Isa Na! NU, tinambakan ng UP Fighting Maroons!

06 July 2008

Asa Araneta ako kanina, katabi ng pep squad drummers, kasama ko ang utol kong taga-FEU. Gen Ad, binalak ko mag pa-upgrade to Upper Box B. Wala na palang upuan, sayang, kaya gen ad na kami, katabi ng pep squad, nakakainis ang mga taga-la salle kasi daan ng daan sa harap ng inuupuan namin, tangnang mga rich kid, nagdala pa ng mga mat para hindi maupo sa semento ng gen ad bleachers (so yucky the floor) walangya.

Nagsimula ang laban, mahusay ang pinapakita ng NU, mukhang naihirapan pa ang UP lalo na sa pagkuha ng rebound. lamang ang NU ng matapos ang unang quarter. Tuloy ang ingay ng UP crowd bagamat lamang ng siyam ang kalaban bago tumunog ang buzzer. Hindi pa nga tapos ang quarter ay pinapaos na ako, ang utol ko naman ay tili na lang ng tili dahil wala syng alam na UP chant. Minumura ko na sa isip ko ang number 6 ng kabilang team.

sa ikalawang quarter ay nahanap ng UP ang ritmo, humabol at lumamang pa nga ang mga iskolar ng bayan. Palakpak ang pabuya ko kay number 6 ng Up, magaling sya at masipag na defender, kahit hindi sya ang first option sa scoring ay marunong sya magpatakbo ng opensa. Natapos ang quarter ng lamang ng sampu, ata, di ko na maalala.

Akala ko hahabol pa ang NU, kaso napanis sila kina number 14, maganda ang depensa ng maliliit at mahusay sila sa agawan buko. Nakakatuwa na mula first quarter ay madalas nangyayari na mag mimintis ang UP sa free throw pero makukuha pa ng mismong nag free throw ang off. rebound para maka iskor pa ng dalawa o tatlong puntos pa nga minsan. Lamang na lamang parin natapos ang quarter.

At dito, wala nang binatbat ang NU, ayaw na nga yata nila mag chant, na adapt na ng UP ang Bedan wave (madalas kasi gawin ng mga bedista ang wave). Nagkaboses na ulit ako, umaabot na ng dose, katorse ang lamang, at dama na ng lahat na sa last two minutes ay wala nang habol ang NU, pero hindi naman nagpabaya sa depensa ang UP kahit sa dulo, (bagamat naknakan ng dami ang turnover). Panalo, 86-72 yata, kung tama ang alala ko. basta katorse lamang. Pinaos ko ulit ang sarili ko.

Panalo tayo mga P're, mukhang hindi na ganoon ka imposible.

12 things said:

Ramil Javier said...

What a start!

gab(",) de leon said...

yeah! we're ensured of a better finish! :)) UP Fight! i love trish roque! :))

paul gallegos said...

i don't wonder... aga naman kasi napupunta sa penalty ang NU e... at tight defense talaga...

naku... sayang si de asis... kaunti lang naiambag niya... karamihan sa mga sophomores ang puntos... esp. si reyes...

gab(",) de leon said...

now if they made more of their free throws, super tambak na 'no? hahaha

Roxanne Delay said...

yey! :D

paul gallegos said...

that's we called partida... malala free throw shooting ng mga taga-up e...

Ernest Angeles said...

i dont wonder? (checks grammar book)

Ernest Angeles said...

You're forgetting, many of the times we missed free throws the offensive rebounds went to us, and we got more points for it, galing ng Maroons. Rebound and defense, I applaud number 6 (small bald guy) for being so damned hardworking.

Does anybody know his name? Sa Araneta kasi hindi ko nadidinig ang commentator (go Magsanoc!)

Ernest Angeles said...

tinignan nyo ba sa stats? di naman masagwa. maayos naman, yun lang pinapansin nyo e.

gab(",) de leon said...

that's arvin braganza, number 6, ernie. hey, gamboa had one of those off-rebounds off a missed free throw, which he threw in for a three.

and, oh, reyes was on FIRE.

Ernest Angeles said...

thanks

_Stine Olivar said...

news writing,, hahaha dat may pagka,, binuhusan ng pintura ng maroons ang.. === hahaha

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger