya masyado flashy tulad ni Marc Cardona. May Leadership na din ang lolo mo, consistent naman, nga lang hindi consistent sa bawat conference ang pagiging consistent. Ang bad news pa sa kanya e naniniwala sya sa pamahiin (pag natatalo, nagpapagupit), pero ang tunay lang naman na dahilan na nandito s'ya sa listahang ito ay dahil matapang s'ya at naninipa ng higanteng import.

Kinonsider ko din si Willie Miller o si Mac Cardona para dito, pero wala, Si James talaga the best. Si Seigle sana kaso opensa lang ang meron yun, lagi pang injured, tsaka mas power forward naman ang laki nun e.

Forward: Marc Pingris

Bakit si Pingris? hindi n'yo naitatanong nung Purefoods pa itong si Pingris ay s'ya ang pinaka ayaw kong player, sa simpleng dahilan na pag lamang na lamang na ang Red Bull ko ay biglang hahabol ang Purefoods, sa pamamagitan ng isang player lang, si Pingris yun. Ito ang pangalawa sa pinaka masipag na player na nakita ko sa PBA (una si Topex Robinson), asahan mo na sa rebound at sa pag kuha ng loose ball, sa pag kuha ng points at sa pag kuha ng foul. The best, nambubutata rin ito, pero hindi masyado. Tsaka mas magaling talaga si Pingris kapag nanonood si Vic Sotto ng Live.

PF? Si Danny Ildefonso ay talagang defense-man at maasahan sa ilalim, handa pang makipag suntukan kung kelangan. Si Rich Alvarez naman ay special mention dahil sa laki ng potential na maging Nic Belasco pag dating ng araw, pareho pati silang kalbo.

Center: Asi "The Rock" Taulava

Rock nga e, ang bumangga, giba. Sa pagtanda ni Asi ay tumalino rin ang kanyang paglalaro, at hanggang ngayon asahan mong hahalik ka sa hardwood pagkatapos mong makausap ang kanyang braso. O sige, wala kay Asi ang mga marka ng bagong center, may three points, may mid-range, hindi lang basta post-up. Si Asi, post-up lang talaga, pero meron ba, dito sa pinas, meron bang local na kaya syang bantayan ng one-on-one sa poste? Kahit si Ali 'Man-Mountain' Peek hindi kaya.

Sige, runner-up si Kerby Raymundo dahil sa pagiging versatile na center, hindi pa nagpapabaya kahit may import na.

 

hmmm... parang kulang ah, sige, next time ilalagay ko na ang dream team ko. babayu!

6 things said:

_Stine Olivar said...

okei.. di ko sila kilala, at bopologs ako sa isports,,,,

ah eh,, kilala ko si caguioa! haha.. yung batang uhugin,, sabi ng erpats ko,,, nakita ko rin ata yung mga lapida nung kamag anak nya dun sa probinsya namin..

gab(",) de leon said...

ayoko kay pingris, ayoko kay cagioua. something with the attitude thing siguro :)) si seigle, taas tumalon kahit mataba. haha. pero ok ako kay cyrus baguio. guy jumps, up up and away, and can shoot from outside too. now that's versatility. heehee :D

Ernest Angeles said...

well, yeah, I have a problem with their attitudes too, but you have to admit they're great, really great, players.

Cyrus should STAY in Red Bull.
Seigle, injury prone, much like Samboy Lim.

Ernest Angeles said...

walang ya...

gab(",) de leon said...

true... until you include jaworski, lim, patrimonio, caidic, lastimosa, paras, and the rest of the lot. hehehe.

yes, cyrus oughta stay there, utang ng loob na lang kay yeng guiao, na syang nag-develop sa kanya... pretty much goes for any red bull player, though, enrico and larry and junthy and celino cruz and... *gasp* pennisi...

Ernest Angeles said...

Rico walang utang na loob, yabang kasi.
Larry, Lordy, and Junthy practically were traded despite the best interests of the coaching staff (i hate the management)
Can you believe it? Pennissi is the guy in the superstar trading slot for Red Bull, meaning if they want to trade Mick, they can only trade him for stalawarts like Seigle for Magnolia, Caguioa for Ginebra, or Miller from Alaska. Wala talagang superstar ang red bull, si Mick na lang ang nilagay.

Yeah, maangas pa si Caguioa kesa kay Jammin pero may pinaglalagyan naman yung angas, may pinanggagalingan din. Pero kung itatapat mo yan sa greatest guard ng PBA (nuong prime nya) na si Johnny A. panis kang spark ka.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger