From Jun, with Love

06 July 2008

[Yipee! Mail]

[Drafts/Unsent Items]

[sandyheaven@yipee.com]

Sa pagbagtas ko ng North Avenue kanina naalala ko ang pagbagtas natin sa sarili nating lansangan, tayong dalawa at ang ibang pasahero sa iisang jeepney. Naalala ko yuon, nakaupo tayo sa magkabilaang upuan ng jeep, sabi ko sa'yo "dito ka." tumabi ka sa akin, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na ganyan ang lapit mo sa akin. Hindi mo alam, walang malisya sa iyo, wala rin naman sa akin, saya lang ang meron.

Ang lapit mo, hindi ko na maalala ko kung saan ako bababa, kung saan ako sumakay, kung ano ang gagawin natin, kung saan tayo pupunta, kung bakit tayo magkasama, na may kasama pa pala tayong iba, ang alam ko lang kasama kita. Nakasampay ang kamay ko sa baras ng bintana ng jeep, sa likod mo, kung maari lang kitang akbayan ay ginawa ko na. Pero kaibigan kita, hindi dapat, kilala ko si Chino, mabait si Chino, mahal mo si Chino, mahal ka n'ya, kaya hindi dapat.

Parang pinipiga ng mga kadenang yelo ang puso ko, pero hindi masakit, hindi rin naman masarap, kakaibang pakiramdam, marahil ito na ang pinaka malapit na mararating ko para madanas ang sinasabi nilang masarap na bawal, ang malayong akbay.

Sana hayskul na lang ulit tayo, sana pwede ako gumising at malamang lahat ng anim na taong buhay ko ay panaginip lang ng isang first year highschool na ako. Sana pwede ko iwasan ang mga pagkakamali, sana maaari ko pang unahan si Chino. Pero hindi na, eto na, masaya na ako ng ganito. Masaya na ako dahil tanggap ko na, mahal kita, mahal ka nya, mahal mo sya, malinaw na sa akin ang papel ko, dito na lang ako. Dahan-dahan kong inurong ang kamay ko mula sa baras, dito lang ako.

5 things said:

_Stine Olivar said...

ang galing naman neto,, medyo nakak-~_~ sa unang basa,, pero maganda naman ang ending,, tamang tama lang ,,

Ernest Angeles said...

nakaka what?

_Stine Olivar said...

nakaka-~_~

Ernest Angeles said...

define ~_~

_Stine Olivar said...

its unspeakable.. hahaha..

ang hirap..~_~

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger