Kwent-emo: Epekto ng Alkohol (part 1)

01 July 2008

“Anong Problema?” tanong n’ya, masyado yata akong pa obvious. Siguro dahil napansin na n’ya na lima nang santo ang tinutumba ko’t nagbukas pa ako ng pang-anim. Baka naman dahil sa kumpol kumpol na upos ng sigarilyo ko na naitataktak ang sigarilyo ko dahil di na nasisinagan ng bumbilya ang ilalim ng ashtray. Baka dahil sa gitna na nang talasinsingan at hinliliit ko iniipit ang sigarilyong hinihithit ko para matakpan ko ang kalahati ng mukha ko tuwing hihithit ako. Pero malamang dahil hindi ko s’ya kinikibo kanina pa, ngayon lang na hiniga na sa banig sa sala si Chino tsaka lang ako nagsalita. Kung kelan kaming dalawa na lang at si San Miguel ang nagkukwentuhan.

“Wala,” sinong niloko ko? Meron, syempre, hindi ko lang masabi ng diretso dahil kasama s’ya sa kwento, at umaandar nanaman ang karuwagan ko, kung matatawag ngang karuwagan ang sobrang pag-iingat na magsabi ng sinasaloob. Binigyan ko ng huling hithit ang yosi at ‘di na ako nag-abalang i-iwas ang usok sa kanya. Nagulat naman akong hindi ko nakita (kahit sa gilid lang ng mga mata ko, gayong di ko sya tinitignan ng diretso) ang pagkunot ng noo n’ya sa usok, tulad ng dati, patunay lang na seryoso ang pagka-concerned n’ya, epekto na ‘din yata ng alcohol.

“Sabihin mo na.” hindi ko sasabihin, alam n’ya y’on. Sanay na din s’ya sa akin, alam n’ya na hindi ko kaya sabihin, na hindi ko kaya ipaliwanag ang mga sinasabi ko, pinatay ko ang yosi sa maong ko, sa tuhod, umaasang mapapaso ako, hindi naman ako binigo ng yosi ko. Alam na niya ito, kailangan n’ya akong tanungin para malaman ko kung paano ko sasabihin ang nasa loob ko, kung magawa ko mang sabihin. Baka naman tangkain n’ya ang ginagawa n’ya dati, na ibahin na lang ang topic at hingin ang opinion ko sa ibang bagay para sumaya ako. Pero kumuha na din s’ya ng sigarilyo sa kaha ko, inabot ko ang lighter sa kanya, kumuha ng sarili kong yosi, at nagsindi na din pagkasindi n’ya ng sa kanya, pinagsabay namin ang isang mahabang buga.

“Ano ang tingin mo kay Chino?”

12 things said:

_Stine Olivar said...

nays.

Ernest Angeles said...

tenks

Jammin Tanioka said...

hmmmm.

Jammin Tanioka said...

aha! alam ko na! fiction to! influenced by non-fiction brand of beer at isang pangalan na anagram ng hoinC.

Ernest Angeles said...

hmmmm ka dyan


di pa tapos yan

Ernest Angeles said...

tol

hindi anagram yung chino

pero fiction nga ito

Jammin Tanioka said...

tsk, alam ko, Hoinc yung anagram tol.

Ernest Angeles said...

di ko gets tol

_Stine Olivar said...

hahahahaah hoinc hoinc

Jammin Tanioka said...

NAGETS MO!!!! wahahahhahahaaha!

_Stine Olivar said...

hahahahhaa nagets ko pala,, akala ko nakakatawa lang pakinggan :))

Ernest Angeles said...

nayswan, ginawa nang piggery ang multiply ko.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger