Isang Masayang Blog Entry

05 August 2008

Kung masaya ang blog entry, dapat pa ba ito isulat? Para saan? Para ipaalam ang kasiyahan sa madlang earth? Para hingan ng komento ng kaibigan, kapamilya, kapuso, kabarkada, kabatak, katoto, kabisyo? Para mang-ingit? Kaya siguro hindi ko magets ang mga travelouge, kasi puro lang ito pagkukwento ng paglalakbay na masaya naman siguro, minsan kahit napapangitan yung awtor nung travelouge sa lugar ay nakakainis parin kasi nakapunta s'ya, pointless basahin pa. May purpose ba talaga mag-sulat ng masayang blog entry? Mapapasaya mo ba ang mga mambabasa mo kapag masaya ang blog entry mo? Siguro, pero ang lungkot naman sumaya dahil sa masaya ang iba, parang ang emo nung ideya.

Susubukan ko sana gumawa ng masayang blog entry, tulad nung mga mas matanda kong blog entry, yung tipong blog talaga, yung "Masayang Nangyari sa Buhay ko this Day" na blog entry. Pero wala naman pala masyadong eventful na nangyari sa kanina na masasabi kong masaya, kahit nga yung joke ng prof ko sa Arkiyoloji na nagpatawa sa akin ng laughter na anti-stress na tumagal ng at least 2 hours ay hindi ko na maalala. Hindi naman masaya o eventful man lamang ang pagtambay kasama si John mag hapon. Hindi naman eventful na makakabuo ng 200-word essay yung pag kakuha ko ng Joker para sa aking koleksyon, hindi naman ako sumaya na Dunhill ang yosi ko, hindi naman ako masaya na *blag*, hindi naman pala masaya, bakit ko pa ine ennumerate? Bakit ko pa kayo tinatanong kung bakit ko ine ennumerate? Bakit ba kayo pa ang tinatanong ko sa kung bakit ko ginagawa ang ginagawa ko e wala naman kayong maisasagot, sikolohistang lehitimo ba kayo? Ano ba ang lehitimo? Paano maging lehitimo? Lehitimo na ba akong tao? Tao ba ako? Ano ba ang tao? Tao ba kayo? Tunay ba ang mundong ito? Pag sinubo ko ba ang red pill ay lalabas na ako ng matrix at magigising sa isang pulang pod kung saan ginagawa lang akong baterya ng isang gigantic Artificially intelligent robot? Kelan kaya ang susunod na pelikula ni Keannu Reaves? Sino mas magaling kay Keannu at Nicolas Cage? E kay Istalon at Swarseneger? E kay Batman at Zorro? Importante ba ang mga tanong ko?

Isa pa yan, madami akong blog ng tanong, patanong, humihingi ng sagot. Minsan hindi naman talaga humihingi ng sagot, rhetorical lang yung tanong. Minsan humihingi ng tanong, humihiling na tanungin, minsan nag-aalay ng sagot, minsan nag-kakait ng sagot pero gusto lang ipag diinan na hindi ko ibibigay ang sagot. Ano ba ang punto ng pagtatanong sa blog? Kaya minsan ayoko na magtanong, lalo na kung direktang para sa isang tao lang ang blog ko, tapos kunwari para sa lahat, minsan pinapahalata talag na para sa isang tao lang. Paano ba nahuhusgahan ang husay ng blog entry? Sa dami ng komento? Sa haba ng diskusyong nabuo? Sa sayang naidulot sa iba?

Ako mismo mahilig ako sa fame, kaya gusto ko madaming users na nagbasa, tsaka madaming nag-effort na komentan, kaya minsan gumagawa ako ng kontrobersyal, natutunan ko nga lang na iba-iba pa pala yung famous at infamous. Pagkakaiba? Famous yung tulad ni... uh... ni Brad Pitt, ganun. Yung infamous tulad nung nangyari kaya ako nagkaroon ng fans club, kung di mo pa alam na may fans club ako check mo yung links page.

Masaya ba itong blog entry na ito? Hindi naman talaga yun ang purpose ko kaya ako nag ba-blog, dito lang ako nagpapaka intelektwal at nag papraktis ng mga paglalaro ko sa pagsusulat. Hindi ko naman gusto talaga gawing masayang blog entry ito, gusto ko lang magsulat. Gusto ko lang ng mala-Bamboo na title, tulad nung kanta nilang masaya na sa ang unang phrase e "Ako'y malungkot nanaman". Hindi naman ako malungkot ngayon, hindi naman ako badtrip, hindi naman ako intellectually itched, hindi naman ako natutuwa lang sa keyboard ko at gusto ko lang pindot-pindutin, hindi rin naman ako emotionally disturbed (well, medyo), lalo namang hindi ito epekto ng psychopathology (as far as I can tell).

 

Salamat sa Pagbabasa.

9 things said:

_Stine Olivar said...

hahahaha,, hmn.. kwentong kwento tong kwento mo, natuwa akong basahin,, tono palang,, napakaneutral na,, pero mukang wala namang masyadong reklamo sa buhay,, sana kung di ka tawa ng tawa e madalas ka nalang ganyan, kesa emo ka. pramis pare, lumiliwanag ang earthh

Ernest Angeles said...

hehehe, napaka wala lang ng blog na ito. Hindi ko sya gusto maging masaya at ayoko naman sya maging malungkot, hindi ko naman sya conciously pinilit gawing neutral, naging enutral lang talaga sya, neutral lang yata talaga ako nung mga panahong yun.

Ayoko naman maging ganoon parati, baka maging gray character ako, ayoko nun. Gusto ko me swings ng moda, may peaks at lows, may flat lines, mat fat lines, may cellulite, may beer belly, may double chin, ganun.

Let there be light

And there was light. (wow, Dyos na ako, pede ko na palitan si Anne Curtis)

Matt Tuazon said...

Ayoko ng gray... colorful na lang, pwede? haha...

Ernest Angeles said...

hindi naman to gray e, colorful naman yata,


neutral lang. tipong entry na loose, magaan, ganun, parang wala lang (actually, wala lang talaga)

_Stine Olivar said...

hahaha di na bale gray, basta may tones,, kesa may kulay,, pero dull

_Stine Olivar said...

cellulite, beer belly O__O

_Stine Olivar said...

narealize ko kung gano ako nag eenjoy sa monotonous na buhay,, at naooverwhelm sa colorful... *isip mode*

Ernest Angeles said...

nakakaburyong pag laging gray, masarap din ma-overwhelm

think, di ba natutuwa ka kapag overwhelming sa husay at ganda ng ideas ni Fronda? o ni Tangco?

_Stine Olivar said...

yan ang shades ng gray.. :D

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger