The Psychoanaysis of Nanay: Isang Excerpt mula sa kwento kong "The Auditory Perception of Political, Economical, Socio-Cultural And Household Development Oriented Vocal Exclamations of the Female Nurturing Adult"

27 July 2008

Nuong Napagdesisyunan ko na na umaga ko na sasagutan ang number two ng Physics assignment ko at sisimulan ko na mag-review ng Psychodynamic Theories ay nadama ko na ang pagtatangkang i-demolish ang kwarto ko sa mga katok (kabog, suntok, hambalos, kung ano man ang tawag mo sa maingay na pagtama ng malaking kamao sa pinto), Si Nanay, pinagbuksan ko, matapang pala talaga tignan ang kombinasyon ng Daster at syanse.

"BAKIT NAKA LOCK KA?!" good evening din Inay.

"MAY TINATAGO KA BA? ANG GULO NG KWARTO MO!" may tinatago nga, tinatago kong magulo ang kwarto ko. Ikaw kasi, pumasok pasok ka pa dito. Duda ko nag walk-out na si Tatay matapos tamaan ng plato, ako na tuloy ang center of attention. Attention, according to a study, the average attention span of an adolescent is 20 minutes or less. So if nanay intends to lecture me the speech should be no longer than that, otherwise lilipad ang utak ko at wala na ako sa Earth.

Isa-isa n'yang pinapalipad mga gamit ko, nakakagulat kasi kinakaya ng maliit n'yang body built ang mga nakakalat na adobe sa kwarto ko. Bakit ba ang lakas ng fetish n'ya sa kalinisan? If you want to be Freudian about it, it may be because of of deficiencies in her anal stage of development where over-indulgence in potty training may lead to personalities with strong needs for cleanliness and organization to avoid, slash, lessen anxiety. Sabi naman ni Erikson, baka nag fail s'ya sa isa sa mga stages of development, most probably sa 'play age' kung saan shame and guilt ang main dillema nuong stage na 'yun, tama ba? Minental note ko na i-review ang eight stages of development mamaya.

"ANO TO?!" upos, ngayon ka lang ba nakakita ng upos? Huwag na mag salita, hindi ako dapat mag-salita, quiteness. Pero 'di ba silence means yes? Pero hindi naman answerable ng yes or no yung tanong kaya okey lang.

"NANINIGARILYO KA NA?!" bakit? Kala mo ikaw lang? Idol kasi kita, ay lab yu so mats dat ay wan tu bi layk yu. Sabi ni Bandura, maaring matuto ang mga bata sa nakikita lamang nilang reinforced behavior at hindi lamang sa pansariling trial and error. Dinuduro na ako ng inay habang sinusumbat ang ang pagbubuntis n'ya sa akin, ang laki ng diameter ng puke n'ya nung lumabas ako doon, pati pinakain n'ya sa akin at kung ano-ano pa. Naisip ko tuloy yung archetype ni Jung na Great Mother, meron itong life-giving at destructive qualities. Mukhang ito na yung destructive qualities.

"SINONG NAGTURO SA'YO NITO?!" According to Erikson, peer groups are the most powerful factor during adolescent stage. According to Fromm Relatedness is one of the five human needs so ibig sabihin need ang pakikirelate sa kaibigan at nakahanap lang naman ako ng madaling paraan. According to Freud, ito ay oral fixation na dulot ng maikling breast feeding period nuong infancy ko, maagang nawala ang pleasure source during the oral stage of development. Mabilis na inalis sa akin ang right to the nipple, normally ito ay dahil sa mabilis na kasunod na kapatid, pero wala naman akong mga kapatid, maaga paring pinagkait sa akin ang suso, so ibig sabihin, shit, teka, HOLY SHIT! Oo, alam ko na, everything is clear to me, now, ikaw ang dahilan kaya ako naninigarilyo! Its all your fault!

18 things said:

_Stine Olivar said...

hahahahahahah
ang galing talaga nito bot!,, 150 na 150! ang ganda ng mga pasok hahahaha

Ernest Angeles said...

of course, that's why I'm the best, hehehhe

_Stine Olivar said...

ngak, parang gusto ko nang bawiin.. =.=

Jammin Tanioka said...

sinulat mo to, uhhhh, 1) a year ago? tama?
or errr, sinulat mo na may 2) bukas na libro nina Feist and Feist?
or uhhh, imposible to e, 3) naalala mo lahat? (ASA!)

Probability Order: 1, 2 and uhhh, isip pa kong madami dito, tapos 3. =D

Ernest Angeles said...

one year ago, pinasa ko to kay ser jun eh, pero yung beuong kwento, last part lang to e.

naaalala ko pa ah!

Ernest Angeles said...

touch move!

_Stine Olivar said...

naalala mong may kopya ka...

Ernest Angeles said...

honga, yun din yung sasabihin ko e, inunahan mo lang ako.

Jammin Tanioka said...

hindsight.

Matt Tuazon said...

haha... try mo nga kayang idahilan sa ermats mo 'tong mga banat mo d2. :))

Maipapanganak cguro ang bagong theory of personality... o baka bagong toerya ng paggunaw ng mundo. haha

_Stine Olivar said...

ay seken da mowsyon.. hahahahah

Ernest Angeles said...

ika nga ni ser Jun,

"fictionist kaya ako! I'm not capable of telling the truth!"

kaya hindi ko na idadahilan.

romiena albano said...

oh my god! ay lab this post anak! haha. panalo talaga. mukha akong tanga na tawa ng tawa dito sa condo! haha. :) ipapabasa ko to sa mga kaklase ko nung hs ha? haha. :)

btw, kung sino man ang prof mo sa personality at child psych, im sure proud sila sayo kung ganyan mo nga talaga ginagamit ang mga theories ng psych sa buhay mo. haha. :)

im so prouod of you anak! :D

Ernest Angeles said...

thank you mother, I will make sure na hindi ko gagamitin ang pagdadahilan na yan kapag pinapagalitan mo ako.

_Stine Olivar said...

hahahhahahahha

mukang magandang panatilihin mo ang noledz mo ng 150 at 155,, maganda epekto sa audience,, (huwel sa mga nakakarelate epektib talaga,) mukang sa hindi sayk, eepek rin e,,nakakawirdo pakinggan yung theories sa unang basa e,, akalain mo yun,, potty training :)) maganda rin pasok ng span ng attention :))

Ernest Angeles said...

ernest the best

ej dizon said...

is it true that the attention span of an dolescent is 20 minutes or less.
hu said that?? based on what study?? what or where's the proof??

Ernest Angeles said...

dahil fiction naman yan hindi ko na ineffortan i-research, tsismis lang ata na nadinig ko, heniwey,

ano tingin mo sa kwento?

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger