Kung Bakit Ayoko ng Plurk

17 October 2008

Ayoko ng Plurk,

Ayoko ng Plurk dahil ang genius ng ideyang ito, hayaan lang silang maglagay ng one liners at kalayaang magkumentuhan sa mga one liners na ito. Bigyan mo sila ng reinforcer at punishment (karma system) kapag nag plurk sila, taasan ang karma, bigyan ng bagong features, pag hindi, babaan ang karma, pagkaitan ng features.

Ayoko dahil hindi ako makapagpaliwanag ng ganito, may comment na kaagad bago ka makapagpaliwanag, mahirap, parang YM lang na grabe ang lag. Ayoko dahil nakaka-adik, masyado madaming pwedeng gawin, masyado nakakaengganyo na mag lagay ng madaming plurk dahil maiikli lang ang nilalagay mo

Ayoko ng Plurk kasi mawala ka lang ng isang araw ay isang milyon na ang hindi mo nabasang plurk mula sa mga katropa mo, kung ano-ano, lahat masarap komentan, para ka tuloy nakakain ng isang buong happy pizza mag-isa.

basta ayoko ng plurk, kaya hindi ako magpapataas ng karma, masaya na akong pwede ko na pangalanan ang page ko. 

10 things said:

_Stine Olivar said...

= = kamon hamon mamon.

mohico presbitero said...

kaya nga e.. ikaw naa-adik ka.. ako naman nahihirapan.. kasi nga pagbalik mo para ka nang natabunan ng messages... tapos one line lang din naman ang iko-comment..

_Stine Olivar said...

solusyon: wag ifollow ang timeline ng mga friends na minuminuto nag puplurk. puntahan na lang ang site nila. :>

Ernest Angeles said...

basta ayoko na ng plurk, bibihirain ko na ang pagpuplurk

nikka munion said...

tamang tama ka!

add mo ako sa plurk! nikkamunion

_Stine Olivar said...

lolx

Ernest Angeles said...

galing oh, I can feel the irony... hehehe hilarious

_Stine Olivar said...

hahahahaha

kulang ka ng dude.. =))

Ernest Angeles said...

honga dude,


dude.

_Stine Olivar said...

raaaaaayt pare.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger